EXELLE 4

1452 Words
NAPATINGIN si Viena kay Rexelle na seryoso ang sinasabi na hindi siya isasama. Na'san na ang sinasabi nitong siya ang gagawa ng lahat para dito? Na'san na ang sinasabi nito na aasikasuhin niya ito? Sana sinabi agad nito ng maaga, hindi iyong tila nagmukhang tanga na naman siya. "Sir, sana sinabi n'yo na lang na hindi pala ako kasama." Hindi na niya napigilang magreklamo. Tumingin naman ito sa kanya. "Alam mo sa daming namasukan sa akin, ikaw lang ang nakilala kong reklamador." Saka ito tumayo at nilapitan ang Manager at diretso ng lumabas at iniwan siyang nakatanga na lang. Napabuntong-hininga na lang siya nang tuluyang magsara ang pinto ng bahay. "Punyeta ka! Mabagsakan ka sana ng paso sa ulo. Bwisit! Grr.." Napabagsak siya sa upuan. "Ano naman ang gagawin ko rito?" Napabalikwas siya ng tayo nang tumunog ang phone niya. Nagpalitan kasi sila ng numero ng amo niyang tunay. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pumayag siya. Pagkabukas sa cellphone nabasa agad niya ang mga utos nito. Sumagot na lang siya ng Opo sa text nito kahit ang totoo ay wala siyang kabalak-balak na gawin ang mga gawaing bahay na inuutos nito sa kanya. Agad siyang nakaisip ng paraan. Kailangan niyang maghanap ng mga bagay-bagay na puwede niyang mai-connect kay Rexelle Ravillo nang maumpisahan na niya ang paggawa ng biography at issue-ng puwede niyang ibato rito. Humanda lang talaga ito at gagawa siya ng malaking issue na pasasabugin niya sa publiko. Sinubukan muna niyang i-check kung may mga nakatagong CCTV cameras sa loob ng bahay. Nang masigurado ay saka siya nagtungo sa kwarto nito. Ang nakakainis lang ay naka-lock iyon at wala siyang duplicate key ng kwartong iyon. Kung minamalas nga naman siya. Kinuha na lang niyang pangdagdag issue ang mga katulong na lumalayas at hindi ma-handle ang tyrant, coldhearted at rude na si Rexelle Ravillo. Para hindi masabing wala siyang nagawa sa buong araw, nagpunas-punas na lang siya at pinadala sa laundry ang mga damit nito na kukunin din naman niya pagkatapos. Pinagtakhan lang niya kung bakit ni isang picture ng pamilya nito ay walang naka-display. Puro lang mga medals, certificates at trophees na nakukuha nito sa mga sinasalihan nito sa amateur o professional singing, writing and music competition. "Siya na ang gifted. Gifted nga, ang sama naman ng ugali," mabilis na bawi niya. Inilibot na lang niya ang mga mata sa kasulok-sulukan ng buong bahay nito. "It's so boring. I wish I have something to do here." Dahil marami namang pagkain sa ref, sinubukan na lang niyang mag-practice magluto. Iyon nga lang kung hindi nasusunog ay masama naman ang lasa ng mga ito. Nag-adobo siya na nasunog, binuhusan niya ng kaunting tubig at toyo nang tikman niya ay lasang sunog at maalat ang kinalabasan ng adobo na iyon. Tinakpan na lang niya iyon at hinayaan sa kalan. Nakatulog na siya sa sala, kahihintay sa damuhong amo niyang tunay na wala man lang pasabi kung uuwi ba ito o hindi. Hanggang nag-ring ang phone niya sa tabi ng kanyang inuupuan. Natatarantang agad niya iyong dinampot at sinagot ang kung sino mang tumatawag. Pangalan ni Rexelle ang nakarehistro sa phone. "Hello, Viena, si Manager Jester 'to. Pwede bang baba ka muna saglit dito sa labas? Lasing na lasing kasi si Rexelle. At ano medyo.. Anak ng! Ayon. Sumuka na talaga. Yuck! Kadiri naman talaga oh." Agad niyang iniwan ang phone at lumabas na ng bahay saka sinalubong si Jester na nakakapit na rito si Rexelle dahil sa labis na kalasingan. Umalalay na rin siya. "Manager, ba't mo naman nilasing si Sir?" "Tama nga ang observant na ito," sabi lang ni Jester habang nakaalalay paayat ng hagdan. "Anong tama? Kinukwento niya ako?" naguguluhang tanong ni Viena. Hindi ito sumagot hanggang naibaba na nila si Rexelle sa kama nito sa loob ng kwarto. Tama nga ang pantaha ni Viena, ang manager nito lang ang may access sa loob ng bahay. Dapat siyang makipaglapit dito para naman makuha niya ang mga impormasyong kailangan niya. Inamoy nito ang sarili. "Pakiramdam ko nangangamoy na ako." "Ikuha ko kayo ng towel, Manager." "Don't bother. Babalik na ako sa sasakyan ko. Kailangan ko pang linisin iyon . Ikaw na ang bahala sa taong 'yan." "Pero, teka lang-- Manager!" SINADYA yata ng Manager ni Rexelle na layasan siya at walang kabalak-balak na mag-alaga ng lasing. Since, minsan na ring nalasing ang mga kuya niya, she was surely know how to treat a drunkard human being. Pero hindi naman bagay sa lalaking ito ang tawaging human being dahil wala sa ugali nito ang maging makatao. Kumuha siya ng basin, naglagay ng maligamgam na tubig at alcohol, saka pinunasan ang mukha ni Rexelle. Napilitan na rin siyang hubarin ang suot nitong Polo, sinama na rin niya ang pantalon nito. Mabuti na nga lang at ugali nitong magsuot ng boxer short kaya wala siyang nakitang sawa. Makailang beses siyang napalunok nang makita ang kabuuhan ng katawan nito. Hindi naman siguro nito malalaman na minomolestiya na niya ang inosente nitong katawan. She trace her fingers on her broad chest down to his thin hair above his shorts. Damn! He was so hot that moment. Tila magiging masama na talaga siya sa ginagawa niyang kalapastanganan. "Isa na lang," mahinang bulong niya. Saka niya inilapit ang mga kamay sa naglalakihang abs nito. Pinisil-pisil niya iyon na mukhang mas malaki pa sa dalawampisong pandesal. "Infairness ha, matigas. Hindi puro hangin." Mahinang napahalinhing siya. Bigla itong tumagilid kaya agad niyang hinila ang sariling kamay bago pa iyon madaganan nito. Napatitig siya sa mukha ni Rexelle. Ngayon lang niya natitigan ang mukha nitong tila kay sarap ipinta nang mga sandaling iyon. Kung hawak nga lang siguro niya ang sketch pad niya na pantagal umay at stress reliever ay baka nai-drawing na niya ito. His eyes, that thick lashes, those eyebrows, his cheeks na parang walang pores and his goddamn nose na napakatangos. She can easily trace that bridge run through her fingers. Iyon nga ang ginawa niya hanggang bumaba ang daliri niya sa mapupula at kissable nitong mga labi na parang nag-aanyayang halikan. Napailing siya sa isiping may nais siyang gawin at madilim na plano sa amo niyang tunay. "No, Vian. Hindi ka p'wedeng matukso sa taong iyan. He's just a project and an enemy." Pero hindi naman iyon ang talagang sinasabi ng utak niya. Napayuko siya at dahan-dahang inilalapit ang sariling labi. Gusto lang niyang malaman kung malambot din ba ang labi nito sa likod ng mapupulang labing iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sinampay nito ang braso sa likuran niya at napatulak siya para mahalikan ito. Oh s**t! Ilusion come true. Lumapat ang labi niya sa labi ni Rexelle. Aatras na sana siya nang biglang gumalaw ang labi nito. Napaimpit siya sa pagtili at isinara na lang ang mga mata. Kasalanan niya, ang harot-harot kasi niya. Ayan, nabiyayaan, este naparusahan tuloy siya sa sarili niyang hidden agenda. Biglang nabura sa isipan niya ang mga masasakit na nais niyang ipukol kay Rexelle, dahil lang sa halik nitong tila nagpalambot sa naghuhuramentado niyang puso. Tuluyan na siyang napasailalim ng kamandag na dala ng halik nito lalo na nang lumalim ang halik nito at naging mapusok. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sabayan ang ginagawa nito, hanggang para siyang nahulasan at agad itong itinulak. "Damn! I-I really ki-kissed him?" hindi makapaniwalang turan niya habang kumakapa na ang daliri sa sariling labi nang tugunin niya ang halik nito. Napatitig siya kay Rexelle. Nakapikit pa rin ito at mukhang tulog na tulog naman. Napahugot tuloy siya nang malalim na buntong hininga. Patay na bukas. Hindi na siya nakabalik sa kwarto, naupo na lang siya sa sofa na katapat ng kama nito at doon na siya nagpalipas ng antok. Napamulat ang mga mata ni Viena sa mahihinang ungol. Nang silipin niya si Rexelle ay pawisan na ito at pabaling-baling ang ulo na parang may pinagdadaanan ito. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. "A-Among tunay, okay lang kayo?" Wala siyang narinig na tugon. Hinawakan na niya ito sa magkabilang balikat saka inalog-alog para bahagyang magising. Pero walang nangyari, umuungol pa rin ito. "Ma.. huwag.. huwag.. Ma!" ungol ni Rexelle. "Siguro naman makakaganti na ako nito." She compose herself. Naghugot ng paghinga saka muling nag-exhale. Solve na solve na siya sa gagawin niya. Isang malutong na sampal ang binitiwan niya sa mukha ni Rexelle. Pinakalakas-lakasan talaga niya na parang iyon ang mga galit niya para sa binata. Bulls eye! Napadilat ng mata si Rexelle at napahawak sa pisnging namumula dahil sa malakas niyang pagsampal. Napaatras siya nang tumitig sa kanya si Rexelle. Lagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD