LEJAN 12

1619 Words
"TINATANGGAP ko na ang hamon mo," sagot ni Lejan mula sa hawak na aparato. Pumayag na siyang makipag-drag racing kay Thygo kapalit ng pustahan na hindi na nito gagambalain pa si Allurice. Gagawin niya ang kahit na ano para sa dalaga, kahit pa isuko na niya ang sariling pride, huwag na huwag lang itong masaktan. Lejan came in time to meet Thygo for the drag racing. He was expecting they were two of them in the same place. Pero nagulat na lang si Lejan nang dumating ang ibang dating mga nakalaban niya sa Race. Mukhang ipapahiya talaga siya nito. Nagdesisyon kasi siyang magpatalo sa laban nila. Inayos niya ang helmet saka sumakay sa sariling motor. Nang itinaas ang red flag ay nag-umpisa na sila. Rinig niya ang sigaw ng mga kaibigan na walang kaalam-alam sa plano niya. Sa una ay binilisan niya ang takbo hanggang unti-unti na niyang binagalan. Nakita pa niyang nag-dirty finger ito. Nang palapit na ito sa finish line ay hindi niya akalaing babanggain pa nito ang motor niya. Mabuti na lang at nabalanse niya iyon. Tumahimik pa nga ang paligiid dahil sa tensyon at parang naawa sa nangyari sa kanya. Hanggang magdeklara na panalo na ang loko. Tinanggal niya ang helmet at masamang tingin ang pinukol kay Thygo saka siya gumanti ng dirty finger. Sumigaw ito sa kanya, "Huwag mo kasing minamaliit ang kapangyarihan ng pag-ibig. Look what you are? Loser." Gusto sana niya itong sugurin nang pigilan siya ng tatlo niyang kasamahan at hinatid siya sa kotse. "Lejan, may galos ka sa braso," pukaw ni Zylan. "Hayaan mo na. May ipapakiusap lang sana ako. Gusto kong bantayan nyo ang kilos ng hayop na 'yon. Kapag nalaman ko pang umaali-aligid siya sa bahay ni Allurice, hihiram talaga siya ng mukha sa aso." Hindi na sumagot ang mga ka-band mate niya lalo na pag alam nitong mainit ang ulo niya. Sigurado naman si Lejan na ligtas ang dalaga dahil kumuha siya ng tatlong bodyguards sa pamamahala ni Aldrich Carvajal. Ang isa ay nakabantay tuwing papasok si Allurice, palihim na binabantayan ito. Ang ikalawa naman ay sa bahay at ang ikatlo ay kapag nasa labas si Allurice. Buo na ang pasya niya na ito lang ang babaeng para sa kanya at handa niyang pakasalan. Akala ni Lejan ay tapos na ang problema nang biglang sumulpot ang isang bagong problema. Nabalita sa Media ang tungkol kay Allurice bilang mystery girl niya. He was afraid that something might happen to her. Kaya bilang kapalit ay umiwas muna siya sa pagpunta sa Eskwelahan. Iyon nga lang ay hindi niya maiiwasan ang paglapit ng mahigpit niyang karibal. Kitang-kita ni Lejan kung paanong hinawakan nito sa braso ang dalaga at parang nananantsing ito. Hindi na siya nakatiis, lumapit na siya at agad itinulak pa ang Nathan Delgado na ito. "Touch her and your dead," tiimbagang na sabi niya saka hinila palayo si Allurice. Nagpumiglas ang dalaga at agad din naman itong binitiwan nang makalayo sila kay Nathan Delgado. "Ano bang problema mo?" "Hindi ba pwedeng huwag mo na siyang lapitan?" "What?" "Ano mo ba siya? Hindi naman siya nagtatrabaho dito 'di ba?" Pakiramdam ni Lejan ay kumukulo ang dugo niya na ano mang oras ay sasabog siya sa galit. "Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa akin ngayon? Alam mo bang hirap na akong pumasok sa School dahil lang sa mga media na parang bantay-sarado sa personal kong buhay. Ayaw ko ng ganito, Lejan. Ayaw ko sa gulo." "Ayaw ko rin naman ng ganito, Allurice. Pero alam mo kung ano, nagseselos ako. Iyong pakiramdam na gusto kong manakal. Iyong pakiramdam na kahit ang lapit-lapit ko, ni hindi ako makalapit sa iyo dahil natatakot akong masangkot ka sa public life ko. Alam mo ba ang pakiramdam ng sakit na iyon?" "Lejan, I can't take this. You have your public life and image. Ayaw ko namang masira ka at ang career mo dahil lang sa isang simpleng teacher na tulad ko. I don't have nothing compares to you." "Don't do this to me, Allurice. Sabihin mo na ang lahat, huwag mo lang sabihing layuan kita." Nakita ni Lejan na lumungkot ang anyo nito, hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha. "Get rest. Patahimikin mo muna ako. Huwag ka munang pumunta rito." Hinawakan ni Lejan ng mahigpit ang kamay niya at tinitigan ito sa mata. "Kung gusto mong mag-quite ako sa banda, I'll do it. Just don't leave me." Hindi man lang niya nakitaan na namula o nagtubig ang mata ng dalaga, mukhang seryoso nga ito. Nakita pa niyang lumalapit ang walang hiyang Delgado na iyon kay Allurice. Wala na siyang nagawa. Ang bigat ng paa niya na hindi man lamang niya magawang maihakbang para bawiin si Allurice sa lalaking ito. Baka, tama ang dalaga. Dapat na nga yata siyang sumuko at pakawalan ito. MABIGAT ang pakiramdam ni Arcee na parang ayaw na rin niyang pumasok sa School para magturo. Sasagutin na dapat niya si Lejan kung hindi lang siya natauhan nang mapanood ang sarili sa TV. Headlines, diyaryo at social media ay puros siya ang laman. Puro pambabatikos at pangba-bash ang nababasa niya, wala na siyang nabasang mabuti. Tama nga naman ang mga ito. Walang mapapala si Lejan sa kanya. Kamalasan lang ang magiging dala niya sa buhay nito. Kaya tama lang na magdesisyon siyang huwag na itong lapitan. Napabuga ng hangin si Arcee. Sa totoo lang ay nami-miss niya ito at pilit lang niyang pinipigilan ang sariling pakiramdam at huwag ipakita kay Lejan na nasasaktan siya sa pagtataboy sa binata. Kaya lang ay iyon ang dapat. Halos isang buwan ang mabilis na lumipas. Kagaya ng hiniling niya, hindi na ito nagpapakita sa School o nagpaparamdam sa kanya kahit sa tawag. Hanggang dumating ang concert ng banda nito. Napilitan pa siyang makiusap kay Marlie na bilhan siya ng ticket dahil kahit sa huli man lang na pagkakataon ay nais niya itong makita. Kahit sa malayo lang. Araw na ng concert nito at VIP ticket pa talaga ang nabili ni Marlie. Thanks to Marlie at kahit papano sa third row sila napapwesto. Umpisa pa lang ng performance ni Lejan ay ramdam na ramdam na niya ang lungkot nito na parang napipilitan lang ito. Sinubukan din naman niyang maging masaya para masuportahan ito at makisabayan sa sigawan ng mga audience. Kaya lang ay parang hindi sapat iyon para mapawi niya ang lungkot nito. She like him and she was already fallen. Ilang oras din ang inalagi niya sa panonood ng concert nito hanggang magdesisyon na siyang tuluyan ng lumabas mula roon. Nakatalikod na siya nang mapigil niya ang kanyang hininga. "Alam kong nakikinig ka. Para sa iyo ang kantang ito." Tumipa ito ng gitara saka bumigkas sa microphone. "Take my hand. Touch my face. Let me feel your embrace. Let me see, in your eye, that you won't say goodbye. Just tell me how you feel. I don't know what you're thinking anymore." The song speaks for Lejan. Parang pinatatama talaga nito ang kantang iyon. Tama nga ito, hindi niya masabi ang totoong nararamdaman niya dahil ang alam lang niya ay takasan ito. "And if you need me, you kiss me and tell me how you feel. And if you want me, you show me that you're the best for real and if you love me.. Get hold me in your arms where I belong. So, why I'm feeling strong. I sing you one last song." Paano naman niya gagawin iyon kung alam niyang pangarap nito ang masisira niya? Unti-unti na siyang humarap para panoorin ito sa pagkanta habang nag-i-strum ito ng gitara. Hindi man lang niya magawang gantihan ang lahat ng ginagawa nito. Siya nga yata ang may diperensya dahil ang tanga-tanga niya para pakawalan ito. "Let me feel, time has pass. Do you feel this could last? If you go, why then stay. Take your wings, fly away. I love you way too much. Tomorrow be the one who brings you down." Alam niya iyon. Alam niya kung gaano siya kamahal ni Lejan at kaya nitong gawin ang kahit na ano, kahit pa ang pagsuko ng sariling pride nito alang-alang sa kanya. He knows what Lejan did and what Lejan sacrifices for her sake. Salamat sa kadaldalan ng ka-bandmate nitong si Zylan. "And if you need me, you kiss me and tell me how you feel. And if you want me, you show me that you're the best for real and if you love me.. Get hold me in your arms where I belong. So, why I'm feeling strong. I sing you one last song. One last song, I sing for you like I always do. This time, it's for real. I never come to you like this, I'm begging you to turn my kiss. Oh oh oh ohhh.." She was begging the same, begging that they could be together. Na kung puwede lang ay walang panggulo. Na kung puwede lang simpleng tao na lang din si Lejan. But everything was an illusion. Malayong-malayo ang posisyon niya kay Lejan. Langit ito at isa lang siyang lupang tinatapakan nito. Tuluyan ng tinalikuran ni Allurice ang nagpapatuloy sa pagkanta na si Lejan. Pagdating sa labas ng concert ground ay tuluyan na niyang pinakawalan ang mga luha. Hanggang malinaw sa kanyang pandinig na tinawag nito ang pangalan niya. "Miss Allurice Desunia. I will love you always even before anthing else. If I have to give up everything. I'll do it. Huwag ka lang mawala sa akin. That will be my last song. I decided to disband the group." Isang nakabibinging hiyawan ang narinig ni Allurice bago pa niya masundan ang sinasabi ni Lejan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD