EXELLE 3

1620 Words
UNANG tingin pa lang ni Rexelle sa babae ay tila hindi ito ang tipo ng taong marunong sa gawaing bahay. Kaya nga iniwan na lang niya ito sa Restaurant kahapon kesa pakinggan ang mga ito habang nag-uusap. Napansin pa niyang kursunada ito ng Manager nila na hiwalay na sa asawa base na rin sa kakaibang titig nito sa babae. Bilang lalaki ay ramdam niya iyon. Napailing-iling na lang siya na hindi man lang nagsabi ng pagkain na kakainin nito nang umorder siya sa drive thru. Hindi yata ito gutom. What was her name again? Viena, iyon ang natatandaan niya. That name sounds like a brand of sausage that surely he'll never forget. "Bro!" Nakipagdibdiban ito sa kanya. Isa ito sa kasama niya sa banda. "May napili na ba kayong magiging drummer natin?" Dinampot ni Rexelle ang phone at muling pinanood ang mga videos na finorward sa kanya ni Lejan. Ito kasi ang binigyan niya ng access para magbigay sa kanya ng candidate. Nag-back out na kasi ang drummer nila dahil sumama ito sa pagma-migrate sa Canada since malaki ang offer. Apat na lang sila sa banda at kailangan nilang mag-recruit. Hindi na rin maasahan ni Rexelle ang dating binuwag ni Lejan na banda. Kung hindi nga lang siya nakiusap kay Lejan na sumali sa grupo ay mukhang wala rin itong balak na bumalik sa music Industry. Ang dalawa niyang kasama na pianist at isang guitarist at bahagya lang na may alam sa drum ay hindi rin talaga maaasahan. Dumating na rin si Lejan na kasama ang asawa habang bitbit nito ang anak na ilang buwan na rin. "Hey, Exelle. May napili ka na ba sa mga ibinigay ko?" Saka nito ibinigay ang bata sa asawa nito na nagpaalam rin na mamamasyal muna sa set. "Wala pa," malamig na sagot niya. "Pero kung ako ang tatanungin, sapat na sa atin si Marco." Ito ang tinutukoy nito na marunong mag-drum pero hindi magaling sa drum. Sumagot si Felix. "Ang problema kasi sa grupo natin lahat lang halos sa atin ay marunong lang mag-gitara pero hindi marunong sa ibang musical instrument." Napahawak sa likod ng ulo si Lejan. "Tama ka. I invited one of my associate but they all want to quit and disband the band as well. Ayaw na nila sa music industry, maraming kaagaw." Lumapit na sa kanila ang photographer na uumpisahan na raw ang photoshoot. Hinanap muna ni Rexelle ang bag na pinadala niya kay Viena. Bibilinan din niya itong manatili na lang sa kotse at doon na lang siya hintayin. Pero iba ang naabutan ni Rexelle nang puntahan niya ang dulong bahagi ng studio. Nakaupo roon ang dalaga. Napatitig tuloy siya kay Viena. Kung hindi lang ito nag-apply na katulong, siguradong papasa ito bilang model. Sa tantiya niya ay nasa 5'5" ang height nito, hindi na masama para halos mapantayan siya sa height niyang 5'8". Hindi ito mataba at hindi rin payat, kung titigan nga siguro si Viena ay hindi niya makikitaan ng fats ang katawan nito. Mukha rin itong makinis ayon sa kutis nito. Hindi ito maitim, at hindi rin maputi. It was a sun-kissed colored complexion na parang maputi ito dati pero ngayon ay nabawasan at pantay naman ang kulay. Maganda rin ang buhok nitong kasing itim ng uwak at tuwid na tuwid. Agad niyang binura ang mga isipin sa pag-examine sa kabuuhan ng dalaga. Bakit ba niya naisipang i-access ito? Napakunot ang noo ni Rexelle at halos magsalubong ang dalawang kilay niya nang makitang lumapit si Marco. Marco was one of his bandmate and he knew his trademark on playing and flirting into woman. Lalo pang napakunot ang noo niya at halos hindi na maipinta ang mukha nang makitang hinagkan ni Marco ang kamay ng kanyang personal alalay. Of all woman, bakit kailangang dito pa ito magpa-cute? Para na siyang sinisilihan sa kinatatayuan nang may mga lalaki ng lumapit sa dalaga at kapawa pinagkakaguluhan. Siya ang celebrity, siya ang singer at guitarist pero bakit ang babaeng ito ang pinagkakaguluhan? Nakakuyom ang palad na nilapitan niya ang mga ito. Agad niyang hinila ang braso ni Viena para tumayo. Saka niya tinabig ang pagkaing inio-offer sa kanya ng lalaki. Puminta sa magandang mukha ng dalaga ang panghihinayang sa pagkaing natapon lang at sumadsad sa sahig. "Aray naman!" Hinila niya ng hinila si Viena palayo sa mga ito at dinala sa dressing room. "S-Sir, ano po ang ginagawa natin dito?" Hindi siya sumagot. Mabilis na nilapitan ni Rexelle ang mga naka-hanger na damit, nagbabaka-sakaling may damit doon na maaari nitong masuot nang matakpan ang pag-angat ng kakaibang ganda ng dalaga. She was really the epitome of center of attraction. "Magbihis ka. From now on, iyan na ang susuotin mo! Ikaw ang magme-make-up sa akin, mag-aayos, maghahanda ng kailangan ko at pati ang pagkain ng kakainin ko. I'll make you busy and you will never look any man other than me, naiintindihan mo ba?" bulyaw niya sa dalagang tila natulala sa ginawa niya. Dahil sa pagkahiya agad siyang lumabas ng dressing room at padabog na hinila ang pinto para magsara. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. NAPAPAYPAY si Viena sa sarili na parang hindi alam kung bakit biglang nagbago ang magaling niyang Tyrant na amo. Binato niya ito ng naabot niyang damit. "Oo na po, among tunay! Bwisit!" Naramdaman ni Viena na nagtagis ang mga bagang niya sa inis sa lalaki. "Grr! I hate you! You really have the guts to ruin someone's mood. Pasalamat ka lang talaga at napagtiyagaan kitang kasama. Kung hindi lang sa malaking project, wala akong balak na pagtiyagaan ang pagiging rude mo, mood swing at pang-aalipin sa akin. Sarap mong pakainin ng sapatos!" gigil na gigil na sambit niya. In the end, walang nagawa si Viena kundi ang sumunod dito. Matapos magbihis ay parang nanghihina siya dahil gutom na gutom na talaga siya. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang babae at may iniabot na naka-paper bag. Amoy palang niyon ay alam na niya kung ano ang laman niyon. Agad tuloy kumalam ang sikmura niya. Nang tunghayan niya ang relong pambisig, pasado alasdiyes na pala. Kaya tuloy walang tigil sa pagkalam ng sikmura niya. Hahabulin pa sana niya ang babaeng nag-abot sa kanya ng paper bag para tanungin kung sino ang nagpabigay pero mabilis itong nawala sa paningin niya. Agad siyang naupo sa tabi at walang lingon-lingong inupakan ang big burger double patty. Napahinto siya sa pagkagat nang may naglapag ng bottle water sa tapat niya. "Mabulunan ka, nakakahiya sa image ko," sabi nito na agad din ay iniwasan siya. Sinamaan niya ng tingin si Rexelle Ravillo. Magbibigay na lang, ang dami pang sinabi. Wala man lamang pa-consuelo para ikatuwa man lamang niya. She felt full, maybe because she skip her breakfast. Mukhang magkakasakit siya physically habang nasa poder siya ng kanyang among tunay. Among Tunay, the great. Bagay na bagay na bansag niya. Gusto pa nga sana niyang dugtungan ng the-barbaric-moody-tyrant-Beast, among tunay. Kaso lang ay masyadong ng mahaba sa dami ng nais niyang ibansag sa kasamaan ng ugali ng lalaking ito. She was wondering kung bakit marami pa rin mga babae ang bulag dito at hindi nakikita ang tunay nitong ugali. He was a Beast dress like a Prince charming, the one and only had a Monster attitude. Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin nitong uuwi na sila. Wala rin kasi itong ginawang maganda sa kanya kundi ang alilain siya sa buong oras ng set. Kuha dito, kuha doon, bigay niyon, bigay nito. Hindi talaga siya pinatahimik at kuntodo pang-aabala talaga ang ginawa nito sa kanya. Ibinagsak ni Viena ang pagal na katawan sa sariling kama. Sa wakas, pinatahimik rin siya ng kanyang among tunay. Dahil naisip na lang nito na magpa-deliver imbes na magpaluto sa kanya. Napaka-bobo pa naman niya pagdating sa pagluluto. Iyon ang numero uno niyang magiging problema. Narinig niyang may nag-strum nang silipin niya ang pinid ng pintuang bahagya niyang binuksan, nakita niya na bitbit nito ang sariling gitara habang nagsusulat. Marahil ay gagawa ito ng sariling lyrics. Nang lumingon ito ay nagtama ang kanilang mata. Natarantang isinara agad niya ang pintuan, nagtatakbo pabalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ramdam ni Viena ang pag-iinit ng sariling pisngi nang mahuli nito ang mga titig niya kanina. Napapikit siya nang mariin saka dinaluyan na ng antok. In-alarm na ni Viena nang maaga ang cellphone para hindi na siya makarinig ng reklamo mula sa amo niyang tunay. Nakapaligo na rin siya at nakabihis pang-uniporme ng katulong nang lumabas siya mula sa kanyang silid. Pero hindi niya inaasahan na early bird pa rin ang amo niya. Nauna na naman kasi itong naka-bath robe at mukhang katatapos lang maligo. "Sir," tawag niya. "Ano po ang gusto n'yong almusal?" Hindi siya nakarinig ng sagot. "Among tunay!" Naalarma siyang bigla nang lumabas ito sa kung saan. "What did you call me?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Nakabihis na ito at humahalimuyak na ang mabango nitong pabango. "A-Among tunay. I-iyon ang bansag sa mga amo," pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay parang iniihit na siya ng labis na kaba. "Hindi mo pa rin minemorize ang notes. I don't eat breakfast at my house." Tumango siya. "Ga'non ba amo. Good for me," mahinang bulong niya sa huli. Ligtas na naman siya. Hinanda na niya ang bag na gagamitin nito. Bumukas ang pintuan at dumating naman ang manager ni Rexelle. "Shall we go, Exelle?" "Among tunay, saan po tayo ngayon?" pang-i-interrupt niya kay Rexelle na abala sa pagsa-sapatos. "Sinong may sabi sa 'yong sasama ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD