Nagyaya na akong umalis kaya inayos na namin ang mga dala. Sinabi ko din kay Raevan na iuuwi ko 'yong mga dala niyang pagkain. Ang sarap kasi talaga.
Sunod naming destination naman ay sa Calamba.
Sa bahay kami ni Rizal pumunta. I went here before. Lagi kasi itong kasama sa field trip pero masaya pa ring balik-balikan.
"Alam mo bang hindi si Rizal ang itinuturing na opisyal na pambansang bayani?" My trivia when we went inside.
Hindi na ako masiyadong naglibot pero tumitingin pa din ako sa paligid.
"Oo. Nadiscuss 'yan sa Rizal subject namin no'ng first year" ani ni Raevan habang hawak ang DLSR.
"Hmm? What do you remember?" Nag-ala teacher mode tuloy ako.
"It's under executive order no. 75. Itinitag ni Fidel V. Ramos ang National Hereos Committee na siyang mag-aanalisa at mag-aaral kung sino ang karapat dapat na bayani. If I'm not mistaken, there are 9 candidates for national hero"
"Tama ka." I said, impressed of his explanation. "Sino-sino ang mga iyon?"
"Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pillar, Sultan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino and Gabriela Silang" sinagot niya iyon ng walang kabulol-bulol.
Napalakpak ako. "Tumpak. Ang galing. Tama lahat"
"I just remembered actually"
"Huwag pa-humble utoy"
"Stop calling me utoy. I'll call you Tita Yena if you keep repeating that" tumaas ng kaunti ang kilay niya bago muling kumuha ng litrato.
Tita Yena? Nako, mas lalo na akong tumanda niyan.
After namin sa Calamba, pumunta muna kami saglit sa mall para magpalamig at humanap na rin kami ng stall para kumain ulit ng snacks.
"Have you ever tried arcades?" Tanong niya nang madaanan namin iyon.
Umiling ako. I basically think that I'm too old for games. Isa pa hindi rin naman ako madalas sa mall dahil hindi rin naman ganoong kalakihan ang sahod ko tapos nagpapaaral pa ako ng isang kapatid. Sagot ko din ang maintenance ng dalawa kong magulang sa probinsiya. Though, nagsasaka naman si Tatay at may mga alagang baboy kaya kahit papaano nakakatulong iyon pangtustos ng mga bayarin.
"Do you want to try?"
"Pwede naman" tiningnan ko ang oras.
Medyo maaga pa kaya pumayag na ako. Hinayaan ko si Raevan na siya ang pumila at magpapalit ng tokens. Tumitingin lang ako sa paligid at kung ano ang mga ginagawa nila.
Nanood pa ako sa mga kumpol ng mga nasa mid 40's na nanghuhuli ng isda sa isang malaking parang screen.
Minsan napapaturo pa ako kapag may nasungkit silang malaking isda.
Galing naman.
"Tara na"
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Rhyme. Naghanap kami ng bakanteng pwedeng paglaruan. Dinala niya ako sa basketball section.
"Try mo" aniya sa akin at hinulugan ng dalawang coins.
"Samahan mo ako"
"It's tiring"
Sumandal lang siya sa gilid ko at pinanood akong mag-shoot ng bola kasi walang choice dahil bumagsak na ang mga bola.
Hindi ako magaling mag-shoot pero minsan nakakatsamba naman na. Masaya ito laruin lalo na no'ng nagsunod-sunod ang score ko.
"See? You can beat that?" Tanong ko kay Raevan, nanghahamon.
"It's only 70 pts" he shrugged but he take the challenge. Naghulog ulit siya ng dalawang barya at nagsimula na rin siyang maglaro habang nasa gilid ako.
Natawa ako dahil hindi siya maka-shoot. I could see how irritated he is while trying to shoot the ball consistently.
He's not sporty. Halata naman sa katawan niya.
"Ano ka ngayon?" Tanong ko nang makitang naka 69 points lang siya.
"Just only one point difference"
"Talo pa din" I chuckled.
He clicked his tounge before roaming around.
"Then beat me in this game"
Tinuro niya 'yong isang fighting game. T*kken ata 'yon.
"Mukhang nilalaro mo talaga 'yan. Talo talaga ako"
"Tss" magkasalubong ang kilay niya.
Galit pa rin siya.
Since two player 'yong T*kken, sinubukan ko na din. Inaral ko muna ang controller at kung paano laruin bago siya sinubukang laruin.
Unang laro pa lang, mabilis akong nababawasan ng lives. Raevan is too good. Ang bilis ng mga daliri niya. Alam niya rin ang ginagamit niyang character e ako basta magandang babae o kaya malaki muscle, 'yong pinipili ko.
Sa sampung beses naming naglaro, lahat talo. Lahat K.O ako.
He seems so proud about that. Kita sa pag-taas ng noo niya na ipinagmamalaki niya iyon.
Masakit ba sa ego na matalo?
I could say that Raevan is somehow younger than me. May mga immature attitude pa rin siya. Pero lahat naman mayroon.
Na-re-realize ko na kaagad kahit kalahating araw pa lang kaming magkasama.
"Umalis na tayo bago pa tayo gabihin pag-uwi"
"Wait. Ubusin ko lang ito" may natira pa siyang apat na token. Hinintay ko na lang siya sa labas.
After a couple of minutes, Raevan exited the arcades holding a cute crochet sunflower keychain.
"Saan mo nakuha 'yan?" Gusto ko tuloy bumili.
"Bigay lang"
"Huh? Nino?"
"Some girls inside" tinuro niya 'yong loob ng arcade na parang alam ko kung sino 'yon.
Hindi na ako nagtaka. Raevan is good looking.
"Can I have it?" Nilahad ko ang kamay. It's so pretty.
"You can have it. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ko kinuha" he placed the key chain on my hand.
Tinago ko kaagad iyon. Mahirap na, baka bawiin.
Ang ganda pa naman.
Lumabas na kami ng mall at bumalik sa biyahe.
"Saan naman tayo ngayon?"
"Pila Laguna"
"Ah okay. Gusto ko makita ang mga ancestral house doon"
Medyo traffic sa calamba kaya natagalan kami pero nang makarating naman kami ay kaagad kaming naglibot sa mga ancestral houses.
Lumalayo si Raevan para kumuha ng mga litrato. May mga kuha rin siya na kasama ako pero hindi kita ang mukha kaya okay rin.
After namin maglibot ay kumain ulit kami ng mga turo-turo. Sumakit pa nga ang tiyan ni Raevan no'ng kumain kami ng bugok.
Isa daw iyon sa mga famous na kinakain dito sa Laguna. Gawa iyon sa bugok na itlog, 'yong mga itlog na pabulok na kaya naman malalasahan mo talaga 'yong amoy na mabaho pero ang sarap niyang ipartner sa suka.
Masarap siya para sa akin lalo na sa siling maanghang.
Anyway, kinailangan kong bilhan ng gamot si Raevan para sa sakit ng tiyan. Naki-cr din kami sa isa sa mga bahay do'n dahil wala na kaming makitang public restroom.
"Ahmm boyfriend mo ineng?" Tanong sa akin ng matanda na may-ari ng bahay.
"Ah hindi po" kaagad kong tanggi.
"Bagay kayo" humagikhik siya.
Namula ang pisngi ko. "Ahm hindi po kami pwede"
"Ay bakit naman? Parehas naman kayo maganda at pogi"
Guro ako at estudyante ko siya.
Gusto ko iyong isagot pero tumahimik na lang ako.
Tumagal si Raevan sa cr. Panigurado nasira ang tiyan niya sa pagkain no'n. Halatang sobrang dami niyang inilabas ah?
Ilang minuto rin 'yon bago ko nakita na lumabas si Raevan na hinang-hina at namumutla.
"Ano? Okay ka na?" Tanong ko dahil halatang nanghihina siya. Kinailangan ko pa siyang alalayan kasi namumutla talaga siya.
"I'm not okay. I will not eat that again" he groaned.
"Pwede po makiupo muna?" Tanong ko sa matanda dahil parang hindi pa kaya ni Raevan na umalis.
"Oo naman hija. Sige lang"
Umupo kami saglit sa kaniyang bangkong gawa sa kahoy at nanghingi ng tubig. Buti na lang mabait ang matanda at binigyan kami ng tubig. Panigurado na-dehydrate si Raevan dahil sa dami niyang inilabas at tingin ko nakatulong iyon para umayos na ang pakiramdam niya.
Inaaya pa kami ni nanay na maghapunan pero tumanggi na kami kasi lumubog na ang araw kaya umuwi na kami.
"How's the date?" Tanong ni Raevan habang nasa daan kami.
Nanatili ang mga mata ko sa bintana at tinitingnan ang mga city building. Talagang uuwi na kami.
I just realize it now. Hindi ko alam na ganoon kabilis iyon nangyari.
"I enjoy it" I genuinely said. Iyon naman talaga 'yon e. Ayaw kong itago iyon. "It is peaceful not forceful" dagdag ko pa.
I had fun. Gusto ko 'yong ganitong date. This is what I imagine with Paulo and I don't know that I'll experience it with my student.
With Raevan.
"Buti naman kung ganoon. I guess my first date is successful?"
Hindi ko maiwasang matawa. Hindi ko alam kung sadya ba talagang first date niya ito. Parang marunong naman talaga siya makipag-date.
"And this is your last date with me. Sabi mo titigil ka na ah?" Pagpapaalala ko. Baka nakalimutan niya na kasi e.
"I know. Tutupad ako huwag ka mag-alala"
Sumilip ako sa kaniya at nakita ko ang kaunti niyang ngiti pero hindi na 'yon umabot sa mga mata niya.
The atmosphere suddenly become awkward after that.
Tahimik lang kami sa biyahe hanggang makarating kami sa bahay.
I stayed for a couple of minute in his car. Hindi ako makagalaw agad.
It just...hindi ko talaga maisip na tapos na ito.
Inaamin ko na nalulungkot din ako at nanghihinayang.
Yep. Nanghihinayang.
"Wait lang. May ibibigay ako sa'yo" ani ni Raevan.
"Sige" tumango ako at nananatili sa loob.
Lumabas siya at nagpunta sa likod ng compartment. Kinuha ko na din ang libro niya na nasa bag ko. Ibabalik ko na kahit hindi ko pa nabasa lahat.
Sayang at gusto ko hiramin pero siyempre gusto ko na rin putulin 'to hangga't maaga pa.
Inayos ko ang pagsarado ng libro at nilagay ko sa hita nang bumalik na sa driver seat si Raevan.
May dala siyang basket at ilang mga larawan.
Ibinigay niya iyon sa akin.
"Here's the small souvenir about our date"
Kinuha ko iyon sa kamay Tiningnan ko ang unang larawan. It was my picture of my back while staring at the painting. Ito 'yong picture ko kanina sa Museo De San Pablo. Sunod na larawan ay isang candid shot ko habang nagbabasa ng libro sa Nagcarlan. Sa pangatlong picture ay no'ng naglalakad ako sa Pila habang nakalagay ang kamay sa aking likod. Side view lang ang kuha at hindi kita ang mukha ko fully. Last na larawan ay ang kamay naming magkahawak.
Doon nagtagal ang titig ko bago ako tumingin kay Raevan na bakas ang lungkot sa mga mata.
"I don't really want this to end" sambit niya bago inayos ang suot niyang salamin. "But you have a point" dagdag pa niya.
Iniwas ko ang tingin kasi hindi ko rin siya matingnan na malungkot.
"I'm sorry for what I did ma'am..."
Ma'am.
Why it sound so disgusting now?
"Don't worry. I won't disturb you anymore. I'm a man of my words. The deal is done"
Lumanghap ako ng maraming hangin dahil nararamdaman ko ang pagsikip ng dibdib.
Bakit masakit sa dibdib?
Tumango ako. "Aasahan ko 'yan Mr. Santiago" Ibinaba ko muna saglit ang mga litrato para ibigay ang libro niya.
"Eto na pala ang libro mo-"
"It's yours"
"Ha?" I widen my eyes and shook my head. "Hindi na-"
"Okay lang. Nabasa ko na iyan ma'am. I insist" itinutulak niya iyon palapit sa akin kaya wala akong magawa kung hindi tanggapin.
"S-salamat" inipit ko ang larawan doon bago ko niyakap ang libro at hinawakan ang basket na may lamang tirang pagkain namin.
"Ahmm...sige alis na ako"
"Sige ma'am. Pagbuksan na kita ng pinto"
Bumaba siya ulit at umikot para pagbuksan ako ng pinto. He gave me a small smile when our eyes met.
Tumingin ako sa labas bago muli sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko na lumabas. Why I'm hesitating?
"May gusto ka pa sabihin ma'am?" He asked. Yumuko siya para silipin ako.
Hindi ko siya pwede jowain at mas lalong kalandian.
I know the rules. May sinusunod kaming code of ethics. Hindi ito tama.
I know it's not.
But...
Hinigpitan ko ang kapit sa libro. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili ko pero muli ko lang ibinuka ang bibig.
"Ahm...I'll finish this book and I would like to discuss it with you when I finish reading it"
His lips parted when I spoke, not expecting it.
"Discuss it.." he murmured as his eyes widen. "Do you mean we can still...meet?"
Mariin akong pumikit dahil alam kong pagsisisihan ko ito.
Muli kong minulat ang tingin at tumango.
"I'll just contact you after I read the book"
His eyes sparkled with joy as he nod repeatedly. Nahihiya akong umalis sa sasakyan niya at pumasok sa bahay ng hindi siya nililingon.
Pagkasarado ko ng pinto ay napasapo ako ng noo.
Nababaliw na ako.
___________
LAST PART