Kinabukasan, alas syete na nang umaga ako nagising. Napuyat ako sa kakahanap ng vacant jobs. Idagdag pa ang tawag na natanggap ko kagabi. Kahit lasing ang kausap ko, sigurado ako kung sino yon. Si Christian lang naman ang may tawag sa akin na 'Sweetie' kaya sure ako na na siya yon. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ganon ang mga sinasabi niya kagabi. Bigla nalang tumambol ang dibdib ko. 'Possible kaya na alam niya na wala akong kasalanan? Kung ganon bakit parang baliktad ang mga kinikilos niya kung alam nga niya?' Napailing nalang ako sa naisip ko. Bumangon ako at tinali ang buhok ko. Hinayaan konmuna si Jaia na matulog pa. Mamaya ko lang siya gisingin para ihatid sa day care center. Bumaba ako sa kusina at nadagnat si mama na nagluluto ng almusal. "Good morning, ma." Bati ko kay m