Prologue

814 Words
      ALVIN dribble the ball. Matalas at alerto ang mga tingin na pinagmasdan niya ang bawat galaw ng kalaban na nagbabantay sa kanya sa harap. Nag-aabang ng susunod niyang galaw.       Kapwa mabigat at habol ang bawat paghinga nilanga dalawa. Tumingin siya ng deretso sa kalaban pagkatapos ay umangat ang isang sulok ng kanyang labi. Saglit siyang sumulyap sa kakampi nang itaas nito ang dalawang kamay, sumesenyas na ipasa niya dito ang bola. Tiningnan ni Alvin ang kalaban na nakabantay sa kanya at sa kakampi.       He dribbles the ball three times. Pagkatapos ay bigla niyang hinakbang ang kaliwang paa kaya automatic na sinundan ng nagbabantay sa kanya ang galaw niya. Saka bigla siyang kumabig sa kanan, at takbo sa gitna ng court, sabay talon at hagis ng bola. Three points!       “Yes!” malakas na sigaw ni Migs.       Tuwang-tuwa na tumakbo palapit sa kanya ng huli at nag-high five sila.       “Pare, ang galing no’n!” puri pa nito.       Nagkakamot ng ulo si Aya, ang kakambal ng una nang lumapit ito kasama si Jon, ang isa pa nilang kaibigan at kaklase. May pustahan kasi sila na manlilibre ng lunch sa school ang sino man matatalo sa basketball.       “Paano ba ‘yan, ‘tol? Aasahan namin ang libre n’yo sa Lunes ah?” natatawang sabi niya sa dalawa.       “Ikaw kasi eh, hindi mo binantayan maigi,” paninisi ni Jon kay Aya.       “Anong ako? Ikaw kaya!”       “Huwag na kayong magsisihan, pare! Talo kayo! Tanggapin n’yo na!” natatawang sabad ni Alvin.           Dahil walang pasok, napagkasunduan nilang magka-kaklase na maglaro ng basketball doon sa bahay ng kambal. May sariling court ang mga ito doon sa likod ng mansion ng mga Santillan. Napapalibutan iyon ng mataas na chain link fence.           “Tara, doon muna tayo sa loob! Meryenda tayo,” yaya ni Migs sa kanila.           Paglabas nila ng basketball court ay dumaan sila sa garahe kung saan nakaparada ang mga kotse ng pamilya. Dumugtong iyon papunta sa swimming pool area.           Biglang tumigil sa paglalakad si Alvin nang makita ang isang babae na lumalangoy papunta sa kinaroroon niya. She’s wearing a pair of white bikinis. Kasamang lumalangoy nito ang kulay tsokolateng mahabang buhok nito. Nang umahon ang babae. Tuluyan natulala ang binata nang makita ang magandang mukha nito.           He felt his heart slowly beat faster. Nang ihilamos nito ang palad sa mukha at dumilat, agad itong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ni Alvin ay parang may sumipa ng malakas sa dibdib niya. Hindi niya magawang kumurap. Nakatayo lang siya doon at nakatitig sa mukha ng babae.           “Ate!”           Doon siya natauhan. Halos sabay pa silang lumingon ng babae. Nakatayo sa kabilang gilid si Migs.           “Ate?” mahina ang boses na tanong niya.           Alam ni Alvin na may nakakatandang kapatid pa ang kambal. Pero kahit kailan ay hindi pa niya nakita ito dahil ayon kay Migs ay halos sa Netherlands na ito nakatira.           “Migs!” masayang bulalas ng babae.           Agad itong umahon ng pool. Napalunok si Alvin nang tumambad sa harap niya ang perpektong hubog ng katawan nito. Para itong anghel sa ganda. He saw her picture several times, but he didn’t know that she will look way much better in person. Sinuot ng babae ang bathrobe pero hindi iyon nag-abala na ibuhol ito. Lumapit ito sa kapatid at niyakap ng mahigpit.           “I missed you, nasaan si Aya?” tanong nito.           “Ate!”           Niyakap din nito ang huli.           “Migs, halina’t kumain na kayo ng mga kaibigan mo. Ikaw, Amihan, gusto mo na rin ba kumain?” tanong ng may edad na kasambahay ng mga ito.           “Mamaya na po, ‘Nay. Ako nang bahala,” nakangiting sagot nito.                    “Huy! Bakit ka parang namatanda diyan? Halika na, pasok na tayo!”           Nang tumingin sa kanya si Amihan ay agad siyang bumawi ng tingin. Tumikhim siya at natataranta na pumasok sa loob ng dining area. Nang pumasok ang kambal ay kasama nito ang nakakatandang kapatid. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Alvin ng tumayo ito sa tabi niya.           “Jon, Alvin, siya pala si Ate Amihan. Kadarating lang niya kagabi,” pagpapakilala ni Migs sa kanila.           “Hi,” magiliw na nakangiting bati nito sa kanila.           “H-Hello p-po,” kabado pa rin na bati niya.           “Ka-guwapo n’yo naman mga bata kayo!” puri pa nito, sabay tingin sa kanya.           “Lalo na ito oh! Ano ulit name mo?” tanong ulit ni Amihan, pagkatapos ay tumungo pa para makita ang mukha niya.           “A-Alvin p-po.”           “Alvin,” ulit nito at tila nag-isip. “I love that name,” dugtong nito. Pakiramdam ni Alvin ay lumubo ang puso niya at nag-init ang mukha matapos nitong pisilin ang kanyang pisngi. His eighteen-year-old heart started screaming. His heart beats even faster. Sa loob ng tiyan niya ay parang may paru-parong umiikot sa loob. Everything he feels that moment is all new to him. Ito na ba ‘yon? Ang tinatawag nilang love?’                                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD