TRESH 3

1740 Words
NAGSIMULA ng lumusong sa pool si Joshana, hindi niya mahindian ang tawag ng tubig at nang magsawa ay umahon na rin siya. Hindi niya binalak magbabad sa pool lalo pa at napansin niyang may lalaking nakatitig sa kanya, ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan niya. Prenteng nakaupo ito sa isa sa mga bench, may shades sa uluhan nito at may hawak na phone. Kanina pa niya napansing hindi na naalis ang titig nito sa kabuuhan niya at kanina pa siya hinahagod ng tingin. Pero hindi tulad ng ibang lalaki na agad nag-iiwas ng tingin kapag napapansin na niyang nakatingin ang mga ito sa kanya. Ang isang ito ay iba, wala yatang balak lubayan siya ng tingin. Ni hindi nito nagawang mag-iwas ng tingin nang salubungin niya ang mga tingin nito. At mas lalo siyang nasagwaan sa paraan ng pagtitig nito at kung paano’y ngumingisi-ngisi pa ito sa kanya. Nang naging makahulugan ang tingin ng lalaking iyon kay Joshana, hindi na ito nakapagpigil na lapitan ito para sitahin. Pahablot niyang kinuha ang tops at hindi na nag-abalang suotin ito. Sinampay lang niya iyon sa balikat niya. Lalong nagsalubong ang kilay niya nang tuluyang makalapit dito. Nag-init ang pisngi niya at nagtagis ang mga ngipin niya. Sa anyo niya ay parang nais niyang manakal. 'Makikita ng lalaking manyak na ito. Bibigyan kita ng leksyon,' sa isip-isip niya. Agad napansin ng mata niya ang dark brown eyes nito na tinatamaan ng sikat ng araw at ang medyo blondy nitong buhok. Marahil ay foreigner ito at ngayon lang nakakita ng perfect Filipina beauty. Wala siyang pakialam, he is not exempted somehow. “Enjoying the view?” inis na turan niya rito nang makalapit. Bigla itong napatayo nang tuluyan siyang nakarating sa harapan nito. Nawala ang ngisi na nakapinta sa mukha nito. Hindi na siya nakapagpigil, hinablot niya ang juice na nasa tabi nito na mukhang hindi pa nababawasan at initsa sa mukha nito. Iyon talaga ang balak niya, ang paliguan ito. Sayang nga lamang at hindi bagong kulo, para sana matauhan ito. Kumalat ang juice sa mukha ng lalaki pababa sa suot nitong plain white sando, dahilan para ang kilay naman nito ang magsalubong. “That’s for giving me a p*****t look and this,” Iniangat niya ang kanang palad para patikimin ito ng sampal. Kahit pa umabot lang ang height niya sa baba nito, tiyak kayang-kaya niyang abutin ito. Lalo siyang nainis nang masalo nito ang braso niya. “Don’t you dare, Lady. Wala pang nakakasampal sa akin,” turan nito na sinasalubong ang titig niya. Humigpit ang hawak nito sa braso niya at inilapit pa nito ang katawan sa kanya. ”At baka pagsisihan mo ang gagawin mo,” may pagbabantang sabi nito. “m******s ka! Bitiwan mo nga ako!’ Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. Damang-dama na niya ang init ng hininga nito. Lalo pa iyong nadagdagan nang niragasa ng kaba ang dibdib niya. Wait, Kailan pa kinabahan ng ganito ang isang Joshana Gail Valdez? Bakit, tila yata naiiba ang isang ito? Binitiwan din naman siya nito. Humalukipkip pa ito, kahit pa marumi na ang suot nitong puting sando pero bakit hindi iyon naging kabawasan sa hitsura nito? “Hindi ko kasalanang mapatingin sa ‘yo dahil sa ayos mo,” kampante pang sabi nito. That earns a lot of raising her eyebrow. Ibig bang sabihin siya pa pala ang may kasalanan at tila nang-aakit pa siya ganoon ba? She cross her arms over her chest and eyed him. “Natural lang namang magswim suit ako dahil resort ito, alangan namang magjacket ako. You’re impossible!” hindi makapaniwalang lahad niya rito. “Then do it,” tila nang-aasar na sabi nito. “Are you paranoid? Nababaliw ka na, Mister manyakis.” “Let me clear it to you, I’m not p*****t or maniac. Magbalot ka ng katawan kung ayaw mong may tumitingin sa iyo,” komento nito. Hindi naman sa tingin lang ang punto niya kundi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na tila gusto na siyang hubaran at may naglalaro na asa utak nito. Nababastusan talaga siya sa pagtitig nito sa kanya. “FYI sa tagal ko rito, ikaw palang ang nakilala kong maniac,” nanggagalaiting sabi niya rito. “Change your outfit then,” walang kaabog-abog na sabi nito. “Bakit ko naman gagawin 'yan?” Nagsukatan sila ng titig. “Because I don’t want you seeing by other guys wearing that and I know you don’t want to,” his voice becomes domineering. Lalong tumaas ang kilay niya at hindi niya alam kong umabot na ba sa bumbunan niya. Pinaymewangan niya ito, “Who do you think you are? You don’t have anything that holds me.” “You are married?” Napatingin ito sa singsing na suot niya. It was glad that she didn’t remove her ring. “Yes. So, back off.” Agad na siyang nagmadaling maglakad palayo rito. Hindi lang dahil malapit na siyang mapikon, kung hindi dahil sa abnormal na t***k ng puso niya na hatid ng lalaking ito. Natatakot din siyang may iba pa itong gawin sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang kakaiba sa mga mata nito. She didn’t know if she found fascination or irritation in his eyes. Lalo pa at halos sila na lang pala ang tao roon at ang iba ay nasa sariling kwarto at cottages na. Ilang beses pang napapadyak sa labis na inis si Joshana, hindi siya makapapayag na mainsulto ng ganoon. Sa tinagal-tagal niyang dumadayo sa resort na ito ngayon lang may nambastos at nang-harass sa kanya ng ganoon. Nang makapag-shower siya para kahit papaano’y mabawasan ang init ng ulo. Nagpalit siya ng disenteng damit at agad bumaba para hagilapin ang kaibigang si Karline. Her bestfriend must do to get him lost out of her sight. Namataan niyang may kausap na staff si Karlene. Tinawag niya ito, nang makita siya ay agad rin itong nagpaalam sa staff at lumapit sa kanya. “We need to talk,” kastigo niya. “Talk about what? Can it just wait? Naghahanda kasi kami para sa beach night event para mamayang gabi at marami pang dapa—“ she cut her words. “Please.” Hindi na nakatanggi pa ito sa kanya nang bigyan niya ng nagmamakaawang tingin. Napansin din nitong hindi siya mapakali at pulang-pula pa. “Fine. What’s bothering you ba?” Hinila niya ito palapit sa ilang metro ang layo ng lalaking kanina lang ay na-encounter niya. “That guy in the bench is my big problem,” naiinis na turan niya sa kaibigan. Hinubad na pala nito ang suot na sando, lalo tuloy lumabas ang tinatago nitong abs. Kahit nasa malayo, pansin na pansin ang ganda ng katawan nito. Nakitanaw na rin si Karline sa tinitingnan niya. Nakahiga ito sa bench habang nakasuot na sa mata nito ang shades. “Who?” “That guy!" Itinuro pa niya ang lalaki. “I want him out and banned,” mariing sabi niya habang nagtatagis ang bagang sa labis na inis. “What happened? Ano ba ang ginawa niya sa ‘yo?” pagtataka pa nito na walang kaalam-alam sa nangyari sa engkwentro nila ng lalaki. Mabilisan niyang pinaiksi ang kwento, mayamaya pa ay narinig niyang bumunghalit ito ng tawa. “Talagang tatawanan mo na lang ako, ganoon ba?” Umakyat na naman ang inis sa ulo niya. Bumuntong-hininga pa ito na tila na-guilty sa ginawa. “Sorry if I find it funny, kaya lang hindi mo siya masisisi. I already told you na maganda ka at sexy kahit sino ay mabibighani sa alindog mo,” pag-eesplika pa nito. “That’s not the point. What I’m saying is I don’t like him. I hate what he did including his looks and rude attitude,” pag-eesplika niya rito. Hindi ba pwedeng makisimpatya na lamang ito sa kanya? “Sorry Josh, I can’t do that. He is a VIP at baka ako pa ang mademanda kapag pinaalis ko sya ng basta.” “Fine! Alam kong di nga pala kita maaasahan pagdating sa ganyang bagay,” maypagtatampong sabi niya dito. “I’ll be leaving.” “You mean you’re going home?” “No. I’m leaving your precious resort and I will look into another para hindi naman nakakahiya sa ‘yo,” sarkastikong sabi niya rito. “Kung hindi mo sya mapapaalis, ako na lang ang aalis.” Pagkasabi’y agad niya itong tinalikuran. “Don’t be so irrational, that’s being immature. Josh! Josh!” Hindi na niya pinansin ang iba pang sinabi nito. Ano ngayon kung irrational o immature pa siya? Basta ang alam niya, naiinis siya. She hates her best friend but she must really hate that man. Bumalik siya sa kwarto, inayos ang mga gamit at nag-alsa balutan. Sa tuwing maiisip niyang makakasalubong niya ang lalaking iyon lalo lang nag-iinit ang ulo niya. She can’t afford even talking to him. Natiyak niyang wala na siyang iba pang naiwan. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit dahil ang nais na lang niya ay makalayo sa lalaking iyon. Nang makababa, tinungo niya ang receptionist. Pina-compute na niya ang natitira niyang bayarin. She took her bank card out of her wallet and swipes it on. “Talagang aalis ka na?” Nilingon niya ang kaibigan niyang naninigurado kung tutuloy nga talaga siya. “Yes, and I can’t afford to look him twice again. My decision is final, Karline. Hayaan mo na lang ako,” her voice trailed as if making Karline surrendered. “Okay, sige. Pasensiya ka na. I can’t help you.” “Okay lang. Balak ko na lang magpa-spa at massage. I have to go.” She pulls her cars key and driven away. Hindi niya yata kakayanin pang magsalubong muli ang landas nila ng lalaking iyon, dahil baka sa susunod na bastusin pa siya she might sue him. Wala na nga yatang perfect and gentleman ngayon. Almost men are after woman’s body, after s*x or even sexbuddy. She’s not that type of girl, masyadong mataas ang moral niya and she can’t even imagine giving herself without taking marriage. Kaya nga ayaw pa niyang makasal dahil hindi din siya handa na isuko ang sarili sa kung sino mang lalaki na hanggang pangako lang ang salitang kasal at hindi kakayaning panindigan. Ilang milya ang layo mula sa resort ng kaibigan niya, nakarating siya sa isa pang beach resort na sa tingin niya ay walang gaanong tao. Maliit ito ng kaunti kung ikukumpara sa malaking Beach Resort ni Karline, mukhang private nga at walang gaanong tao. Hindi nga siguro ito masyadong kilala, bukod roon ay pool lang ang pwedeng pagliguan. Kahit pa maliit, sapat na iyon para makahanap siya ng privacy at wala na sa paningin niya ang lalaking nambastos sa kanya. Sana lang din ay wala na’ng lalaking mambabastos pang muli sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD