Papasok palang ako sa opisina nang makita kong medyo nagkagulo ang mga katrabaho ko. Nagtataka ko silang tiningnan. Wala kasi akong alam na ganap ngayon kasi noong byernes ay nag half day lang ako sa trabaho dahil umuwi kami sa Mabinay tulad ng nagpag-usapan namin ni ate Claire. Nagkataon din kasi na wala na akong masyadong gagawin kaya maaga akong nag out. "Anong meron?" Tanong ko kay Shaina, katrabaho ko ngunit sa sales department siya sakop. "Bukas ang dating ng mga executive. Teka bakit di mo alam, nasa bulitin board yan nakapaskel ah?" Nagtatakang tanong niya. "Ah, di ko nakita. Nag half day kasi ako noong byernes." Sagot ko sa kanya. "Kaya pala. Sige maiwan na kita. Dami ko pang gagawin sa opisina. Baka masabon kami non." Paalam niya sa akin na naglalakad na. "Ah, okay." Sab