Chapter Two

3423 Words
          NAGISING si Amihan ng umagang iyon na masakit ang ulo. Marahil ay hangover dahil sa dami ng nainom kagabi. Natatandaan niya na marami na siyang nainom bago pa lapitan ni Eugene.           “Oh, you’re awake… good morning…”           Napabangon siya ng wala sa oras at bumungad sa kanya ang ama, si Armando Santillan, isang retired Lieutenant Colonel ng Philippine Army. Muling binagsak ni Amihan ang katawan sa kama.           “Dad… kung sesermunan mo ako… not now… save it for another day.”           “I’m not saying anything yet,” natatawang sagot ng ama. Naupo ito sa gilid ng kama. Lumingon muli si Amihan sa ama pagkatapos ay bumangon siya bago nahiga at umunan sa hita nito. Napangiti siya ng maramdaman ang marahan na haplos ng kamay nito sa buhok niya.           “The first time I saw you that devastated was when your Mom passed away. Hindi mo matanggap na wala na ang Mommy mo noon kaya palagi kang malungkot o umiiyak. Walang ganang kumain. Natakot ako noon na baka ma-depress ka ng tuluyan, kaya umisip ako ng paraan para ma-divert ang atensiyon mo sa iba. Until we noticed how your behavior changed every time you play with your younger cousins. Nakita ulit kitang ngumiti, narinig ulit kitang tumawa. Ang Tita Shirley mo ang nag-suggest na ituloy ang original plan namin ng Mommy mo, ang humanap ng surrogate mother na siyang magbubuntis para mabigyan kita ng kapatid. Siguro iyon talaga ang nakatadhanang mangyari dahil pagkatapos ko kausapin si Josephine, nag-prisinta siyang maging surrogate mother. Ang kuwento pa niya sa akin na palagi daw binabanggit iyon ng Mommy mo sa kaniya sa tuwing nagkakausap sila noon. And Josephine thought if she will be the surrogate Mother, she feels like she did something to keep the memory of your Mom alive. At iyon na yata ang pinakamagandang desisyon ko sa buhay ko pangalawa sa pagpapakasal ko sa Mommy mo dahil sumaya ulit ang bahay na ito nang dumating ang mga kapatid mo. Nang maghiwalay kayo ni Eugene, hindi ka rin nila pinabayaan. They love you so much.”           Malungkot na napangiti si Amihan nang maalala ang kanyang namayapang ina. And the surrorgate mother that her Dad mentioned is Josephine Janssen, a pure Dutch and her Mom’s bestfriend. Ito ang nagbuntis sa mga kapatid niya. Her Dad used the Traditional Surrogate. It’s a procedure where a woman gets artificially inseminated with the father’s sperm. Ayon na rin mismo sa kanyang ama, matagal nang pangarap ng kanilang Mommy Estelle ng magkaroon ng maraming anak. Pero matapos nitong ipanganak si Amihan, nagkaroon ito ng malaking tumor sa matris dahilan para operahan at tanggalin ang buong matris nito. Sa halip na mawalan ng pag-asa dahil sa nangyari. His parents look for other way to produce children and that lead them to traditional surrogate. Ngunit nangyari ang isang trahedya at namatay sa plane crash ang Mommy.           Dalawang beses ginawa ang traditional surrogate procedure. Sa unang pagbubuntis ni Josephine, kambal ang niluwal nito. Si Hiraya at Himig. Makalipas ang dalawang taon, muling nagdesisyon ang ama na dagdagan silang magkakapatid, at ginawa sa ikalawang beses ang procedure at sa pagkakataon na iyon, Quadruplets ang naging resulta. Sina Malaya, Mahalia, Musika at Mayumi.           “Daddy, hindi mo ba naisip ever na palitan si Mommy? Like, there’s Josephine, she’s beautiful and I remember, she’s so kind.”           Natawa ang ama. “Hindi kami talo no’n. Josephine is a lesbian.”           “Really?!” gulat na tanong niya. “I didn’t know that.”           “I will be forever grateful to her. Saka, mahal na mahal ka rin kasi ni Josephine, ayaw niyang malungkot ka sa pagkawala ng Mommy mo.”           Mayamaya ay bumuntong-hininga si Amihan. “Dad… naging mabait na anak ba ako? Was I even a good wife to Eugene?”         “I’m sure you were. Siya mismo ang nagsabi niyon sa akin at mabait kang anak at kapatid.”           “I’m sorry kung nabigyan ko kayo ng problema.”           “It’s not your fault. It’s not his fault either. Pareho lang kayong naging biktima ng pagkakataon. Ang totoo, masaya pa ako na pinakawalan ka niya. Oo, masakit. Pero mas gusto ko na nasaktan ka ng isa o dalawang beses. Kaysa habang buhay maging miserable ang buhay mo at pilitin n’yo mag-work ang pagsasama n’yo kahit hindi na puwede.”           “Naiintindihan ko naman, Dad. Naiintindihan ko na rin si Eugene… or Jessica… pero hindi ko pa rin maiwasan na masaktan at magalit.”           “It’s okay. You’re entitled to feel that way. Hindi naman kasi madaling tanggapin. Take your time to heal, anak.”           Bumangon si Amihan matapos marinig na nag-ring ang cellphone niya.           “Hey Vivien,” bungad niya pagsagot sa tawag ng Assistant. Nasa Lisse, Netherlands ito ng mga sandaling iyon kung saan naroon ang Tulips Field na siyang pangunahin produkto ng Bloom Breeze International.           “Girl, I’m sorry to disturb you.”           “No, it’s okay. I just woke up. What’s up?”           “Mayroon akong gustong sabihin sa’yo,” sagot nito.           “What is it?”           “It’s Sir Rod Smith.”           “Oh, anong nangyari?”           “He died this afternoon, cardiac arrest.”           “Oh my God! Vivien, seryoso ka?”           “Oo. Kagagaling ko lang ng ospital! Pero may mas malaki tayong problema na iniwan ni Mister Smith.”           Napansin ni Amihan ang himig ng pag-aalala sa boses nito.           “Ano?”           “We are about to lose Bloom Breeze.”           “What?!” bulalas ni Amihan.             NAKAUPO si Alvin sa kanyang swivel chair. Naroon pa rin siya hanggang ng mga sandaling iyon sa kanyang opisina. Laman pa rin ng kanyang isipan ang nasaksihan niya kagabi.           Noong una ay nagkakasya na siyang lihim na nakamasid mula sa malayo. Abot hanggang langit ang pagpipigil ng binata na lumapit sa babaeng lihim niyang minamahal. Pakiramdam niya ay dinudurog maging ang kanyang puso habang nakikita itong nahihirapan. But when se broke down and cried, hindi na napigil ni Alvin ang sarili. Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. Laking pasalamat na lang siya dahil lasing ito kaya hindi siya namukhaan. Minsan, hindi maiwasan ng binata na sisihin ang sarili. Kung nagkaroon lamang siya noon ng lakas ng loob na lapitan at makipaglapit. Baka sakaling siya ang minahal ng dalaga. Baka sana ay hindi ito naghirap at nasaktan ng ganoon. Kung siya ang nasa tabi nito, baka masaya ito ngayon.           But everything that was happening in our life has a purpose. Alam niyang may dahilan ang lahat kung bakit hindi sila pinagtagpo nito. Kung may magagawa lang siya ngayon para sa dalaga.           “Ay Ma’am! Sandali lang po… hindi po kayo puwe—”           Napalingon siya. Agad nagsalubong ang kilay ni Alvin ng bumungad sa kanya ang isang hindi inaasahan at hindi imbitadong bisita.           “There you are! Sa wakas natagpuan na rin kita!”           “Sorry po Sir, nagpumilit siyang pumasok!” paliwanag ni Mel, ang kanyang Sekretarya.           “It’s okay, Mel.”           Iniwan sila ng sekretarya. Napilitan siyang harapin ang bagong dating.           “What do you want, Chrissy?” tanong niya.           Lumapit ito sa kanya pagkatapos ay agad na pinulupot ang mga kamay sa leeg niya saka akma siyang hahalikan.           “I missed you, Al—”           Agad hinawakan ni Alvin ang braso nito saka pilit itong nilayo sa kanya.           “How many times do I have to tell you to stop this?! Stop coming here! Sinabi ko na sa’yo na ayoko nang makita ka, di ba?!” inis na tanong niya.           Nangilid ang luha ng babae.           “Bakit ka ba nagkakaganyan? Ngayon kita higit na kailangan ngayon, Alvin. I’m emotionally distressed right now because we lost our baby!”           Pakiramdam ni Alvin ay biglang kumulo ang dugo niya. Humakbang siya paatras para bigyan silang dalawa ng distansya. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili at kung anong magawa kay Chrissy. This woman almost ruined his life.           “Correction! There is no baby, Chrissy! Kahit kailan ay hindi ka nabuntis! It was just your crazy fantasies! Nagpanggap kang buntis para mapikot mo ako!”           Natigilan ang babae. Nagkulay suka ang mukha nito.           “Your doctor told me everything! You see, even your own body betrayed you.”           “G-Ginawa ko lang iyon dahil mahal kita!”           “Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa’yo na hindi ko kita kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan?”           Biglang nagsalubong ang kilay nito pagkatapos ay pinalo siya ng pinalo sa dibdib.           “Wala kang utang ng loob! Walanghiya ka! Pagkatapos ng mga ginawa ko para sa’yo ito ang igaganti mo?! I made you, Alvin! Kung hindi dahil sa pera ko wala ka sa kinalalagyan mo ngayon! Noong panahon na nagrerebelde ka at hindi mo kayang patunayan sa mga magulang mo ang sarili mo. It was me who picked you up, you bastard!” galit na panunumbat nito.           Alvin grabbed her arms and held it tightly.           “I am who I am today because I worked hard for it! Yes, you helped me financially! But I did all the work! At baka nakakalimutan mo. Naibalik ko na sa’yo ang halagang pinahiram mo sa akin noon! Believe me, Chrissy, I’m beyond grateful for what you’ve done to me. Pero hindi ko kayang ibigay ang kapalit na hinihingi mo. I can’t love you! Alam mo noon pa man na may ibang babae akong minamahal!”           “Sino siya? Sabihin mo sa akin kung sino siya?!”           “Whoever she is, that’s none of your business.”           “Pagkatapos ng nangyari sa atin, matapos mong makuha ang p********e ko? Tatalikod ka na lang basta!”           “Nilasing mo ako, Chrissy! Alam mo na hindi kita papatulan kaya nilasing mo ako! I only had a bottle of beer that night. Pagkatapos namalayan ko na lang na nahihilo ako. And the next thing I knew, I was at your bedroom!”           “Please, Alvin! Ako na lang!” pagmamakaawa nito habang pilit yumayakap sa kanya.           Pero hindi ito nanalo sa lakas niya. Sa halip ay nagawa ni Alvin na itulak ito palayo sa kanya.           “Just leave, Chrissy. Please. Get out.”           Imbes na umalis ay napaiyak ito at naupo sa sofa. Bumuntong-hininga siya at napatalikod. Lahat ng sinabi ng babae ay totoo. When he was younger, Alvin is struggling to build his own identity. Lumaki siya na kinokompara ng mga magulang niya sa dalawang Kuya niya. His brothers are straight honor students from elementary to college. Habang siya ay nasa average lamang. Sa kanilang tatlo, siya ang pala-kaibigan, happy-go lucky, dahil doon ay nasasabihan siya ng mga magulang na puro barkada ang inaatupag kaya hindi siya magkaroon ng honors academically.           Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nagawang maka-graduate ng kolehiyo ni Alvin. Umalis siya ng bahay nila pagkatapos ng graduation. Kasama ang pangako na magsisikap siya at papatunayan na ang gaya niya ay may mararating sa buhay. Alvin worked double. Salesman ng mga Industrial Machines sa umaga. Call center sa gabi. Sinikap niyang tumayo sa sariling mga paa at hindi umasa sa yaman ng mga magulang. His parents and other people told him he is a man full of pride. Pride na kung pride, kung iyon man ang tingin ng lahat. Pero mas gusto ni Alvin na magsimula sa ibaba sa sarili niyang sikap. Sa pagiging salesman niya nakilala si Chrissy. Sa pamamagitan ng magaling na pagse-sales talk ay nagawa niyang makuha at ma-close ang deal sa kompanya nito. That was the start of his success. Sa pamamagitan ng malaking komisyon na nakuha niya, nagsimula si Alvin sa maliliit na industrial machines at iyon ang binenta sa mga kakilala na niyang mga kompanya. Nakita ni Chrissy ang determinasyon niya. She helped him financially.           Ito ang nag-finance ng maliit na kompanya niya. Dahil na rin sa apelyido niya at bunga ng magandang reputasyon ng business ng pamilya nila. Marami ang nagtiwala sa kanya. And in no time, AS Industrial Technologies rise up, and over the years, it became one of the leading industrial machines distributor in the country. Dahil doon ay madali niyang naibalik ang pera na naunang pinahiram sa kanya ni Chrissy.           Malaki ang utang ng loob ni Alvin kay Chrissy. Parang nakakatandang kapatid na babae ang tingin niya dito, bukod doon ay mabuti rin silang magkaibigan.  Inalagaan niya ito na parang nakakatandang kapatid. Mag-isa lang sa buhay ang babae. A lonely woman who suffers from Major Depression Disorder, Anxiety and Panic Attacks because of her past. Biyuda at walang anak. Sa tuwing may session ito sa Doctor, madalas ay sinasamahan niya ito. Sa tuwing nalalasing ito. Siya ang naghahatid dito pag-uwi. Sa tuwing may sakit ito at siya rin ang nag-aasikaso. Everything that he did for her are all because of their friendship. Nothing else. Noon pa man, sinabi niya kay Chrissy na may lihim siyang minamahal simula pa lang high school siya. Ngunit kahit kailan ay hindi niya binanggit ang pangalan ng babae o kahit anong impormasyon dito. He’s a kind of man who hates spilling everything about his life. He values privacy a lot. Para sa kanya ay masyado nang personal para malaman nito kung sino ang tinutukoy niya. Hindi naman akalain ni Alvin na sa kabila ng kaalaman nito na may mahal siyang iba ay magkakagusto pa rin ito sa kanya. All those years, Alvin thought she only treats him like her younger brother.           And a month ago, sa birthday party ng isa nilang kaibigan. Pagdating niya ay binigyan agad siya nito ng isang boteng beer. Doon siya nahilo agad. Nang gabing iyon na rin may nangyari sa kanilang dalawa. Since then, Chrissy acted as if she’s his girlfriend. Naging sweet ito sa kanya. She always holds his hand every time they walk together. Hanggang sa hindi siya nakatiis. Alvin confronted her and asked her to stop everything she’s doing. Pinrangka niya rin ito na wala siyang gusto dito at ang nangyari sa kanila ay isang malaking pagkakamali.           Chrissy began to cling to him even more or obsessed to be more exact. Hindi na niya dapat papansin ito, ngunit dumating sa punto na kahit saan ay sinusundan siya ng babae. She will make a scene every time he declines to do what she wants. Naging problema at sakit ng ulo ni Alvin si Chrissy. Kaya napilitan siyang ipa-ban ang babae doon sa opisina niya. Three weeks later, Chrissy called him and told him the most shocking news he ever heard. She’s claiming that she’s pregnant. Nakiusap ito na kung puwede ay pumunta siya doon sa bahay nito para daw mag-usap sila. Pero pagdating niya doon, nadatnan ni Alvin ang maraming bisita, pagpasok pa lang ay inulan na siya ng Congratulations. Nang lumapit sa kanya si Chrissy ay may dala na itong ultrasound result na nagsasabing buntis nga ito. Nang mga panahon na iyon, pakiramdam ni Alvin ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pero nang gabi din na iyon, tila tinulungan siya ng Langit na makaalis sa miserableng buhay na nagbabadya sa kanya.           Wearing a white dress. Pagtayo ni Chrissy mula sa sofa, bumungad sa lahat ang blood stain sa may pang-upong bahagi ng damit nito. Natatandaan niya na bigla itong umarte na masakit ang puson matapos sabihin ng mga bisita na may dugo ang palda nito. Duda man sa inarte. Still Alvin rushed her on a hospital. Doon niya nalaman ang totoo. Her own doctor told him; Chrissy was never pregnant at all. Ang blood stain sa damit nito ay bunga ng monthly period nito. It was actually her second day. At ang ultrasound result na pinakita nito sa kanya at sa lahat ay peke. Ni wala daw kakayahan ang babae na magbuntis dahil baog ito. Nang mga sandaling iyon, napatunayan ni Alvin na handa si Chrissy na pikutin siya. At laking pasalamat niya na hindi nagtagumpay ang balak nito.           Nang bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan, narinig na lang niya na may kausap si Chrissy sa cellphone.           “Did you finally break the shocking news to them?” tanong nito sa kausap.           “I want to know the b***h’s reaction… Is she devastated?”           Tumawa pa ito matapos marinig ang sagot ng kausap. “That’s good. I love to see her miserable. Sabihin ninyo kay Amihan Santillan, mayroon lang siyang ninety days para tubusin ang Bloom Breeze International sa akin, kung hindi ay kukunin ko sa kanya ito. Huwag n’yo siyang kulitin pagkatapos niyon. Hayaan natin siyang matuliro sa kakaisip kung saan siya kukuha ng twenty million euros. Kapag nagkita kami, ire-reduce ko sa fifteen days ang palugit nila. On that way, I will finally get Bloom Breeze from her. Huwag n’yo din kakalimutan na ipakita sa Assistant ni Amihan ang mga papeles na nagpapatunay ng agreement namin ni Rod Smith.”           Parang may malakas na sumipa sa dibdib ni Alvin nang marinig ang pangalan na binanggit ni Chrissy.           “I have to do something,” lihim niyang wika sa sarili.           Nang matapos makipag-usap ay tumingin ulit sa kanya si Chrissy.           “What was that?” kunot-noo na tanong niya.           Pumormal ang mukha nito bago tumayo.           “I want you to do something for me, for the last time,” sabi nito.           “Last time?” ulit pa niya.           Bumuntong-hininga ito. “Pagbibigyan na kita sa gusto mo. Hindi na ako manggugulo. Pero kailangan pagbigyan mo rin ako sa huling pagkakataon.”           “Ano ‘yon?”           “You’re friends with Himig Santillan, di ba? His sister, Amihan Santillan is facing a financial crisis on her business. Call your friend and tell him you heard about the news regarding Bloom Breeze International. Offer your help. Sabihin mo na handa kang tulungan siya. I will transfer twenty million in your account after this.”           Nagsalubong ang kilay niya.           “Para ano? Sa huli ay sa iyo pa rin mapunta ang Bloom Breeze International na sinasabi mo?”           Nagkibit-balikat ito. “Ganoon na nga.”           Napailing siya. “You are a decent businesswoman as far as I can remember. Bakit mo kailangan gawin ito? Saka bakit hindi ko alam na may ganito kang plano? At sa kapatid pa ng bestfriend ko! I didn’t know you are this insane.”             Pagak na tumawa lang ito saka umiling.           “Alvin… Alvin… gaya mo… I have my own secrets. And this is one of them. Ako ang tipo ng babae na kapag may gusto, kukunin ko, kahit sa anong paraan,” sabi pa nito saka binigyan siya ng isang ngiting nang-aakit.           Alam ng binata na hindi lang negosyo ang tinutukoy nito. Lihim siyang huminga ng malalim at nag-isip.           “I have to do something. Hindi lang para sa akin, pati na rin kay Amihan.”           Bigla siyang tumingin ulit kay Chrissy.           “Sinabi mo kanina na kapag tinulungan kita ay hindi mo na ako guguluhin.”           “That’s right.”           “Why all of a sudden? Kanina lang ay halos nagmamakaawa ka sa akin.”           Nagkibit-balikat ito. “Because it looks like you already made up your mind. I guess I’m just not lucky enough.” “Liar,” he told himself. Kilala niya si Chrissy, hindi nito basta tatanggapin ang pagkatalo. Kaya naisipan ni Alvin na sakyan niya ang mga sinasabi nito. Isa rin ito sa dahilan kaya mas lalo niyang hindi sinabi noon ang pangalan ng babaeng mahal niya, matapos malaman na may gusto ito sa kanya. Chrissy Thompson will get what she wants in every way that she can. May masagasaan man itong tao o wala. Negosyo man o siya. And he will not let her ruin Amihan. He will protect her no matter what happens. “Mag-isip ka, Alvin. Kapalit niyon ay tuluyan akong lalayo sa’yo. Matatahimik ka na,” sabi pa ulit nito nang hindi na siya sumagot pa. Bumuntong-hininga si Alvin.           “Sige. Pumapayag na ako. But I will give her my own money, hindi mo kailangan magmadali na ibigay sa akin ang pera, hindi pa naman tayo sigurado kung tatanggapin ni Amihan ang tulong na iaalok ko. Saka na tayo mag-usap tungkol sa bayaran kapag tinanggap na niya ang pera.” Hindi agad sumagot si Chrissy, sa halip ay nakatitig lang ito sa mukha niya na para bang pinag-aaralan kung dapat ba siyang pagkatiwalaan nito. “Okay. I still trust you even though you break my heart.” Alvin just grin.   “Of course, we’re talking about business and millions of pesos. And since I will do all the work, maybe I can ask for a five percent interest when you pay me?” Bumuntong-hininga si Chrissy. “Businessman ka nga, kung tatanggapin mo lang agad ang pera ko, hindi ko na kailangan magbayad sa’yo ng interes!” Umangat ang sulok ng labi ni Alvin. “Gaya ng sabi mo, I’m a businessman. Of course, I will grab every opportunity where I can earn big.” Umiling ang babae. “Okay, fine! Deal!” “Pero mangako ka na hindi ka na pupunta dito o magpapakita sa akin, hindi mo na rin ako guguluhin kapag nagawa ko ang gusto mo.” Chrissy give him a sheepish smile. “I promise.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD