Christian POV Ilang araw matapos kong mahuli sina Adulfo at Ellen na may ginawang panloloko ay di ko na sila pinagtounan ng pansin. Kahit anong pagmamakaawa ni Ellen na tanggapin muli siya, na inakit lamang siya ni Adulfo ay di ko na pinapansin. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa negosyo. Hindi ako umuwi sa condo or sa bahay ng magulang ko. Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Adulfo. Mas lalo lang uminit ang ulo ko kapag makita ko siya. Ayaw ko namang makasapak ako ang kapatid sa harap ng mga magulang ko. "Meeting adjourned." Sabi ko sa mga ka meeting kong mga department heads ng kompanya namin, ang Zueraldez Development Corporation. Napatingin ako sa dating pwesto kung saan nakaupo dati si Jo-Ann. Aminin ko hanggang ngayon di pa rin Ako sanay na wala ang presensya ni Jo-Ann sa tabi k