TRESH 1

1766 Words
MAKAILANG-ULIT nang pinasadahan ni Joshana Gail Valdez ang kontrata, their marriage contract to be exact. Kasalukuyan siyang nasa opisina at gumagawa ng reports nang sumagi sa isipang niya ang kontratang pinirmahan niya kapalit ng pagsalba sa kompanya, tatlong buwan na ang nakalilipas. Three months na silang kasal ni Tresher Lance Anderson, pero ni ha ni ho, wala siyang narinig dito. Walang text messages. Wala ring email, skype o tawag man lang. Kahit uso na ang maraming social site at other means of communication—in short wala siyang alam na kahit ano sa lalaking ito. Ayon lang sa kwento ng parents niya, may business ang pamilya nito at mayaman. Idagdag pa na naging kaklase daw niya ito noong elementarya, pero ang tagal na niyon. Wala na nga siyang matandaang kaklase niya noong elementarya at hinalughog na rin niya ang elementary photos niya, pero ni isa roon ay di niya tiyak kung sino nga ang Tresher Lance na iyon. Nakasal silang dalawa gamit lang ang kontrata na hindi nagkikita. Thanks for those attorneys who handled their cases and they can be married without proper show up of each other. Wala naman sana siyang balak pumayag sa nais ng magulang niya na magpakasal at the age of twenty three, ngunit nakasalalay sa kanya ang future ng kompanya nila. Her parents handles an electronic company. Nang magkaroon ng recession, kasama ang kompanya ng parents ni Joshana na unti-unting nalugi. Hanggang may nagmagandang loob na isalba ang kompanya, pero ang kapalit nito ay ang maikasal siya sa may-ari ng kompanyang nag-invest at nagbigay ng shares para makaahon muli ang kompanyang iyon. Nang sabihin ng abogadong naglalakad ng papeles nila na magiging kasal sila sa papel at hindi ito magpapakita sa kanya, mabilis siyang napapayag. Imagine, hindi na niya kailangan pang mag-decide kung magugustuhan niya ang hitsura nito o hindi, dahil sa papel lang naman pala sila magpapakasal. At ayon din sa abogado, nasa kanya na kung gusto niyang magpa-annul pagkatapos. Inabot na ng tatlong buwang palugit sa isip-isip niya, binigyan niya kasi ito ng palugit na kapag hindi pa ito nagparamdam ay magpapa-annul na siya. She never became interested in any man, kahit ‘nong may boyfriend siya during her college days. Pero sino naman ang papayag na magpatali sa taong hindi niya kilala ang hitsura at ugali? She started building a curiosity nang talagang wala na itong balak maparamdam sa kanya, walang picture at kahit descriptions man lang para ma-describe ito. Maybe Tresher Lance lives his life privately secretive. Hindi naglaon at sa tulong ng asawa niya sa papel ay nakaahon na nga ang kompanya at dahil Business Management naman ang kinuha niya, siya na rin ang humalili sa parents niya at nag-manage ng kompanya nila. Simula nang makasal siya—sa papel, hindi na niya minabuting maghanap ng nobyo. Two years na rin simula ng past relationship niya. Hindi sa walang nanliligaw sa kanya. Ayon sa mga staff niya, maganda raw siya at kahit pati mga clients niya ay lagi siyang pinupuri. Iyon din siguro ang naging asset niya para magpatuloy ng maayos ang kompanya. Sa height niyang 5’7, maari na nga daw siyang magmodel. Idagdag pa ang kurba ng katawan niya na pwedeng-pwedeng isalang sa mga beauty pagent. Pero kahit isa roon ay wala sa hinagap niya. Because she is the unica hija, isa lang ang naiisip niya—ang matulungan ang parents niya sa business nila at lalong mapalago ito. Akala nga ng lahat ng nakakakita sa kanya ay single pa siya, ngunit tuwing mapagmamasadan nila ang palasingsingan niya biglang nanghihinayang ang mga kalalakihang single sa kompanya nila. Kahit naman single pa siya, wala rin sa standards niya ang magkaroon ng boyfriend na kasama sa trabaho. Joshana may be high in standards when it comes to man. Babae siya, natural lang naman na may karapatan siyang pumili ng lalaking karapat-dapat niyang mahalin. Isa pa ay bata pa rin naman siya, kung iisipin, sa edad niya ay masyado pa iyong bata para magpakasal and she can’t even imagine herself wearing a long white gown, walking on the aisle or even became a full house wife and breast feeding a child and not even in her dreams. She wasn’t an adventurous woman, but she wants to enjoy her life while she still young. Tiyak niyang hindi na niya magagawa ang lahat ng iyon kapag nag-asawa na siya. Wala na rin siyang magiging privacy. Kung babalakin man niyang mag-asawa kapag wala na siguro siyang interes sa buhay. Marrying is her least and last priority. Pero kahit may asawa na siya ngayon o sa papel lang, masaya siya sa nakaisip ng ideyang iyon. He must be a good man helping others. And that she have all the time and privacy enjoying her life. Kung darating man ang pagkakataon na magpakita ito sa kanya, tiyak niyang hindi niya ito magugustuhan. Ayaw na ayaw niya sa mga supladong tao. Hindi naman sa palabati siya, may pagkasuplada din naman siya minsan pero pag alam lang naman niyang may ulterior motive. But the rest she finds it quit interesting having so much friends. Marami man siyang kaibigan, pinipili naman niya ang mga taong dapat niyang pagkatiwalaan lang. Hindi lahat ng kaibigan ay totoo, iyong iba may ulterior motive na. Idagdag pa na hamak na pakialamera ang mahadera niyang sekretarya, sabihin ba naman nitong ‘wag na siyang pormahan dahil kasal na siya. Hindi naman niya ikinasama ng loob iyon, pabor pa nga iyon at least wala ng magpapantasya sa kanya at hindi na rin siya magiging laman ng tsismisan lalong-lalo na ng mga kababaihan sa kompanya nila. Ayon sa sekretarya niya, mga inggitera lang daw ang mga iyon dahil hamak na masmaganda siya at may ibubuga. Natigil ang pag-iisip niya nang pumasok ang sekretarya niya at sabihing may line siya (phone call). Hindi niya pala napansin ang patuloy na pagri-ring niyon dahil sa kaiisip sa Tresher Lance Anderson na iyon. Nang makalabas na ang sekretarya niya, agad niyang iniangat ang receiver. “Hello, yes this is Ms. Shana. How may I help you?” bungad na tanong niya. “Josh, tutuloy ka bang magbakasyon sa resort ko sa Batanggas next week?” paninigurado nito sa kanya. Ang kaibigan pala niya ang tumatawag. Matagal na niyang pinaplanong magbakasyon at ito ay sa Resort ng Bestfriend niyang si Karline. “Ikaw pala yan, Karline. Oo, gusto kong ituloy. I need a break,” may pagkahalong-pagod sa tinig niya. “Halata nga, stress ka na. Sabi ko naman sa iyo, mas bagay sa iyong magmodel. Kung tinanggap mo na sana ang alok ng manager na beking iyon. E, 'di stress free ka na sana ngayon,” pagpapa-alala pa nito sa kanya. Hindi pwedeng makalimutan ni Joshana ang baklang iyon. Dahil simula nang makita siya nito sa mall, akalain mong sinundan pa siya kung saan siya nakatira kahit tinanggihan na niya ito. Paulit-ulit siya nitong inaalok at paulit-ulit niya rin itong tinatanggihan, lalo na nang malaman niyang nais nitong mag-cover siya sa isang sikat na magazine—walang iba kundi ang FHM. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung anong klaseng magazine ito. Isa pa, ayaw niyang pinagpipyestahan lalo na ang katawan niya. “'Wag mo na nga ipilit 'yan. Tinanggihan ko na siya at kahit kung anu-ano pang pakulo ang ihain niya, still my answer is the same,” naiinis na sabi niya rito. Natahimik ang kabilang linya, ilang minuto rin bago ito muling magsalita. “Fine. Highschool pa lang naman tayo alam ko na ang ugali mo, hindi ka mapipilit sa nais mo. But, how about your marriage, bakit ka naman pumayag?” Minsan hindi niya maintindihan kung mahina ba ang utak nito o ulyanin. Matagal na kasi niyang binanggit dito, na iyon ay dahil sa kompanya. “Saang part mo ba gustong masaktan, Karline? Eh, paulit-ulit na tayo ah. Still my reason is the same.” “Sige na nga, bahala ka nga. Nakakainis ka minsan,” naasar na ito. “Maaga kang nagpakasal, inunahan mo pa kami ni Jared,” may pagtatampong sabi nito. “Eh 'di magpakasal na din kayo kung iyan ang ipinuputok ng butsi mo,” iritang sambit niya. “Kahit kailan maldita ka noh. O siya, next week kita ibo-book. Same time?” “Yes, same time.” Napasulyap siya sa desktop, hindi niya naisip na lampas na pala ng alasdose ng tanghali at hindi pa pala siya nakakapananghalian. ”Sige na, I’ll put it down, marami pa akong gagawin. Bye,” pagmamadali niya rito. Ramdam na rin kasi niya ang pagtunog ng kanyang tiyan. “Bye.” Paalam na rin nito. Karline Himenez manages a beach resort somewhere in Batanggas. During their college days, iyon ang tambayan nila lalo na pag may exam at School vacation. Since highschool, ito na ang naging bestfriend niya. At minsan may pagkakataon talagang hirap itong intindihin ang mga sinasabi niya. But she was glad having her dahil kahit kailan ay hindi siya iniwan nito lalo na during her dark past. Kamuntik nang maghiwalay ang parents niya at kamuntik na rin siyang huminto sa pag-aaral at makikipagtanan na nga lang sana siya kay Darren noon. Ngunit nang mahuli nilang dalawa ni Karline na hindi lang pala siya ang girlfriend nito, agad siyang nahulasan at napag-isip-isip niyang masiyado siyang nagpabigla-bigla. Hindi naglaon siya na mismo ang gumawa ng paraan na magkabati ang parents niya. Swerte niyang hindi siya nabigo. PATULOY lang sa pagba-browse ng magandang bakasyunan si Tresh, gusto niyang masubukang magbakasyon sa Pilipinas. He's in Canada at inaasikaso ang business na itinayo ng father niya. His mother died when giving birth to him. Kaya silang dalawa na lang ng Dad niya ang magkasosyo ngayon sa negosyo. And because he wants to expand his business, nakipagsosyo siya sa mga Valdez. Nang malamang palugi na ito, nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-invest at naging malaking pagkakataon pa iyon sa kanya. Hitting two birds in one stone is became his interest. Kung hindi lang siya parang na-hooked nang unang beses niyang makita ang litrato nito ay hindi siya papayag sa set up. But he's been hooked and been drown by her eyes and those smile. Talagang nahulog siya ng todo sa ngiti nito sa litrato. She's gorgeous all right. She's everything a man can dream of. At kahit pa sa picture lang niya ito nakita ay sigurado siyang ganoon din ang hitsura nito lalo nang ilang beses niyang bisitahin ang f*******: at IG account nito and fortunately it's all public. Next time she'll gonna meet her and ask her to private all of her account. Siguradong mag-eenjoy siya sa bagong larong nadiskubre. Playing games is never been this good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD