ROMER 12

1711 Words
NAHIHIWAGAAN talaga si Marjie sa kinikilos ni Romervan at ng kanyang ama, dahil matapos mag-usap ng mga ito ay parang walang nangyari. She tried to sneak and hear what their conversation would be. Ang narinig lang niya ay ang sinabi ng kanyang ama na kung mahal talaga niya ito ay hahayaan na sila ng kanyang ama. "Ma'am, anong ginagawa niyo? Baka mahiwa kayo." Nabalik siya sa sariling pagmumuni nang marinig ang sigaw ng kasambahay nila. Nag-aaral kasi siyang magluto, nais rin niyang minsan ay mapaglutuan si Romervan pero mukhang wala siyang talent sa kahit anong gawaing pambahay. Inihinto niya ang paghihiwa ng carrot na hindi pantay-pantay ang hiwa. She tried to julienne cut the carrots but it was really useless. "Dumating na nga po pala 'yong gowns at accessories niyo for the wedding," balita nito sa kanya. Agad siyang napatakbo sa sala. Naroon na nga ang malaking kahon kasama ang iba pang kahon. "Teka lang, 'Te. Nasaan si Rome?" "Nasa simbahan po, tumulong na siyang mag-ayos sa decoration. Kinulang daw kasi ng staff," sagot nito habang ito na ang nagtapos sa ginagawa niya. Naisip niyang kapag nakasal na silang dalawa ni Romervan, tiyak wala nang makatututol pa kahit pa ang kanyang ama. Hindi naman kinulang ang oras ng preperasyon ng kanilang kasal dahil pursigido talaga ang kanyang fiance na makasal sila. She never seen Romervan this so eager. Ika nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Dumami man ang tumutol sa kanila, tiyak namang wala ng magagawa ang mga ito. Sa kanya na si Romervan at ituturing na niyang ito ang ama ng kanyang anak.Mag-aapat na buwan na ang tiyan niya, salamat sa gown at hindi masyadong halata ang kanyang tiyan. Si Romervan ang pumili ng wedding gown niya na pasok rin naman sa panlasa niya. Nasa loob siya ng sariling kwarto nang may kumatok. Nakabihis na si Marjie ng gown habang inaayusan naman ng isa sa assistant ang kanyang wedding veil. "Come in!" sigaw niya sa nasa labas. Pumasok ang kanyang ama. "Can we talk?" Pinalabas muna niya ang dalawang assistant. Siguradong nag-aalinlangan pa rin ito kay Romevan. "Dad, if we're going to talk about this wedding--" "I know. I know you already made up your mind. Nasabi mo na'ng kahit ano pa ang kasalanan ni Romervan ay patatawarin mo siya." Naramdaman ni Marjie ang bigat ng paghinga ng kanyang ama na parang may bumabagabag dito. "I'm not the right person to say what his fault. Pero kung saan ka masaya at kung hindi ka talaga niya sasaktan. I understand." Kinuha ni Marjie ang kamay ng kanyang ama at ikinulong sa dalawang palad. "Dad, I know you are really concern about me. But I promise, hinding-hindi ako tatakbo sa iyo para sisihin kayo. I'm full grown up. You know and you feel that I have changed. It's not the effect of whatever drugs or medicine they injected me. Pinili kong magbago dahil alam kong nagiging immature ako at nasasaktan ko lang kayo sa katigasan ng ulo ko. I'll be a good daughter now, Dad. So, please trust me." Bahagya siyang niyakap ng ama at hinaplos ang likuran niya habang nakaupos siya. Huminga ito ng malalim saka humiwalay ng yakap sa kanya. Ngumiti ito na parang naginhaawaan. "Malaki ka na nga. You look like your Mom. You're brave and beautiful. I love her and I miss her." Naglandas sa mata ng kanyang ama ang ilang butil ng luha saka mabilis na pinunasan iyon. "Sige, I'll go now. See you at the altar, hija." Nang matapos na ang lahat ay lumabas na rin siya ng kwarto at sumakay sa kotse patungo sa Simbahan. Nakaayos na rin ang lahat at parang siya na lang ang kulang upang makumpleto ang kasal. Naglakad na rin si Marjie sa gitna ng hallway habang tangan ang puting bulaklak. Napatingala siya nang mapanood sa malaking TV screen ang video proposal nito na kuha sa Grocery store kung saan nag-propose si Romervan. May isang customer daw roon ang kumuha ng video at ini-upload na iyon sa mga social sites. She was really full of emotion lalo na nang pumailanlang ang kantang Marry your daughter by Brian Mcknight. She was straightly looking at Romervan. Their eyes met and locked. That gorgeous man is going to her husband. That responsible man, full of energy, full of mystery and knows how to make her happy. Finally, may kukuha na ng kamay niya na inakala niyang si Rogin ang taong iyon. She was now straightly looking forward, smilling and full of happiness down her heart. Napahinto siya nang walang imik na umangkla ang kanyang ama sa sariling braso. Nang sulyapan ito ni Marjie ay nakangiti ito. "Dad, Thank you." Tumango lang ang ama niya na ibinigay na rin siya sa mapapangasawa. INANUNSYO na ang kanilang pag-iisang dibdib. Itinaas ni Romervan ang wedding veil niya. She saw Romervan's eyes the affection, the love and that she was the most beautiful girl he ever saw. That mesmerizing eyes was hers, only hers. Napapikit siya nang igawad nito ang bahagyang halik sa labi niya. Paglabas ng simbahan ay nakasunod na rin ang mga tao roon. Sumakay sila sa wedding car, straightly going to the wedding venue. Pagdating roon ay huminto si Marijie sa pagpasok sa loob nang hawakan nito ang braso niya. "Why?" nakakunot-noong tanong niya kay Romervan. "Nagsisisi ka ba?" Bahagyang umangat ang labi niya at natawa sa tinuran nito. "Ano naman ang pagsisisihan ko?" "Before you go, I will ask you something." Tuluyan na siyang humarap kay Romervan. Binitiwan nito ang braso niya at buong tatag na nakatingin sa kanyang mata at halatang sinsero ang sasabihin. "What if I'm the real father of your child? What if ako pala ang--?" "Stop it! Ano bang sinasabi mo? Kinalimutan ko na ang yugtong 'yon, Rome. Ayaw ko ng maalala ang lahat ng iyon. Please, huwag mo namang sirain ang magandang alaala ko ngayon." Humugot ito ng malalim na buntong hininga. Napansin niyang pareho sila ng kanyang ama na may bagay ring bumabagabag. "I'm sorry. Let's go." Iyon lang ang sinabi nito at bigla na siyang binuhat paakyat sa loob ng Venue. Isa-isa na ring nagdatingan ang mga bisita. Marjie accomodate all the guest. Hanggang makita niya ang isang taong hindi niya inaasahang makita. Si Alfer, may kasama itong magandang babae. Sa tingin niya ay hindi sila nagkakalayo ng tangkad, pang model din ang katawan nito, may dalawang dimples at may pagka-tan. Nilapitan niya si Alfer ang dala ang baso ng juice, gusto talaga niyang ipahiya ito. "Alfer!" "Hi, congratula--tions.." Naputol ang sasabihin nito nang isaboy niya ang juice sa mukha nito. "Kulang pa iyan sa ginawa mong hayop ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin. You didn't know how miserable I felt," naiiyak na sabi niya. Mabuti na lang at busy ang mga guest na nakatuon sa kinuhang MC ni Romervan. Bumaling ang babaeng napansin niyang kasama ni Alfer. "A-Ano ba ang nangyayari?" "That jerk! He r**e me and he was the father of my child!" mahina pero lantarang sabi niya. "A-Ano?" Kinuha nito ang isang baso ng tubig na nakalapag sa bakanteng mesa at sinaboy rin sa mukha ni Alfer. "Get lost! Ayaw na kitang makita!" Saka nagtatatakbo ito palabas ng Restaurant. Tumuon si Alfer sa papalayong babae. "Wait, Rissa! Let's talk!" Tumingin ito sa kanya saka nagsalita. "Hindi ako ang nang-r**e sa iyo. You should ask Romervan about it," huling sabi nito saka na siya iniwan. Para siyang nanghina sa sinabing iyon ni Alfer. Gulong-gulo na ang isipan niya, hindi na niya maunawaan ang nangyayari. Sino-sino ba talaga ang mga gumalaw sa kanya? Kung bakit hindi niya maalala ang lahat. Kung bakit wala siyang matandaang malaking detalye sa isipan niya. "Ma'am, okay lang po kayo?" agad na bungad ng Waitress nang makita siyang nakahawak sa kanyang sintido at nakaupo na. "Pwede bang ihatid mo ako saglit sa kotse? Hindi ko alam kung kaya ko pa. Nahihilo ako." Sinunod ng waitress ang pakiusap niya. Nataranta naman si Romervan nang malamang wala na roon ang kanyang asawa nang makabalik. Hinabol pa kasi niya si Alfer para klaruhin ang lahat. Nakita niyang palayo na ang sasakyan nito at nagawa niyang harangin iyon saka sapilitang pinababa ito ng sasakyan. Nagpalitan muna sila ng suntok bago nag-usap. Umangat ang sulok ng duguang labi nito na parang hindi nasaktan. "Tuso ka! You're such an asshole! Ikaw lang ang kilala kong magaling sa kalokohan at pagmanipula and I can't believe na ako pa ang napili mo," singhal niya kay Alfer. "You should thank me, Dude. Kung hindi sa akin ay hindi siya mapapasa iyo." Binitiwan niya ang pagkakahawak sa collar nito at napaupo na rin. Pareho ng duguan ang mga labi nila. Mas malala nga lang ito. "Hindi ka na lang sana nakialam. Kaya ko namang kunin ang puso niya na hindi kailangan ang tulong mo." "Huwag ka ngang tanga! Alam kong kilala mo siya at nasa tamang wisyo ka pa ng sandaling iyon dahil hindi mo ininom ang laman ng baso. Ipinalit mo iyon sa baso ko." It felt like he was hit by the realization. He was bit tipsy but all sane. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. "Hindi ko kasalanan ang ginawa mo dahil ikaw mismo ang nagdesisyong galawin siya." "Hindi ko nakita ang mukha niya!" pagpipilitan ni Romervan. "Gago ka ba? Akala ko ba kilalang-kilala mo ang babaeng mahal mo, tapos ngayon sasabihin mong hindi mo siya kilala. Sino ba ang niloloko mo? Don't make an excuse Romervan. Don't fool me. Huwag mo akong gawing excuse sa kasalanan mo. Sigurado akong nakita mo ang mukha niya dahil dim light lang ang kwarto pero hindi madilim. Maaaninag mo pa rin ang mukha niya. Hindi mo na lang amining nalilimutan mo ang lahat kapag nalalasing ka, because you choose that way. Try reminiscing everything, maiisip mong ikaw ang mali. I'm just an accomplished but I didn't harm anyone." Dumura si Alfer saka tumayo at nagpagpag ng sarili. Sumakay na ito ng sariling sasakyan. Naiwan siyang tulala na hindi alam kung may katotohanan ba ang lahat ng sinasabi nito o talagang niloloko lang niya ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD