Chapter 6 -Be my girl-

1820 Words
❀⊱Celestina's POV⊰❀ "Besh ano tingin mo kay Jonathan? May nobya na kaya ang lalakeng 'yon?" Syempre nagtatanong lang ako kasi nga gwapo. Ang mga gwapong katulad ng Jonathan na 'yon ay siguradong napapalibutan ng maraming magagandang babae. "Bakit ako ang tinatanong mo? Kasama natin siya kanina dapat tinanong mo na siya. Mukhang interesado sayo, sa tingin ko wala pang girlfriend 'yon. Kung may girlfriend kasi 'yon, dapat hindi siya nag-iisa sa ganito ka-romantic na lugar, hindi ba?" May point naman si Sandy. Oo nga naman, kung may nobya na ang lalaking 'yon ay siguradong kasama niya ngayon ang girlfriend niya. "Ang gwapo niya noh!" "Ang landi mo Celestina! Nakakaloka ka, napaka-salawahan ng puso mo," aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya pero napapaisip din naman ako. Bakit nga ba sa tuwing malalapit ako sa lalaking 'yon ay mabilis na tumitibok ang puso ko? Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag. Ibig bang sabihin nito ay hindi ko totoong mahal si Josh? Ibig ba sabihin nito na si Jonathan ang gusto ko? My gosh, ang hirap naman ng nangyayari sa akin! "Natahimik ka na? Iniisip mo si Jonathan ano?" Panunukso niya. "Besh, bakit nga kaya ganoon noh? Kanina nuong kasama natin siya ay muntikan ko ng himasin ang mukha niya. Nakakaloka! Nakakahiya ang ginawa ko kanina. Napahiya din ako dahil bigla niyang pinigilan ang kamay ko. Nakakahiya talaga 'yon!" Palatak ko na ikinatawa ni Sandy. "Puntahan na lang nga natin si Evelyn at Jovina. Naliligo na sila sa dagat, ayaw mo ba na maligo muna tayo kaysa naman isipin mo ang lalaking 'yon?" "Hindi ko naman iniisip ang lalaking 'yon. Pumasok lang sa isip ko," sabi ko tapos bigla akong natawa kaya natawa na rin ang kaibigan ko. "Sa lagay pa lang 'yon ay hindi mo pa iniisip ang lalakeng 'yon samantalang mula ng bumalik tayo dito sa suite ay puro Jonathan na lang ang pinag-usapan natin," sabi niya. Hindi naman ako kumibo na. Nagpalit lang ng damit ng swimsuit si Sandy at inaaya na niya akong pumunta sa dagat. Tumanggi naman ako dahil gusto ko mung magpahinga. Susunod na lang ako sa kanila. Gusto ko lang munang magpahinga. "Okay besh. Basta sumunod ka agad sa amin duon para naman ma-enjoy natin itong bakasyon, hindi 'yung puro na lang lalake 'yang tumatakbo sa isipan mo," aniya. Binato ko siya ng unan ng marinig ko ang sinabi niya kaya natawa lang siya at tuluyan na niya akong iniwan. Tumitig ako sa kisame at ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong inalala ang mukha ni Jonathan na nakangiti kanina sa akin kaya napapangiti din ako. 'Ngayon Josh, maipagmamalaki ko ng hindi lang sayo titibok ang puso ko! Soon ay makakalimutan na kita at mababaling na ang pagtingin ko kay Jonathan. Buti nga sayo! Kapatid lang pala ang turing mo sa akin ha, pwes! Patutunayan ko sa iyo na mababaliw ka sa akin ng tuluyan at tatalikuran naman kita.' Tumayo ako at naupo ako sa harapan ng malaking salamin. Tinitigan ko ang mukha ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napangiwi ako. Humugot ako ng malalim na paghinga at inalala kong muli ang narinig ko na sinabi ni Josh. Masakit pa rin na kapatid lang ang turing niya sa akin pero hindi naman ako ang klase ng babae na hahabol sa isang lalake. Kung ayaw niya sa akin ay kalilimutan ko siya. Gagamitin ko si Jonathan para tuluyan ko ng makalimutan si Josh. Tama! Gagamitin ko si Jonathan para makalimutan ko ang Josh na 'yon. Totoo naman ang sinabi sa akin ni Sandy, mukhang may interes sa akin ang lalaking 'yon. Wala namang masama dahil single ako at ang lalaking itinitibok ng puso ko ay may ibang mahal. Natigilan naman akong bigla dahil sa pumapasok sa isipan ko. Itinitibok talaga ng puso ko? Eh ano 'yung nararamdaman ko para kay Jonathan? Pintig ng puson? Nakakaloka naman ang sarili ko. Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng pintuan ng silid ko kaya bigla akong napalingon. May kasama ba ako sa loob ng suite namin? Ang alam ko ay lumabas na si Sandy at ako na lang ang mag-isa dito. Kinabahan naman akong bigla at napahawak ako sa dibdib ko. Pinasok na ba ako ng mga kalalakihan kanina na nambastos sa amin? My god, kinakabahan ako! Patingkayad akong naglakad at naghanap ako ng maaari kong gamitin para depensahan ang sarili ko. Wala naman akong mahanap kung hindi ang shoulder bag ko kaya iyon na lang ang dinampot ko para ipanghampas sa kung sino man ang nasa labas ng silid. Dahan-dahan kong itinulak ang pintuan at sumilip ako. Wala naman akong nakikitang tao kaya lumabas ako at nagtungo ako ng kitchen. Nakita ko ang isang lalake na nakatayo sa may lababo kaya bigla ko itong sinugod at pinaghahampas ko ng bag ko sa likuran niya kaya bigla siyang napaharap sa akin at sinangga ng braso niya ang bag ko na tatama sana sa mukha niya. "Besh! Bakit sinasaktan mo si Jonathan?" gulat na gulat na ani ni Sandy na nakatayo pala sa may refrigerator at kumukuha ng tubig na malamig. "Oh my god! I'm so sorry! Bakit ba naman kasi wala kayong pasabi at bigla na lang kayong sumusulpot?" nahihiya kong ani na hindi ako makatingin kay Jonathan. Hindi ko talaga siya tinitignan dahil nahihiya ako sa ginawa ko. "Nakasalubong ko kasi siya sa ibaba. Hinahanap ka niya kaya sinamahan ko na dito para naman may kakuwentuhan ka. Mabait naman siya kaya pwede ng pagkatiwalaan," sambit ni Sandy kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy besh! Ang pakwan mo, kita tangkay!" aniya kaya naguguluhan ako sa sinasabi niya. Wala naman akong biniling pakwan kaya anong pakwan ang tinutukoy niya? "Hoy babae ang dede mo nakalabas!" sabi niya na ipinagsigawan pa talaga kaya bigla akong napatingin sa dibdib ko at ganuon na lamang ang gulat ko na tanggal na pala ang tali nito sa likod kaya lumuwag na at sumilip na ang hinog na pakwan. Bigla naman akong napatingin kay Jonathan na titig na titig sa dibdib ko kaya niyakap ko ang dibdib ko at sinipa ko ang binti ng sira ulong Jonathan na ito. "I'm so sorry! Masyado lang akong nabigla kaya hindi ko agad naipikit ang mga mata ko." Inirapan ko siya at tumalikod ako. Bumalik ako sa silid ko at nagsuot ako ng robe. Nakakahiya talaga! Ano ba 'yan! Nuong una si Josh ang nakakita ng katawan ko, ngayon naman nakita na ni Jonathan ang mga pakwan ko. Nakakainis talaga! Bakit naman kasi hindi ko pa naisipan kanina na magbihis. Maliligo pa kasi ako sa dagat kaya hanggang ngayon ay naka swimsuit pa rin ako. "Besh aalis na ako! Sumunod na lang kayo sa ibaba ha. Huwag mo masyadong lalakasan ang ungol at baka mabulabog ang mga kapitbahay." Pang-aasar niya kaya gigil na gigil talaga ako. Lalo na ng marinig ko ang tawa ni Jonathan. "Bwisit ka talaga!" sigaw ko mula sa silid. Narinig ko ang pag click ng pintuan sa labas kaya naman lumabas na ako ng silid para naman hindi mukhang tanga si Jonathan na mag-isa lang sa living room. "Pasensya ka na kanina, hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa napakagandang view," "Kunwari ka pa! Anyway, kalimutan na natin 'yan. Isipin mo na lang na dede ng bakla ang nakita mo kaya kalimutan mo agad." Malakas na halakhak naman ang narinig ko sa kanya. Bigla kong naipikit ang mga mata ko dahil ng biglang nanumbalik sa isipan ko ang alaala namin ni Josh habang sakay niya ako sa kanyang motor. Katulad din niya kung makahalakhak si Josh. Bakit ba nakikita ko sa kanya si Josh? Ganito na ba talaga ako kabaliw sa Josh na 'yon? "Bakit natahimik ka?" aniya. "May naalala lang kasi ako," "Yung Josh na kinuwento mo sa akin na may kuto at mabaho? 'Yung amoy putok at mabaho ang hininga?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit sa akin nanggaling ang sinabi niyang 'yon ay natawa ako ng marinig ko ito mula sa kanya. Nakakaloka! Sobrang panlalait naman pala ang ginawa ko kay Josh. "Wala 'yon, wala naman 'yon kwenta," aniko at humarap ako sa kanya pero biglang nagdaiti ang aming mga labi na ikinagulat ko. HInawakan niya agad ako sa aking batok at maingat niyang hinalikan ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero naipikit ko ang aking mga mata. "Gamitin mo ako para kalimutan ang Josh na 'yon, bulong niya ng panandalian niyang binitawan ang labi ko. "Ang halik mo... Ba-bakit parang..." He cut me off. "Parang ano ang halik ko?" agad niyang tanong. Napatitig naman ako sa kanyang mukha. Bakit ganito, bakit ang halik niya ay... Ganito ba ako kabaliw kay Josh para isipin ko na iisa lang ang halik nila? "Wa-wala. I'm sorry, gusto ko munang magpahinga," sabi ko at tumayo ako ngunit pinigilan niya ako sa aking palapulsuhan. "Si Josh pa rin?" Napatingin naman ako sa kanya. Natawa ako ng mahina at sinagot ko ang tanong niya. "I hate him! Kahit na lumuhod pa siya sa harapan ko ay hindi ko na siya mamahalin pa. Ayoko na sa kanya at duon na lang siya sa Saraya na 'yon!" galit kong sagot. "Saraya? Girlfriend niya?" Tumango lang ako sa kanya ng hindi ko ako tumitingin sa kanya. Naalala ko na naman ang tagpo sa restaurant kung paano niya ipinapangalandakan sa akin ang Saraya na 'yon! Akala ba niya ay siya lang ang marunong magkaroon ng jowabels? Kaya ko din! "Be my girl at hindi kita sasaktan," aniya kaya napatingin ako sa kanya. What, ano daw? Seryoso ba itong lalake na ito? Kung may saltik pala sa utak si Josh, ito naman ay baliw na ng tuluyan. Nakahalik lang siya sa akin tapos be my girl na agad? Hello! Parang bumibili lang sa online selling at pag nag mine, kanya agad. Uso na talaga mga baliw ngayon. "Naku Jonathan! Iligo mo 'yan para mawala ang init sa utak mo. Ako naman ay susunod na sa mga kaibigan ko para makaligo na rin ako at makapag relax. Nakakaloka ka!" ani ko. "Seryoso ako Celestina. Pag-isipan mong mabuti. I like you." Pagkasabi niya ay tumayo na siya at dumiretso na sa pintuan pero bago siya tuluyang makalabas ng pintuan ay muli niya akong nilingon. "Itutuloy natin ang pag-ibig mo kung bibigyan mo ako ng pagkakataon," aniya at tuluyan na siyang lumabas. What daw? Itutuloy daw namin ang pag-ibig ko? Hala mukhang gwapo lang ang lalaking 'yon pero may sayad sa utak. Nakakaloka! Pero sa isang banda, pwede ko rin naman siyang gamitin para pasakitan at pagselosin si Josh. What? Pagseselosin ko si Josh? Buti kung magselos 'yon eh mukhang baliw na baliw 'yon sa Saraya na 'yon. Ewan! Naiinis na talaga ako sa sarili ko. Pag-iisipan ko na lang kung tatanggapin ko ba ang inaalok ng baliw na 'yon. Kapag tinanggap ko ang inaalok niya ibig sabihin baliw na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD