EXELLE 5

1563 Words
"OH MY GOD!" Agad na napatakip sa sariling bibig si Viena. Lagot siya kapag napansin nito ang pag-E-English niya. Kung bakit naman kasi na intensyon niyang gumanti rito at nasampal talaga niya ito ng ubod lakas. Nilapit niya ang mukha kay Rexelle. "S-Sir? A-Amo? Okay na ba kayo?" "I'm fine. Just leave," sabi nito. Kunot-noong lumayo siya sa binata at diretsong lumabas ng kwarto nito. Agad siyang nagtungo sa sariling kwarto at kinulong sa sariling palad ang mukhang labis na pinamulahan. Nagdiretso siya sa banyo saka naghilamos. Nang tingnan ang relo ay pasado alas singko na ng umaga. Masyado pang maaga pero dahil sa nangyari kanina ay hindi na natahimik ang isipan niya. Lumabas na lang siya at naisipang magluto na lang. Wala pa rin sa pagluluto ang isipan niya at hindi niya napansing nasunog na pala ang nilulutong hotdog. "Balak mo bang sunugin ang bahay ko?" Namutla siya sa biglang pagsulpot ni Rexelle mula sa likuran niya. Sa katarantahan ay napahawak siya sa kawali na walang sapin sa kamay. "Damn it! Ano bang ginagawa mo?" Napahiyaw siya sa pagkalat ng sakit mula sa pagkapaso. Agad naman nitong hinila ang kaliwang kamay niya at dinala sa gripo saka sinahod sa tubig. "Bakit ba hindi ka nag-iingat?" "Sorry, Amo. Balak ko sanang lutuan kayo kaso hindi nga pala kayo nag-aalmusal dito sa bahay." Para siyang napaso ulit na binawi ang sariling kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng binata. "Okay lang ako, Sir. May masakit pa ba sa inyo?" Bigla na naman siyang namutla nang mapahawak ito sa sariling pisngi kung saan sa parteng iyon ang sinampal niya kanina. Lumapit ito sa kaldero at binuksan iyon. "What's this?" Agad siyang nagkunyapit sa braso nito at hinila ito palayo sa kaldero. Ito pa naman ang adobong nasunog niya. Tiyak samu't-saring galit ang maririnig niya rito. "Alam mo sir, ang mabuti pa, mag-jogging na lang tayo nang mawala ang hang-over n'yo. Madadagdagan pa 'yang abs n'yo." Napakurap si Rexelle at sinamaan siya ng tingin. "What did you say?" "Ah..eh.. A-Ano lang naman sir, suggestion lang," kanda kabang sabi niya. Nilampasan siya nito at kumuha ng yelo saka inilagay sa dala pala nitong cold compress. Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha. Nagpapasalamat pa rin siya at wala yata itong naalala o hindi nito namalayan ang malakas na pagsampal niya. Nagtungo siya sa kwarto at nagpalit ng damit. Mukhang siya ang nangangailangan ng jogging para mawala ang agiw sa utak niya. Nakaka-isang ikot pa lang siya nang mamataan ang pagdating ni Rexelle. Nakasuot ito ng hood mula sa sleeveless shirt saka nakajogging pants. "Oh sir, kala ko hindi kayo magja-jogging?" "Siguraduhin mo lang na effective itong pangtanggal ng hang-over." Biglang lumambot ang tuhod niya sa sinabi nito. Napatingin na lang siya sa tumatakbong palayo na si Rexelle. Rude as ever. Hindi man lang naisipang mag-thank you sa kanya. Nagpakawala na lang siya ng buntong-hininga saka tumatakbong sinundan ang binata. "Sir.." "What?" "Sigurado ba kayong okay na kayo?" Nakaupo na sila sa bakanteng bench habang umiinom ito ng tubig sa sariling baunan. Kinuha rin niya ang bottled water na dala niya saka inisang tungga iyon at tuluyang naubos. Inilapag nito sa tabi ang iniinom saka siya sinagot, "Bakit mo natanong?" "Kagabi kasi, panay ang tangis n'yo. Para kayong iniwanan ng Nanay. Tapos puno ng luha ang pisngi n'yo, hanggang sa para na kayong binabangungot. Hirap n'yo nga gisingin eh." "Sa lakas mo ba namang manampal, imposibleng hindi pa ako magising." Bigla niyang inagaw ang tubig na ininuman nito saka tinungga. Pinagpawisan siya ng mas malapot kesa sa pagja-jogging. Pilit na napalunok siya saka yumuko. "That's my water," reklamo nito. Alinlangang ibinalik niya iyon kay Rexelle saka tumayo at aalis na sana nang pigilan siya ng binata. "Saan ang punta mo?" "Ah. A-Ano, babalik na sa bahay?" patanong pa na sabi niya na hindi alam kung ano ba talaga ang gagawin niya. Hinila nito ang braso niya, nawalan siya ng balanse sa pagkabigla at napayakap siya sa binata. Kumakabog ang dibdib na humiwalay siya rito. "Sabihin mo nga sa 'kin, pinagsamantalahan mo ba ako kagabi?" Napalunok-laway na naman siyang muli. "Wow Sir, sa iyo talaga nanggaling iyan. Ikaw kaya ang nanghalik kag--" Napatakip siya sa sariling bibig. She must not said that words, but was too late. Nasabi na niya ang hindi niya dapat sinabi. "I-I kissed you, really?" Napalayo na siya sa binata. "Grabe lang Sir, parang ikaw pa ang nalugi? K-Kalimutan na lang natin, ayaw ko ring maalala pa." "It is my off today." Napatingin siya kay Rexelle. "Ah, kaya pala naisipan n'yong maglasing at ako talaga ang pinag-alaga n'yo ha. Edi wow." "It was really boring alone in the house. Pero sa katulad mo, parang napakaimposibleng ma-boring." Pagkasabi nito ay walang paalam na iniwan siya ni Rexelle. PAGDATING sa loob ng bahay ay nakita niyang nakahain na sa hapag ang nasunog niyang adobo. "We should eat this food. Masama ang magsayang." "Sir naman.. Hindi 'yan masarap. Sige ka, ikaw rin. Kapag na-ospital ka, huwag na huwag mo akong sisisihin." Lumamlam ang mga mata nito at dinala ang kaserola sa sink. Kumuha ng tocino sa ref saka nagsalang ng kawali sa kalan. Agad siyang lumapit kay Rexelle para pigilan ito sa paglulutong gagawin nito. "Sir, ako na." Ininguso nito ang kamay niya na gamutin na rin daw niya. "Don't. Baka wala na tayong makain kapag ikaw pa ang inasahan ko." "Sungit. Bahala na nga kayo diyan." Iniwanan niya ang binata saka ginamot na ang napasong palad na hindi naman sobrang nasaktan. Nagtungo na rin siya sa banyo para malamigan ang sarili. Pero tila, lapitin siya ng kamalasan nang mawalan ng tubig. Hindi pa siya tuluyang nakabanlaw at may bahagya pang sabon sa katawan niya, napilitan tuloy siyang magtapis at tinungo ang faucet, nagbabaka sakali na may maipangbanlaw siya. Ngunit tila nawalan talaga ng tubig. Hindi na siya nakatiis, sumigaw na siya mula sa loob. "Sir, hindi ba kayo nagbabayad ng tubig?" Wala siyang narinig na sagot. Napilitan siyang lumabas habang nakatapis. May bakas pa ng shampoo na puro bula ang buhok niya. "Sir! Hindi ba kayo nagbabayad ng tubig?" "What do you think you're doing?" "Anong gagawin ko? Walang tubig sa banyo." Nilapitan niya ang sink, mukhang wala nga talagang tubig. "Hay.. pambihira naman oh." Napapadyak siya mula sa nararamdamang inis. "Anong nang gagawin ko?" Napahinto rin siya sa ginagawa nang makitang naaaliw na nakamasid sa kanya ang binata. "My day wasn't any boring." "Ano raw?" Umiling ito. Akala niya ay lalapitan siya nito pero lumampas lang ito at kumuha ng bottled water sa ref. "T-Teka lang sir, 'di ba brand mo ng water 'yan? Sabi mo 'di ba, wala kang iinuming tubig kundi ganyang brand lang?" "See you like this, I'd rather have none." Napailing-iling siya na hindi niya maintindihan ang ibig nitong ipakahulugan. Napilitan na rin siyang sumama kay Rexelle nang hilahin siya nito papunta ng banyo nito para doon na siya magbanlaw. "Sir, malamig ito," reklamo niya. "Endure it or you want to be messy and sticky?" Napilitang sumakay siya sa tub at saka tuluyan nang inialis ang nakatapis na tuwalya. Kung tutuusin ay sanay na siya na may lalaking makakita sa kanya dahil sa mga kuya niya pero nakaramdam pa rin siya ng pagkailang lalo na nang hawakan nito ang ulo niya at alalayan siya saka ito ang nagbanlaw sa buhok niya. Ilang segundong hindi ito gumalaw. "S-Sir?" "Ah. Sandali lang." Dahan-dahan siya nitong pinahiga sa tub saka binuhusan ang kanyang ulo. Napahiyaw siya sa lamig. Pinupunasan na nito ng tuwalya ang ulo niya nang magsalita na naman siya. "Alam mo sir, medyo may natitira pa pala kayong kabaitan 'no. Hindi lang halata. 'Kala ko forever rude na kayo at cold-hearted kaya kayo nilalayasan ng mga katulong n'yo. Pero sir, matanong ko lang. Ano bang dahilan at lumalayas sila o pinaalis mo sila? Saka 'yong huli mong maid, ba't mo siya pinaalis?" Huminto si Rexelle sa pagda-dry ng buhok niya mula sa hair dryer. "Sinesante ko siya dahil marami siyang tanong. May tanong ka pa? "Sabi ko nga amo, ako na'ng bahala rito. Salamat." Lumabas na ang amo niyang tunay. Siya naman ay naiwang confused pa rin kung ano ang dahilan kung bakit nauubos ang mga katulong nito. Sigurado siyang may valid reason at iyon ang gusto niyang gawing malaking issue para sa project niya. Wala sa kwarto ang amo niya, nang makalabas na siya sa banyo ng kwarto ni Rexelle. Dumiretso agad siya sa sariling kwarto. Naabutan niyang nasa salas si Rexelle at may nilalaro na kung ano. Agad siyang palihim na pumasok sa sariling kwarto at saka nagsuot ng damit. Paglabas niya ay wala na roon ang among tunay at naiwan doon ang nilalaro nitong Puzzle. Isa iyong magandang larawan ng mga tanawin. Naupo siya sa sofa at hindi namalayang pinakikialaman na pala ang puzzle piece at binubuo na. Dalawa pa ang nakalatag na pawang hindi pa nabubuo. Inayos na rin niya iyon at binuo. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na rin siya. Nagising na lamang siya sa humahalimuyak na amoy ng pagkain. "Pinakialaman mo ang puzzles ko?" pangungumpirma nito na salubong ang kilay. Lagot na naman siya. Tiyak ngayon ay pagagalitan na siya ng amo niyang tunay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD