EXELLE 6

1414 Words
NAPASINGHAP si Viena nang makita si Rexelle na nakatayo na sa harapan niya at may hawak na lagayan ng Chess. "S-Sorry sir." Pero tumabi lang ito sa kanya at parang na-curious pa kung paano niya nabuo ang puzzle. "I have hard time doing that. In just a minute, nagawa mo agad?" "Akala ko sir, pagagalitan n'yo na ako eh. Pinakaba n'yo naman ako." Napahawak pa siya sa sariling dibdib na parang kinabahan talaga. "It's so boring. You know how to play chess?" "Chess? Talaga, sir? I mean, makikipaglaro ka sa akin?" Tumango ito at inayos na nito sa lagayan ang puzzles saka naman nito inilatag ang chess board. Ilang minuto rin ay may dumating. Nagpa-deliver pala ito ng pagkain. Iyon na ang ginawa nilang almusal. Napapansin niyang mukhang nawiwili naman na makipaglaro sa kanya ni Rexelle. Minsan ay nahuhuli pa nga niya itong nakatingin sa kanya na puno ng pagkamangha sa mga mata nito. Bigla tuloy siyang natakot na baka mapansin nito na magaling siya sa chess. Dahil noon pa mang nag-aaral siya, siya ang pambato ng School nila sa mga Chess competition, iyon nga lang marami pa itong bagay na hindi alam sa kanya na kinatatakutan niyang malaman nito. Baka mabunyag na ang kanyang lihim. "Your turn," sabi nito na nag-iisip ng susunod na gagawing hakbang. Kumamot pa ito sa ibabaw ng ilong na parang nahihirapan kung paano siya tatalunin. "Hindi ko yata alam na magaling ka pala sa chess." Bahagya siyang tumawa na may halong pagngiwi. "A-Ano kasi.. tinuruan ako ng mga kuya ko." Tumango naman ito na parang naniwala sa kanya. Matapos nilang kumain ay nagulat si Viena nang ayain siya ni Rexelle na lumabas dahil nabo-bore nga raw talaga ito sa bahay at ayaw nitong nag-iisa sa loob ng bahay kahit na kasama pa nito ang katulong. Pareho na silang nakasakay ng kotse nang magtanong siya kung saan sila pupunta. "Something nice." Iyon lang ang sagot sa kanya ni Rexelle na hindi talaga niya maintindihan. He looks more appealing wearing those bull cap and his jacket with hoodie. Nahihiwagaang naglipat na lang ng tingin sa paligid si Viena. Hanggang hindi niya alam kung bakit tila hinihila ng antok ang mga mata niya. Nang magmulat siya ng mata ay nakasakay pa rin siya sa kotse ngunit naka-park na ang sasakyan at wala na roon sa tabi niya si Rexelle. "A-Among tunay?" Binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba na rin saka nagpalakad-lakad sa paligid. Namangha siya nang makita ang kabuuhan ng paligid. Nakamasid pa rin ang mga mata niya nang may lalaking lumapit sa kanya. "Hi, Miss. You want company?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. "I already have," mabilis na sagot niya. "Alam mo bang hindi p'wedeng magpagala-gala ang tulad mo rito? Maganda ka pa naman," sabi nito. Bigla siyang nainsulto sa sinabi nito kahit na papuri iyon. "By the way, ako nga pala si Chrisjan." "I'm not interested. So, please excuse me," mataray na sabi niya saka lumayo sa nagpakilalang lalaki. Mangawit pa ang kamay nito ay wala siyang pakialam. Hindi niya alam kung saan na siya nakarating basta alam niya ay nagagandahan pa rin siya sa napuntahan niya. May mga naglalakihang puno, habang may falls doon. "I've been wandering all over the places looking for you." Narinig niyang sabi ni Rexelle. Napalingon siya sa lalaki. "Mabuti na lang at nakita ka ni Chrisjan at itinuro ka rito." Napatitig siya sa kay Rexelle. Ibig sabihin pala ay kilala nito ang singkit na mukhang m******s na iyon. "P-Paano mo siya.." "Anyway, tara na." Hinila siya nito at nakita niyang nakahawak ang kamay nito sa sarili niyang kamay. Her heart keeps pounding. Sanay naman siyang madikit sa mga lalaki pero ngayon ay kakaiba. "S-Sir, 'yong kamay ko.." Pero hindi pa rin siya binibitiwan ni Rexelle. "You might get lost kung hindi na kita hahawakan." Pagdating sa town hall ay nakita nga niya ang lalaking nagpakilalang Chrisjan. "Hoy Exelle! Hindi mo naman sinabing chicks mo 'yan!" lantarang sigaw ni Chrisjan. "Get your eyes off, dude. She's my maid." Bigla siyang kinilabutan nang sipatin ni Chrisjan ng tingin ang kabuuhan niya. "Hindi halata ha." Oh my God! Piping napadasal tuloy siya na sana huwag siya nitong ilaglag nang mag-English siya kanina dahil paniguradong sira na ang plano niyang hindi pa nauumpisahan. "Sir, nasaan na ba kasi tayo, bumalik na lang kaya tayo sa bahay mo?" "Gusto pa sana kitang ipasyal. But I guess, tama ka nga. Maraming asungot dito." Tumawa si Chrisjan nang puminta ang kairitahan sa mukha ni Rexelle. "Gwapo naman. By the way, huwag ka raw mawawala sa birthday ni Romervan." Agad na nilang tinalikuran si Chrisjan saka kumaway si Rexelle sa una bilang pagpayag. Bigla ring nagbago ang mood ni Rexelle nang makabalik sila sa Manila. Nag-aya pa nga itong manood ng sine at kasama siya na labis niyang pinagtakhan. Naubos ang buong araw nito na hindi man lang niya narinig na nagsungit ito sa kanya at parang napakaaliwalas ng mukha nito. "GANYAN ka ba talaga?" Nasa kalawakan sila ng seaside kung saan kakaunti lang ang tao nang mga oras na iyon at walang masyadong makakapansin kay Rexelle. Nakababa na ang araw at medyo madilim na rin sa paligid. "Ganyan, what?" nakakunot-noong tanong nito. Humarap siya kay Rexelle, iniangat ang daliri, naapaatras si Rexelle nang akala nito ay kukurutin niya ang pisngi nito. Humawak ang mga daliri niya sa magkabilang pisngi nito at iniangat para ngumiti. "Matututo kang ngumiti minsan, amo. Para hindi ka tumanda. Oh, ang cute mo naman pala pag nakangiti." Napatitig sa kanya si Rexelle. Napapako rin ang mga mata niya sa tila makislap at namumungay na mga mata nito. Biglang umurong ang dila niya kahit na madaldal siya. "S-Sorry." Nakaramdam siya ng pagkailang. Agad siyang naglakad at naupo na lang sa seaside. Naramdaman ni Viena na tumabi ng upo sa kanya ang amo niyang si Rexelle. "The real deal, I never thought of this kind of feeling." Hindi niya nilingon si Rexelle. Nanatili lang siyang nakamasid sa dagat habang humahampas ang hanging dagat sa kanyang buhok. "Sir, matanong ko lang. Palagi ba kayong binabangungot?" "Nagsimula lang noong eight years old ako, nang malaman kong iniwan pala ako ng Nanay ko." "Nasaan na siya ngayon?" "Dunno. Basta ang alam ko namuhay ako sa itinuring kong pamilya." "Tinuring? Anong ibig n'yong sab--" Pagputol nito. "Ampon lang ako. May kaya ang nag-alaga sa akin. Ipinamana ang lahat ng kayamanan nila hanggang bawian sila ng buhay. Galit ako sa mga tinuring kong pamilya dahil inilihim nila sa akin ang totoo kong katauhan. Namuhay ako sa pekeng buhay na inakala kong sila ang mga magulang ko. Takot akong magtiwala sa tao until I joined the prat. Sila ang naging takbuhan ko at sila ang nagpakilala sa akin sa totoong mundo. But I'm still scared to death if we cross paths again." Tumango na lang siya na naintindihan ito hanggang maramdaman niyang nag-extend ito ng katawan at ipinatong ang ulo sa kandungan niya. "I miss to have a real Mom. I miss to have her para mawala ang mga bangungot ko. But maybe my nightmares will never be subside." Natagpuan na lang ni Viena na nakahimas na ang mga kamay sa ulo ng binata. "Makakalimutan n'yo rin ang lahat. Lahat ng bagay ay may dahilan at marahil ay may dahilan rin ang tunay n'yong ina kaya niya kayo iniwan. Huwag kayong mag-alala Sir, nandito lang ako. Hinding-hindi ko kayo iiwan lalo na kapag nararamdaman n'yong mag-isa kayo o magkaroon pa kayo ng nightmares." Hindi niya na ito narinig na sumagot. Hanggang nang silipin ni Viena ay nakapikit na ang binata. She trace the bridge of his nose hanggang gumapang sa mapula at maumbok nitong labi na parang nag-aanyayang halikan. Bigla siyang nag-shift ng tingin sa paligid. Takot na may mahuli siyang damdamin para sa binata. Kung sana totoo rin ang lahat. Kung sana ay hindi rin pagpapanggap ang ginagawa niya ngayon. Bigla tuloy siyang nakokonsensiya sa ginagawa niya. 'I'm sorry, Rexelle,' piping usal ng kanyang isipan. Katahimikan na lang ang namayani sa kanila nang makabalik sila sa bahay nito. Marami siyang nais itanong sa binata pero marahil ay hindi pa panahon. Lalo pa at kinukuha pa lang niya ang loob nito. Kailangan muna niyang makuha ng buo ang tiwala nito nang sa ganoon kapag nalaman din nito ang buo niyang pagkatao ay hindi rin masyadong masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD