Katatapos ko lang mag-half bath nang madagnat ko si Jaia na nakadapa sa kama namin habang seryusong naglalaro ng talking angela sa cellphone ko. Nakapantulog na din ito dahil pinunasan at binihisan ko na siya ng pantulog kanina bago ako mag half bath. Napatingin ako sa orasan na nasa uluhan ng pinto. Nakita kong mag aalas nuwebe na ng gabi. "Nak, tama na yan. Matulog na tayo." Saway ko sa kanya. "Okay po nanay." Sagot nito sa akin habang umayos ng upo. Binigay niya sa akin ang cellphone ko na tinanggap ko naman. Umayos ito ng higa sa kama namin. Samantalang ako ay nilagay muna sa bedside table ang cellphone ko at tumabi sa kanya. Inayos kong unan niya upang maging komportable ang higa niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Oh, bakit malungkot ang baby ko?" Tanong ko sa anak