Tulog na si Jaia nag pasukin ko siya sa kwarto namin. Nasa kwarto din si Christian, siya nagpapatulog kay Jaia. Ayaw nang humiwalay ang anak ko sa kanya. Kanina pumunta silang mall. Hinayaan ko lang sipang magbonding mag-ama. Nangako naman si Christian na ibabalik niya si Jaia bago mag gabi na tinupad naman niya. Ngunit papikit na si Jaia habang karga ng ama niya. Pinapasok ko na nalang ng deritso sa kwarto namin upang pakapagpahinga na ang bata. Sinabi naman ni Christian na kumain na sila ng bata sa labas kaya okay lang na di na ito maghapunan. Bibihisan ko sana ang pantulog ang anak ko kanina ngunit nagboluntaryo si Christian na siya na ang gagawa. Kaya hinayaan ko nalamg siya sa gusto niyang gawin. " Tulog na?" Tanong ko sa kanya kahit obvious naman na tulog na tulog na ito sa kama