ROMER 13

1579 Words
NATAUHAN si Romervan nang unti-unting bumalik sa alaala niya ang lahat. Alfer is right after all. Totoo pa lang si Marjie nga ang nakita ng nanlalabo niyang mata nang gabing iyon. Dahil malabo ang paningin ay inakala niyang madilim sa paligid. Wala rin siya sa sarili dahil sa hilong nararamdaman. Sa umpisa ay na-imagine lang niyang si Marjie iyon pero nang marinig niya itong nagsalita, natitiyak na niya sa sariling si Marjie nga iyon. Isang salita lang naman ang narinig niyang sinabi nito, ang word na 'Masakit.' Boses nito at ang buong mukha't katawan nito ay alam na alam niya maging ang amoy ng buhok nito ay kilala niya. He fool himself and pretend he didn't know everything. Pretend that he was the victim but it was Marjie, she was the real victim of what everything happened. Sinamantala niya ang kahinaan nito, dahil gusto niya. Gusto niyang mapasakanya ng buo si Marjie. Ang malamang siya ang nakauna sa dalaga ay isa ng premyo ngunit delubyo ang dala ng lahat. Hindi siya nagtimpi at marahil sinadya nga niya ang lahat ng nangyari. He was sorry, dahil inisip niyang nagkamali lang siya. Siguro nga kung nasa tamang wisyo at hindi lasing baka nakapagtimpi pa siya at hindi ito nagalaw. Inayos niya ang sarili at bumalik sa wedding venue kung saan iniwan niya si Marjie. Wala na roon ang asawa niya. Nataranta naman siya at nalaman niyang nasa loob ng kotse si Marjie. Bumalik siya sa loob at kinausap ang MC na ito na ang bahala. Dahil masama ang pakiramdam ni Marjie, pinaalam niyang iuuwi na lang niya ang asawa sa bahay ng ama nito. Kinausap na rin niya ang ama ni Marjie at nangakong aalagaan ito. Paninindigan na lang niya ang alam niyang nangyari nang araw na iyon sa kanyang birthday. Hahayaan na lang niyang isipin ni Marjie na na-gang r**e nga ito. Isa pa ay kailangan niyang magpalapad ng papel upang mahulog ng tuluyan sa kanya ang asawa. Nagkamalay si Marjie na nakahiga na siya sa kama. Nakabantay ang asawa, may pasa ang mukha at maga ang labi nito. Napabalikwas siya ng bango nang makita ang hitsura ni Romervan. "What happened, Rome?" Napahawak ito sa labi. "Ah ito. Nagpang-abot lang kami ni Alfer. Iginanti ko na siya sa iyo." "Romervan, may alam ka bang hindi ko alam? May dapat ka bang sabihin sa akin?" Bumaba-tumaas ang adams apple nito saka mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. "W-Wala. Ano naman ang sasabihin ko sa iyo?" "Nagkausap kami ni Alfer. Sinabi niyang hindi siya ang gumalaw sa akin, ikaw raw ang dapat kong tanungin." Napatuon si Romervan sa kanya, saka mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang maniniwala sa sasabihin ni Alfer sa iyo at ayaw na ayaw kong malalamang magkikita kayo. Asawa na kita at ako lang ang dapat mong tingnan at paniwalaan, naiintindihan mo ba ako?" seryosong tanong nito sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Marjie. Biglang inalihan ng kaba ang dibdib niya. Ngayon lang niya nakitang nag-iba ang aura ng mata nito at ang tono ng boses nito. Bigla siyang natakot sa iniasta nito. Nagtubig ang mata niya, lumambot ang mga mata ni Romervan nang makitang natakot siya nito. Niyakap siya ng asawa at hinalikan ang bumbunan niya. "I-I'm sorry. Pero please, mangako ka na hindi ka makikipaglapit kay Alfer at hindi makikipagkita sa kanya. Tuso ang taong iyon, Marjie. He might harm our relationship, at ayaw kong mangyari iyon." Nakinig siya kay Romervan, wala na siyang binanggit na kahit ano tungkol kay Alfer. Kahit ang totoo ay hindi pa rin matahimik ang kaisipan niya kung bakit iniiwasan ni Romervan na malaman niya ang totoo. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa, iyon nga lang ay napansin niya ang pagiging mahigpit nito tuwing may lakad siya. May nakabantay rin sa kanyang personal driver and body guard na palaging nakabuntot sa kanya saan man siya magpunta. Nakakapagduda ang pagiging mahigpit nito na tiniis niya ng ilang buwan hanggang dumating ang kabuwanan niya. Hindi na niya matiis ang nangyayari, hindi rin siya nagsusumbong sa kanyang ama dahil nangako siya rito. Kapag magkasama sila ni Romervan sa bahay ay ipinapakita niyang okay lang siya kahit ang totoo ay nasasakal siya sa ginagawa ng asawa na parang bantay-sarado ang lahat ng kilos niya. Kaya nagplano na siya. Kumuha si Marjie ng ilang tablet sa iniinom niyang pampatulog kapag sumusumpong ang insomnia niya dati. Naulit na naman iyon dahil hirap na naman siyang makatulog lalo pa at may bumabagabag sa kanya at hindi niya kayang manahimik. Specially when she was born to be a hard-headed person. Na noon ay hindi kinaya ng kanyang ama. "Kuya Sid, may kikitain ako sa isang Cafe. Idiretso mo roon," utos niya sa driver. "Alam na po ba iyan ni Sir, Ma'am?" Ipinakita niya ang text message ni Romervan at pumayag nga ito. She actually secretly took her husband's phone yesterday night. Nagtext siya habang sinasagot ng phone ni Romervan ang conversation. Idinelete din niya iyon sa phone ni Romervan pagkatapos. In-adjust din niya ang oras at araw para magmistulang kapani-paniwala ang text conversation na iyon. Alam niyang matalino siya, lalo na pagdating sa kasutilan at katigasan ng ulo. No one can stop her even her Dad and not even Romervan. Magkasundo na rin sila ni Rogin dahilan para mukha niya ang numero ni Alfer. Doon sila magkikita at lilinawin niya ang lahat tungkol sa kanya at kung ano ang kinalaman ni Romervan sa nangyari sa kanya a months ago. NILAGYAN ni Marjie ng pampatulog ang cold coffee na ibinigay niya sa driver-bodyguard kaya nakatulog ito sa loob ng kotse habang siya naman ay pumasok na sa loob ng Cafe. Tiyak niyang makakaalis na ang kausap niya bago pa ito magising. Magda-dial na sana siya sa number ni Alfer nang may babaeng biglang umupo sa bakanteng seats sa harapan niya. Napahinto siya sa paggamit ng phone at sinulyapan ito. "Excu--" "Finally, we meet Misis Gonzales-Montillan." Naibaba niya ang phone. This lady had an aristocratic eyes and a miticulous aura. Iyon nga lang ay alam niyang kaya niyang higitan ang pagiging maarte nito o kung may signs ba ito ng pagiging bratinella. "How do you know my name?" "Oh, looks like hindi ako pinakilala sa iyo ni Romervan." Naglahad ito ng kamay. "I'm Nepthalie Ann Mendez.." Napipilitang tinugon niya ang kamay nito saka mabilis binawi. "Romervan's girlfriend." Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Tila gusto niya itong buhusan ng malamig na kape nang mawaswasan ito sa pag-iilusyon. Ngumisi ito, bakas sa mukha ang kapreskuhan. "Not convincing, are you?" "Maybe you're just an Ex pretending to be the post girlfriend," pagtataray niya rito na pilit pinakakalma ang sarili nang bahagyang tumigas ang tiyan niya. "Oh really? Baka naman ikaw ang maging ex. Ex-wife to be exact, once you knew about who r***d you." Napakunot ang noo niya sa mga sinasabi nito. Ano naman ang kinalaman nito sa nangyari sa kanya? At bakit alam nito ang bagay na iyon? "B-Bakit alam mo iyon? Anong alam mo?" Napahigpit ang hawak niya sa sariling tiyan. "Listen, girl. It was Romervan's birthday. Alfer and the gag was really kidnap you to be a gift for Romervan. Kaya lang medyo tanga ka at inisip mong na-gang r**e ka. So, pathetic. Didn't know that Romervan was the only guy who use you, squeeze until you become ravage. He only sees you as a s*x object. At hindi ka talaga niya minahal." Tumayo ito. Napatayo rin siya. "How dare you!" saka itinaas ang kamay para sampalin sana ito ngunit mabilis na nasalag iyon ng kausap at hinawakan ang braso niya. "Don't you ever dare to lay your filthy hand, b***h!" Saka inihagis nito pabalik ang kamay niya at iniwan siyang nakatulala na lang. Dalawa na niyang kamay ang humawak sa tiyan niya. Nag-ulap ang mga mata niya at napalitan ng butil-butil na luha. Tumayo siya para lumabas at tumungo sana sa sasakyan nang bahagya siyang nahilo. "Ma'am, okay lang po kayo?" sabi ng isa sa mga server sa loob ng Cafe. Hindi na niya naisip na nakuha na nila ang atensyon. Daig pa niya ang nasampal sa katotohanang iyon. Kaya pala minamadali nito ang kasal kaya rin siguro nagalit ang kanyang ama dahil alam na nito ang nangyari. Nag-isip pa siya ng masama tungkol kay Alfer, iyon pala ay si Romervan lang ang gumawa niyon. At ang masaklap pa ay inilihim iyon ng kanyang asawa. "Ma'am, pumutok na po ang panubigan n'yo," sabi na naman ng server. Kaya pala todo bantay-sarado ito dahil takot si Romervan na kapag nalaman niya ang totoo ay itatakwil na niya at isusumpa ito. Kaya pala todo tanggi ito kapag naiisip niyang itanong iyon. Kaya pala grabe itong mag-alaga sa kanya. Umpisa pa pala ay niloloko na siya nito. At tama nga ang Mendez na iyon, nagpauto siya at nagpakatanga. She was really pathetic. Dahil doon naging miserable ang buhay niya, dahil doon palagi siyang binabangungot. Wala siyang kamalay-malay na ang totoong kriminal ay kasa-kasama niya sa bahay at katabi pa niya sa higaan. "Oh my God! Ma'am, dinudugo na kayo!" Nataranta ang server pero hindi pa rin niya pinansin. Nagawa pa niyang humawak sa hamba ng pinto nang tuluyan nang dumilim ang paligid at narinig na lang niya ang sigawan ng mga naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD