LEJAN 9

1869 Words
HINDI kaagad tinanggap ni Allurice ang pakikipagkamay ng lalaki. Malay ba niya kung may balak itong masam o ano. Matagal pa bago niya tinitigan lang ang kamay nito. Hanggang dumating na lang si Marlie at agad tinugon ang kamay ng lalaki. "Marlie, call me Marli," sagot nito sa lalaki. Pinandilatan niya ito ng mata. "Sorry sir, hindi kaagad kayo na-recognize nitong kaibigan ko. Bago lang kasi siya rito." Napatitig siya kay Marlie at hindi maintindihan ang sinasabi ng kaibigan. "Ah. I see," sabi ng lalaki sa kanya. "Actually sir, hinabol ko lang kayo nang makita ko kayo kanina. Pinapasabi rin kasi ng mother niyo na hihintayin niya kayo sa sasakyan." Bigla itong napapalo ng sariling noo. "Oo nga pala. Nakalimutan ko na. I need to go. I'm going. See you," paalam pa nito na agad na ring lumabas ng kwarto. Nang tuluyang makalabas ang lalaki ay isinara na ni Marlie ang pintuan saka pinukol siya ng masamang tingin. "Naku naman Arcee, anak siya ni Mam. Lita Delgado." Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. "Anong sabi mo? Totoo ba iyon?" paglilinaw pa niya kay Marlie. "Mukha ba akong malaking joke. Oo nga. Teka nga, bakit ka pala niya pinuntahan dito?" Sasagot sana siya nang biglang umurong ang dila niya. Hindi niya puwedeng sabihin ang totoong dahilan ng pagpunta nito sa kwartong iyon at baka makarating kay Misis Delgado, siya na naman ang malaking sore eyes nito at tinik sa lalamunan. "W-Wala naman. Nagkamali lang siya ng pasok," pagsisinungaling niya. "Ah okay." Sumabay na rin siya kay Marlie sa pag-uwi at hindi na siya nagbanggit ng kahit na ano tungkol sa lalaking presko. Pero aaminin niya, gwapo ang lalaki. Hindi niya alam na may anak pa lang gwapo ang mahaderang teacher na favorite siyang pag-initan. Pagod ng nakauwi si Arcee sa bahay kaya hindi niya inalam kung gising pa ang kapatid hanggang magsalita ito mula sa likuran niya, "Ate, may delivery kang bulaklak." Halos mapatalon pa siya mula sa boses ng kapatid, patay pa man din ang ilaw. "Kailangan ba talagang gugulatin ako?" "Ba't ka ba nagulat? Not unless may sikreto kang tinatago.." "Tse! Tigilan mo nga ako. Kanino pala galing 'yong deliver na bulaklak na sinasabi mo?" Ba't pa ba siya nagtanong eh 'nong isang araw pa ang paramdam na 'yon sa kanya. Kaya siguradong ang preskong lalaki na anak ni Misis Delgado ang nagpadala 'non. Nagtungo muna siya sa kusina saka kumuha ng tubig sa ref. "Kanino pa ba, e 'di sa masugid mong manliligaw, si Lejan." Napabuga siya ng kakainom lang na tubig nang marinig ang pangalang iba sa iniisip niya. "Come again? L-Lejan? Sinong Lejan?" "Hala, may amnesia ka? Siya pa nga ang kumidnap sa 'yo at naghatid dito sa bahay. Hindi mo maalala?" Saka lang nag-sink in sa utak niya ang sinabi ng kapatid. "Lejan pala ang pangalan niya." "Hindi mo pala siya kilala. Sikat kaya siya, I mean sikat na." Uminom muli siya ng tubig. "Anong sikat?" "Singer, compose and band member siya ng Haven." "Haven, ano iyon?" "Bukod sa Kpop, sila na ang bagong umuusong banda ngayon lalo na sa mga kabataan. Iyong ibang kantang narinig ko revive lang nila galing sa dating 90's hit. Katulad sa kanta ng A1, backstreet, Westlife at Boyzone, mga ga'non." "Ah talaga." Na-curious naman si Arcee, kaya binuksan niya ang sariling phone nang makapasok siya sa kwarto. Naki-wifi sa kapit-bahay dahil alam naman niya ang password ng mabait nilang kapit-bahay. Saka nag-search sa youtube. Tama nga ito, base pa lang sa views at likes na malapit ng magbillion ay talagang sikat na sikat nga ang bandang kinabibilangan nito. Tiningnan niya ang isang basket ng bulaklak na hindi naman niya alam kung bakit iba-iba ang mga ito hanggang biglang nag-ring ang phone niya. Isang unknown number ang nag-appear sa screen ng phone niya. Alinlangan pa bago niya ito tuluyang nasagot. "H-Hello. Sino ito?" "Mabuti naman sinagot mo na. Kung may balak kang takasan ako, galingan mo lang. Dahil kapag nahuli kita, wala ka ng ligtas." "Iyon lang ba ang itinawag mo? Mister, kung sino ka man, wala akong panahon makipag-phone call sa iyo, maliwanag?" "Teka sandali. Si Lejan ito, ang knight and shinig armor mo. Huwag mo munang patayin, may sasabihin pa ako." "Ano na naman?" inis na tanong niya rito. "Nagustuhan mo ba iyong mga bulaklak na pina-deliver ko? Sorry kung iba-iba. Hindi ko kasi alam ang mga hilig at gusto mo. Kaya mamili ka na lang kung anong gusto mo--" "Bawiin mo." "Ano? Gusto mong pumunta ako riyan para bawiin ko 'yong mga bulaklak?" "Oo. Hindi ko tatanggapin iyon." "Sige, para makikita uli kita," biglang sabi nito. "T-Teka, hindi iyon ang ibig kong sabihin." "Oo nga pala, nasa akin si Kupido. Ipatutubos ko bukas ng umaga," ang huling sabi nito na agad pinatayan siya ng phone. Bago pa niya nahabol ay namatay na ang tawag ng animal. Psychotic yata ang isang ito. Puro na lang yata problema ang mangyayari sa kanya simula nang maglayas kuno si Arland. KINAUMAGAHAN, hindi pa siya nakamumog o nakahilamos ng pagmumukha, dumating na ang walang hiya. "Good Morning," bati nito nang makita siya. Prente pa itong nakaupo sa sofa habang may binabasang diyaryo. Tinapunan lang siya saglit ng tingin saka muling nagbasa ng hawak nitong diyaryo. Na-tense naman siya sa hitsura niya kaya agad siyang nagpunta ng banyo para maghilamos. Kamuntik na niya itong mahalikan nang bigla itong humarang sa bukana ng pinto. Mabuti na lang at nabalanse niya ang sarili kung hindi ay nakaisa na naman ito. "Hoy! Mister whatever-your-name is, kailangan ba talagang maagang-maaga eh nandito ka na? Wala ka bang bahay?" "Meron naman, sa puso mo." Kamuntik na niya itong hambalusin ng tabo. Mabuti na lang at naiwan sa banyo. "Kunin mo na ang bulaklak mo bago ko pa maihambalos sa iyo." Saka nilampasan siya at nagtungo ng kusina. Akala niya ay gagawin na nito ang sinabi niya kaya hindi niya ito pinansin. Nagluto na nga siya ng almusal ngunit naroon pa rin ito. At ang kapal talaga ng mukha, umupo pa talaga sa harapan ng mesa na akala mo ay kapamilya nila. "Sinong may sabi sa iyong maupo ka riyan?" Hindi na niya napigilan ang pagtataray. "Oh," sabay abot nito ng stuff toy na hugis batang tao na may hawak na pana at pumapana ng pulang puso." "Anong gagawin ko diyan?" "'Di ba sabi ko sa iyo tubusin mo si Kupido? Bibigyan kita ng limang segundo, kapag hindi mo nabawi ang puso mo sa 'kin. Wala ng atrasan." Gusto na niya talaga itong hampasin ng sandok ng matauhan. Hindi talaga niya malaman kung ano ang pinagsasasabi nito sa kanya. Kung bumabanat ito, sorry na lang siya dahil immune na immune na siya sa mga banatan. "Alam mo, kapag hindi ka tumayo at lumabas sa pamamahay namin, baka bumait ako at ikaw ang banatan ko." "Grabe ka naman sa 'klin. Seryoso na nga 'yong tao eh." Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Bigla siyang kinabahan at napahakbang paatras. Hinarang na lang niya ang sandok sa pagitan nila ng ma-corner na siya nito. "H-Hoy, L-Lejan--" "Pa 'no mo nalaman ang pangalan ko? Ini-instalk mo ang f******k ko noh?--Aray naman!" Pinalo na niya ito sa ulo ng sandok. "Puro ka kalokohan!" "Hindi mo man lang ba pupusuan. Hindi mo na nga ni-like, hindi mo pa ako like." "T-Tabi nga." Itutulak na nga sana niya ito nang lalo siya nitong inipit at hindi pinaalis. Pakiramdam niya ay nalunod siya nang seryosong tumitig ito sa kanya. "Tama nga sila, masarap tamaan ni Kupido." Bago pa siya maka-react ay nahigit na niya ang sariling paghinga nang hapitin nito ang baywang niya at siniil siya ng halik na saglit lang naman at agad din siya nitong binitiwan. Nahiya siguro sa pagtikhim ng kapatid niya na nagising na rin. "Hindi ko yata alam na kayo na ng ate ko," sabi ni Arland na naupo na sa harapan ng mesa. "Oo nga eh. Kanina lang. Tingnan mo may kiss agad ako--aray!" Pinalo na niya ito ng pinalo ng sandok. "Bwisit ka! Lumayas ka nga ritong m******s ka!" "Agad-agad? 'Di ba pwedeng tinamaan lang?" Para namang hindi talaga ito tinablan ng ginawa at sinabi niya. Tumigis talaga ang mukha nito at naupo sa tabi pa ng kapatid niya. "Pagalitan mo 'tong si Kupido. Kasalanan niya kung bakit ako ganito. Ang galing umasinta eh. Bulls eye." Tinusok-tusok pa nito ng tinidor ang inosenteng stufftoy. Naawa naman siya kaya napilitan siyang agawin ang pobreng stufftoy sa kamay ng sira-ulong ito. "Ano ba kasing kailangan mo?" Pakiramdam ni Allurice naging dalawa ang kapatid niya dahil sa kakulitan ng isang ito na parang naging isip-bata. Sa tingin naman niya ay hindi sila nagkakalayo ng edad. Nakaalis na siya lahat-lahat ay nakasunod pa rin ito. Ang masama pa ay hindi na siya tinigilan at tinantanan hanggang eskwelahan. Kahit pa binilinan na niya ang guwardiya na wala itong I.D. at hindi pwedeng papasukin. Aba, mantakin mo ba namang nabalewala lahat nang malaman ng guwardiya na celebrity ito. Para tuloy siyang masisiraan ng bait dahil nagkakagulo na sa labas gawa ng tilian nang makita ang lalaking ito na tinik sa lalamunan niya at sakit pa ng ulo. "Oh my God! Si Lejan ba talaga iyon?" "Tara dali!" Wala na. Pati na estudyante niya ay nahawa na rin sa ibang estudyante. Nagkaroon tuloy ng tila fever mania at maagang fanfame live ang taong ito. "Grrr... Bwisit kang Lejan ka," inis na turan niya na kulang na lang ay magpapadyak siya. Wala na siyang nagawa nang ipatawag siya ng Dean dahil siya raw ang dahilan nang pagpunta ng Lejan na ito sa School. Hiyang-hiya tuloy siya sa sarili. Ewan na nga lang kung anong gayuma na naman ang ginawa nito dahil bigla na lang tinanggap ito ng School. "Ayos ba?" Kumindat pa ito sa kanya. "Natatanggap mo naman siguro ang mga pagkain mo." Napaharap siya mula sa sinabi nito. "Ikaw ang nagbibigay ng pagkain na parang allowance?" "Yup, Lejan the great, at your service." Buong akala ni Allurice ay galing iyon sa nagpakilalang Nathan pero ito pala ang may gawa niyon. "Bakit mo ginawa iyon?" "Ayaw lang kitang magutom at pabayaan mo ang sarili mo. Alam kong wala ka ng mga magulang at ikaw pa ang bumubuhay at nagpaaral sa kapatid mo. It was a big responsibility. At hangang-hanga ako sa iyo. You know, sana kapatid na lang kita. But I guess hindi tayo pwedeng maging magkaapelyedo not unless magpakasal ka sa akin." Hahanga na sana siya sa litanya at kadaldalan nito nang may banat na naman sa dulo. "Totoo, I salute you," biglang bawi nito. "Huwag mo sanang pigilan akong alagaan ka. Kahit iyon na lang ang magawa ko bilang paghanga sa 'yo," huling sabi nito na tinalikuran na siya. Bigla yatang tumalon ang puso niya sa sinabi nito. No man can make her heart pound but what he said makes her heart move. Hala, baka siya na ang pinuntirya ni Kupido? Saan na ba nagpunta ang Kupidong iyon nang masakal na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD