Chapter 4

1487 Words
Tanghali na nang magising ako, dumeretso ako sa banyo upang maligo. Mabilisang ligo lang ganiwa ko dahil medyo kumakalam na din ang aking sikmura. Hindi kasi ako sanay na malipasan ng kain. Kahit pa sabihin natin na kapos kami sa pera noon, di namin naranasang malipasan ng kain. Kahit tuyo at bagoong lang ang ulam namin noon ay masaya na kami. Matapos maligo ay bumaba na ako patungong kusina at sakto na hinahain na ni mama ang bagong luto na sinigang na bangus at sa lamesa ay may nakahain na pritong galunggong. Parang nag hugis puso din ang mata nang makakita ako ng manggang hilaw at sa tabi noon ay ang timplado nang pipino at kamatis na may maraming sibuyas. Yon agad ang nilantakan ko ng umupo sa upuan malapit sa akin. Nagtatakang napatingin si mama sa akin, maging si ate Claire na nasa dulo ng lamesa ay napatingin din sa akin. "Bakit po?" Nagtataka ko ding tanong sa kanila. "Wala ka pang kain na kanin. Yan agad ang nilantakan mo." Sagot ni mama. "Masarap ko kasi ma, pero parang may kulang eh, may mayonnaise at ketchup ba tayo?" Tanong ko sabay tayo at pumunta cabinet at kinutingting kung akong laman ang nandoon. Wala akong nakitang mayonnaise at ketchup pero may nakita akong Del Monte tomato paste. Bumalik ako sa upuan dala ang tomato paste at sinahog sa timpladong pipino at kamatis. Sarap na sarap ako habang nilantakan ang pipino. Di ko nalang pinansin ang mga reaksyon nina mama at ate. " Baka ma impatso ka sa kinakain mo Jo-ann ah?" Nag-alalang wika ni mama. "Kumain ka muna ng kanin at wala ka pang kain kaninang umaga." Sabi pa niya. " Okay lang ma, mamaya kakain din ako ng kanin. Na miss ko kasing kumain nito.'' Sabi ko sa kanila. '' Anong na miss? Eh, ayaw mo ngang kumain ng pipino na may kamatis at maraming sibuyas at lalo pa't dinagdagan mo pa ng tomato paste? Baka mamaya sumakit na ang tyan mo, problema pa namin. Wala ka pa namang trabaho at nag resign ka. Kung bakit naman kasi may pa resign-resign ka pang nalalaman, dagdag palamunin ka dito sa atin." Mahabang litinya ni ate Claire. "Claire, kakarating lang ni Jo-ann noong isang araw palamunin na agad?" Di na nakaitiis si mama at binara niya si ate Claire." Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil ky Jo-ann at Angie di maging sementado tong bahay. Baka nakalimutan mo rin na kay Jo-ann ka laging nanghingi ng kung anong kinakailangan nyo para sa pamilya mo na dapat at ikaw o ang asawa mo mag provide para sa pamilya nyo?" Hindi nakasagot si ate Claire sa sinabi ni mama. Totoo naman kasi na halos sa akin laging humihingi si ate tuwing nangngailangan siya o ang pamilya niya nang kong ano-ano. Kapag di binigyan ang dami na niyang sinasabi, kako maramot ako, Nakaluwang lang sa buhay nakakalimutan ko na raw na may kapatid ako. Lagi niyang sinasabi sa akin nag-iba na daw ako simula ng makapagtapos ako. Kaya para matigil lang siya sa kung ano-anong sinasabi niya, binigyan ko nalang siya para manahimik na. "Kahit na, dapat may trabaho siya para may maiambag pa rin siya sya sa atin." Giit parin ni ate Claire. "Claire, pagpahingain mo naman kapatid mo." Sabi ni mama. " Ma, tama na yan." Pinatigil ko nalang si mama sa kakasermon kay ate Claire dahil alam ko sa kanilang dalawa si mama ang mas nakakaintindi. Si ate Claire kasi kahit anong sabi mo sa kanya di yon makikinig. "Kasi naman-" Di ko na pinatapos si ate Claire sa kung anong sasabihin pa niya. "Hayaan mo ate Claire, bukas na bukas din hahanap ako ng trabaho para sa ikakatahimik ng kalooban mo at para may maipakain ako sa pamilya mo." Pabalang na sabi ko sa kanya na ismid lang ang naging sagot niya. Tinapos na niya ang pagkain niya saka tumayo saka tumayo at lumabas na ng kusina. Di man lang niligpit ang pinagkainan niya. Naiiling nalang akong sinundan siya sa tingin. "Anak, di mo naman kailangan magtrabaho agad nak. Magpahinga ka lang muna. May kita naman yong tindàhan natin kahit paano eh." Inilingan ko lang si mama sa sinabi niyang iyon. "Salamat ma, pero alam mo naman na di ako pwedeng walang trabaho. Ayukong maging tambay lang ma. Lalo na ngayon, walang-wala ako at yung pamilya ni ate Claire sa akin nakaasa." Sagot ko kay mama. Napabuntong-hininga lang si mama dahil sa sinabi ko. Tahimik kaming tinapos ang pananghalian namin. Yes, matapos kong kumain ng pipino at kamatis na may sibuyas at tomato paste, kumain din ako ng kanin na may sabay ng bangus at pritong galunggong. Iwan ko ba bakit sarap na sarap ako sa pipino at kamatis eh dati ayaw ko 'non lalo may maraming sibuyas. Habang si mama napangiwing tiningnan ako na kumakain. Matapos naming kumain, ako na ang nagligpit nag pinagkainan namin at ako na din ang naghugas ng mga plato. Si mama ay umalis patungong palengke. Bibili daw siya uulamin namin mamayang gabi at bukas na din. Bumalik ako sa kwarto ko nang matapos ako sa mga gawain ko dito sa kusina. Wala rin namang masyadong kalat sa sala kaya mas pinili ko nalang bumalik sa kwarto ko. Ayaw ko din namang lumabas ng bahay baka may makakasaluma pa akong mga kapitbahay na daig pa ang mga reporter kong makatanong kung bakit bigla akong napauwi. Sa sobrang bored ko ay nag browse nalang ako sa i********: account ko, kahit papano nalilibang ako sa kaka scroll ko may nakita akong recent upload ng isang sikat na artista. Hindi ko sana yon papasinin kong di natuon ang mata ko sa lalaking nakahawak sa baywang niya. Sobrang lawak ng ngiti samantalang nag uulap na naman mata ko. Naalala ko na naman si Christian at kung paano mas dinurog niya ang puso ko. Matapos kong mag resign sa kompanya nila Cristian ay nag-apply pa ako sa ibang kompanya, ayaw kong umuwi sa amin dahil ayaw kong may masabi ang pamilya ko sa akin, lalo na ni ate Claire na siyang nakadepende lang sa akin na kapag wala akong maibigay ay para bang ako pa ang may utang na loob sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad ni isa sa mga kompanya ay walang tumanggap sa akin. Yung mga kompanya na may hiring kapag nalaman na ang palangan biglang sa ba may nakapasok na sa posisyong inaplayan ko o kaya naman ay overqualified ako sa position yon. Di ko sana papansinin yon kasi totoo namang overqualified ako sa posissyong inaplayan ko. Ngunit isang araw habang nasa kalagitnaan ako ng isang interview ay may biglang tumawag sa HR na nag interview sa akin. "I'm sorry Miss Legazpi, but may na hired na sa posisyong inaaplayan mo." Halatang nag sisinungaling pa ang ito. "What? You've just interviewed me and suddenly after the call, there's already hired on the spot?" Di ko mapigilang tanong sa kanya na medyo tumaas na din ang boses ko. "I'm sorry. Kapag kasi I hire kita, ako naman ang mawalan ng trabaho" Nakayukong sabi niya. "Tell me honestly, who's the person behind it?" nag-iigting ang baga kong sabi sa kanya. "A certain Mr. Cristian Zuaraldez of Zueraldez Corporation. Pinablock list ka sa lahat ng kompanyang aaplyan mo sa rason na ikaw ay nagnakaw ng malaking halaga sa kompanya nila." Sagot ng HR na nag interview sa akin. Bigla akong napabalik ng upo sa upuan ko nang malaman si Cristian pala ang dahilan kong bakit di ako makahanap ng trabaho sa loob ng halos dalawang buwan matapos kong umalis sa kompanya niya. Halos wala ako sa sarili kong naglalakad pauwi sa inuupahan kong apartment. Sa loob ng halos dalawang buwan di ko siya ginulo. Di ako naghahabol sa kanya kahit pa alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan at alam ko ding gawa-gawa lang yon ng mga taong gustong sirain ang anumang relasyon naman ni Cristian o kaya naman ginawa yon ni Christian na ipa block list ay para bumalik ako sa kanya. Sa isipin yon ay bigla akong napapihit pabalik nilalakaran ko. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Cristian. I'm still giving him the benefit of the doubt. Magbabasakali akong maayos pa namin ang relasyon namin. Pagdating ko sa VM Twin Tower ay agad akong sumakay sa elevator papuntang 21st-floor kung saan ang condo unit ni Cristian. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas doon. Lakad- takbo ang ginawa ko para makarating agad ako. Nasa pintuan na ako ng condo niya ng mag doorbell sana ako ngunit bigla itong bumukas at kitang kita sa mga mata ko kung paano naghalikan si Cristian at ang babaeng ngayon ko lang nakita sa harapan ko. Bigla akong napaatras ng ilang beses dahilan upang matapilok ako at naging dahilan din yon upang matigil ang dalawa sa kanilang ginawa dahil sa kasabog at ingay resulta ng pagkabagsak ko. "What the f**k are you doing here?!''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD