Araw ng sabado, ito ang araw na bibisita si Christian dito sa amin para kay Jaia. Sinabihan ko na si mama na pupunta ang ama ng anak ko dito. Okay naman sa kanya. Sinabi pa nga niya na mas okay pa nga na makilala ni Jaia si Christian baka pagdating ng araw isumbat pa ng anak ko sa akin na di ko sila pinakilala sa isa't- isa. Inayusan ko din siya upang maging handa sa pagdating nang ama niya. Di pa alam ng anak ko na darating ang ama niya. Nagtaka nga siya kung bakit binihisan gayong nasa bahay lang naman. "Nanay, bakit parang aalis ako? Tapos ikaw hindi po?" Tanong niya sa akin. "May bisita po kasi tayo anak." Sagot ko sa kanya. "Sino po?" Pangungunit niya sa akin. "Mamaya malalaman mo din kong sino siya. Surprise ko sa kasi sayo." Sabi ko sa kanya. "Okay po." Sagot niya sa akin