Chapter 3

1722 Words
Pagpasok ko sa aking silid, dumiretso ako sa cabinet ko at kumuha ng damit pantulog saka ako pumunta sa banyo ko at naglinis ng katawan. Mabuti nalang at may sarili akong banyo ng di na kailangan pang bumaba ulit upang makapag half bath. Mabuti nalang at naisipan ko talagang magpagawa ng sariling banyo. Abala ako sa paglilinis ng katawan ko ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko. " Jo, 'san ka? Papasok ako ah." Si ate Angie pala. Narinig ko pa ang mga yapak niya na papalapit sa pinto ng banyo, saka ako kinatok. " Sige ate, hintayin mo nalang ako. Saglit nalang to at patapos na ako.'' Sagot ko naman sa kanya at minadali ko nalang ang pag banlaw sa sarili ko upang harapin si ate. Baka may importante siyang sasabihin sa akin at sinadya pa talaga ako dito sa kwarto ko. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng nakatapis lang ng tuwalya dahil nasa kama pa yong mga damit ko na kinuha ko kanina sa cabinet. Habang nagbibihis ako ay tiningnan lang ako ni ate Angie. Kaya di ko na napigilan ang sarili ko na tanongin siya kong anong sadya niya sa akin. "Bakit po, ate?" " Kumusta kana, An?" Panimula niya. Dati pa talaga An or An-an ang tawag niya sa akin. Ayon sa kanya mag comfortable siya kapag yon ang tawag niya sa akin. Kaya hinayaan ko nalang kong ano ang gusto niyang itawag sa akin. "Okay, naman ako ate." Sagot ko sa kanya. "Ano ang dahilan kong bakit bigla ka nalang umuwi dito?" Tanong niya na may pagdududa. "Wala naman ate, na miss ko lang dito, Naisip kong matagal na din akong nawala dito. Siguro it's time for me na dito na lang talaga sa atin permanently." Rason ko sa kanya, pero nakikita ko talaga sa mga mata na na ayaw paniwalaan sinabi ko. " Hindi ka uuwi ng walang mabigat na dahilan Jo-ann. Kilala kita, hindi ka mag desisyon sa isang bagay dahil lang gusto mo lang. " Sabi niya pa. Tama si ate Angie, hindi ako magdesisyon dahil gusto ko lang. Lahat ng mga ginagawa ko may dahilan o kaya kapag may gusto akong gawin talagang ilalaban ko kahit ano pa man ang mang yayari. Naalala ko tuloy yong araw na nagpapaalam ako na pupuntang manila talagang tinutulan ni mama yon pero dahil magaling ako reasoning at mapilit talaga akong tao wala nang nagawa si mama at ang buong pamilya ko sa nanging desisyon ko. Isang tao lang naman ang natutuwa sa desisyon kong yon, yan ay walang iba kondi si ate Claire. Nagmamadali akong makauwi sa bahay matapos ng interview sa School para sa trabaho. May job fair kasi sa school na naganap. Nagbabasakali naman akong may makuha akong trabaho. Isang buwan nalang kasi at graduation na namin. May mga iba't-ibang kompanya kasing nakilahok sa job fair both local and national maging mga trabaho abroad ay meron din. Mabuti nalang at isa ako sa pinalad na makapasa sa initial interview. Matapos ang interview na yon. Pinag exam pa kami. Hindi rin madali ang exam na yon kasi parang sumabak ka sa isang board exam. Matapos ang exam, pinaghintay muna kami kasi ura-urada ding i announce kong sino ang nakakapasa sa exam. Mula sa 50 plus na sumabak sa initial interview naging 20 nalang at nang matapos ang exam 5 nang kaming natira para sa final interview. Sobrang kabado ako ng ako na ang sasalang sa interview. Isang babae na sa tingin koy nasa early 40s ang nasa aking harapan, isang lamesa lang nag sisilbing harang namin habang msgkaharap kami. Matagal na katahimikan ang namayani sa amin bago siya ang salita.Para bang inooberbahan pa niya ako. " So, Miss Legazpi, maari ka bang tumayo?" Panimula niya na syang sinunod ko nalang kahit ako naguguluhan kong bakit pinatayo niya ako. " Ikot ka isang beses." umikot naman ako kahit mas lalo akong nalito. "Hubarin mo panali mo." Sabi pa niya. sinunod ko nalang nag matapos na. "Alright, sit down Miss Legazpi." Sa wakas natapos din sya sa pinagagawa sa akin na akala mo ini inspection niya ako. "Salamat po." Sabi ko. "Miss Legazpi, aware kaba sa kong anong inaaplyan mo?" Tanong niya. "Yes, po." Mabilis na sagot ko sa nag interview sa akin. " The reason why pinapatayo kita, pinapaikot at pinaikot, is because our company has this standard that each employee needs to obtain. You see, our company is not just here in the Philippines maging sa America at Europe ay may mga sangay ito." Mahabang paliwanag niya. Kaya naman pala kong ano-anong pinapagawa niya kasi sobrang taas ng standard ng kompanyang yon at nakakatakot pala kong di papasa sa standard nila. Hindi lang ikaw ang malagot maging ang nag hire sayo ay makapeso rin. Ang dami pa niyang tanong na sinagot ko naman ang maayos. " If ever I'll be given a chance to work with your company, I will do my best to become a fruitful employee na di nyo pagsisihang na tinanggap nyo ako sa kompanya 'nyo." Sagot ko sa kanya nang tanungin niya ako kung sakaling matanggap ako sa kanila anong gagawin ko. "Alright, Miss Legazpi, you're hired. Welcome to Zueraldez Corporation. See you then in the company next month. Two weeks after you graduate. Can you do that?" Pagtatapos niya sa interview ko. "Of course, Mrs. Lagdameo. Expect me at your company next month." Sagot ko sa kanya na abot tinga na ang ngiti ko. "Congratulations, Miss Legazpi." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin. Walang pagdadalawang-isip ko naman yong tinanggap. "Thank you so much Mrs. Lagdameo. Asahan mong gagalingan ko kapag magsisimula na akong magtrabaho sa inyo." Ngiti lamang ang sinagot niya sa akin. Nang makalabas ako sa room kong saan ginanap ang interview at muntik na akong mapalundag sa tuwa. Impit akong napatili kaya naman napatingin sa akin ang ilan sa mga estudyanteng dumaan. Nang makabawi ay dali-daling akong lumabas sa Campus upang umuwi na. Parang may pakpak ang paa ko habang naglalakad pauwi. Sino ba namang di matutuwa kung secure na ang trabaho ko kapag akoy makapagtapos na. Di na ako magpakahirap maghanap ng trabaho, mga requirements nalang ang asikasohin ko at viola! tapos na ang pahihirap ko. Sa labas pa lang ng bahay ay kita ko na si mama na nagdidilig ng halaman na tinanin niya. Kinuha ko ang kamay niya saka nag mano sa kanya. ''Ang aga yata ng uwi mo ngayon nak?'' Tanong ni mama sa akin habang niligpit niya ang balde at tabo na 'syang ginanimit niya sa pagdidilig. Tamang tama at natapos na din syang magdilig ng halaman. Sumunod 'sya sa akin papasok ng bahay namin na maliit lang. "Wala na kasi kaming klase ma at practice para sa graduation nalang kami." Sagot ko kanya at ngumiti ng bahadya. "Ang saya mo yata ngayon, nak." Puna niya. "Kasi may trabaho na ako pagkatapos ng graduation ko ma." Masaya kong sagot sa kanya. "Talaga nak? Saan? Sa Qualfon, Spi, or Teletech? " Tanong naman niya agad. Ang mga binanggit niya ay ang mga naglalaking BPO company dito amin. "Hindi ma, sa Manila po ako mag tatrabaho pagkatapos ng graduation ko." "Ano? Bakit doon pa. Marami naman pweding pasukan dito ah? bakit doon pa na malayo sa atin." Salungat ni mama. "Ma, ito lang ang alam kong paraan upang makatulong sa inyo. Nang sa ganon di na kayo magbunot ng damo. Panahon na upang kayo naman ang pagsilbihan ko." Mahabang sabi ko sa kanya. Ah, basta walang aalis, dito ka lang. Kung gusto mong magtrabaho dito lang sa malapit sa atin." Sabi pa ni mama. "Pero Ma-" Di ko natapos ang sasabihin nang biglang sumabat si ate Angie na kararating kasama si ate Claire na may karga pang bata. Narinig pala nila ang pinag-usapan namin ni mama. "Oo nga naman An, marami namang trabaho na pagpipilian dito. Bakit kailangan mo pang pumunta ng Manila. Mapapahamak lang doon." Sabi ni ate Angie. " Ate, mag ingat naman ako doon ah. Saka sayang ang opportunity nato kong papalampasin ko." Paliwanag ko sa kanila. " Ano ba naman kayo, para trabaho lang yon ah, pipigilan nyo pa. Ayaw nyo non, may pera na agad na maibigay si Jo-ann sa atin. Makakabawi naman sya sa mga ginantos natin sa kanyang pag-aaral." Litinya ni ate Claire na para bang may ambag siya sa pag-aaral ko. " Kung makapagsalita to, parang Ng laki naman ng ambag mo sa pag-aaral Jo-ann ah?" Pambabara ni Ate Angie kay ate Claire. "Totoo naman ah, laki ng gastos ni mama dyan kay Jo-ann ah, ang mahal pa naman ng kurso niya. May pa accountancy pa kasing nalalaman ang mamahal naman. " Litenya pa ni ate Claire. " Ang tanong may ambag kaba sa pag-aaral niya? " Bwelta din ni ate Angie. " Tama yan mga ate." Saway ko sa kanila baka kong saan na naman hahantong yong pagtatalo nila. Saka ko hinarap si mama. "Ma, alam kong malayo ang Manila pero ma, nandon ang opportunity ko. Ayaw kong sayangin yon. Minsan lang yon darating sa 'kin. Kaya sana naman pagbigyan mo ako. Hayaan mo kapag nakikita kong di para sa akin ang ang lugar na yon, uuwi agad ako dito. Pangako ko yan sa inyo. Hindi ko hahayaan na ipapahamak ko ang sarili ko doon." Pag assure ko sa kanila. Matapos ang pag-uusap na yon, wala na silang nagawa kundi ang payagan akonsa gusto ko. Pero katakot-takot na bilin at pangaral ni mama ang pinabaon niya sa akin ng akoy luluwas na patungong Manila. " Oh, natulala ka na talaga, ano ba talaga ang problema?" Tanong ulit ni ate Angie na syang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napakurap-kurap ng malala ko ang mga bilin ni mama sa akin non. " Wala nga ate, ang kulit mo." Sabi ko nalang. Hindi pa ako handang buksan ang paksa na yon kaya kong maari wala munang makakaalam sa totoong nangyari. "Oh sya, ikaw bahala. Basta alalahanin mo andito lang ako handang makinig sayo. " Tumango nalang ako bilang sang-ayon sa sinabi ni ate. Mag open up naman ako sa kanya pero di pa sa ngayon. Di na nagtagal si ate sa kwarto ko at inaantok na din siya. Binuksan ko ang lamp shade saka nagtungo sa switch ng ilaw na malapit sa pinto ko at pinatay. Bumalik ako sa kama upang makatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD