Kung nakaligtas sa mga mata ni Jaia ang mga luha ko. Hindi yon nakaligtas kay Thad. Mariin niya akong tiningnan waring sinasabi kung anong nangyari. Iniwas ko sa kanya ang paningin ko at pasimpling pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay kumalas ako sa yakap ng anak ko. "Anong gusto mong meryenda nak?" Tanong ko kay Jaia. "Nanay, I want pancake po." Bibong sagot niya. "As you wish baby. Dito ka muna kay papa doc mo ah? Ipagluto kita." Sabi ko sa kanya na pinasayang tinig kahit sa loob ko ay parang gusto ko ulit na umiyak. "Okay po nanay." Sagot niya. "Ikaw Thadd? Anong gusto mo? Tanong ko sa kanya. "Anything will do." Sagot ni Thadd sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Sige, pakitingnan si Jaia sandali. Asan nga pala si mama di ko siya mapansin kanina pa." Tanong ko sa kanya.