Christian POV Nagising akong masakit ang buong katawan ko. Paano ba naman di sasakit ang katawan kung dito ako sa sala nakatulog? Nakatulog akong nakayukyok sa mesa habang nakaupo lang sa Carpet. May nakita akong basag na botelya sa tabi ko. Mabuti at di ko nasagi yon kondi sugat ang aabutin ko. Ganun ba ako ka lasing at diko man lang namalayan ang pagkahulog ng botelya ng alak? Ang totoo ay di naman ako mahilig sa alak. Uminum naman ako ngunit kapag may okasyon lang. Ngunit kagabi ay di ko napigilan ang sarili kong tumikim ng alak dahil sa sagutan namang ni Jo-Ann. Sino ba namang ina ang hindi magalit kong pilit ihiwalay sa kanya ang anak niya? Ngunit yon lang ang paraan ko upang mas lumayo siya sa akin. Oo, gusto kong makasama sila ng anak ko ngunit ayaw masaktan muli siya lalo na nga