Kinabukasan, maaga akong nagising. Himala at di ako nahilo at nasusuka tulad noong isang araw. Napaisip ako kong anong nakain ko dati na naging dahilan kong bakit ako nakaramdam ng ganon. Normal na kasi sa akin yong mahilo at nasusuka kahit noon palang. Minsan nalipasan ako ng gutom o kaya may nakain akong nagpa trigger ng allergies ko kaya nahihilo ako at nasusuka. Kaya naman as much as possible di ako nagpapalipas ng kain. Nitong mga nakaraang araw lagi akong nalipasan ng gusto kaya baliwala nalamg sa akin ang nararamdaman kong ito. Matapos maligo ay bumaba na ako at nagkutingting kong anong pwede kong maluto. Maaga pa naman kay expected kong wala pang gising sino man sa pamilya ko. Sanay na din naman akong.magising nag maaya dahil sa trabaho ko dati sa Manila. Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang mga nangyari sa Manila. Maharan akong napailing-iling upang mawala yon sa isip ko. Matapos kong malagay sa lamesa ang mga luto ko ko, saktong pumasok si mama sa kusina.
"Oh, ang aga mo namang nagising nak." Sabi niya.
"Nasanay lang ako ma na maaga akong magising. Ganitong oras ang gising konng nasa Manila pa ako." sagot konsa kanya.
"Ganun ba? So kumusta naman ang buhay mo doon? Sigurado kaba na dito ka nalang maghanap ng trabaho?" Tanong ni mama.
"Oo ma, sigurado na ako. Pwde naman sa Dumaguete or sa Bacolod nalang ako maghanap kung talagang wala akong mapasukan dito sa atin?" Sagot ko naman sa kanya.
"Sige anak, ikaw bahala. Pero anak, di mo talaga sabihinsa akin ang rason kong bakit ka nag resign sa trabaho? Di mo man sabihan pero ramdam kong may mabigat kang rason kung bakit ka nagpasya ng ganon ganon nalang." Sabi niya sa akin.
"Napagbintangan akong nagnakaw ng kompanya ma." Wala na akong choice kondi sabihan ky mama ang lahat maliban nalang sa part na boyfriend ko, ex na pala. Hindi pa ako handang malaman nila yon kasi alamg kong kaawaan lang nila ako. Saka wala pa silang alam tungkol sa amin ni Christian laya mas mabuting wala din silang malalaman tungkol doon.
"Tama lang ang ginawa mong magresign doon sa kompanya. Abat makabintang sila akala mo sinong hari wala naman sulidong ebidensya. Kaya tama lang na nagresign ka. Di sila kawalan sa totoo lang. Hayaan mo na sila dito nalang tayo, masaya pa kami at makakasama kana namin." Singit ni ate Angie ma di ko namalayamg nasa likod ko na pala. Tumabi siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Whatever happen, I'm always at your back sis. Just like before, you and me against the world, hmm." Dagdag pa niya.
"Thank you sis, thank you for always backing me. Salamat din ma, Salamat sa inyo talaga." This time di ko na napigilan ang luha. Yung hikbi ko ay nauwi sa hagulhol kaya niyakap ako ni ate Angie, maging si mama ay nakiyakap na rin sa amin.
"Anong nangyari? Ang aga-aga drama 'nyo." Tinig ni ate Claire ang narinig ko na papasok sa kusina kasunod ang asawa na kung maka asta parang kanya ang bahay nato.
" Ano na namang pinuputok ng butsi mo Claire? Kita mong may pinagdadaan tong kapatid mo." Si ate Angie na nairita na naman kay ate Claire.
"Sus, drama lang yon para kaawaan nyo siya." Sabi naman ni ate Claire.
"Claire! Pwede ba kahit ngayon lang respeto naman sa kapatid mo. Di mo alam konh anong pinag dadaanan ng kapatid mo!" Tumaas na na din ang tinig ni mama habang nakati gin kay ate Claire.
"Ang sa akin lang naman-" Di na ako nakatiis at napasagot na ako sa kanya.
"Ate! Bakit ganyan ka sa akin? Pinababayaan ba kita magutom kasama ang pamilya mo? Pinagdadamutan ba kita kapag meron ako? Naging pabaya ba akong anak at kapatid sa inyo? Kung may hinihingi ka at alam mong walang wala na ako ginagawan ko parin naman ng paraan para maibigay sa inyo ah? Bakit ngayong kailangan ko ng karamay dami mong sinabi? Bawal ba akong makaramdam ng sakit? Bawal ba akong makaramdam ng pagod? Bawal ba akong magpahinga man lang kahit isang beses lang? Ginawa ko naman ang lahat para maibigay sa inyo ang mga gusto nyo ah? Bakit parang kasalanan ko pa ang lahat?" Di ko napigilang ang sarili ko na maisatinig kung anong nasa isip at dibdib ko. Diretso akong tumayo paralalanas sana lalabas ng bahay ngunit sa pagtayo kong yon, biglang umikot ang mundo ko. Di ko alam ano pang nangyayari dahil tuluyan nang nagdilim ang paligid ko.
--
Nagising ako ay nasa kwarto na ako. Inaalala ko kong anong nangyari matapos kong mawalan ng malay. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Iniluwa nito si ate Angie na seryuso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
''Gising kana pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin na seryusoang mukha ngunit nakikitaan ko pa din ng pag-aalala.
"Diba may pasok ka? Bakit nandito kapa?" Tanong ko sa kanya na sa halip na sagutin ang katanungin.
"Seriously, Jo-Ann? Nahimatay ka na nga't pagpasok ko pa din ang iniisip mo? Anong gusto mong gawin ko? Matulala sa harap ng klase ko habang iniisip kong ano ba talagang nangyari sayo?" Sermon niya sa akin.
"Tapatin monga ako? May di ka pa ba sinasabi sa akin?" Maya-maya ay tanong niya sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Di ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin dahil alam kong wala na akong takas pa. May kinuha siya sa bag niya at binigay sa akin. Di man niya sinabi kung ano yon ngunit alam ko kung para saan yon.
"Ate, di ako buntis." Sabi ko sa kanya kahit sa sarili ko may kutob na din ako.
"Symptoms are visible in you, Jo. Yong pagkapihikan mo sa pagkain, pagsusuka, pagkahilo at ngayon nahimatay ka na talaga ay senyales ng isang babaeng buntis." Sabi niya sa akin at ituro ang banyo ko upang gamitin ang pregnancy test na binili niya.
Kahit nagdadalawang-isip, sinunod ko kong ano ang nais mangyari ni ate. Dala ang pregnancy test, ay sunubukan ko itong gamitin. Nanginginip ang kamay ko habang ginawa ko ang instruction na nakalagay doon. Wala pang dalawang minuto ay kita ko na ang dalawang linya na nagpapatunay na ako ay buntis nga. Nagsilaglagan ang mga luha ko nang makumpirma yon. Sari-saring gumugulo sa isipan ko dahil dito. 'Paano na ako ngayong buntis ako? Anong klasing pamumuhay ang naghihintay sa anak ko gayong pati ako ay magulo din?
Anong mukha ang ihahaharap ko sa pamilya gayong wala akong maiharap na ama ng magiging anak ko?' Sa mga iniisip ko palang na yon ay parang gusto keep na lang na mawala sa mundo.
"Jo-ann, Okay lang? Anong resulta? Please lumabas ka dyan. Nag-alala na ako sayo." Napabalik sa realidad nang katukin akong ni ate. Nang buksan ko ang pinto, kita ko sa mukha ni ate ang pag-alala sa akin dahilan upang muling mamimilisbis ang mga luha ko. Walang salitang niyakap ako ni ate. Di na siya nagtanong pa dahil ko, sa kilos ko palang at mukha ko alam na niya ang kasagutan. Tahimik niya akong inakay patungo sa kama. Binalot ko ang sarili ko ng kumot at ipinikit ko ang mga mata ngunit traydor parin ang mga luha ko at muli na namang namimilisbis. Tahimik lang akong binabantayan ni ate habang hinihimas-himis niya ang buhok.
"Hindi ko alam kong ano ba talagang nangyayari sayo habang nasa Manila ka. Pero asahan mo handa akong makinig sayo kung sakaling handa ka nang sabihin ang lahat. Hintayin ko ang araw na yon An. Andito lang si Ate handang damayan anumang mangyari." Ang mga salitang yon ni ate Angie ang naririnig habang akoy unti-unting nakatulog.