Chapter 2

2133 Words
Pagbaba ko sa bus dito mismo sa lungsod ng Mabinay. Deritso na ako sa terminal ng pedicab papunta sa barangay namin. Pwede naman sana akong mag jeep patungo sa barangay namin. Kaso may malita at iba pang mga bagahe na dala. Hassle na kapag mag jeep pa ako at maaring makakaabala sa ibang mga pasahero. Kaya minabuti kong mag pedicab nalang. Di bali na magbayad ako ng one hundred pesos basta safe lang mga bagahe ko. Wala kasing taxi dito kaya tiis tiis sa mga jeep at pedicab. Marami na ding nabago dito sa lungsod na ito. Sa tagal ko ba naman nawala dito. I think mga anim na taon na din. "Ito po bayad ko manong." sabi ko, sabay abot ng isang daan at singkwenta pesos. Dinagdagan ko na ng konti since medyo nasa liblib na din tong barangay namin at may mga part pa sa daan na di sementado at medyo malubak. "Salamat kaayo ani dai. Usa ka gatos raman unta ang bayad.'' wika niya sa Cebuano dialect na ang ibig sabihin ay "Maraming Salamat nito, ining. Isang daan lang sana ang pamasahi." "Ay, manong gamai ra man gud na. May nalang pampalit ug kape ba. Salamat manong sa paghatod." Sagot ko kay manong sa wikang cebuano din na ang ibig sabihin ay "Ay, manong konti lang naman yan eh. Pambili ng kape. Salamat manong sa paghatid." "Sige dai, ari sa ko." Paalam niya sa akin na ang ibig sabihin ay " Sige ining, tuloy na ako. "Sige manong, Ingat po." Nang makaalis na si manong driver saka ako humarap sa bahay namin. Marami na ding nabago sa bahay naming iyon. Yong dating gate na gawa ng kawayan, ngayon ay kabilya na. Yung bahay namin na dati maliit lang at gawa ulit ng kawayan ngayon ay concrete na, may second-floor pa. Dati isang kwarto lang at sama kaming lahat ngayon ay apat na. Apat lang ang kwarto kasi yong tatlo kong kapatid ay may mga asawa na. Tatlo nalang kaming mga walang asawa at ang isang kwarto ay para sa nanay ko. Nakita kong namumukadkad na ang mga halamang roses at santan na naka palibot pader ng bahay namin. Naalala ko dati, ako pa ang nag tanim nito. Gusto ko kasi ang mga bulaklak na namumulaklak talaga. Di gaya ng isa ko pang kapatid na mahilig bulaklak na di namumulaklak gaya ng snake plant, gabi-gabi, sensation, manalo, black forest, prayer plant at kong ano-anong greeny plant na naayon sa panlasa niya. Napansin ko din na bermuda grass na din yong bakuran namin. Ang tanging di nabago ay yong balon sa gilid na pinasadya pa talaga namin noong bagong tayo pa lang bahay namin noon kami ay malilit pa lang. Napabungtong hininga ako at tuluyan ng lumapit sa gate namin. Nakita ko ang nanay kong nag didilig ng halaman. Oo nga pala, hapon na at mataas ang sikat ng araw kanina, malamang tuyong tuyo ang mga lupa at kailangan diligan ang mga halaman kondi ay mamamatay ito. "Tao po.Tao po." Tawag pansin ko sa kanya kasi alam kong di pa niya ako napansin at alam kong di niya expect na uuwi ako. "Anong ati- Jo-Ann? Ikaw yan?" Dali- daling niyang binuksan ang trangkahan ng gate namin upang papasukin ako. "Opo ma, ako to." Sabi ko sabay mano sa kanyan matapos buksan ang gate namin. "Bakasyon mo ning? Bakit ang dami mo yatang dala?" Tanong niya. Sa halip na sagutin ,niyakap ko nanay ko ng mahigpit. " Na miss kita nay, kumusta naman kayo dito?" Pang iba ko sa usapan upang iwala yong tanong niya. "Ito, parang donya na." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. "Salamat sa pagsusumikap nak ah, kung di dahil sayo di namin maranasan ang lahat ng ito.'' Madamdaming sabi niya. Ngumiti lang ako sa nanay ko. Yes, totoo dahil sa akin kaya medyo naranasan nila ang medyo maalwan na buhay. Matapos ko kasing mkapagtapos ng pag- aaral nag Maynila agad ako. Noong una ayaw ako nilang payagan pero dahil disinido ako, wala na silang nagawa at isa pa may naghihintay na sa aking contract doon. Malaki ka ang ang sweldo, above the minimum at manila rate pa. Di tulad dito na sobrang liit ng sahod. Kung wala lang nangyari doon ay malamang nandoon pa din ako. Napaisip na naman ako sa mga nangyayari doon bago ako umalis. Kung ako paano nila ako pinagbintangan, inakusahan sa mga bagay na kahit sa panaginip ay di ko maisip na gagawin. Napakuyom ako ng kamao ng maalala yon. "Wala yon ma, sino ba naman ang magtutulungan eh di tayo rin.'' Sabi ko nalang sa kanya. "Oh, sige na pasok kana at alam kong pagod ka sa byahi." Tinulungan niya ko sa ibang ko. "May pagkain dyan sa mesa, baka gusto mong mag meryenda muna bago ka magpahinga sa silid mo. May banana cue akong niluto kanina. Buti nlang at nagluto ako niyan, diba paborito mo yan?" Tanong niya. "Opo ma, Salamat nito. Na miss kong kainin to. Pero iba pa rin ang luto mo ma, the best talaga.'' Sabi ko sa kanya. "Asus, binola pa ako. Oh, sha sha, kumain kalang d'yan at tatapusin ko lang ginawagawa ko sa labas." Paalam niysa sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng banana ko habang nag timpla ng juice. Nang matapos ay umakyat na ako sa silid ko. Dinala ko ang malita ko. Iniwan ko lang yong mga dala kong pasalubong na para sa lahat. Wala pa ring nagbago sa silid kong ito. Kung anong set up nang iniwan ko, ganon pa rin ito ngayon. Medyo maalikabok lang. Marahil di ito nalinis ng ilang araw or buwan. Di bali ako nalang maglinis nito kapag makabawi ako ng lakas. Pinagpag ko ang kama at lumundag doon pagkatapos. Magpapahinga muna ako, sako ko na aayusin mga gamit ko. Dahil sa pagod, di ko namalayang nakatulog agad ako. ----- Nagising ako kinabukasan na parang hinalukay ang sikmura ako. Dali- dali akong pumasok sa banyo at doon sumuka ng sumuka. Wala namang laman tiyan ko. Wala rin akong kinain na panis kahapon. Sa katunayan banana cue lang naman ang kinain ko dahil di na ako nagising ng maghapunan na.Di na rin ako ginising ni mama, marahil nakita niya na pagod na pagod ako. Nang maging ok na ang pakiramdam ko, nag mumug ako at naghilamos. Bumalik ako sa kama at himiga ulit. Kinalma ko muna sarili ko dahil nahihilo ako. Siguro dahil nalipasan ako ng gutom kagabi kaya ganito pakiramdam ko. Nakatulog ulit ako nang halos dalawang oras, pinakiramdam ko kung kaya ko na bang bumangon at pagkatapos naligo na ako, mas lalong bumuti ang pakiramdam ko ng mababad amg katawan ko sa maligamgam na tubig. Matapos maligo, bumaba na ako upang makakain ng umagahan. Habang papaba, narinig ko ang ingay ng mga tao sa baba. Napakunot ang noo ko. Anong meron? bakit ang ingay sa baba? Di ko papigilang tanong ko kahit sa sarili ko lang tinanong yon. "Ante Jo, gising kana pala." Napatingin ako sa baba ng marinig ko ang pagtawag sa akin dalagita kong pamangkin na si Shelo. "Kumusta na She? Abay dalagang dalaga na ah?" Sabi ko sa kanya, sabay tingin sa mga kabataang nagkalat sa sala namin."Kayo, kumusta? ginalingan nyo ba sa school?" Tanong ko sa kanila "Okay naman kami ante, sa awa ng Diyos nakapasa naman kahit paano. Bakit nauuso yong math math na yan. Di naman namin yan magagamit kapag magtrabaho na " Himutok ni Shelo. Napatawa nalang ako. Si Shelo ang pinaka panganay na pamangkin ko. 1st-year college na siya sa edad na dalawanpo. Anim silang lahat na pamangkin ko. Si Shelo pinapanganay, sinundan ni Mark, Judy, Melai, Celine at si Challie pinaka bunso apat na taong gulang pa lamang. "Ante, are you okay?" tanong ni Challie, englisera kasi tong pamangkin ko na to. Kaya kapag kausap mo siya, mapa English ka din. "Of course baby I'm okay." Sagot ko. "But, why is that your eyes are so red?" kulit pa nito. "Because I just woke up.'' Sagot ko sa kanya. "But it is already noon." giit pa niya. "Ah, it's because I woke up late." nosebleed talaga tayo kapag ito ang kausap natin. "Ah, okay." sabi niya. Mabuti nalang at natigil din siya sa kakatanong. Inabala ko ang sarili ko sa pagbibigay ng mga pasalubong ko sa mga pamangkin ko. Nakipagkulitan din ako sa kanila. bilang bonding na din namin. Nagluto ako ng champorado para pagsasaluhan namin bilang meryenda. Kinagabihan dumating mga magulang nila.Dito na sila naghapunan at sabay sabay kaming lahat.Nag luto si mama ng adobong manok at nag prito ng bangus. Habang kumakain napatanong ang isang kuya ko na kuya Jem. "Hanggang kailan ka dito Jo?" Tanong niya. "Dito muna ako kuya habang wala pa akong trabaho." malaunay na sagot ko. "Wala ka ng trabaho? How come?" Nagtatakang tanong niya. "Nag resign ako kuya." Maikling sagot ko. ayaw kong mag elaborate pa. Ayaw kong malaman nila ang mga nangyari sa akin sa Manila. "Ano? Nag resign ka? Di mo ba alam na maraming mga walang trabaho ngayon tas ikaw may pa resign-resign pang nalalaman?" Sabat ni ate Claire. Sa lahat ng kapatid ko si ate Claire ang masasabi kong umaasa sa akin kahit na may sarili na itong pamilya. Paano kasi walang trabaho ang asawa, wala din syang trabaho kaya halos linggo- linggo nanghingi sa akin. "Hayaan mo ate, Maghahanap lang ako ng trabaho dito." Sabi ko sa kanya. "At ano namang trabaho ang pasukan mo dito?" Sabi pa niya "Kahit ano ate, basta trabaho." sagot ko. "Iwan ko sayo ang ganda na nang trabaho mo binitawan mo pa." Sabi niya sa akin "Ate Claire, bakit ba big deal sayo na walang trabaho si Jo-Ann? Dahil ba wala ng nang magbibigay sayo ng pera para sa pamilya?" Sabat ng kanina pa nananahimik ate Angie ang sinundan ko na kapatid. Sa lahat ng kapatid ko, ito yong pinaka close ko. Dalawang taon lang ang tanda nito sa akin. Sa kanya ko sinasabi ang lahat ng hinaing ko sa buhay. Maliban sa nangyayari sa akin ngayon. Wala pa rin itong asawa pero may boyfriend na afam. ''Eh, responsibility niyang magbigay sa atin dahil kapatid niya tayo." "Hindi niya responsibilidad na magbigay sayo kasi may sarili pamilya.'' "Eh, ano ngayon kong nanghingi ako sa kanya? Di mo naman pera yon ah, ikaw nga ayaw akong pahiramin ng pera.Di ka naawa sa amin lagi mo akong tinanggihan." "Paano pahihiramin kong walang kayong pambayad. Wala kang trabaho, mas lalong walang trabaho yang palamunin mong asawa. Lagi nalang kayong umaasa ky Jo-Ann. Tandaan mo di lahat ng panahon mabibigyan kayo ni Jo-Ann tulad ngayon wala na siyang trabaho." Mahabang wika ni ate Angie sabay tingin sa asawa ni ate Claire kumain lang ng kumain at parang walang pakialam sa sagutan ng mga kapatid ko. "Bakit big deal sayo ang pagbibigay ni Jo ng pera sa akin, Angie? Eh siya nga di nagsasalita kapag nagbigay sa akin ng pera. Tapos ikaw na walang binigay sa akin rant ka ng rant.'' ''Aba't-" Dina natapos ni ate Angie ang sasabihin dahil sumabat na si Mama. "Tama na yan, magsikain na kayo. Lumalamig na mga pagkain nyo.'' sabat ni mama upang matapos na ang bangayan ng dalawa. Nakinig naman ang dalawa pero nakikita pa rin ang palihim na pagsulyap nila sa isa't - isa. Parang sa isip nalang nila pinagpatuloy ang bangayan nilang dalawa. Ang totoo, sa aming magkapatid si ate Angie lang talaga ang may lakas loob na magsabi kong anong nilalaman ng isip niya. Basta alam niyang nasa tama siya. Tas ako yong klase ng tao na hindi nagsasalita hanggat di hinihingi ang opinyon. Wala rin akong lakas loob nakipagsagutan sa mga kapatid ko maliban ky ate Angie. Kay ate Angie kas Comfortable akong ilahad ang mga hinaing ko dahil alam kong kaya niya makinig sa akin ng di niya ako dina judge. At kapag alam niyang secreto yon, mananatiling sekreto yon gaano man katabil ang dila niya. Natapos ang hapunan naman na wala ng nagtangka pang magsalita sa mga kapatid ko. Nakiramdam yata sa tensyon kanina sa pagitan nina ate Claire at ate Angie. Kanya kanya silang paalam na umuwi na sa kani-kanilang tahanan kasama ang mga anak nila. Naiwan kami nina mama at ate Angie. "Tapusin ko muna mga hugasin sa kusina ma, tas aakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos.'' Paalam ko sa kanila. "Sige nak. Salamat ah, pasensya kana sa ate Claire mo." "Ok, lang ma. Naintindihan ko.'' Sagot ko. "Sus, ang sabihin mo Jo, di mo kayang tanggihan si ate, kahit inabuso ko kana. oh sya sya, akyat na ako sa kwarto ko." Sabat naman ni ate Angie. Napailing nalang ako at tumuloy na sa kusina para tapusin ang mga hugasin na nandoon. Matapos kong hugasan lahat, naglinis muna ako ng konti sa kusina at sala bago ako umakyat sa silid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD