Chapter 1

1247 Words
Hawak ko ang aking traveling bag habang naka upo sa isa sa mga beachers dito sa Dumaguete Bus terminal. Wala pa kasing bus na ang ruta ay papuntang Bacolod City kung saan madaanan ang bayan na sa Mabinay. Matapos lumapag ang eroplanong sinakyan ko, dito na ako dumiritso. Galing akong Manila, doon ako nag tatrabaho matapos kong makapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Accounting dito sa NORSU isa sa mga University dito sa Dumaguete. Yes, sa isang public school ako nag aaral pero ganon pa man ang taas din ng standard ng paaralang ito. Anim kaming magkakapatid at ako ang bunso. Sa sobrang hirap ng buhay naman noon naranasan kong mag bunot ng damo sa isang sakahan. Ginagawa ko yon tuwing Sabado at kapag may mga araw na walang pasok makatulong lang sa nanay at tatay ko. Singkwenta pesos ang sahod doon kada araw mula alas syiete ng umaga hanggang ala sinko ng hapon. Napabuntong hininga ako ng makita may paparating nang bus. Inihanda ko na ang ang gamit ko at sumakay nang bus na naka rota papuntang bayan. Sa may unahan ako umupo, tamang tama at wala pang masyadong pasahero kaya makakapili pa ako kung saan ko gustong umupo. Ayaw ko kasing umupo doon sa likurang bahagi ng bus lalo na sa gitna dahil mahiluin ako sa byahe. Tatlo hanggang apat na oras pa naman ang byahe papunta sa bayan namin. Mabuti nalang at uminum ako ng bonamin bago sumakay mg eroplano kanina. Ilang sandali pa at naramdaman kong umandar na ang bus. Napalingon ako sa likuran upang suriin kong puno na ba. Hindi pa naman siya puno, saka ko lang naalala na may time limit pala ang pag papark ng bus. Puno or hindi, lalarga ang bus dahil may oras silang sinusunod. Binalik ko nalang ang tingin ko sa unahan saka inayos ang pagkaupo. Sumandal ako sa likuran ko saka ipinikit ang mata. Habang nakapikit, nalala ko ang dahilan kong bakit bigla na lang akong napauwi ng wala pasabi. Sa totoo lang wala naman akong planong umuwi eh, pero sa mga mangyari nitong nakalipas na buwan, napag-isip kong kailangan ko ring huminga, kailangang kong lumaya muna sa mga taong naging dahilan kong bakit masakit amg dibdib magpahanggang ngayon. Akala ko makapagtapos lang ako ng pag aaral at makapag trabaho tapos na ang problema ko. Maiahon ko na ang pamilya ko sa hirap.Pero bakit hanggang ngayon lukmok pa rin ako. Naalala ko ang mga taong naiwan doon sa Manila, at ang dahilan kong bakit tuloyang akong magising sa katotohanan, katotohanan na walang.ibang magsasalba sa sarili kondi ako lamang. Abala ako sa pagtitipa ng laptop ko dahil kailangan na tong maipasa sa HR department tong mga payroll nga mga employado sa kompanya. Isa akong accounting head ng isang malaking kompaya di lang dito sa Pilipinas, maging sa Asia at Europe. Maging ang buong kontenente ng America ay sakop din nila. Ganyan kayaman ang may-ari ng kompanyamg pinagtrabahuan ko, ang Zueraldez Development Corporation. "Miss Jo, pinatawag ka ni Mr. CEO sa office niya." Imporma sa akin Hera, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. "Bakit daw?" Tanong ko. "Iwan ko, baka tungkol to sa kumalat na balita na nakipag s*x ka ky sir Adolfo." Sagot niya. " Ano? Wala akong matandaang nakipagtalik sa mayabang na yon!" Nanggalaiti kong saad sa kanya saka tumayo at dali daling lumabas sa opisina. Hindi ko alintana ang mga katrabaho kong pinagtitinginan ako na parang may sakit na nakakahawa. "Kala ko kong sino perfect nasa loob din pala ang kulo. Hmmp." Narinig kong sabi ng isang katrabaho na si Honelyn. "Oo nga naman, magkapatid ba naman dinali niya.' Sagot naman ni Karen. Di ko nalang sila pinansin habang papunta sa opisina ni Cristian. Ang CEO ng kompanya at the same time boyfriend ko. Pag pasok ko doon sa opisina niya nakita ko siyang may kahalikan na babae. Biglang kumulo ang ang dugo ko sa nakita. "Anong ibig sabihin nito?'' Tanong ko sa kanya. Di niya ako pinansin at hinalikan muli ang babaeng di ko alam kong anong pangalan niya. " Babe, alis ka muna. I'll contact you later okay, hmmm?'' Malambing nansabi niya doon sa babae na akala mo wala ako doon. "Alright, I will wait for your call okay?" Hinalikan pa niya si Cristian bago tuluyang kinuha ang bag niya na nasa sofa, malanding naglalakad palabas ng opisina. Di nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay niya bago ako nilagpasan. "Bakit may babae ka dito?" Nagtitimping tanong ko sa kanya. "Kung anong nakita mo, yon na yon." Sagot naman niya. "Ganon nalang yon?" Di ko mapigilang sabi ko sa kanya. "Why? What do you expect from me? Stay loyal to you even if you're not?" Sabi niya "What? I'm loyal to you and you know that." Sagot ko sa kanya. "Really? Then, how are you going to explain this?" May kinuna siya sa drawer na sa ilalim ng mesa at itinapon sa harapan. Isa isa kong pinulot yon at nakikita ko ang mga litrato ko na kasama ang kapatid niyang si Adolfo sa iisang kama na parihong hubad at may parang may ginagawa na di ka nais-nais. Pinagmasdan kong maigi ang nasa larawan at masasabi kong di ako yan at halatang ini edit lang. Kilala ko ng katawan, may balat ako na parang black butterfly sa kalawang palapulsuhan ko samantalang itong nasa picture ay wala. May malaking nual din ako kanang bahagi ng legs ko, samantalang itong nasa larawan ay wala. Kaya imposibling ako yan. "Hindi ako to. Impossible na ako to. Wala akong natatandaang nakipag siping ako sa kapatid mo." Sabi ko sa kanya. "Don't fool me anymore Jo-Ann! I already know what kind of person you are. I regret loving you. From now, let's forget that we have a relationship. Ayokong makipagrelasyon lalo na sa isang taong nagnakaw pa ng kompanya ko!" Mahabang sabi niya. "Nagnakaw? What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ko. "Oh, you forget now? You stoled five million in my company." Nang-uuyam na sabi niya. "Wala akong ninakaw na kahit isang kusing sa kompanya mo Christian, akala ko kilala mo talaga ako? Bakit lahat nalang binibintang mo sa akin? Akala ko, sa lahat ng tao ikaw ang unang magtatanggol sa akin kasi mas maniniwala ka sa akin, kasi mahal mo ako. Pero sa nakita ko ngayon ikaw pa ang unang humusga sa akin! Ikaw pa na sobrang mahal ko! Ikaw pa na nangako sa akin na kahit anong mangyari, hinding hindi mo bibitawan kahit kailan!" Hinihingal na sabi ko sa kanya sabay talikod at tinungo ang pinto ng opisina niya. "Oh, by the way, effective today, I will resign company. No worries, hindi ako maghahabol kong anong meron kayo. Kung gusto mo akong ipakulong, just go on. Di kita pipigilan. As long as I know for myself that my conscience is clear and my intention for you is pure. Have a good day Mr. Zueraldez." Yon na ang huling pag- uusap namin ni Cristian. Di na ako nagtangka pang kausapin siya muli. Nilisan ko nalang kompanya ng tamihik sa kabila nang maraming nagsabi na karma ko daw ang lahat dahil masyado ambisyosa na makuha ang lahat na pati ang magkapatid ay tinuhog ko kaya ang lahat ng nangyari sa akin ay karma daw. Pinababayaan ko nalang ang mga chismis na narinig ko. Hindi na rin ako nagtangka pang I explain ang side. Ano pang silbi ng explanation ko, kong mismo si Christian nga di naniniwala sa akin sila pa kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD