LEJAN 11

1320 Words
"SAAN mo ako dadalhin?" hindi mapigilang tanong ni Allurice. Kahit ang totoo ay alinlangan siyang tanungin ito dahil nakakatakot pala ito kapag galit. "Sa puso ko, pakiramdam ko mas safe ka roon--Aray! Isa pang palo mo, hahalikan kita." Napilitan tuloy siyang tumahimik dahil sa sinabi nito. Nawala ang aura ng galit nitong mukha at naging jolly na naman ito. "Seryoso ako, hindi ka safe," mayamaya ay sabi nito. "He'll return." "S-Sino?" "Si Thygo Ortega. Babalik siya para kunin ka." "A-Ano? Bakit ako?" Naguluhan siya sa sinabi nito. Bakit naman ito babalik at ano naman ang kailangan nito sa kanya? "Sa ngayon ay sa condo ko muna sa Paranaque ka mag-stay." "What?" napapitlag siya sa sinabi nito. "Hindi mo ako iuuwi sa amin?" "Mas lalong hindi ka safe sa inyo." "How about my brother? Siguradong mag-aalala sa akin si Arland. Isa pa ay may klase ako bukas." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita, "I guess hindi kita mababantayan ng bente kwatro oras, pero sige ihahatid na lang kita sa inyo." Bigla tuloy itong nag-u turn sa u-turn slot at iuuwi nga talaga siya sa kanila. Mayamaya pa ay may tinawagan ito. "Yes, this is Lenard Janzel Arevalo. I need three of it. Yes and arrive it later." Hindi maintindihan ni Allurice kung ano ang pinagsasasabi nito sa kausap hanggang makarating siya sa bahay nila. Wala pang tao roon kaya silang dalawa lang ni Lejan ang naroroon. Mamaya pa ng nine ng gabi ang dating ng kapatid niya. Kahit ayaw niya itong papasukin ay napilitan na rin siya. "Talagang kailangang magtagal ka rito?" nagtatakang tanong niya. "I can't let you alone here. Lalo na at wala pa ang kapatid mo." Speaking of kapatid, nag-text nga sa kanya ang kapatid niya na hindi ito uuwi ngayong gabi at mag-i-stay sa kaklse dahil may gagawing project. Pakiramdam niya mas hindi siya delikado kapag kasama ang isang ito. "Puwede ka ng umuwi, safe na ako rito." "Mas safe ka kapag kasama ako." Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Dumiretso na siya sa kwarto para magbihis. Nang lumbas siya ay umuulan na nang tanawin niya ang bintana sa labas. Nakita niyang nakahiga na ito sa sofa nila, feel at home na feel at home na parang wala siya. "Hoy Mister, may sinabi ba ako sa iyong matulog ka rito?" Nakapikit pa rin ang mga mata nito nang magsalita ito. "Babantayan kita," sabi nito. Hanggang hindi na ito gumalaw at parang tuluyan nang nakatulog. Napilitan na lang tuloy siyang kumuha ng kumot at kinumutan ito. Napahinto siya at naupo saka pinagmasdan ang mukha nito. "Ang haba ng pilikmata, ang pula ng labi, akala mo babae. Ang tangos pa ng ilong." She trace the bridge of his nose until she stop when Lejan grab his arm. "Huwag mo akong masyadong pagnasaan, baka mabuntis ako." "Bastos ka talaga!" Pinalo niya ito sa dibdib. Ngunit hindi na nito binitiwan ang kamay niya. "Do you think I'm a big joke?" sabi nito na hindi pa rin idinidilat ang mga mata. "Malay ko sa 'yo." "Gusto kita, Allurice. I'm not expecting you to like me. Sapat na sa akin na nakikita ka at kasama kita ng ganito kalapit." Hindi naman ito nakadilat pero pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya at bahagyang namumula na rin ang sarili niyang pisngi. Ipokrita na siya kung sasabihin niyang hindi siya apektado sa ginagawa nito. But what he did, she starting to like it. "Ako na siguro ang pinakamaswerteng nilalang kapag sinagot mo na ako ng matamis mong Oo." Hinila nito ang kamay niya at itinapat sa sariling dibdib nito. "Ramdam mo ba? Every beat of it is for you. Mabulaklak akong magsalita, sabi rin ng iba. But when it comes to you, it became useless. Na kahit anong sabihin ko ay parang hindi ka naman tinatablan. Or baka immune ka na sa katulad kong playboy. Naiintindihan ko, na kahit sabihin ko man na hindi kita sasaktan ay masasaktan ka pa rin. But all of the promises that a man can give, isa lang ang kaya kong sabihin. Handa kong gawin ang kahit ano para sa iyo. Kahit ang mga bagay na hindi ko ginagawa at hindi ko kayang gagawin ay gagawin ko sabihin mo man o hindi." "Ang daldal mo." Iyon na lang ang nasabi niya kahit ang totoo ay lumalakas na ang t***k ng puso niya dahil umeepekto na ang mokong na ito sa presensiya niya. Tuluyan na niyang binawi ang sariling palad dito na hindi na rin naman nito pinigilan. Nang gabing iyon ay hindi na talaga siya nakatulog. Sinira na nito ang nananahimik niyang mundo. Nasa loob siya ng sariling kwarto habang ito ay nagtitiis sa sala. Lejan kept on wandering on her mind. Hindi na tuloy niya alam kung bakit iyon nangyayari sa kanya at bakit hindi na rin normal ang t***k ng puso niya. SHE must have knew the answers as soon as possible. Siguro nga ay maganda rin ang gising niya kaya naisip niyang baguhin ang sarili. Ang dati niyang nakapusod na buhok ay hinayaan niyang nakalugay, gumamit na rin siya ng plain contact lense instead na mag-salamin. Hindi siya mahilig magsuot ng hikaw pwera na lang kapag may okasyon pero nang sandaling iyon ay naisipan niyang magsuot ng hikaw. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya kaya naisipan niyang ayusin na ang sarili at ipamukha sa lahat na hindi siya mukhang Manang. Pagpasok pa lang niya ay pinagtitinginan na siya. Pati ang mga co-teachers niya ay halos hindi rin siya nakilala, maging ang mga estudyante. "Sigurado ka bang si Miss Arcee iyan?" tanong pa ng isa sa estudyante niya. Tila nakakita ng Diyosa ang mga ito, lalo naman ang advisory class niya na naghihinala na yatang in-love siya dahil sa bagong transformation na ginawa niya. "Mam, inlab na po ba kayo kay Lejan?" pangungulit ng baklang estudyante. Ngumiti lang siya bilang tugon. Oo nga yata, bumigay na nga yata ang puso niya at kay Lejan. Panalo na naman ang loko sa pagpapaibig sa kanya. And she made to accept him. Ewan na nga lang at bakit dito siya bumigay samantalang humahabol-habol naman sa kanya ang anak ni Misis Delgado pero hindi ito ang timplada niya. Pinatulan na niya ang alok nito ng date at kilalanin itong maigi. May parte ng puso niya ang gustong sagutin ang curiousity na iyon at kung si Lejan nga ba talaga ang taong para sa kanya. Although, she was afraid that some things might turn into hurts. She was afraid on the thoughts that sometimes linger in her mind. Pero sabi nga nila, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan bago pa mahuli ang lahat. After ng klase ay sinundo siya ni Lejan sa School at dinala siya sa isang fancy Restaurant na parang sila lang yata ang laman niyon. "Hindi ba expensive dito?" bulong ni Arcee kay Lejan. "Walang mahal sa taong nagmamahal." Napangiti na lang siya sa isipan niya. Natameme na naman siya sa mga banatan nito. Aaminin niyang napakagaling nitong bumanat, napakasarap sa tainga. Patapos na silang kumain nang may inilabas itong itim na taheta. Binuksan nito iyon at tumayo saka isinabit sa leeg niya. "Ang ganda. Pero mas maganda ka kasi mahal kita." Namula na ng tuluyan ang mukha niya. "Hindi ako nagmamadali. Just take your time. Pero gusto kong ako lang ang nag-iisa sa puso mo bukod sa family mo kapag nangyari iyon." "Hayaan mo, malapit na." Saka nag-iwas ng tingin. Lumaki naman ang ngiti ni Lejan na parang may ideya na sa ibig niyang sabihin. It was a quite day, a very peaceful day na parang wala siyang pinoproblema at nakakaramdam siya ng ginhawa lalo na kung halos lahat na ng bagay patungkol sa kanya ay malapit na nitong makabisado. Napahawak siya sa dolphin pendant na iyon. She was sure to open her heart now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD