Chapter 7

1369 Words
"Nanay!" Tawag ni Jaia sa akin habang papalabas siga dito sa Day Care center kong saan siya nag-aaral. Tatlong taong gulang palang siya ngunit pinapapasok na siya ng day care worker namin dito sa baranggay bilang paghahanda kapag sila'y papasok na talaga sa isang paaralan. "Dahan-danan nak baka madapa ka." Sabi ko sa kanya, ngunit ang makulit kong anak talagang nilundag pa ako. Kaya wala akong choice kondi ang saluin s'ya baka mabalian pa ng buto. "Look Nanay, I got a five stars." Sabay pakita sa akin ng right hand niya. "Wow, very good pala ang baby ko." Sabay halik ko sa pingi niya. "Of course, nanay. I did it for you." Sabi naman niya. Di ko maiwasan mapangiti sa ginawa niya. "Awh. ang sweet ng anak ko." Sabay Yakap ko sa kanya. "Sympre naman nanay. I will not be Rhianah Jaia Legazpi kung di ako magmamana sayo." Di ko mapigilang mapahalakhak nang mag possing pa siya ala model. Yes, her name is Rhianah Jaia Legazpi. At first, I thought of using her father's name but then, I realize, what's the use of using his surname when I don't have a plan of introducing her in the future. Aside from that, I don't want Jaia to be confuse why we have different surnames. Gusto din ng pamilya ko na Legazpi pa rin ang gagamiting apilido ng anak ko. I remember the time, my family found out that I was pregnant. Sobrang nagalit si mama to the point na sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nangyari sa akin. Kahit si ate Claire ay hindi nkapagsalita ng araw na yon. "Dapat pala di kita pinayagang pumunta ng Manila kahit anong pilit mo, Jo-ann." Sabi ni mama matapos niya akong komprontahin sa pregnancy test na nakita niya sa loob ng banyo ko. "I'm sorry Ma.'' Yon nlang ang tanging nasabi matapos malaman ni mama ang lahat.. "Ni wala man lang akong magawa dahil nangyari na ang lahat. Kung alam ko lamg na ganito ang mangyayari sayo, sana pinilit kitang dito nalang magtrabaho." Mahinang sabi ni mama pero rinig parin naming magkapatid ang lahat. "I'm sorry ma, I failed you. Alam kong malaki ang iniexpect nyo sa akin pero binigo ko pa kayo. I'm sorry ate, kuya. Nagkamali ako." Naiiyak na naman ako dahil kitang-kita ko sa mga mata nila ang kabiguan. Niyakap nalang ako ni mama. Lumalapit din si ate Angie sa akin at niyakap ako. Maging si kuya Jem ay tinapik ang balikat ko. Si ate Claire na dati may masabi agad kapag may mali ako ay nakikitaan ko ng awa at sympatiya sa akin. "Tahan na Jo, makakasama sa baby yang pag-iyak mo. Sige ka iyakin din yang baby mo paglabas kapag lagi kang umiyak." Pagpapatawa sa akin ni ate Angie. "Jo-Ann, magpahinga ka muna. Wag mo munang isipin ang problema. Sa ngayong yang buhay sa loob ng sinapupunan mo ang alalahinin mo. Hayaan mo munang kami ang kikilos para sayo. Wag masyadong mag-iisip ah? Everything has a reason why it's happened. Malay natin ang batang yan ang magdadala ng liwanag sa mundo natin. Di man ngayon but who knows baka bukas or sa susunod na araw makikita na natin." Sabi ni kuya na kapagbabalik sa Katinuan. Tama, ang batang ito ang magsisilbing ilaw ko upang magpatuloy ako. Sa kanya ko nalang ituon ang lahat. "Ahmmm-." Napatingin ako ky ate Claire na tumikhim. Nasa gilid ko na pala sya ng di ko namalayan. "Alam kong may hinanakit ka sa akin Jo, kasi bilang ate ako dapat ang unang makakapitan ko sa panahon ganito. Ngunit ako pa ang unang humusga, I mean ako pa ang unang nag react ng malaman kung wala kanang trabaho at umuwi ka dito. I was so engrossed with the thought that will happen to us ngayong wala kanang trabaho. Nakalimutan kong alamin kong ano ba talaga ang nangyayari bakit mo ginawa yon. After you talk back to me last night, I realized, isa ako sa mga dahilan kong bakit mas lalo kang nagpakahirap maibigay molang amg mga pangangailangan namin lalo na ang pamilya. Kaya I am very sorry sa lahat ng ginawa ko sayo. Sorry kung late ko nang ma realize ang mali ko. I'm so sorry Jo-ann. Sana mapatawad mo parin ako sa kabila ng lahat. Pangako, Isa ako sa mag-aalaga ng anak mo kapag lumabas na yan." Mahabang sabi sa akin ni ate Claire. True to her words, talagang tinupad ni ate Claire ang pangako niyang siya ang mag-aalaga sa anak ko paglabas na labis ko namang ipagpapasalamat. Dalawang buwan matapos kong manganak ay nagpasa ako ng mga application online para makapagtrabaho na. Di kasi ako nakatunganga lang lalo pa at wala na kaming mahuthutan ng pera. Nasaid na kasi saving ko. Si ate Angie ay ikinasal na noong mag-aapat na buwan akong buntis. Di ko narin pwding gambalain si kuya Jem at malalaki na ang mga anak, malalaki na dinang gastos lalo at may college na siyang anak. As usual, nakaasa parin si ate Claire sa akin ngunit di na tulad ng dati. May trabaho na ang asawa niya at di na sya masyadong nanghingi sa akin. Ako na ang kusang nagnigay sa kanya dahil noong panahon buntis ako, siya ang kaagapay ko sa lahat ng check ups ko. Si Nanay naman ay pinatigil ko na sa kanyang trabaho ngunit ayon sa kanya mas lalo siyang magkalasakit kong wala siyang gagawin. Kaya hinayaan ko nlang siya sa gusto niya at sa tingin ko ay masaya naman siya sa ginagawa niya. Me, On the other hand, nakapagtrabaho sa isang maliit na kompanya dito sa Bacolod City. Isa akong accounting clerk sa Rivas Construction kung saan ako nagtratrabaho. Noong una, nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba lalo pa at anim na oras ang byahe mula Mabinay papuntang Bacolod. Di kaya ng katawang lupa ko magbyahi ng ganon oras kada araw. Ngunit sabi ni Ate Claire, handa siya g sasama sa akin para siya ang magbantay sa anak ko kapag oras ng trabaho. Maliit lang ang sweldo ko dito kumpara sa dating trabaho ko sa Manila. Pero ipagpapasalamat ko na kahit paano ay natustusan naman kahit paano ang pangangalingan namin ng anak ko. Nakapagbigay ako kahit paano sa ate ko bilang pasasalamat sa kanya. "Nanay, You're spacing out again" Napakurap akong napatingin sa anak ko. Di ko namalayang lumakbay na naman ang diwa ko sa nakaraan. "May inisip lang si nanay, anak. Anong gustong mong kainin?" Sabi ko sa kanya upang di na magtanong pa. The last time na nahuli niya akong natulala talagang naalog ang utak ko sa mga tanong niya nahumantong pa tanong na kung nasaan daw ang papa niya. Imagine mag-aapat na taon palang siya this December ngunit utak niya ang sampung taon na. Masyado siyang makulit at sobrang Hyper. Halos alam na niya ang lahat maliban sa isa. Ayaw na ayaw niyang magsulat. Kaya minsan sabi ng teacher niya sa day care na isa sa magiging problema nito kapag ito ay tutungtong na ng pre-school ay ang pagsusulat. Kaya sa bahay lagi ko yang pinapahawak at papel. "I want Jollibee, Nanay." sagot niya sa akin. "Okay, take out nalang tayo para makaso natin si tita mo." Sabi ko kanya. "Ahm, nanay?" Biglang Sabi ni Jaia habang nakapila kami sa counter para take out namin. "Yes anak? Anong gusto mo take out?" Balik tanong ko sa kanya sa pag-aakalang yon ang gusto niyang sabihin. "Nagtatanong ang classmate ko po kung saan daw ang tatay ko. Bakit daw laging si tita ang susundo tuwing nasa work ka po." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. This is the third time na nagtanong siya. Na ang laging ong sagot ay nasa work ang papa niya at palaging busy ky di makauwi. "Di ba sabi ko sayo. Nasa malayo si papa at busy siya kaya di makauwi?" Tanong ko sa kanya pero ang totoo kinakababan ako. "Pero bakit kahit isang beses di ko po siya nakita kahit picture man lang?May papa po ba talaga ako? Okay lang po kung di mo sabihin sa akin nanay. Naiintindihan ko po." Sabi niya sa tonong nalulungkot siya. Di ako nakapagsalita sa sinabi ng anak ko. Hanggang sa makauwi kami. Bumabanaag parin sa akin ang mga salita ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD