Chapter One

2058 Words
          AMIHAN tried her very best not to cry out loud. Sa gitna ng maingay na musika na dinig sa buong ballroom lounge ng hotel na iyon kung saan dinaraos ang birthday party ng isa niyang business associate. Sa gitna ng maraming tinig na nagkukuwentuhan, nagtatawanan at nagsisigawan. Naroon siya sa sulok, nanahimik, kapiling ang isang baso ng whisky.           Pakiramdam ni Amihan ay parang sasabog sa sobrang sama ng loob ang kanyang dibdib. Mula high school ay matalik na magkaibigan na sila ni Eugene. They went on the same college. He helped her run her late mother’s business. Nasa edad na twenty-seven years old silang dalawa ni Eugene nang mag-confess ito ng nararamdaman. He said he loves her more than a friend. They started dating and after three years they got married in Netherlands. Her life with Eugene is more than just a fairy tale who has happy ending. Bukod sa anak, wala nang mahihiling si Amihan. Pero tila isang crystal na nabasag at nagkapira-piraso ang puso niya nang isang araw ay nahuli ang asawa, cheating on her. Ang pinakamasakit sa lahat, hindi niya nahuli na may kasamang ibang babae, sa halip ay foreigner na lalaki ang kasama nito at naghahalikan ang dalawa sa loob ng elevator ng hotel kung saan a-attend sana siya ng seminar. She will never forget that day where she confronted him.           “Honey… please… talk to me…”           Pigil na pigil ni Amihan ang galit. Nakatalikod siya kay Eugene habang panay ang agos ng luha niya. Nakatayo siya sa tapat ng bintana, sa kabilang side ng kama habang nakatanaw sa labas, binuksan iyon ni Amihan kanina, nagbabaka-sakali na kumalma siya kapag nakalanghap ng hangin.           “Kelan pa?” nagpipigil niyang tanong.           “I’m sorry,” sa halip ay sagot ni Eugene.           “Answer me, kelan pa?! Kelan mo pa ako niloloko? At kelan mo pa nalaman bakla ka?!”           “Since I was sixteen years old!”           Nanlulumong napaupo ulit siya sa kama, kasunod ng paghagulgol niya ng iyak.           “Amihan, please, calm down.”           Sa tindi ng galit na nararamdaman. Bigla na lang siyang sumigaw sabay sampal ng malakas sa pisngi nito. Pagkatapos ay binato niya ito ng kung anong mahawakan niya.           “Amihan, tama na!”           Sa kabila ng mga binabato niyang gamit dito. Nagawang makalapit nito at niyakap siya mula sa likuran saka hinawakan ang dalawang kamay niya para pigilan siya sa pagwawala. Nang tuluyan mapagod ay napaupo na lang siya sa sahig bago tinulak palayo ang asawa.           “Magkaibigan na tayo no’n, Eugene! I’m your best friend even before we got married! Your best friend! Bakit kailangan paabutin mo sa ganito?!”           “Hindi ko ginustong masaktan ka, Amihan! Gusto kong sabihin sa’yo pero hindi ko alam kung paano, maniwa—”           “Gaano katagal na kayo ng lalaking ‘yon?”           Hindi agad ito nakasagot.           “Answer me! Gaano katagal mo na akong niloloko?!”           “One year.”           Lalo siyang napaiyak. Pakiramdam ni Amihan ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Iyon ang panahon kung saan nanatili siya sa Netherlands para ayusin ang expansion ng Tulips Business niya. Never in her thoughts, even in her wildest imagination, that the man she’s been with for most of her life. The man she made love with is gay.           Hindi na nagsalita pa si Amihan. Basta na lang siya tumayo saka kumuha ng ilang gamit sa closet saka umalis at sa bahay ng daddy at mga kapatid umuwi, nang magtanong ang pamilya, sinabi lang niya na nag-away sila ng asawa, pero hindi sinabi nito kung ano ang dahilan. Simula ng araw na iyon hanggang lumipas ang isa pang linggo ay palagi ng masama ang pakiramdam ni Amihan. Isang gabi, natagpuan na lang daw siyang walang malay sa kuwarto niya. Sa ospital, nalaman niyang buntis siya. Nang bumuti ang pakiramdam, nag-desisyon si Amihan na bumalik sa bahay nila ng asawa. At bago pa niya masabi ang tungkol sa magandang balitang dala niya. Eugene just broke another news that broke her heart even more.           “Amihan, let’s get divorce.”           They both went in Netherlands and filed a divorce the week after he asked for his freedom. Napangiti siya ng mapakla saka napailing matapos bumalik sa kasakuluyan ang kanyang isipan. Dahil sa stressed sa problema noon, nalaglag ang pinagbubuntis niya kaya lalong nagalit si Amihan kay Eugene. That was three years ago, and Amihan thought she’s already moved on. But that night, on that party, parang pilit siyang binalik sa nakaraan.           “Ate?”           Agad pinahid ni Amihan ang luha saka pilit ngumiti ng lumingon sa kapatid. Si Hiraya, ang nakababatang kapatid niyang lalaki.           “Are you crying? Anong ginagawa mo dito?”           “Nothing, just drinking, I don’t feel like socializing. Kung hindi n’yo lang ako pinilit pumunta dito, mas gusto kong sa bahay na lang.”           “Para ano? Magmukmok?”           “Ano bang ginagawa ko ngayon dito?” natatawang tanong din niya.           Bumuntong-hininga ito saka pinahid ng likod ng daliri ang luha sa pisngi niya.           “Stop crying, okay?”           “I’ll be fine, go ahead, enjoy the party with your friends.”           “You sure?”           Pinilit ulit niyang ngumiti saka tumango. Aya pulled her closer and kissed her forehead.           “Nandito lang ako sa malapit, kasama ko si Migs, tawagin mo lang kami kung gusto mo ng umuwi.”           Tumango ulit si Amihan. Nang makaalis si Aya, tinungga niya ang nalalabing whisky sa basong hawak pagkatapos ay umorder pa ulit siya ng isa.           “Since when did you learn how to drink?” tanong ng pamilyar na boses.           Pamilyar? Hindi na pala masyado. Sa likod ng baritonong tinig na iyon, hindi nakaligtas sa pandinig ang lambing at malumanay na pagsasalita nito. Lumingon siya at bumungad sa harapan ni Amihan ang taong tuluyan nang naging estranghero sa kanyang paningin. Sa dami ng lugar kung saan sila magkikita ulit, doon pa sa party na iyon. Si Eugene, ang dating asawa niya, na ngayon ay nabubuhay sa pangalan Jessica. Isa nang transgender woman. After three years of being separated from each other. Hindi niya inaasahan na sa muli nilang pagkikita ay iyon ang bubungad sa kanya.           Amihan look at him from head to toe.           “Really, you keep surprising me,” aniya ng naupo ito sa bakanteng silya sa tabi niya.           “Sorry kung hindi ko na pinaalam sa’yo.”           “Alam mo nang nakita kita kanina, akala ko pinaglalaruan lang ako ng imagination ko.”           “Wanna know why I decided to come out?”           Hindi siya sumagot, ni hindi tumango, nanatili lang siyang nakatingin sa laman ng basong hawak.           “My real gender has been my family’s biggest secret. Bilang nag-iisang anak, isang kahihiyan kay Dad na isang bakla ang unico hijo niya. I never had any relationship with men before while we are dating. Ang totoo, Amihan, si Dad ang nagbigay ng idea sa akin to pursue you. Ayokong magkaroon tayo ng relasyon noon ng higit sa pagkakaibigan dahil ayokong gamitin ka para lang pagtakpan ang tunay na pagkatao ko. Pero palagi akong nabubugbog ni Dad kapag tumatanggi ako. Even our marriage was his idea.”           Tinakpan ni Amihan ang bibig para pigilan ang pagkawala ng malakas na tunog ng pag-iyak niya. One heart break after another. Wala na ba siyang kaparatan sumaya? Bakit kung kailan sinusubukan na niyang mag-move on? Saka ito darating ulit para ipaalala ang buhay na kasama nito na nabuo sa pagpapanggap.           “In short, ginamit n’yo lang ako.”           Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula kay Jessica. She knows how sorry he was. Ramdam niya ang sinseridad nito, dinig ni Amihan ang bigat ng bawat salita na nagmumula dito. But it wasn’t enough to keep her from feeling the anger inside her. She felt toyed. Nagmukha siyang tanga. Naniwala sa isang malaking kasinungalingan. The life of fairytale she thought she has suddenly become a nightmare.             “I’m so sorry, pero iyon ang totoo. Sinabi ko noon sa sarili ko, kapag nakahanap ako ng pagkakataon, I will let you go and I will tell you the truth. Dahil iyon lang ang paraan, kahit alam ko na masasaktan ka, para mahanap mo ang tunay na kaligayahan. Kaya nang mamatay si Dad, doon ako nag-desisyon, ginawa ko ang dapat. I set you free. Dahil ayokong lokohin ka habang buhay. I want you to be happy, and I am not the right person to do that for you. Bago naging tayo noon, matalik kitang kaibigan. And I care for you, Amihan.”           Tumawa siya ng pagak. “Alam mo ba kung anong mga pinagdaanan ko pagkatapos kumalat ang dahilan ng paghihiwalay natin? Pinagtawanan ako. Kinutya ako…” “And I lost my baby because of you!” sigaw niya, sabay bato ng hawak niyang baso na agad mabasag matapos tumama sa pader. Mabilis umagos ang luha sa kanyang pisngi, kasing bilis ng pagbalik ng sakit na muling nabuhay. Natigilan ang mga tao sa paligid at napatingin sa kanila.           “Amihan, calm down!”           Pero wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Marahil ay dahil sa epekto na rin ng alak kaya malakas ang loob niya ng sandaling iyon. Kung mayroon man siyang natutunan sa mga nangyari noon, iyon ay kung paano maging matatag.           “Calm down?! Do you want me to calm down? My freaking husband left me and after three years, haharap ka sa akin na mas mukha pang babae kaysa sa akin?! Itsurang babae?! Mas malaki pa nga yata balakang at boobs mo sa akin eh! Pagkatapos sasabihin mo ginamit n’yo lang ako ng Daddy n’yo noon para matakpan ang pagkatao mo?! Then you will tell me, you did that because you want me to be happy?! That’s Bullshit! All of you! Ano? Gusto mo pang magpasalamat ako?!” bulalas saka napahagulgol ng malakas.           Biglang lumapit ang mga kapatid niya.           “Ate, anong nangyayari dito?!” nag-aalalang tanong ni Migs, ang kakambal ni Aya.           “Migs, ilabas na natin siya,” sabi agad ni Aya.           “Wait… hindi pa ako tapos!”           Hilam sa luha na tumingin siya sa dating asawa.           “Alam mo, kaya naman kitang tanggapin kahit ano ka pa. Kung ang gender mo ang problema, kaya kong tanggapin iyon. But the fact that you and your father used me?! I can’t accept that! That’s too much, Eugene! Why do you keep on hurting me? Wala naman akong ginagawang masama sa’yo,” puno ng sama ng loob na tanong niya.           Mayamaya ay may lalaking lumapit sa kanya. He suddenly locked her in his arms and embraced her tight. Hindi na niya nakita ang mukha nito pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon. She felt safe and secured. Then, he heard him whisper…           “Shhh… stop crying, babe. I won’t let anyone hurt you again, I promise. I’ll do anything for you to be happy. Just wait for me…”           Amihan found herself crying in the arms of this stranger. She needed that. His warm embrace, those comforting words, she needed all of that. Mayamaya ay narinig niyang nagsalita si Aya.           “Pare, Migs, kayo nang bahala kay Ate. Ako na bahala dito.”           “Sige, mauuna na kami,” sagot ng lalaking nakayakap sa kanya.           “Ako na ang magmamaneho,” narinig niyang prisinta ni Migs.           “Hoy! Tekah lang… anoh bah! Mag-uushap pa kami ng ex ko!” wala na sa sariling sabi niya habang pumipiglas nang alalayan siya ng mga kapatid palabas ng ballroom lounge. Pagdating sa parking lot ay tinabig ni Amihan si Migs, saka muling humarap sa dating asawa na sumunod sa kanila.           “Oy, kayong dalawa! Kilala n’yo ba kung sino ‘to?”           “Ate, that’s enough,” saway ni Migs.           “Hindi hindi! Hindi pa akoh taposh ha? May sasabihin pa akoh eh… kilala n’yo ba ‘toh?! This is your ex-brother in law…”           “No… sister in law na pala…” sabi pa niya saka binuntutan ng tawa.           “I’m sorry… I’m really sorry… lasing lang siya…” narinig niyang sabi ng lalaking may hawak sa kanya nang hindi siya binibitiwan.           “Hoy! Anong sorry?! Ako ‘yong nashaktan eh! Tekah… shinoh ka ba?”           Nang lumingon siya, kinunot ni Amihan ang noo at pilit na minukhaan ang lalaking kasama ng mga kapatid at yumakap sa kanya. Pero hindi na niya maaninag man lang ang mukha nito dahil nahihilo na siya at nanlalabo na ang tingin sa dami ng nainom.           “Come on, I’ll take you home…”           “Ate please, let’s go home…” sabi naman ni Migs.           Hindi na siya nakasagot pa nang umikot ang paningin at nawalan ng malay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD