LEJAN 10

1768 Words
KANINA pa panay ang ring ng phone ni Lejan pero mukhang wala itong balak sagutin ang tawag na iyon. "Wala ka bang balak sagutin 'yan?" naiintrigang tanong sa kanya ni Zylan, isa sa ka-bandmate niya. Hinagis niya ang iphone kay Zylan, "Interesado ka, sagutin mo." Mabuti na lang at nasalo nito ang inihagis niyang phone. "Wait, is this Thygo?" "Sino pa." "You mean, may alam na si Thygo tungkol sa lovelife mo?" pagtatakang tanong ni Jayron, ang intsik nilang kasamahan. Binato ni Lejan ng naabot na drumstick si Jayron. "Gago! Anong pinagsasasabi mo?" "Hindi nga? In-love ka na, tinamaan ka talaga ni Kupido?" pangungumpirma ni Zylan. "Nasa in-denial stage pa iyan,"sabi nman ni Axel. "Hayaan na natin." "Dude, you're really in trouble. Paano pag nalaman nga ni Thygo 'yan? You have to be careful." Tila natauhan naman si Lejan sa sinabi ng mga kasama. Kaya after ng rehearsal ay agad siyang nagtungo sa School kung saan nagtuturo si Allurice. Bitbit niya ang I.D. nito para may idadahilan siya kapag nagtanong ang dalaga. Kailangan niyang balaan ang dalaga na huwag lalapit sa kahit sino lalo na sa Santiago 'Thygo' Ortega na ito. Pagdating sa School ay malugod naman siyang pinapasok ng guardiya na tila ay kilang-kilala na siya at espesyal ang treatment sa kanya. Nagtanong-tanong na si Lejan ngunit hindi niya natagpuan sa klase ang dalaga hanggang marating niya ang Library. He was just curious that he enter the room. Kagaya ng inaasahan niya, tahimik ang buong kwarto, marahil ay nasa klase pa ang mga estudyante. Naglakad-lakad siya paloob at nakita niya ang isang babaeng nakayukyok at nakalagay ang salamin nito sa uluhan na tila pagod na pagod ito at may nire-review. Amoy pa lang ng pabango nito ay kilala na niya. Umayos siya ng tayo at nagsimulang ilagay ang kamay sa balikat nito. He knows how to do it, since mahilig magpamasahe sa kanya ang tiyahin na nagturo sa kanya sa pagma-masahe. Hindi naman ito gumagalaw at parang nasasarapan sa ginagawa niya at hindi na makamulat ng mata, pinag-igi pa niya iyon. Nang mapansin niyang kumikilos na ito at mag-aangat ng ulo ay mabilis siyang umupo sa harapan nito at kumuha ng libro saka itinakip sa buong mukha para hindi makilala ng dalaga. Nag-inat-inat pa si Allurice saka tumingin sa paligid. Siya na lang pala ang tao roon. Nagkanya-kanya ng pasok sa klase ang mga estudyante, habang siya ay hindi napansin na nakatulog na pala. "Nakakahiya, dito na pala ako nakatulog." Hinagilap niya ang eyeglasses. "In your head, Damsel." Napaangat ng tingin si Allurice sa nagsalita, pero hindi iyon nahagilap ng kanyang mata. Kinapa niya ang salaming hinahanap at naroon nga iyon sa kanyang uluhan. Himala ring umayos ang nananakit niyang balikat. Kailangan kasi niyang gumawa ng bagong set ng questionaires para maibigay sa mga estudyante sa darating na Diagnostic exams. Tumayo na siya at iniayos ang mga libro at ibinalik sa pinagkuhanan. Hindi pa rin siya maka-move on sa sinabi ni Misis Delgado. Balak nga talagang manligaw sa kanya ng anak nito at ang inaakala niyang pinag-iinitan siya ni Missi Delgado ay kabaliktaran pala. Gustong-gusto siya nito para sa anak niya at hanggang ngayon ay binigyan siya ng oras nito na mag-isip upang sagutin ito. Lumabas na siya ng Library at nagtungo muna sa sariling department para iwan ang ibang mga gamit at kunin na lang ang attendance book ng mga estudyante. Nang matapos ay nagtungo na siya sa sariling advisory class. Nakapagtatakang napakatahimik ng paligid at parang may nauna sa kanyang magklase. Hindi muna siya agad nag-interrupt sa klase. Gusto niyang malaman kung sino iyon at bakit oras ng klase niya ang napili nito. Tumayo siya sa gilid para eksaktong marinig ang klase. Dahil nakasara ang pinto ng kwarto ay hindi niya iyon makita, hindi rin naman siya puwedeng sumilip sa bintana dahil tiyak ay mahuhuli siya at baka mapagalitan pa siya. Nagkasya na lang siya sa pakikinig. "There are things you need to know about me and why I am capable with. Una, mayaman ako, may kotse at galante. Ikalawa, gwapo ako, matangkad, tisoy na tisoy. Ikatlo mabait ako, gising man o tulog. Ikaapat, makulit ako at handa kong ligawan ng paulit-ulit ang teacher niyo. Ikalima, sikat ako at mabango pa. Ikaanim, handa kong gawin ang kahit anong sabihin niya sa akin, ora mismo magsabi lang siya, gagawin ko na." Manananatili pa sanang makikinig si Allurice sa labas nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at ang dahilan kung bakit tahimik ang klase. Pero aaminin niya, tinablan siya ng kilig. Sino bang lalaki ang maglalakas-loob na gawin iyon para lang ipakitang gusto talaga siya? Iyon nga lang ay mali ang ginagawa nito. Agad niyang binuksan ang pintuan at tumapak sa loob ng kwarto. "Kapag sinabi ko bang umalis ka ngayon din, gagawin mo ba?" "Hindi dahil makulit ako." "Hala, si Ma'am Arcee!" Agad nagtinginan ang mga estudyante sa kanya at napahinto naman ang lalaking ito na feel na feel ang pagtuturo habang may hawak na marker at nakatapat sa sinulat sa board. Napakaganda ng handwritten nito at tinalo pa ang in-assign niyang secretary, malinis ang pagkakasulat na akala mo ay isa sa mga fonts. NAPAHINTO sa pagsasalita si Lejan, hindi nito akalain na darating siya dahil ang alam yata nito ay nakaalis na siya. Pinanlisikan niya ng mata si Lejan. "What are you doing here, Mister Arevalo?" "Sorry Ma'am, pinakialaman ko ang klase mo," paghingi nito ng paumanhin. "Sabi kasi nila matatagalan ka pa bago bumalik." "Ngayong nandito na ako. Makakaalis ka na. Alam mo bang sila ang last period ko at dahil diyan mag-o-overtime sila." Naghiyawan sa pagrereklamo ang mga estudyante niya. "Ma'am naman eh." "Ma'am kayo diyan. Sisihin niyo ang isang ito." "Class, pumayag na kayo. Ako ang magbabantay sa inyo." Aba, pakiramdam niya nasaksak siya sa likuran nang mabilis na naghiyawan sa pagpayag ang mga ito. Nagsimula na siyang mag-klase, naiilang talaga siya dahil nanatili pa ito sa gilid niya at prenteng naupo habang pinanonood siya sa pagtuturo. Tumayo siya at magsusulat na sana sa board nang agawin nito ang marker. "Ako na ang magsusulat. Ano ba ang isusulat?" "oooy... Bagay talaga sila ni Ma'am!" hiyaw na naman ng klase niya. "Tahimik!" saka nilisikan ng mga mata. "Oh, tahimik na kayo kung ayaw niyong mamatay sa kilig--I mean sa kunsumisyon ang teacher niyo." Nakatikim tuloy ng palo sa braso si Lejan mula kay Allurice dahil sa binanggit nito. "Wow, close na talaga tayo? May papalo-palo ka ng nalalaman ah," pang-aasar pa nito sa kanya na sinabayan na lang niya ng irap. Hindi alam ni Allurice na may itatahimik pala ang klase niya lalo na kung si Mister Arevalo ang nagtuturo. Kung ito nga yata ang magiging teacher lalo na sa lower sections ay baka nagtino sa pag-aaral ang mga ito at tuluyang nag-enjoy sa pakikinig sa klase. Well, karamihan din kasi sa klase niya ay puros babae. Sinungaling siya kung sasabihin niyang walang magkakagusto sa hinayupak na ito. Dahil tama naman ito, gwapo talaga ito, kagwapuhang mali-linya mo sa mga Kpop idol ngayon. Apektado rin siya roon, dahil habang pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang puso, lalo ring itong umaarangkada sa pagsirko tuwing naglalapit sila ni Lejan Arevalo. Nang mag-ring ang cellphone nito ay oras na rin nang magpaalam ito sa kanya. As usual, nalungkot ang buong klase na akala mo pa ay namatayan. Pero nang banggitin niya na babalik din ito bukas, akalain mong nabuhayan at nagpunyagi. Mga, traydor! Iniligpit na niya ang mga gamit nang makita niya ang isang box ng chocolate sa mesa. May smiley pa roon at nakalagay ang pangalan ni Lejan. Napipilitang dinampot na rin niya iyon saka lumabas na ng klase. Naglalakad na siya sa kahabaan ng hallway patungo sa exit gate nang may biglang humarang sa kanya. "Hi, are you Ms. Allurice Desunia?" tanong ng lalaking naka-complete motor rider outfit. Tumango siya bilang tugon. "Anong kailangan niyo sa akin?" magalang pa na tanong niya. Umikot ito at parang kinikilatis siya. "Hmm.. tamang taste nga ang ugok na iyon. Hindi na masama." Bigla siyang hinawakan nito sa braso kaya agad siyang nagpumiglas at nabitiwan ang dala-dala niyang gamit. "Ano bang kailangan mo sa akin? Bitiwan mo nga ako!" "Bitiwan mo siya, kung ayaw mong ipa-police kita." Agad pa itong nag-dial sa phone at mayamaya ay rin ay may dumating na dalawang guwardiya mula sa kalayuan. Napilitan naman ito at agad na umalis. "Are you okay? May ginawa ba siya sa iyo?" saka pa siya ininspeksyon. Napahinga ng maluwang si Allurice nang dumating ang anak ni Misis Delgado. "Okay lang ako. Salamat." Gusto niya sanang taguan ito pero pasalamat na rin siya at dumating ito. Dinampot nito ang mga gamit niya at inalalayan siya patungo sa parking. "Mabuti pa ihahatid na kita. Mahirap na at baka bumalik pa siya." Hindi pa dapat siya papayag kaya lang hawak nito ang mga gamit niya. Pinagbuksan na siya nito ng pinto ng sasakyan. "Sakay na," sabi nito. "Sinong may sabi sa iyong sasabay siya sa iyo?" Pati siya ay nagitla sa boses na iyon. Napahinto rin siya at tiningnan ang nagsalita. Si Lejan, naroon pa pala ito at hindi pa umaalis na akala niya ay nakaalis na ito. Bakit bigla siyang kinabahan? Madilim ang anyo nito at nakakuyom ang kamao. Lumapit ito at hinawakan sa kabilang braso ang dalaga. "Ako ang maghahatid sa kanya. Hindi rin naman nagpatulo si Mister Delgado at hinawakan siya sa kabilang braso nito. "Sino ring may sabi sa iyong pag-aari mo siya? I will do the honor," pagmamatigas din nito. Pero mas nakakatakot si Lejan. Hindi pa niya ito nakitang nagalit. Madilim ang anyo nito at parang gusto ng manapak. Nakaramdam tuloy siya ng kaba. "Have you seen those imaginary words on her forehead? It's written all over her, Lejan's property." Napailing si Mister Delgado. "Hindi gamit si Miss Allurice." Ramdam niyang humigpit ang hawak nito sa braso niya na parang na-tense sa pagbitiw ni Lejan ng mga salita. "Mas lalong hindi ka niya boyfriend para agawin siya sa akin. I can make your life miserable, Mister Delgado. So, please don't come near her." Saka marahas siyang hinila. His words move, dahil nakita niya ang bahagyang takot sa mga mata ni Mister Delgado na kanina lang ay nakikipagmatigasan pa. Sa huli ay nagwagi si Lejan na makuha siya, napilitan na rin siyang sumabay sa takot na baka bumalik na naman ang lalaking kumausap sa kanya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD