Dr. Thaddeus Ferrer POV Mag aala-syete na nang gabi ay naisipan kong bumili ng kape kaya lumabas ako upang pumunta sa cafe na katapat lang ng ospital na ito. Habang naglalakad palabas namataan ko ang isang babae na nagmamadaling pumapasok. Familiar ito sa akin kaya inaalala ko kung saan ko ito nakita. Maganda ang babae. Matangkad ito at maputi. Matangus ang ilong, makapal na kilay at manipis ang pinkish niyang labi. Napakaganda niya na di ko kayang alisin ang paningin ko sa kanya. Namalayan ko nalang ang sarili ko na sinundan siya kung saan pupunta hanggang sa pumusok siya sa ward kung saan naka admit ang batang si Jaia. Saka ko lang naalala kung saan ko ito nakita. Nakita niya ito sa cellphone na pinakita ni Jaia sa akin kaninang umaga. "Wow, kung maganda na ito sa picture, mas may i