LEJAN 13

1244 Words
HINDI makapaniwala si Allurice sa ginawang desisyon na iyon ni Lejan. He really disband the Haven Band and quit showbiz. Ilang linggo na rin simula nang marinig niya iyong inanunsyo ni Lejan pero hindi niya akalaing seryoso ito. "Ate, nasa labas si Lejan. Hindi mo ba siya lalabasin?" Napahigpit ang hawak niya sa damit na tinitiklop. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil heto na nga si Lejan, handa ng gawin ang kahit ano para sa kanya at handang isuko ang lahat tapos masasayang lang ang ginagawa nito dahil sa pag-iwas niya. Huminga siya ng malalim saka napipilitang naglakad patungo sa main door. "Allurice.." sabi nito na hindi alintana ang pagkabasa nito ng ulan. "Baliw ka ba? Kailangan mo ba talagang maligo sa ulan? Paano kung magkasakit ka?" Ngumiti lang ito ng napakatamis habang nakatingin sa pagmamandar niya. "Ano pang ginagawa mo diyan? Pumasok ka na dito sa loob." Lumaki ang ngiti nito mula sa paanyaya niya. "Pwede akong matulog dito?" "Mas malamig sa sala. Sa kwarto ko ka na matulog." "Saan ka matutulog?" "Sa kwarto." Ngumiti ito ng nakakaloko. Ngiting na-miss talaga niya. Lumapit siya kay Lejan at niyakap ito mula sa likuran. "Alam mo bang pinag-aalala mo ako? Huwag mo na itong uulitin ha." Hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya saka pumihit paharap sa kanya. "I'm sorry for being like this. Sorry kung matigas ang ulo ko. Sorry kung hindi ko kayang pigilang mahalin ka." "Shhh... Just keep quiet. This is the least I can do." "There are more you can do." Iniangat ni Lejan ang baba niya, napatitig si Allurice sa mata nitong tila nangungusap. She felt like she was magnetize with Lejan's eyes. Napapikit na lang si Allurice nang ilapat nito ang labi sa labi niya. Hinalikan siya nito na puno ng pag-iingat at parang siya lang ang tanging babaeng handa nitong mahalin. Binawi na rin niya ang sariling labi. "M-Maligo ka, baka magkasakit ka," sabay iwas ng tingin. "Your kiss says it all.You love me too. May pag-asa ako sa puso mo. Pero kailan mo ba ako sasagutin?" "Malalaman mo rin. Basta hindi ka maiinip." Lumawak ang ngiti nito at napasuntok sa ere. Palihim din siyang napangiti. Hindi na niya kailangang itago ang sariling feelings dahil alam na nito at nababasa na nito ang nararamdaman niya. Inayos muna ni Allurice ang kwarto. Kumuha ng makapal na comforter saka nilatag sa sahig para makahiga ito. Hinanda na rin niya ang damit na pwede nitong masuot. Malaking damit iyon ng kapatid niya na hindi nito nagamit at itinatago lang niya sa kabinet. "Magbihis ka na," sabi niya saka lalabas na sana ng kwarto nang pigilan nito ang braso niya. "Hindi ako nagdadamit kapag natutulog." Nawindang ng tuluyan ang emosyon niya nang natulog itong nakasuot lang ng gamit niyang roba. Pinanatag niya ang kalooban, pero parang nag-iinit siya sa kinahihigaan. Siya yata ang nilalagnat na hindi naman siya ang nabasa ng ulan. Narinig niyang umungol sa ibaba ng kama si Lejan. Napabangon siya at agad sinilip si Lejan. "O-Okay ka lang ba?" Hindi ito sumagot, umungol lang. Tumayo na siya para salatin ang noo ni Lejan. Napaupo siya sa tabi nito. Nilalagnat ito. Agad siyang kumuha ng palanggana at malinis na bimpo saka naglagay ng alcohol at mainit na tubig. Piniga iyon at ipinatong sa noo nito. Lalo itong umungol na parang lamig na lamig. Wala na siyang nagawa nang hapitin nito ang likuran niya at yakapin. Mabuti at nakatulog si Allurice sa ganoong puwesto nila, nang maalimpungatan ay agad rin siyang umahon at lumipat sa kama. Mahirap na at baka makita pa iyon ng kanyang kapatid at mag-isip ng masama. Pero bakit naman iyon ang iisipin niya, samantalang sasagutin na nga niya ito kaya bakit pa siya mag-iisip ng masama. Nakahinga ng maluwang si Allurice nang magising siya ay wala na ito, hindi nga lang ito nagpaalam sa kanya. Mukhang puspusan na talaga ang ginagawang panliligaw ng binata sa kanya. Nagkaroon sila ng sembreak, isang pagkakataon para makapagpahinga siya. Kaya lang ay nasira ang planong nasa isip niya nang dumating si Lejan sa harap ng bahay niya at parang may naiisip na kalokohan. "Lejan.." "Hmm.." Nakayakap ang bisig nito habang nakatalikod siya. "Kailangan ba talagang nakayakap ka muna bago ako kausapin?" "Namimiss lang kita." Hindi talaga siya immune sa pagiging clingy nito at masyadong malambing o marahil sobrang naninibago lang siya dahil si Lejan ang magiging una niyang pag-ibig. "Magbihis ka. Magbabakasyon tayo," utos nito. NAPAILING-ILING na lang si Allurice sa kapusukan ni Lejan at naisip nitong itakas siya sa kanyang kapatid. "Saan naman tayo pupunta?" "Malalaman mo pagdating natin doon." Namangha si Allurice sa nakikita. Isang three storey house ang nakatayo sa hundred Islands na pinagdalhan ni Lejan sa kanya. Nakatingin lang si Allurice sa maamong mukha ni Lejan. Napakagwapo ng mukha nito lalo na kapag nakapikit ito. Nakaupo sila sa isang bench na parang duyan habang ito ay nakaunan sa mga hita niya. Matapos niyang libutin ang kabuuhan ng Rest House nito sa Pangasinan ay nagpasya na siyang magpahinga. Nangako naman din kasi na lilibutin naman nila ang Hundred Islands. Nag-iisip na rin siya na sagutin ito at siguro sa pagdating na lang ng birthday niya. "Ilang buwan pa kaya kitang liligawan, Ma'am?" tanong nito na ginagaya ang tono ng isang estudyante. "Hmm.. naiinip ka na ba?" Ipinikit niya ang mga mata at nagpatuloy lang sa paghimas sa buhok nitong napakalambot at kumikinang sa sinag ng araw. "Hindi na tayo oorder, sasamhan na lang kitang magluto." Ngumiti lang si Allurice. Kinagabihan ay sinamahan naman siya ni Lejan. Nagpasya silang ipagpabukas na ang pamamasyal. Nangako rin kasi si Lejan na mag-eenjoy siya sa sandali ng bakasyon niya. Nag-alala siya sa kapatid sa pag-aakalang nasa bahay lang ito. Iyon pala ay binigyan ito ng pera ni Lejan para maggala o pumunta sa kahit saan. Kinabukasan, handang-handa na itong i-tour siya ngunit nabigo iyon dahil may bagyo raw at para sa safety nila ay huwag na lang ituloy ang pamamasyal. "Huwag ka ng malungkot, pwede namang mag-sight seeing ka na lang sa bintana ng rest house." Napipilitan na lang siyang pumayag. Nang makitang wala ng groceries si Lejan ay nagpasya siyang mamili sa grocery store. Iyon nga lang ay hindi siya nakapagpaalam dito. Malayo-layo rin pala ang Grocery store, mabuti na lang at pinahiram sa kanya ni Lejan ang credit card nito. Kaunti lang naman ang binili niya, sakto lang para sa isang linggo nilang pananatili roon. Hindi naman kabigatan pero nabitiwan niya ang mga dalang recycable bags nang makita kung sino ang bumaba ng sasakyan. "Akala mo siguro hindi kita mahahanap dito." Napatanga siya at halos sumayad ang bibig mula sa pagkakabigla. Hindi naman niya ito tinakasan, kinausap niya ito na tigilan na siya ngunit ngayon ay narito ito sa harapan niya. "Hindi kayo bagay ng Ledyan Arevalo na iyon," sabi nito. "It pronounce as Lehan at hindi Ledyan." "Whatever you say. Kukunin na kita. Sa akin ka at hindi sa gagong iyon." Saka nito hinaklit ang braso niya at hinila siya pasakay sa kotse nito. 'My God, Lejan! Tulungan mo ako.." piping usal ng kanyang isipan. Tinakpan nito ang bibig niya para hindi siya makasigaw. Akala siguro nito ay hindi niya kayang lumaban. Black belter kaya siya, pero nawalan iyon ng epekto ng takpan nito ng panyo ang bibig niya. Nakaramdam siya ng hilo hanggang mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD