LEJAN 14

1629 Words
NAGKAMALAY si Allurice na nakahiga na siya sa kama habang ang magkabilang braso niya at mga paa ay nakatali sa bawat sulok ng kama. "Mabuti naman nagkamalay ka na." "J-Jonathan, ba't mo ba ginagawa ito?" Dumilim ang anyo ng tinawag niyang Jonathan. "Hindi ba halata. I like you since the first time I saw you. Sa akin ka lang dahil ako ang unang nakakita sa iyo. Tingin mo, ibibigay kita kay Lejan. Mababaliw na lang siya kapag nalaman niyang kasal na tayo." Nanlaki ang mga mata niya mula sa narinig. "A-Anong ibig mong sabihin?" "I'll get you pregnant saka tayo magpapakasal. At least may reason ka na para magpakasal sa akin." "Nakikiusap ako sa iyo, huwag mong gawin ito." Lumapit si Jonathan Delgado saka hinaplos ang pisngi niya. "Kung binigyan mo lang sana ng pansin ang pagmamahal ko sa iyo, hindi tayo hahantong sa ganito." "Hindi ikaw ang mahal ko kundi si Lejan." Marahas nitong hinila ang buhok niya. "Sorry ka na lang. Dahil hindi niya malalaman na akin ka na." Napaiyak na siya habang nakikiusap, "Please.. pakawalan mo na ako. Nakikiusap ako sa iyo." Punong-puno na ng luha ang kanyang mga mata. "Hindi pwede. Paulit-ulit muna kitang aangkinin hanggang mabuntis ka at kapag nangyari 'yon, pakakasal na tayo." Napahikbi na siya at pilit nagpakatatag. "P-Papayag na ako. Magpapakasal tayo. Basta mangako ka lang sa akin na hindi mo muna ako gagalawin hanggang hindi pa tayo nakakasal." Ngumiti ito. "Talaga? Gagawin mo iyon? Huwag mo akong utuin, Arcee dahil hindi kita pakakawalan kong 'yan ang iniisip--" "Oo! Pakakasal na ako sa iyo. Please, hayaan mo lang muna ako." Lumambot ang mukha nito na parang nauunawaan na ang ibig niyang sabihin. Kailangan niyang magpakatatag kung nais niyang makatakas dito. Gusto pa niyang makita si Lejan. Tumayo ito at nilapitan ang mga paa niya saka isa-isang inalis ang pagkakatali niyon. Sinunod nito ang mga kamay niya. Nang makawala na siya ay hinila siya nito. "Sa akin ka lang, Allurice. Tandaan mo 'yan." Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito at hindi pagmamahal ang nakikita niya sa lalaki. Para itong demonyong uhaw sa hinahanap na nasa. Kailangan niya itong mauto para makawala. "Uminom ka muna." Inabutan siya nito ng isang basong tubig. Hinintay pa nito na inumin niya iyon. Napilitan tuloy siyang gawin iyon para makaalis na ito.Siguro ay nauhaw rin talaga siya kaya naubos niya ang isang basong tubig. Ngumisi ito sa hindi niya malamang dahilan. Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya saka ilang beses na hinaplos ang buhok niya. "You should behave like this, Allurice. Because after the effect of the drugs, you'll be mine and you might get pregnant." "A-Anong ibig mong sabihin?" "Malalaman mo." Naramdaman niyang unti-unting namumungay ang kanyang mga mata at bigla na lang uminit ang pakiramdam niya, kasabay niyon ay ang pagtaas ng kanyang libido na parang gusto niyang magpasakop. Hinapit nito ang batok niya saka siya siniil ng marahas na halik. Ramdam niya ang panggigil nito na parang puno ng galit sa hindi niya malamang dahilan. Naramdaman niyang gumapang ang kaliwang kamay nito mula sa kanyang tiyan paakyat sa kanyang puson. Hindi na niya maintindihan ang sarili kung bakit nagugustuhan na niya ang ginagawa nito na parang sabik na sabik siyang makipagniig, samantalang hindi naman ito ang mahal niya. Gawd. Sana dumating na si Lejan at hindi siya maangkin ng lalaking ito. Wala na siyang maipagmamalaki kay Lejan kapag nangyari iyon. Kung hindi lang nag-ingay ang cellphone na dala pala niya at inilapag nito sa bedside table ay hindi ito hihinto. Madilim ang anyong kinuha nito ang aparato. "O, bakit ka tumatawag sa girlfriend ko? Talaga? Akin na siya simula ngayong gabi.. Iyon ay kung mahahanap mo siya.." NANGGIGIL sa inis si Lejan nang bigla na lang pinutol ng walang hiyang Delgado na iyon ang tawag. Lalo siyang nag-aaalala. Buong akala pa nga niya ay si Thygo Ortega ang kumidnap sa dalaga kaya sinugod niya ito ng suntok. Pero nang sabihin nitong wala itong kinalaman at handa pa siyang tulungan ay saka siya natauhan. "Na-locate ko na ang tawag," sabi ni Thygo na isang I.T. expert bukod sa pagiging drag racer nito at hilig sa technical instruments. "Good. Nasaan siya?" Hindi na nagsayang ng oras si Lejan. Agad niyang pinuntahan ang kuta ng hayop na si Delgado. Ibinigay na niya kay Thygo at sa mga bandmates pati na rin sa frat group kung nais ng mga itong tumulong o tumawag ng pulis. Nasa Bulacan ang dalaga at isang pent house ang okupado nito. Nang makita ang gate ay buong lakas niyang inakyat iyon saka tinalon. Kinatok niya nang makailang ulit ang pintuan ngunit wala yata siyang balak i-welcome ng animal. Napilitan tuloy siyang gibain iyon. Sa laki ng katawan niya at sa lakas na dala niya, kayang-kaya niyang gibain kahit ilang pintuan pa. "Magpakita ka sa aking hayop ka!" sigaw niya sa loob ng kabahayan. Mayamaya rin ay natanaw niya ang isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya na nakasilip mula sa corridor ng second floor ng bahay. "Hayop ka! Anong ginawa mo kay Allurice? Nasaan siya?" "Ang lakas naman ng loob mong pumasok sa bahay ko. But anyway, you're late. Naisakatuparan ko na ang plano ko. I already tasted her--" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay sinugod na niya ito ng suntok sa panga. Tumalsik ito at napahiga sa sahig. Sinuntok niya ito ng sinuntok hanggang magkulay ube na ang mga mata at mukha nito. "L-Lejan.." Natauhan siya nang marinig niyang umungol si Allurice. Binitawan niya ang kuwelyo ng lalaki at agad pinuntahan ang kwarto na kinalalagakan ni Allurice. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala ng suot na pang-itaas ang dalaga. Agad niyang kinuha ang kumot at ibinalot sa katawan nito. "Okay ka lang ba? May ginawa na ba sa iyo ang lalaking iyon?" "Lejan.. ang init ng pakiramdam ko.. I think I'm going to die.." "Hang in there. Aalis tayo rito." Agad niyang binuhat si Allurice. Nang masulyapan niya ang bote ng Ecstacy, saka lang siya nagkaroon ng ideya. Maaari ngang ikamatay ng dalaga iyon lalo na kapag hindi ito nalapatan ng paunang lunas. At ang lunas na iyon ay hindi galing sa Doktor kung hindi sa kanya mismo. Nang marinig niya ang ingay ng chopper sa ere. Nabuhayan siya ng loob. Dumating ang frat members at dinaluhan siya. Wala pang kalahating oras ay nakalapag sila sa Club House ni Aldrich. Ibinigay nito ang isang kwartong malayo sa kabahayan. "Don't worry, sound proof 'yan," pang-aasar pa ni Aldrich sa kanya na agad naintindihan ang nangyayari. Hindi na nag-aksaya ng oras si Lejan. Nauubos na ang oras at baka ikamatay pa iyon ng dalaga. Maingat na inihiga niya ito sa kama. Siya naman ay abala na sa pag-aalis ng mga damit na sagabal. "I'm sorry, Allurice pero ito lang ang paraan para bumalik ka sa dati. I'll make sure na pakakasalan kita no matter what." Tinabihan niya ito sa kama, nang maramdaman naman nito ang haplos niya ay ito na mismo ang sumugod sa kanya. He felt the heat she had. That fervor kisses already burning him. It was good all of a sudden. He never imagine, Allurice became this fervent and had the tolerance of this i*********e. Sinabayan niya lang ito at hinayaan ito sa gusto nitong mangyari. Allurice became wild and wild that he can't refuse. Mas lalo lang siyang nabubuhayan na gawin ang mga ginagawa niya noon sa mga nagdaan sa kanyang mga babae. Pero iba si Allurice, she is a decent and vulnerable woman he wants to take care of. Napilitan tuloy siya nang ito na mismo ang naggaya sa kanya. In-enjoy na lang niya ang pagkakataon, besides he love this woman and what they did will bring them in the wedding after all. Iyon nga lang ay tiyak na magagalit ito ng sobra sa kanya. Hindi niya alam kung naka-ilang rounds sila, ibig lang sabihin ay malakas ang epekto ng drugs sa katawan ng dalaga dahil hindi niya mapahupa ito. Maraming pinainom na drugs ang hayop na iyon kay Allurice, hindi tuloy niya mapigilang mainis. A sensible and gentle woman, became this wild and vehemence. Nawalan tuloy siya ng choice kundi ang sabayan ito o higitan pa ito para lang bumaba ang libido nito sa katawan. Nang humupa ang tensyon at naramdaman niyang unti-unti na itong nanlalambot ay saka na siya tumigil. Maingat niya itong iniayos. Naka-roba na siya ng lumabas ng kwarto. May dumating na rin namang Doktor at nurse sa labas ng kwarto. Ito na ang hinayaan ni Lejan na mag-asikaso sa dalaga. Siya naman ay tatrabahuin na ang pag-aasikaso naman sa kasal nila kahit sa judge lang muna. Ayaw niyang mag-isip ng masama si Allurice lalo na sa ginawa niya. Dahil kahit na isa iyon sa bagay na nais niyang makuha muna ang puso nito. Kanina pa lumabas ang nurse at doktor na nag-assist sa dalaga. Nag-aalala na tuloy siya dahil hindi pa ito nagkakamalay. Pinasok na niya ang kwarto. Nakita niyang may dextrose ang braso nito. Parang nais tuloy niyang maiyak. Kinakailangan pa kasing ikabit iyon para bumalik ang lakas niya. It was his fault kaya naubos ang lakas nito. Pero sisiguraduhin niyang mabubulok sa impyerno ang Jonathan Delgado na iyon. Kung siya nga lang ang nasunod baka baldado na ito at nasa hospital. Kung hindi lang niya naisip ang batas ay hindi na niya ito paliligtasin. Gumalaw ang mga daliri nito. Agad niya itong nilapitan. "Allurice.." "Lejan? Anong nangyari? Nasaan ako?" "Ligtas ka na. Huwag ka ng mag-alala." Umangat ang katawan ni Allurice at niyakap siya. Hanggang naramdaman niyang nabasa ang balikat niya dahil sa luha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD