Chapter Three

2620 Words
          SA pinakadulo ng eksklusibong subdivision na iyon matatagpuan ang mansion ng mga Santillan. Sa labas pa lang ay sasalubungin ka na ng malaki ay kulay itim na gate. Kung saan dalawang guwardiya ang nakabantay. Pagpasok ay bubungad ang isang mahaba at paikot na driveway. Sa gitna niyon ay ang maliliit at berdeng damo at mga halaman na namumulaklak at sa paligid hanggang sa likod-bahay ay may mga tanim na puno. Sa loob ng mansion ay may sampung silid, tig-iisang kuwarto silang magkakapatid na may tig-iisa rin banyo. Ang dalawa pang silid ay para naman sa mga kasambahay nila.           Dalawa ang living room, isa sa baba at isa sa second floor, dalawa rin ang kitchen, ang isa ay ang dirty kitchen at ang isa naman ay makikita sa malapit sa dining area.      May receiving area din na bubungad pagpasok pa lang ng main front door. Pagbaba ni Amihan ng kotse, sinalubong siya ng kulay mahogany na malapad nilang pinto. Pakiramdam ng dalaga ay bahagyang gumaan ang kanyang dibdib matapos salubungin ng pamilyar na amoy ng bahay. Mula doon sa sala ay dumiretso siya sa dining area kung saan naririnig niyang nag-uusap ang mga kapatid.           “Oh ate, ngayon ka lang nakauwi?” tanong ni Aya pagkakita sa kanya.           Dahil sa malaking problema na kinakaharap ng negosyo niya. Kinailangan ni Amihan na mag-overnight habang kausap si Vivien sa pamamagitan ng video call, ang kanyang matalik na kaibigan at Assistant na nasa Lisse, Keukenhof Netherlands kung saan ang matatagpuan ang main office at farm ng Tulips business niya na Bloom Breeze International. Sa ngayon, kasalukuyan silang humahanap ng solusyon para hindi makuha mula sa kanya ang kompanya na pinaghirapan niya. Kailangan nilang makahanap at makalikom ng twenty million euros para ipambayad kay Chrissy.           Huminga si Amihan ng malalim nang salubungin ng malamig na simoy ng hangin na mula sa labas ng bahay. Karugtong ng dining area ay ang swimming pool area at glass folded door ang naghihiwalay sa dalawa. Kapag ganitong umaga at tanghalian ay gusto nilang nakabukas iyon habang kumakain.           “Yes, and I’m freakin’ tired. Gusto ko nang matulog. Kung puwede lang na pagkagising ko may solusyon na sa problema ko.” Pakiramdam ni Amihan ay sasabog ang ulo niya dahil sa kakaisip. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Si Mister Rod Smith, o Uncle Rod kung tawagin nila ay malapit sa pamilya nila. Magkababata ito ang kanyang ina. Ang lalaki ang Finance Head ng Bloom Breeze International. Buhay pa ang Mommy niya at maliit pa lang ang nasabing business ay magkasama na ang dalawa. Kaya naman napakalaki ang tiwala niya dito.           Sa pagkamatay ni Rod Smith, doon lang nila nalaman na ninakawan nito ang kompanya ng twenty million euros o mahigit isang bilyon piso na nalustay nito sa sugal at pinambayad nito sa utang. Para matakpan ang ginawang kalokohan, umutang ito ng pera kay Chrissy Thompson at ginawang collateral nito ang BBI. Isang oras bago matanggap ni Amihan ang tawag ni Vivien, dumating doon ang ilang tauhan at abogado ni Chrissy at pinakita ang katibayan ng naging kasunduan nito. Papeles kung saan nakasulat ang formal agreement ni Chrissy at Rod Smith na pinapautang nito ng twenty million euros ang huli. Sa takdang oras na kailangan nitong bayaran ang nahiram nap era at hindi ito nakabayad, kapalit niyon ay puwedeng kunin ni Chrissy ang Bloom Breeze International. Lalong gumuho ang mundo ni Amihan nang makita ang pirma ni Mister Smith. Kasunod niyon ay nagbanta ito na kukunin ang BBI kapag hindi nila nabayaran ang nabanggit na halagang inutang ni Rod sa loob ng ninety days.           Si Chrissy Thompson ay isang half-Dutch, half-Filipina na matagal ng pinag-iinteresan na bilhin ang Bloom Breeze International. From what she knows, Chrissy married her billionaire boyfriend. Nang mamatay ito ay sa babae pinamana ng asawa ang lahat ng kayamanan nito. Naging magka-kompitensya ang negosyo nilang dalawa sa Netherlands. Hindi naman niya talaga kakilala ang babae noon, bigla na lang itong sumulpot isang araw at nagpakilala at sinabing gusto nitong bilhin ang kompanya. Isang bagay na mariin niyang tinanggihan. Hindi natapos sa isang pag-uusap ang lahat. Paulit-ulit itong bumalik sa kanya pero paulit-ulit din siyang tumanggi. Simula noon ay naging mainit na ang dugo nila sa isa’t isa.           Bloom Breeze International was established by her Mom. Dugo at pawis ang pinuhunan nito, mula sa simpleng nagbebenta ng bulaklak. Hanggang sa magkaroon ito ng maliit na lupa kung saan nagsimula itong magtanim ng tulips. Ang maliit at kapirasong lupa ay nadagdagan pa, hanggang sa tuluyan lumago na ng husto ang negosyo nito. Mahal na mahal ng Mommy niya ang Bloom Breeze. Naroon sa kompanya ang alaala nito kaya malapit ito sa kanyang puso. Nang pumanaw ang ina, iniwan nito sa pangangalaga niya ang BBI. At hindi siya papayag na mapunta lang sa Chrissy na iyon ang kompanya na pinaghirapan ng ina.           “Drink this, para naman kumalma ka,” sabi ni Malaya saka nilapag ang isang tasa na may laman green tea.           Bumuntong-hininga si Amihan saka pumikit. Naroon sila sa dining area, kasalukuyang kumakain ng breakfast ang mga ito habang siya ay namomroblema.           “Ate, na-book na kita ng flight,” sabi naman ni Mahalia, ang ikalawa sa Quadruplets.           “How much do you owe Chrissy Thompson?” tanong naman ni Musika, ang pangatlo.           “Twenty freakin’ million euros! Saan kamay ako kukuha ng ganoon kalaking halaga in ninety days?”           Tumingin si Amihan kay Migs, ito ang nangangalaga at may hawak ng Hotel Santillan. Ang family business nila na hindi lang sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas matatagpuan kung hindi maging sa ibang bansa.            “Can you help me?” tanong niya.           “Sure, tulong lang pala!” kampanteng sagot nito.           Nanlaki ang mata niya at agad na nabuhayan ng loob.           “Really? Pauutangin mo ako?!”           “Nope!”           Muli siyang nadismaya.           “Look, Hotel Santillan are currently on expansion now. Ang mga international branches naman natin ay medyo mahina ang kita. Kaya ang pera ng kompanya ay nasa labas lahat. Wala pa sa kalahati ang nababawi namin. But I can ask some of my friends, tingnan ko kung matutulungan ka nila.”            Ang marinig iyon mula sa mga kapatid ay sapat na para kahit paano ay maibsan ang pag-aalalang nararamdaman.           “Thank you,” nakangiti nang sagot niya.           “Nasaan na ba iyang si Hiraya? Tanghali na tulog pa,” tanong ng Daddy niya.           “Ay naku, Dad! For sure inumaga na naman si Kuya Aya sa paglalaro ng games. Nagigising ako sa ingay niya,” reklamo ni Mayumi.           “Gisingin mo na ‘yong kapatid mo. Alam naman niya na kapag nandito kayong lahat, gusto ko sabay-sabay tayong mag-umagahan.”           “Yes, Dad!” mabilis na sagot nito at agad na umakyat sa second-floor ng bahay nila.           Mayamaya ay nag-ring ang cellphone ni Migs.           “Excuse me, I need to take this call,” paalam nito at agad sinagot ang tawag. “Hello Alvin… huh? Paano mo nalaman? Yeah… sandali lang…”           Tumayo ang kapatid at lumabas ng pool area.           “Amihan, anak, nakausap mo na ba si Miss Thompson?” tanong ng kanyang ama.           Bumuntong-hininga siya. “Hindi pa po.”           “Anak, mag-usap kayo ng maayos.”           “I can’t promise you, Dad. Naubos na ang pasensiya ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit kating-kati siya na makuha sa akin ang Bloom Breeze. Her late husband left her his fortunes. Kasama na doon ang kabi-kabilang mga negosyo nito. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya pinag-iinitan ang BBI.”           “Amihan, walang matatapos kung hindi ninyo idadaan sa maayos na usapan ‘yan.”           “Alam ko po iyon. Kung ako lang, kaya ko makipag-usap ng maayos. But the problem is that woman, hindi siya maayos kausap,” nanggigigil na sagot niya.           “Gusto mo bang tulungan kita? I can use some connections.”           Ngumiti siya sa ama.           “I’d love too, Dad. But no thanks. This is my problem. Malulusutan ko ‘to. Alam n’yo naman ako pagdating sa Bloom Breeze. Gusto ko personal kong hina-handle ang lahat.”           “You really value your Mom’s memories.”           “Bloom Breeze is one of the greatest memories I had about her.”           “Naniniwala akong malalagpasan mo ‘to.”           “Thanks, Dad.”            HALOS maubo si Alvin matapos marinig ang sinabing presyo ng kaibigan.           “Ulitin mo nga?”           “Twenty million euros,” sagot ni Migs, ang matalik na kaibigan niya simula pa noong high school sila.           “Euros?! Pare, alam mo ba kung gaano kalaki ang Twenty million euros?”           “Of course.”           Naalala ni Alvin na sinabi sa kanya ni Chrissy na twenty million ang dapat san’y ide-deposito nito sa kanya pero buong akala niya ay pesos ang pinag-uusapan nila. Walang nabanggit ang babae na Euros.           “You know, but the way you said it earlier, parang bente pesos lang yung halaga no’n. Noong narinig ko ang balita tungkol sa problema ng Bloom Breeze. I really thought you only need around twenty million, pesos! But twenty million? Euros?! That’s a lot of money, man!” natatawang sagot ni Alvin.           “I know, but still… I need to help her.”           “How’s your sister?”           Nakita ni Alvin ang lungkot at pag-aalala ni Himig para sa kapatid.           “Magulo pa rin ang isip niya. That’s why we can’t help but worry. Sa amin pitong magkakapatid, siya ang maraming pinagdaanan. Siya halos ang tumayong ina namin anim. We saw her happy. We saw her broken. And knowing Ate Amihan, she’s gets vulnerable easily. Madali siyang panghinaan ng loob. My Dad said, when Mom passed away, she becomes clingier to the people she loved the most. Ate’s greatest fear is to lose Bloom Breeze. After her bestfriend turned into husband betrayed and left her, kapag nawala sa kanya pati ang Bloom Breeze, natatakot ako sa maaaring maging epekto niyon sa kanya.”           Alvin Sebastian is the youngest among the three sons of Renaldo and Henrieta Sebastian. His dad was named as second out of ten riches man in the country. Both his parents are business tycoon. Malls, fast food chains and bank are handled by his second brother, Reggie. Real estate business is handled by his eldest brother, Robby. And him on industrial machines. Kilala ng pamilya niya si Migs, isa pa ay malapit na kaibigan ng daddy niya ang daddy nito.           Bumuntong-hininga si Alvin pagkatapos ay napaisip. Iniisip niya kung paano sasabihin ang alam na niyang plano ni Chrissy. He has his own plans. And one thing is for sure, his major plans is to protect Amihan. Pero hindi alam ni Alvin kung paano sasabihin kay Migs ang tungkol sa plano niya.           “I’ll ask my brothers about this. I’m very much willing to help you but I have to ask them. Dahil hindi kaya ng kompanya ko ang ganoon kalaking halaga. I have to ask for their help.”           “Sure. Pero pare, sana maganda ang maging resulta ng ibabalita mo sa akin sa susunod na tumawag ka.”           Tumawa lang ito. “I will help her, don’t worry.”           “Thanks, pare!”           Ngumiti siya. “Kilala mo naman ako pagdating sa kapatid mo.”           Marahan natawa si Migs at napailing. “Noong unang beses mong sinabi sa akin na ang Ate ko ang first love mo. Akala ko talaga niloloko mo lang ako. Pero nakita ko noong gabing nag-hysterical siya kung gaano kalahaga ang kapatid ko sa’yo. And I want to thank you for that.”           Nahihiyang napangiti si Alvin at nagkibit-balikat.           “Teka, balik natin sa negosyo ang usapan, nahihiya na ako eh!” tatawa-tawang sabi nito. “Kailangan may mai-prisinta akong business offer sa mga Kuya ko kapag kinausap ko sila. I mean, I know we are friends, pare. Pero negosyo pa rin ito, tiyak na tatanungin ako ng Kuya ko. Hindi puwedeng walang kapalit. Kailangan may maipakita ko sa kanila na may mapapala silang maganda kapag pinautang nila tayo.”           “I understand,” sagot ni Migs saka nag-isip ng mabuti.           “Ah!” bulalas nito mayamaya.           “Remember the merger that Hotel Santillan and RS Reality and RS Malls supposed to do three years ago?”           “Ah iyong tinutulan ng Daddy mo na Hotel and mall in one malapit sa isang undeveloped beach resort sa San Juan, Batangas?”           “Yeah!”           “What about it? Hindi ba kaya umayaw ang Daddy mo noon dahil may ilang residente na nakatira malapit sa beach resort na tutol sa project na iyon?”           “I think we have the capacity this time to pursue the merger. Ang beach resort na iyon at iyong buong paligid doon ay dinadayo na ng mga turista. The local government opened it in public recently and they are encouraging the people to put up the business there. Nakumbinsi na rin ng local government ang ilang residente na ibenta ang lupa nila. In return, we will transfer them on a much better location. Malapit lang din doon sa site, bukod doon, magkakaroon na ng trabaho ang karamihan sa kanila kapag naitayo na ang Hotel and Mall. Hindi na nila kailangan lumuwas ng Maynila.”           Napaisip si Alvin, mayamaya ay tumango-tango.           “That’s great then, siguradong matutuwa ang mga kapatid ko diyan. Matagal na nilang gustong ituloy ang project na iyon. Isang tawag ko lang, pare, I will assure you, we will get a yes from my brothers after my phone call. Pero may kulang pa,” aniya.           “Ano pa?” kunot-noong tanong ni Migs.           Lihim siyang napangiti, kasabay niyon ay nag-flash sa isip ni Alvin ang magandang mukha ng dalaga. He’s only eighteen years old when he first saw her. Ang akala niya noon ay simpleng crush lang ang nararamdaman niya. Pero hindi ganoon ang nangyari, as he grew older, he become more in love with her.           “Arrange me a marriage with your sister.”           Hindi nakakibo si Migs. Pero mayamaya ay tumawa ito.           “Niloloko mo ba ako? Marriage? For real?”             “Arrange me a marriage to Amihan,” seryosong ulit ni Alvin sa naunang sinabi.           Muntikan malaglag si Migs sa narinig mula sa kanya.           “Sa Ate ko?! Seryoso ka talaga?!”           Natawa siya. “Alam mong seryoso ako palagi pagdating kay Amihan.”           Napapikit si Migs saka bumuntong-hininga. “Oo nga pero paano si Chrissy?”           “Anong paano siya? Pare, alam mo naman na walang kaming relasyon, di ba?”           Napansin ni Alvin ang pananahimik ng kaibigan, tila ba nag-iisip ito. Lumapit siya kay Migs. Eleven years old pa lang ay magkaibigan na silang dalawa. Bestfriend niya ito at kilalang-kilala nito. Buo ang tiwala ni Alvin na maiintindihan nito ang lahat.           “Pare, if she marries me. I can protect her from Chrissy, even Bloom Breeze. Bukod doon, kapag nalaman niya na may asawa na ako. Wala na siyang magagawa. Ito na lang din ang nakikita kong paraan para tigilan niya ang panggugulo sa akin at matulungan ang kapatid mo.”           Muling huminga ng malalim ang kaibigan.           “Naiintindihan kita, pare. Alam ko na kaya mong protektahan si Ate. Pero paano ka ni Ate pagkakatiwalaan kapag nalaman niya na malaki ang koneksiyon mo kay Chrissy.”           “For now, let’s not tell her about it. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”           Napaisip ulit ang kaibigan niya.           “Listen to me, this is not just about me, Migs. Ikaw na rin ang nagsabi, mahal na mahal ni Amihan ang Bloom Breeze. Malaki ang twenty million euros at maikli ang ninety days na palugit ni Chrissy. Can’t you see? Sadya niyang ginigipit ang kapatid mo. Trust me on this. I promise you. Hindi ko ilalagay sa alanganin si Amihan.”           Mayamaya ay nilahad nito ang palad.           “Okay, I’ll help you.”           Malapad na napangiti si Alvin at niyapos ang kaibigan.           “Thank you, pare.”           Tinapik nito ang likod niya.           “Pero bago ang lahat, kailangan ko munang sabihin sa’yo ang lahat ng alam ko.”           Kunot-noo na lumingon sa kanya si Migs. “What do you mean?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD