Nasa conference room kaming lahat ng mga katrabaho ko. Kanina pinatawag kaming lahat sa conference room dahil may konting programa daw bilang pagpapakilala ang mga panauhin na galing main office. Habang nag hihintay na magsisimula, nagchichikahan muna ang ilang mga ka trabaho ko. Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko. Himalang nananahimik din sa tabi ko sina Kaye at Liza. "Oh, bakit ang tahimik nyong tatlo?" Puna sa amin ni Girlie. "Wag mong simulan girl, baka mapa absent kami ng wala sa oras. Ikaw sasalo ng mga gawain namin." Panakot ni Liza sa kanya. "Grabe, nagtatanong lang naman ako. Saka anong alam ko sa mga gawain nyo dyan, taga encode, filing at taga sulat lang naman ako ng resibo. In short alalay lang ako" Sagot ni Girlie sa kanya. "Makaalay ka dyan. May alalay bang kat