Hindi pa rin humuhupa ang nararamdam ko kahit nong makabalik ako sa department namin. Nagpupuyos parin ako sa galit kay Christian. Padapog akong umupo sa upuan ko. Ngunit wala yatang balak ang pagkakataon na pahupain muna ang galit na nararamdam ko ng muling bumukas ang pinto ng department namin at iniluwa yon ni Christian. "I'm still talking to you. How dare you, turning your back on me?!" Malakas na sabi ni Christian. Nagulat ang mga kasamahan ko dahil sa biglang pagsulpot niya doon. Maging si miss Kim na nasa loob ng opisina niya ay napalabas din. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasamahan ko. Nakikita ko sa kanila ang pagtataka. Hinuha koy naguguluhan sila kong bakit nandito ang boss namin. "Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko?" Galit ko ding tanong sa kanya sabay tayo sa kinaup