Mabilis lumipas ang mga araw, nakabalik na ako sa Bacolod kasama ang anak ko at si mama. Matapos ma-discharge si Jaia, mas binabuti isama sila pabalik sa Bacolod. Natuloy ang usapan namin na si mama ang sasama sa amin pabalik dito nang magdisisyon si ate Claire manatili sa pamilya niya. Wala nang kaso kay mama kung sasama siya. Ika niya, mag-isa lang naman daw siya sa bahay dahil may kanya-kanyang pamilya na mga anak niya. As for Dr. Ferrer ay masasabi kong magkaibigan na din kami ngayon. Nagtatawagan kami minsan dahil na din sa kakulitan ng anak ko. Nasanay na kasi yon kay Jaia na papa doc ang tawag niya dito. Ito namang si Thadd ay inispoil ang anak ko. Naalala ko yung araw na pinatawag niya ako sa opisina niya. Di ako sure kung opisina ba ang tawag doon, eh nang pumasok ako at mga dou