Chapter 5

1341 Words
Nasa loob ako ng condo unit niya, nakaupo ako sa sofa habang siya ay nakatayo at mariing akong tiningnan nito. Di ako mapakali kasi anumang oras ay parang bulkan siyang sasabog na. Wala na yong babaeng kahalikan niya kanina. Napag-alaman kong isa pala itong sikat na artista. Ellen Velasco ang pangalan non at ang kalimitan niya role ay pang leading lady, mahinhin, mahina, at never been touch. Napaismid ako nang maisip ko yon, never been touched daw eh sobrang layo sa totoong buhay. Sa nakita ko pa kanina, para siyang ahas kong makalingkis at tuko kung makakapit at makalaplap sa labi ni Christian. "Again, what are you doing here? " Napatingin ako kay Christian ng magsalita ito. Nagsalubong ang dalawang kilay niya na s'yang nakadagdag sa malamig niyang awra. Ganon pa man, di nakaligtas sa aking ang angking kagwapuhan niya. His thick eyebrows, bluish tantalizing eyes, and pointed nose. Hindi rin nakaligtas sa akin ang maputi niyang balat, mas maputi pa ito sa akin. Morena kasi ako kaya talagang makita ang kaibahan kapag magtatabi kami. He is also a six-footer in height, 6'1 ft I think. Kaya para akong duwende kapag itabi sa kanya kahit pa 5'3 ang height ko. Hindi na ako magtataka kung maraming gustong maangkin siya. O mas tamang sabihing maraming gustong masilo siya. Well, marami naman talaga siyang babae noon bago paniya ako makilala. "Done checking me out?" Sabi niya nag nagpabalik sa aking katinuan. " So, anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko sayo I don't want to see your face ever again." Nagsalubong ang kilay na na sabi sa akin. Para bang masakit talaga sa mata niya ang makita ang pagmumukha ko. Noon lang bumalik sa isip ko ang dahilan kong bakit ako nandito. "Bakit mo ako Pina block list sa mga kompanyang pinang-aaplyan ko nang trabaho?" Tanong ko sa kanya na tiningnan ko talaga siya sa mga mata niya. "Oh, that? I'm just helping their company upang walang makakapasok na magnanakaw sa kanila. Mahirap na baka gawin mo din sa kanila ang ginawa mo sa kompanya ko." Mabilis na sagot niya na akala mo isang simpling tanong lang tinanong ko sa kanya. "Wow, and you believe na magagawa ko talagang magnakaw sa kompanya mo?" Di ko mapigilang tumaas ng tinig ko sa mga bintang niya. "Why not? Nagawa mo ngang makipagsiping sa kapatid ko, ang magnakaw pa kaya?" Ganting tanong niya. Napatayo ako sa upuan ko at di ko na napigilan ang sarili kong humakbang palapit sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Kasabay ng sampal ko sa kanya ang pagtulo ng luha ko. "Nagpunta ako dito upang alamin kung bakit mo ako pinablock list sa mga kompanyang pinang-aaplyan ko at umaasa ako na kaya mo ginawa mo upang maibalik mo ako dito at umaasa ako na di ka naniniwala sa mga bintang nila sa akin. Umaasa ako na mas lamang ang pagmamahal mo sa akin kaysa mga sinasabi nila na wala namang katutuhanan." Marami pa akong gustong sabihin ngunit tinikom ko nalang ang bibig ko. Di ko na rin kayang magsalita pa dahil na rin sa mga luha kong sunod-sunod na pumatak. " Do you think na paniniwalaan pa kita sa mya sinasabi mo? Hindi na Jo-ann, kitang-kita ko sa mga mata kong paano pinagsawaan ng kapatid ko. Nadidiri ako sayo, I thought you were the decent one, but it's turned out you're the worse. Wala kang pinagkaiba sa mga babaing pinasawaan ko. " Mga salita niyang parang pana na bumabaon sa puso ko. "Di ko magagawa sayo ang mga yan Christian, alam na alam mo yan. Mahal kita sobra. Kaya paano ko magawa sayo yon?" Tanong ko sa kanya. "Really huh? Parang di yon ang nakikita ko sa video na pinanood ko." Sagot niya. "Anong video?" Naguguluhan kong sabi sa kanya. Kasi sa pagkakaalam ko wala naman siyang pinakitang video noong araw na pinapaalis niya ako kompanya nila. Tumaas ang kilay ni Christian. Dinukot nito mula sa bulsa nito ang cellphone. May kinulikot ito saka pinakita sa akin. Tinanggap ko naman ito at phone pinanood kong anong laman nito. Para akong nandidiri sa nakita ko. Dalawang taong nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kondi si Adolfo at ang babae ay walang iba kondi ako? Ako ba talaga to? Wala akong matandaan na nakipagtalik ako sa kanya. Kaya di ko talaga maisip na ako yon. "Speechless now, Jo-ann?" Napatingin ako ky Christian na nakaigting ang pangang nakatingin sa akin. Binuka ko ang baba ko upang depensahan ang sarili ko ngunit muli ko itong tinikom nang wala akong maisip na salita. "I can't believe you did it to me, sa lahat ng tao ikaw pa talaga Jo-ann ang gumawa sa akin nito? At sa kapatid ko pa talaga?" "It's not true. I can't do that to you. Di ko magagawa yon, lalo na't kapatid mo pa. I know from the start na di kayo magkasundo so bakit ko gagawin yon?" "I don't know Jo-ann! I don't know! Ang alam ko lang you betrayed me. Now get out of my house and never show your face to me anymore! And most importantly, get lost in my life." Sabi niya sa akin. "Ni minsan ba, sa loob ng halos dalawang buwan, naisip mo kung kaya ko ba talagang gagawin yon? Pumasok ba sa isip mo na baka siniraan lang tayo ng mga taong gustong ipabagsak ka. Na ginagamit lang nila ako upang tuluyan taong mapaghiwalay? Kasi ako napaisip din kong bakit ang bilis mong paniwalaan ang iba kaysa akin na girlfriend mo. We're almost a year in this relationship and yet sa isang iglap lang nasira dahil lang sa mga bintang na di ko naman ginagawa? Akala ko ba mahal mo ako, bakit ang bilis namang nagbago namg dahil lang doon?" Natahimik siya matapos kong sabihin ang yon. Waring inarok niya kong nagsasabi ba ako ng totoo. Hindi na siya nakapagsalita. Napailing nalang ako at patuloy na nag sasalita upang mas lalong ipaintindi sa kanya ang saloobin ko. "Sabagay, sa mga gaya mong naniniwala lang sa kung anong nakikita agad ng mga mata mo. Iyan agad ang paniwalaan ni hindi ka nag imbestiga ng sarili mo. Wag kang mag-alala, ito na ang huling araw na makikita mo ako at hinding-hindi mo na ako makikita pa kahit kailan. Isa lang ang paki-usap ko sayo. Please, wag mong harangin ang paghahanap ko ng trabaho sa bawat kompanyang pag-aaplyan ko. At Please sana ito na ang huli nating pagkikita kasi sobrang sakit na. At kung sakaling makita mo or magkita man tayo, iwasan nalang natin ang isa't- isa nang sa ganon tuluyan nang makakalimutan natin ang anumang pinagsamahan natin noon na pawang kasinungalingan lang pala." Mahabang sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya at tuluyan ng lumabas sa condo niya. Ito na siguro ang oras para tuluyan ko na siyang kalimutan. Panahon na siguro na sarili ko naman ang iisipin ko. Sumakay ako ng jeep pabalik sa apartment na inupahan ko. Pag pasok ko doon, deretso ako sa kwarto at kinuha Ang malita ta ko doon. Nakapagdesisyon na ako na babalik na lang muna ako sa lugar namin total wala naman akong trabaho dito at malabong makapag trabaho pa ako dito gayong hinarang naman ni Cristian ang lahat na posibling pasukan ko dito sa Metro Manila. Bahala na kung makakatikim na naman ako ng sermon kay ate Claire. Paniguradong madami na naman yong sasabihin lalo na ngayong wala akong perang maibigay sa kanya. Napabuntong-hinginga ako at pinagpatuloy ang pag-eempake ko ng mga gamit. Nilinis ko na din ang buong apartment para ready na ito sa susunod na uupa dito. Yung mga gamit na magagamit pa iiwan ko nalang at yong mga kailangang itapon isinilid ko sa sako para itapon sa basurahan bukas. Nang matapos ay bumalik ako sa higaan ko at nag book ng flight pauwi. Pagkatapos ay humiga ako sa higaan at ipinahinga konang katawan pati isip ko sa lahat ng pangyayari nitong nakaraan. Nanalangin ako na sana gabayan ako ng Panginoon sa kung anumang tatahakin ko sa susunod na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD