Chapter 2 -Sino Talo?-

1742 Words
◄Josh's POV► Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi man lamang niya ninais na takpan ang katawan niya ng makita ko ang hubad niyang katawan. Napaka perpekto ng hubog niya, at aaminin ko na sa kanya ko lang nakita ang tunay na kagandahan ng isang babae. Sabi din niya sa akin ay first kiss niya ang ginawad niya sa akin pero gumamit siya ng dila at sa dami ng naikama ko ng babae, alam kong ang halik na 'yon ay hindi na first time. Mas lalo akong nakumbinsi ng maglakad siya ng walang saplot sa harapan ko na tila ba sanay na sanay na siya. Ngayon ay nagdadalawang isip ako na isiping virgin pa si Celestina dahil base sa nangyari, hindi na siya virgin katulad ng nais niyang iparating sa akin. Kung gayon ay hindi ko na pala siya dapat pag-ingatan pa dahil sa nakita ko, hindi ako ang makakauna sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang palabasin na first kiss niya 'yon samantalagang okay lang naman sa akin kahit may ibang lalake na ang dumaan sa buhay niya. Nuong hinalikan niya ako, may kung ano akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung ano ang nararamdaman kong ito lalo na ng makita ko ang kahubdan niya. Ngunit sa tingin ko ay tanging pagnanasa lamang ang umiiral sa akin ngayon. Pagnanasa sa katawan niya na hindi ko maaaring gawin dahil kaibigan ko si Hugo na asawa naman ni Joyce. Ang ate ni Celestina. Kailangan kong umiwas sa kanya, kailangan ko siyang layuan upang makalimutan ko ang pagnanasang nararamdaman ko para sa kanya. "Ang tahimik mo naman yata? May gumugulo ba sa isipan mo?" Napatingin ako kay Saraya na naglalakad papasok sa loob ng aking opisina. Natawa ako ng mahina na hindi ko man lamang naramdaman ang pagpasok niya o hindi ko man lamang napansin ang pag-bukas niya ng pintuan. Masyado nga yatang naokupado ni Celestina ang pag-iisip ko. "What brought you here?" ani ko sa kanya. "You promised to take me out to lunch today. Don't tell me you've already forgotten about it." wika niya kaya bigla akong napahilot sa aking sintido. Nangako nga pala ako sa kanya na ilalabas ko siya ngayon. Dahil sa kakaisip ko kay Celestina at sa nangyari ay maraming bagay tuloy akong nakakalimutan at napapabayaan. "I'm sorry, nawala lang sa loob ko dahil sa dami ng trabaho. Let's go at gutom na nga ako," ani ko at tumayo na ako. Kinuha ko ang coat ko at pagkasuot ko nito ay ipinalupot niya agad ang kamay niya sa braso ko. Pagkarating namin ng mall ay naghanap agad kami ng makakainan. Isang sikat na Italian restaurant ang natipuhan namin kaya agad naman kaming iginiya ng waiter sa loob. Pagkatapos naming umorder ay may napansin ako sa isang table na hindi naman kalayuan sa pwesto namin. Dalawang babae ito at hindi ako maaaaring magkamali na si Celestina ito at si Trenz. Napalingon sa kinaroroonan ko si Trenz at nagulat pa ito ng makita niya ako. Agad naman itong tumayo at nilapitan kami. "Nandito ka pala at mukhang may ka-date ka yata," wika niya. Napangiti lamang ako at hindi ko tinitignan si Celestina na nakaupo pa rin sa pwesto nila. "Hi! My name is Saraya, Josh girlfriend," ani nito kaya napatingin ako sa kanya. Hindi naman siya tumingin sa akin pero nakatitig na siya sa pwesto ni Celestina na sa tingin ko ay nakatingin na sa pwesto namin. "Do you want to join us? Kayo ng girlfriend mo?" ani ni Saraya kaya muli akong napatingin sa kanya at tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "Oh, she is not my girlfriend, she is my younger sister," ani ni Trenz na tinanguan lamang ni Saraya. "Do you mind if we share in one table para naman may makausap kami?" ani niya na sa akin nakatingin. Nagkibit balikat lamang ako at itinuro ko ang bakanteng upuan kaya napangiti ito at binalikan si Celestina sa table nila. Nakita ko na nagtatalo sila pero walang nagawa si Celestina at lumapit na rin sila sa table namin. "Celestina, ito nga pala si Saraya, kasintahan ni Josh," wika ni Trenz at nakita ko ang pagkagulat nito ngunit panandalian lamang. "Buti at pinatulan mo ang isang katulad niya? Masisira lang ang buhay mo sa lalakeng 'yan," wika niya kaya napatawa ako ng pagak. "Celestina, anong klaseng pag-uugali 'yan?" ani ni Trenz pero umirap lamang siya. "Actually, siya ang bubuo ng buhay ko. Hindi ba babe?" ani sa akin ni Saraya kaya inakbayan ko ito at tumango ako. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at isang matalim na tingin ang mabilis na ipinukol niya sa akin. Tumayo ito at akmang aalis ng magsalita si Saraya. "Can't handle the heat?" ani niya. Napahinto si Celestina at tinitigan niya si Saraya. Nakikita ko ang disgusto sa mukha ni Celestina habang nakatitig dito. Isinandig ko ang ulo ko sa balikat ni Saraya habang dahan-dahan namang bumabalik si Celestina sa kinauupuan niya. "May problema ka ba sa akin, Miss Saraya? Iniisip mo ba na aagawin ko 'yang boyfriend mo na hindi naman kagwapuhan, or threaten ka sa presence ko dahil maganda ako at kanina pa ako tinititigan ng ka-date mo?" Natawa ako at napayuko ng bahagya dahil hindi ko alam na nakikita pala niya na tinititigan ko siya. "Hindi kagwapuhan? Hindi pala kagwapuhan sayo ang boyfriend ko, pero kung makatitig ka sa kanya kanina daig mo pa ang hinuhubaran siya." Natawa naman ng pagak si Celestina. Magsasalita pa sana siya ng inawat na siya ni Trenz. "I think sa iba na lang kami kakain." Tumayo si Trenz pero pinigilan agad siya ni Saraya. " I'm sorry, please stay. I'm sorry Celestina. I'm sorry sa naging asal ko." Paumanhin ni Saraya sa kanila. Napatango naman si Trenz at bumalik ito sa kanyang upuan. Sinenyasan din niya si Celestina na bumalik sa pagkakaupo nito. "Pasensya na bro, minsan kasi pasaway din itong si Saraya." ani ko. Tumango lamang siya at umorder na kami ng makakain. "Babe, tikman mo ito. Masarap 'to at sigurado akong magugustuhan mo." Binuksan ko naman ang bibig ko ng malaki upang maisubo ko na buo ang isinusubo sa akin ni Saraya. "Patay gutom lang? Grabe naman itong maka-nganga, parang patay gutom lang." Napatingin ako kay Celestina. Bulong man ang pagkakabigkas niya pero alam kong sinadya niyang iparinig sa akin. "Celestina, enough!" May kalakasang sabi ni Trenz. "Don't worry bro. Hindi ako affected. Basta ba ganito kaganda ang magsusubo sa akin, kahit makipot ang labi ko ay biglang lumalaki. Hindi ba babe?" wika ko naman. Nakikita ko na ang pagkainis ni Celestina. Habang tinutusok niya ng tinidor ang kanyang pasta ay palakas ng palakas ito at kulang na lang ay pasaksak niya itong gawin. "Celestina," tawag sa kanya ni Trenz kaya para itong nagising sa malalim na pagkakatulog at nagulat pa ito ng makita niya ang nangyari sa pagkain niya. "Oh, I'm so sorry, iniisip ko lang kasi ang boyfriend ko na naiwan ko sa England," wika niya kaya napakunot noo ako. "Huh? Kailan ka pa nagkaroon ng nobyo? Hindi ba at ikaw pa ang nagsabi na NBSB ka?" Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Trenz. Pasimple akong tumingin sa kanya pero masamang tingin lamang ang ipinukol niya sa akin. "May boyfriend ako kuya! Nakakainis ka, may boyfriend ako noh!" Depensa niya kaya natawa kami ni Saraya ng mahina. Masama naman niya kaming tinitigan. Hindi naman ako kumibo at napapailing lamang ako. Si Trenz ay hindi na rin kumikibo at busy naman itong kumakain ng masarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. "Kung kapag makikipag boyfriend ka, dapat ay katulad siya ni Josh na mapapaungol ka sa kama," "Saraya!" galit kong ani ng marinig ko ang sinabi niya. Napapailing na lamang ako dahil hindi ako makapaniwala na nasasabi niya ang mga bagay na 'yon. "Joshko! Tumigil ka!" wika ni Celestina. Bigla naman kaming napatingin kay Celestina. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o pinaglalaruan lang ako ng aking pandinig. Gayunpaman ay tumahimik na ang lahat at magana na lamang kaming kumain maliban kay Celestina na mukhang minurder ang kanyang pagkain dahil kanina pa niya ito sinasaksak lang ng tinidor. Pagkatapos naming kumain ay nagkaroon pa ng kaunting kwentuhan sa pagitan namin ni Trenz. Tahimik lamang ang dalawang babae na kasama namin hanggang sa may dumating na isang lalake. "Ces? Is that you?" Bigla namang napatingin si Celestina sa lalaking pangit na kaya lang malaki ang katawan ay dahil mukhang manas. Matangos lang ang ilong nito dahil mukhang retokado. Makinis lang ang balat nito dahil thank you sa gluta. In short, higit na mas magandang lalake ako kaysa sa kanya. "Tyrone? Oh my god!" Napatayo si Celestina at biglang niyakap ang lalake na tinawag niyang Tyrone. Tumayo naman agad ako at inilayo ko ang katawan ni Celestina sa lalake. "Do I know you?" ani ng lalake sa akin. Natawa naman ako at naririnig ko rin ang mahinang pagtawa ni Trenz na hindi ko alam kung inaasar ba ako o wala lang talaga siyang pakialam na may kayakap ang kapatid niya. "No, I don't believe so. Don't bother trying to get to know me. You will regret it." Tinaasan naman agad ako ng kilay ni Celestina at hinawi ang katawan ko. Lumapit siyang muli sa lalake at kumapit agad siya sa braso nito sabay sandig ng kanyang ulo sa balikat nito katulad ng ginawa ko kanina kay Saraya. "Kuya, maglilibot lang kami ni Tyrone dito para makapag-usap kami ng walang istorbo," wika niya na parang napaka sweet niya. Bigla naman akong napatingin kay Trenz dahil hinihintay kong pagbawalan niya itong sumama sa herodes na ito pero parang bale wala lamang ito sa gagong ito. Pinanlalakihan ko siya ng mata na hindi naman ako pinapansin. "Okay, ingatan mo ang kapatid ko Tyrone kung ayaw mong patayin kita." Hindi naman ako makapaniwala sa aking narinig. Kilala ba niya ang Tyrone na 'yon? Sino ba ang manas na lalaking 'yon at ang angas ng dating. Akala mo ay kung sinong gwapo, mukha namang retokado. "Seryoso ka bro?" Natawa lamang si Trenz sa sinabi ko at sumandal pa ito sa upuan niya habang nakatingin sa akin at natatawa. Napatingin naman ako kay Saraya na nakataas na ang isang kilay na napapailing sa akin. Muli kong tinignan sila Celestina ng nagsimula na silang maglakad. "Babe, umupo ka nga dito," inis na ani ni Saraya kaya kunot noo akong napaupo habang pinagmamasdan ko ang dalawang magka-pareha na papalayo sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD