Chapter Four

2520 Words
          “OH? AKALA ko nakaalis ka na?” tanong ni Armando sa anak.           Ang unang plano ni Amihan ay pumunta sa Lisse, Netherlands matapos malaman ang malaking problema na kinakaharap ng Bloom Breeze International. Pero matapos ang masinsinan nilang pag-uusap ni Vivien, they decided to split the task. Ang kaibigan niya ang magte-take over ng operations nila doon sa Netherlands at haharap sa imbestigasyon nila ng pagnanakaw ni Rod Smith sa kompanya, habang si Amihan naman ang hahanap ng pera na ipambabayad nila kay Chrissy.           “Hindi na ako tumuloy, kailangan ko makahanap ng pera pambayad.”           “Saan mo naman hahanapin ang ganoon kalaking halaga?”           Bumuntong-hininga siya ng malalim.           “I don’t know. I really don’t know.”                         “Eh di ba sinabi ng kapatid mo na may kaibigan siyang lalapitan?”           “Oo nga po, pero mahirap umasa doon, kailangan may option ako. I cannot lose Bloom Breeze, Dad. Marami kaming memories ni Mommy doon.”           Naputol ang pag-uusap nilang mag-ama nang tumawag si Migs.           “Ate, nakausap ko na ‘yong kaibigan ko. Kailan ba alis mo papuntang Lisse?” tanong nito sa kabilang linya.           “I cancelled my flight, hindi na ako aalis, so I can go anytime.”           “Perfect. Do you want to meet him tonight?”           “Sure,” sagot niya, sabay sulyap sa wall clock.           “Text mo na lang sa akin kung saan ang meeting place. It’s past four in the afternoon already, I should start preparing now.”           “Okay.”           Pipindutin na lang sana niya ang end call button ng marinig ulit niyang nagsalita si Migs.           “By the way, Ate. Kapag nagkita kayo, huwag mong kalimutan na magpasalamat sa kanya.”           “Bakit naman?” kunot-noong tanong niya.           “Siya ang tumulong sa’yo noong gabi na naglasing ka,” sagot ni Migs.           “Oh, okay. What’s his name again?”           “Alvin. Alvin Sebastian. My bestfriend.”             “THANK YOU,” sabi ni Amihan sa valet driver matapos ibigay dito ang susi ng kotse.           Ang sabi ng kapatid niyang si Himig ay hindi naman kailangan pormal, pero dahil tungkol pa rin sa negosyo ang pag-uusapan nila kaya business-casual attire ang isuot para maging presentable. She’s wearing a tight black pair of jeans and partnered it with white shortsleeves top and navy-blue blazer with brown ankle boots on her feet. A pair of earrings, a long necklace and wrist watch are her only accessories to match her outfit. Pagkatapos ay hinayaan lang niyang nakaladlad ang lagpas balikat na buhok.           Nagmamaneho pa lang si Amihan papunta sa Hotel Santillan kung saan niya kakausapin ang kaibigan ni Migs, pero labis na ang kaba niya. Hindi alam ng dalaga kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap nila. Pero dalangin niya na sana’y maging maayos ang lahat. Hanggang sa makapasok sa main lobby at elevator paakyat ng office ng kapatid ay panay ang kabog ng dibdib niya.           Ilang sandali pa, narating na ni Amihan ang opisina ni Migs. Bago tuluyan pumasok ay kumatok muna siya ng tatlong beses. Mula doon sa labas ay dinig niya ang pag-uusap ng kapatid at ng kaibigan nito.           “Come in,” narinig niyang sagot ni Migs.           Pagbukas ng pinto ng dalaga ay agad siyang ngumiti ng matamis sa kapatid.           “Ate!”           “Sorry, am I late? Na-traffic ako.”           “No, you’re just in time. Hindi naman din nagmamadali si Alvin eh,” sabi ni Migs.           Paglingon ni Amihan sa kaibigan nito, napakunot noo siya ng makitang titig na titig ito sa mukha niya at hindi kumukurap. Natatandaan niya ang Alvin Sebastian na ito, palagi itong naroon sa bahay nila kapag weekend. Ngunit wala na ang imahe ng binatilyo na palagi niyang nakikita dito. What she sees right now is a full-grown drop dead gorgeous young man. Oozing with s*x appeal. Umaapaw sa kaguwapuhan. Si Alvin ang tipo ng binata na hahabulin ng mga babae.           “Nice to see you again, Alvin.”           Kung hindi pa ito tinapik ni Migs ay hindi ito kukurap. Agad tumikhim ang binata saka ngumiti.           “Sorry… yeah, nice to see you again, Amihan.”           “I’ll leave you guys here, okay? I have other things to do. Ate, nasabi ko na kay Alvin ang nangyari. Kailangan n’yo na lang mag-negotiate.”           “Okay,” sagot niya.           Nang umalis ang kapatid niya ay kapwa sila natahimik. Kaedad lang ni Migs ang kaharap niya pero parang siya pa ang nai-intimidate dito. Alvin got this unexplainable aura. He’s looking straight in her eyes, and his gazes seem like speaking thousand-fold of emotions. At ang mga tingin nito ay naghahatid ng kaba sa dibdib niya. May dating itong hindi maipaliwanag ng dalaga.           “First of all, Migs told me you helped that night I was so drunk.”           Ngumiti si Alvin. Pakiramdam ni Amihan ay lumundag ang kanyang puso niya nang gumuhit ang ngiti nito na lalong nagpaguwapo sa binata.           “Thank you,” aniya.           “You’re welcome.”           Again, there was silence between them. Biglang nakaramdam ng awkwardness si Amihan, lalo na at mataman nakatingin sa kanya si Alvin. Tumikhim siya nang malakas nang hindi makatiis. “Uhm… so! Nasabi na pala ni Migs sa iyo kung ano ang nangyari,” basag niya sa katahimikan.              Marahan itong tumango bago sumandal sa backrest ng single sofa na inuupuan nito.           “Yeah, and I will be honest with you, Miss Santillan. Hindi biro ang Twenty Million Euros.”           Napapikit siya saka huminga ng malalim, pagkatapos ay tumango siya.           “I know. Nahihiya nga akong lumapit sa’yo. But I’ve got no choice. Ayokong mawala ang Bloom Breeze.”           “How’s the investigation about your stolen money, by the way?” tanong pa nito.           Ang inaasahan ni Amihan, gaya ni Migs na medyo playful ay magiging magaan ang pag-uusap nila. But this man in front of him means business. Seryoso ito habang ina-analyze ang bawat detalyeng sinasabi niya. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil malaking halaga ang ipapahiram nito sa kanya kapag nagkataon.             “Kauumpisa pa lang ng investigation, kaya wala pang malinaw na information kung saan dinala ni Rod ang pera ng kompanya. And I need to pay the debt as soon as possible. Chrissy Thompson only gave us ninety days to pay her, if not, she will forfeit Bloom Breeze,” paliwanag niya ulit.             “Mister Sebastian, kung matutulungan mo ako sa problema ko. I will do anything for you. And I’ll pay you back, that’s for sure. Bloom Breeze exports tulips bulbs and flowers in most part of the world. We are number one on this field, and I assure you, in no time, maibabalik namin ang pera mo.”           Hindi agad nagsalita ang binata. Tahimik na tila nag-isip ito ng malalim. One second of his silence seem like forever for her. Gusto na niyang marinig ang kasagutan nito. At umaasa siya na pabor sa kanya ang maririnig mula dito.           “I can help you, Miss Santillan. Right as we speak, I can just make a call and transfer money to your account.”           Nabuhayan ng loob si Amihan.           “Pero hindi mo naman siguro inaasahan na tutulungan kita ng walang kapalit, ‘di ba? I mean, even if I’m friends with your brother. We’re still talking here about business and twenty million euros is a lot of money, we need something in exchange of the amount of money we will lend you. Kung kami lang ni Migs ang involve. I won’t ask for anything, dahil hindi na siya iba sa akin. Pero hindi lang kasi sa pera ng AS Industrial Technologies kukunin ang perang ipapahiram ko sa’yo. Kasama doon ang pera galing sa negosyo ng pamilya ko. Kaya kailangan may mai-present kami ni Migs na kapalit ng perang ipapahiram namin na magbe-benefit ang negosyo ng pamilya ko.”           Inaasahan na iyon ng dalaga kaya hindi na rin siya nagulat. Tumikhim siya.           “Of course, and I understand that,” sagot niya. “So, tell me, what do you want?”          “My brothers and Migs wants to pursue the old project in Batangas between Hotel Santillan, RS Mall and RS Realty.”           Ngumiti siya. “Sure, anything you want Mister Sebastian. Ako mismo ang magkukumbinsi kay Dad tungkol doon.”           “Yeah… pero hindi lang iyon ang kondisyon namin. Iyong project sa Batangas ay para sa RS Mall and RS Reality ay para sa mga kapatid ko. Iba ang kondisyon ko.”           Napakunot-noo siya saka, marahan tumango. Nakaramdam ng kaba si Amihan nang salubungin niya ang malagkit na tingin ng binata.           “A-Ano ‘yon?”           Tumayo si Alvin at lumapit sa may bintana.           “An arranged marriage.”           Nagbukas-sara ang bibig ni Amihan matapos marinig ang sinabi nito. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig niya.           “Did you just say arrange marriage?”           Humarap ito sa kanya na nakasilid sa loob ng bulsa ng suot nitong slacks ang ang isang kamay. Alvin casually nods.           “Yeah!”           “Who does arrange marriage now? I mean it’s already twenty-nineteen.”           “Me,” nakangiti pang sagot nito.           Tumayo si Amihan at lumapit sa binata.           “Look, Mister Sebastian, hindi ko ugaling pakialaman ang personal na buhay ng mga kapatid ko, lalo na ang quadruplets. Kaya hindi ako sure kung matutulungan kita diyan. You can ask other favors,” paliwanag niya.           Kumunot ang noo nito.           “Kapatid? Wala naman akong sinabi na isa sa mga kapatid mo ang gusto ko.”           Nagsalubong din ang kilay ni Amihan. Biglang nalito ang isip niya. “Wait, I don’t get it.”           Bigla siyang napaatras ng tumayo sa harap niya si Alvin, pagkatapos ay humakbang pa ito palapit kaya napasandal siya sa may salamin ng bintana at tuluyan na-corner.           “How about getting married for the second time, Amihan?”           Nanlaki ang mata niya. She’s in total shock that she doesn’t know what to think.           “M-Me?” nauutal pang sagot niya.           “Yes. Marry me, Amihan.”             Her heart started beating fast as those gorgeous pair of eyes of him stared at her. Naaninag niya ang emosyon sa mga mata nito, tila kay daming niyon nais na ipahiwatig sa kanya. Inaakit siya ng mga iyon. And she can feel the heat from his gazes to her skin starting to ignite a fire anytime.           “W-Why? Why me?”           “Believe me, Amihan. Ako ang kailangan mo ngayon.”           Nang medyo nakabawi ay tumikhim siya saka marahan itong tinulak palayo.           “Please Mister Sebastian, I don’t have time to joke around!”           “Who says I’m joking? Seryoso ako, Amihan, I want to marry you.”           “Alam mo ba ang sinasabi mo? Did my brother told you that I’m still trying to cope up from my failed marriage? Tapos heto ka sasabihin mong gusto mo akong pakasalan? And you barely even know me! Isa pa, kaedad ka ni Migs di ba? That means you are ten years younger! Ayokong magpakasal sa isang bata!” walang prenong sagot niya, sabay talikod.           Hindi pa man din siya nakakalayo. Biglang napatili si Amihan ng bigla siyang hinawakan ni Alvin sa braso sabay pihit sa kanya paharap. Then, he pinned her both arms up above her head on the glass window and leaned closer to her. Sa pagkakataon na iyon, nakita ni Amihan ang mas seryosong mukha ng binata. His fiery gazes that seem ready to burn her soul. Nang mga sandaling iyon, napatunayan niya na hindi ito nagbibiro.           “Tawagin mo pa ulit akong bata, Amihan… I swear I can do better than kiss,” wika nito sa baritonong tinig nito.           Shock. Natulala si Amihan. Hindi siya natakot pero alam niyang kapag nagpatuloy siya sa pagmamaldita. Tiyak na may kalalagyan siya sa isang ito. Mayamaya ay binaba na nito ang kamay niya. Ang buong akala ng dalaga ay tuluyan na rin itong lalayo sa kanya, pero sa halip ay tinukod nito ang isang palad sa salamin pagkatapos ay nakatitig lang ito sa kanyang mukha na tila ba kinakabisado ang bawat detalye niyon.           “W-What?” kabadong tanong niya.           Hindi agad sumagot ito pero bumaba ang tingin sa labi niya, kaya napatingin din siya sa labi nito. He licked his lips. Amihan found herself panting while looking at his lips. She can feel the strong s****l tension between her. That kind of excitement while she imagines him kissing her, touching her as he takes her to bed. Amihan never felt that kind of intense feeling before. Not even to her ex-husband.             “Kung lumingon ka lang noon sa paligid mo, Amihan. Hindi ka sana nasaktan,” halos pabulong na sabi nito.           “Anong ibig mong sabihin?”           Sa halip na sumagot ay lumayo ito sa kanya. Nang magkaroon ng espasyo sa pagitan nila, biglang nakaramdam ng panghihinayang si Amihan. The touch of his warmth breath against her skin. His stare. His presence near her. Hindi sigurado ang babae pero tila nagustuhan niya ang pagkakalapit nilang iyon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang t***k ng puso niya. Samantala si Alvin, kinuha nito ang phone mula sa bulsa ng pantalon at may dinaial pagkatapos.           “Hello Migs, don’t sign anything! Unfortunately, hindi pumayag ang kapatid mo sa isang kondisyon ko. I’m sorry, but I cannot help your sister this time,” pagkausap nito sa kapatid niya sa kabilang linya habang nakatingin sa kanya.           “Wait… what?! Ang akala ko ba—”           “Malinaw ang sinabi ko kanina, Miss Santillan,” putol nito sa sinasabi niya.  “Kapalit ng perang ipapahiram ng kompanya namin sa Bloom Breeze ay ang dalawang kondisyon na hiningi ko. Ayaw mong pumayag sa arrange marriage. Then, okay. We have nothing to talk about then. No business deal.”           Pagkatapos niyon ay dumiretso na ito ng labas ng opisina.           “Wait! Mister Sebastian!” habol niya pero hindi ito huminto.           Napapadyak si Amihan ng wala sa oras. “Yabang mo!” inis na sigaw niya.           Ngunit mayamaya ay natigilan siya matapos may maalala. Kanina nang bumulong ito sa kanya. Biglang bumalik sa isipan niya ang gabi na nalasing siya. That deep baritone voice, the way he whispers to her ear. Shhh… stop crying, babe. I won’t let anyone hurt you again, I promise. I’ll do anything for you to be happy. Just wait for me. And she will never forget that night and that man. Just when she needed someone the most to be there for her, to hug her and comfort her. Dumating ang taong iyon. Si Alvin at ang lalaking iyon ay pareho ng boses, bukod doon, sinabi rin ni Migs na ang binata ang tumulong sa kanya noong gabi na iyon. Wala sa loob na napalingon si Amihan sa pinto. “Siya rin ‘yon?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD