TRESH 2

1563 Words
NAKAMASID ang ama ni Tresh sa anak habang patuloy itong nagtitipa sa keyboard. “Hey there, do you have place for your vacation?” his dad interrupted him. “Actually Dad, I’m having a trouble looking for beautiful perfect resorts,” sabi ni Tresh na hindi nililingon ang ama. Lumaki sa Manila si Tresk, marunong rin naman syang managalog except to his dad na kaunti lang ang naiintindihang Filipino words. Mother tongue man niya ang English dahil Canadian ang Dad niya, hinahayaan naman siya ng Dad niyang managalog. Ayaw niya kasing malimutan na Filipina pa rin ang kanyang ina. Bigla niyang naalala si Jared, ito ang kanyang elementary friend nang mag-aral siya noon sa Manila. Ayon sa balita niya, may girfriend itong nagma-manage ng isang private Beach Resort. Hindi naman siya nabigo na mahanap ang f*******: account ni Jared para kontakin ito at magpa-book sa Girlfriend nito. Agad ding sinagot ni Jared ang tawag mula sa messenger application. “Hello, sino ‘to?” Mukhang hindi na siya matandaan nito. Kung sa bagay, ilang taon na rin ang nakalipas pa-graduate na siya ‘nung high school nang muli silang magkita. “It was really sad that you forget me too early,” pagtatampo pa kunwari niya. “Sorry, di talaga kita matandaan. Di nga kita friend sa f*******: eh,” dahilan nito. “Sorry sa istorbo, si Tresh ito. Classmate tayo noong elementary, nagkita pa nga tayo ‘nung high school na,” pagpapaalala niya rito. “Tresh? Tresher Lance Anderson, ikaw nga ba’yan?” pangungumpirma nito na nabigla pa. Mukhang natandaan siya nito maski ang buo niyang pangalan. “Oo. By the way, sorry if I call late. Gusto ko lang kasing malaman kung saan may magandang beach resort na pwede kong pagbakasyunan d’yan sa Philippines.” “O, saang bansa ka ba ngayon?” “I’m here QC.” “Di ka pa rin nagbabago, sarap mo pa ring patamaan ng upper cut minsan.” Natatawa siya sa sinabi nito, gusto na nga niyang bumungisngis kung hindi lang mapipikon si Jared. Sa pagkakaalam niya, pikon itong tao. Nothing is change in his kind of attitude. “I’m just joking. I’m at Canada. Can you help me?” “My girlfriend had a good resort. Why don’t you try it?” naging seryoso ang boses nito. “Okay, can you give me the name of the resort and address?” Dahil matagal silang hindi nagkakausap pinangakuan niya itong bibisitahin kapag nakatuntong siya sa Manila. Luck is in his hands nang makuha nito ang details sa dating kaibigan. Bumalik siya sa pagba-browse at hinanap ang iba pang detalye ng resort na ibinigay nito. “Dad, are you sure you’re not coming with me?” Sinulyapan niya ang ama na may hawak na folder at palabas na sana ng opisina matapos kunin ang dalang folder sa table niya. “No. If I join you, who will be left in the company? Who will be managing here?” seryosong sagot nito sa tanong niya. “Okay dad. Relax. I’m just asking you lang naman,” sabi pa niya na pinapakalma ang ama. “Just giving my opinion too. By the way, when will you want to meet your wife?” Bigla siyang naalarma sa pagkakatanong ng kanyang ama. Wala sa isip niya ang tungkol sa babeng iyon. Nawalan na rin kasi ang interest niya nang malamang ito pala ang batang uhuging classmate niya noon. At ang hangad lang niya ay makuha ang kompanya dahil alam niyang mas malaki na ang shares niya. Mawawalan na ng laban ang totoong may-ari ng kompanya. “I-I’m planning it,” pagsisinungaling niya dito. Dahil ang totoo ay wala siyang balak na makita o makausap man lang ang babae. Nang makapirma nga siya sa marriage contract nila, ni hindi na niya inusisa ang hitsura nito o ugali nito. Dahil nang mga oras na iyon, ang mahalaga sa kanya ay makuha ang full manage ng kompanya. Gusto niya ang ideyang mapupunta sa pangalan niya ang kompanya na iyon. At kung hindi naman papayag ang mga ito, madali na sa kanyang manggipit. Hindi pa rin naman sila annul at kung gusto ng babae na ma-annul sa kanya, kailangang ibigay niya ang full trust ng company nila. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Tresh sa iniisip niya. Nang tumingin siya sa direksyon ng ama, wala na ito sa loob ng opisina niya. Hindi na niya namalayang nakalabas na pala ito. Nananabik na siyang makabalik sa Pilipinas, una niya rin sigurong bibisitahin ang Lola niya sa Maynila—sa mother side. Ito rin kasi ang nag-assist sa kanya para makapag-aral. Kung hindi nga lang nagkaroon ng problema, hindi sana siya lilipat ng School noong elementarya. “I can’t wait to have that company in my hands. Hintayin mo ako, I’m coming for you,” bulong niya sa sarili habang iniisip na siya na ang bagong manager ng kompanyang iyon. NAKATAYO na sa harapan ng resort lobby si Joshana at hinihintay na lumabas ang kaibigan, personal daw kasi itong mag-aasist sa kanya. Hindi naman siya pinaghintay ng matagal, kinalauna’y lumabas din ito at sinalubong siya. “Kumusta ang byahe?” paunang tanong nito na kinukuha na ang mga bitbit niya. “Dahil special ka, special din ang kwartong ni-reserve ko para sa iyo.” “Thanks. Medyo inaantok lang ako. Traffic din kasi nang binaybay ko ang lugar na ito,” nahimigan na rin naman nito ang kapaguran sa boses niya. “Karline, I don’t want you treating me special. Kung may babayaran ako, and then fine, I pay.” “Of course. Business is business Josh. I treat you on other way.” Ngumiti pa ito sa kanya na sinagot rin niya ng ngiti. Nang makarating sa kwarto, paunti-unting naibsan ang pagod niya at gusto na niya agad mahiga sa kama. Maganda ang ambiance ng kwarto. Favorite color pa niya iyon, yellow at pink. Tama nga ang kaibigan niya, she treats her special. Nang makaupo siya sa kama, napakalambot din, pakiramdam niya ay bumabaon ang katawan niya sa kama. Lumabas na rin ito ng kwarto at nagsabing dadalhan siya ng pananghalian. Nang sumulyap siya sa wall clock, alas-diyes na pasado. Sinamantala muna niyang matulog at maya-maya rin ay baba na siya para mag-swimming. Tumagal rin ang tulog niya, hindi pa nga sana siya babangon kung hindi lang sa malakas na pagkatok ni Karline sa kwarto niya. “Balak mo bang gibain ‘yung pinto?” naaalarmang tanong niya rito. “Hindi. Balak ko lang wasakin kung wala ka pang balak buksan kami,” may galit na sambit nito nang matapos niyang pagbuksan ng pinto. Hindi pa man niya tuluyang nabuksan ang pintuan, ito na mismo ang nagbukas ng malaking awang. Kasama nito ang silbidora at may bitbit na tray ng pagkain niya. Nang mailapag ng silbidora, sinenyasan na ito ni Karlene na lumabas na. “Huwag kang iinom ng sleeping pills ha, lalo na kung balak mong uminom,” paalala pa nito sa kanya. May mga oras na hirap siyang makatulog at sleeping pills lang ang nagiging sagot sa kanyang insomnia. Iyon nga lang ay hindi pwedeng ipagsabay ang pag-inom ng sleeping pills at ng alak. “Hindi ako uminom, nakakatulog na rin naman ako,” mahinahong turan niya kay Karline. “I found you stress when I see you,” puna nito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Lumapit siya sa pagkain, dinampot ang chopstick na nakalapag at nagsimulang kainin ang sushi. Ito ang favorite niyang Japanese food na hinahanda nito sa tuwing pupunta siya roon. “But it is really unfair, why are you still so beautiful all of a sudden?” nagpangalumbaba pa ito na animo ay nabagsakan ng langit at lupa. “Stop saying that! Maganda ka rin kaya, sa ‘ting dalawa ikaw ang unang napapansin.” “Nevermind. Nga pala, may gaganaping music band mamaya. Sama ka ha,” pangungumbinsi pa nito. “Sige, I tried. Sa totoo lang, gusto ko lang namang mag-unwind at matulog dito. Alam mo namang wala akong hilig sa music. I’d rather read a tones of book than watching music.” “Kapag nakakilala ka ng lalaking magaling kumanta o tumugtuog ng musical instrument, I’m sure mawawala ‘yang theory mo and I bet you will enjoy listening music.” “I don’t give a doubt,” kibit-balikat na sagot niya. Hindi siya umaasa sa mga romantic guy o iyong tipong knight and shinning armor. She would rather be an old maid, kesa ang makipagsapalaran sa paghahanap ng lalaking makakapana ng puso niya. “Let us see.” Natapos na siyang kumain, kung hindi lang sa pangungulit ng kaibigan hindi siya papayag na bumaba para mag- snorkeling. Traveling wasn’t her hobbies, sapat na sa kanya ang manatili sa bahay at magpahinga habang nanonood ng movies o magbasa ng libro. “Josh, maiwan na muna kita dito, may aasikasuhin lang ako. May spot naman diyan para makapag sun bathing ka at kung gusto mong magswimming nang mabawasan naman ‘yang katisayan mo.” Saka pa ito ngumiti. Tumango na lang din siya at hinayaan na itong makalayo sa kanya. Bumalik siya sa kwarto niya at naglagay ng sunblock. Dinala niya ang swimming tops niya at naglakad na papunta sa pool. Iyon ang kagandahan sa Resort ng bestfriend niya, may pool at beach kung sakaling mas nais mong maligo sa dagat. Manaka-naka ang tao roon, dahil alastres pa lang ng hapon at masyado pang mainit. Ayaw niyang maligo na marami na ang mga tao dahil tiyak marami na namang lilingon sa ganda nya. Hubog na hubog ang katawan niya sa suot na white summer swim suit at nagkikislapan ang mala porselana niyang kutis na pantay na pantay ang kulay. Never been touch pa. Mukhang hindi nga siya nagkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD