LEJAN 15

2467 Words
The Finale of TEBS Book 4: Lenard Janzel Arevalo story BUMALIK din agad ang lakas ni Allurice. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lejan. Kinausap niya si Aldrich na maikasal na sila sa judge sa lalong madaling panahon. Tinulungan naman siya ni Aldrich at iniaayos na nga ang lihim na kasal kay Allurice. Iyon nga lang, may number one na komokontra. Dahil naka-schedule na rin ang kasal nina Icequiel Tamayo at Chilien Fabregas. "Hindi naman pwede 'yan, Arevalo. Ikakasal muna kami ni Chili," mabilis na asik ni Ice. "Dude, kailangan na naming mauna ni Allurice. Baka lomobo na ang tiyan 'non.'' "Kami ang unang nagpa-reserve e," kontra na naman ni Ice. Hindi na napigilan ng nobya nito ang pumagitna. Kahit kailan talaga ay ang hilig makipagtalo ni Icequiel. "Hep! Stop! Guys, bakit hindi na lang tayo magsabay?" Tumingin kay Chili si Ice. "Chil, wala dapat tayong kahati." Tumuon ito sa kanya. "Sige, Bato pick na lang." Kinuha ni Chili ang kamay ni Ice na makikipag-bato pick na sana sa kanya. "Ice, doon din naman ang punta natin. Ikakasal pa rin naman tayo. Naiintindihan ko si Lejan. Kung urgent nga iyon, dapat intindihin natin siya." Sumimangot ang nobyo ni Chili. "Nagseselos na ako niyan." Imbis na aluin ay bigla siyang binatukan ni Chilien. Napanganga na lang si Lejan. Mabuti na lang pala at hindi brutal ang mapapangasawa niya at hindi sila aso't-pusa kagaya nitong dalawang magkapareha. "So, do we settle now?" paglilinaw ni Aldrich na sumama kay Lejan. Nakita ni Lejan na may binulong si Miss Fabregas sa nobyong si Ice. Lumapad ang ngiti nito at mabilis na pumayag. He was wondering kung ano ang sinabi ni Miss Fabregas kay Ice, pero ano naman ang pakialam niya. Ang mahalaga ay pumayag na ang mga ito na pagsabayin ang kasal sa judge at sa Simbahan na ideya naman ni Aldrich na hindi na kinontrahan pa ni Icequiel Tamayo. Lahat ng kabaro ni Lejan ay maaga na niyang kinausap na magiging palihim ang kasal nila sa Huwes. Natuwa pa nga siya nang malamang magkakilala na si Miss Fabregas at si Allurice. Magiging accomplish na niya ito at hindi na siya mahihirapang kausapin pa ito. Nang pumasok siya sa bahay na tinutuluyan nila ni Allurice nakita niya itong nagluluto. "Hey, stop that," mabilis na pigil niya sa dalaga. "Magpa-deliver na lang tayo kay Tamayo o sa nobya nito." "Hayaan mo na, matatapos na ako eh." Pinagbigyan na lang niya ito. Lalo pa at ayaw niyang magduda ito sa kanya. Umupo ito sa bakanteng silya at hinapit ang baywang niya. Napaupo tuloy ito sa kandungan niya na sinadya talaga niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa iyo?" "Medyo bumuti na pero may kumikirot pa. Pati ang ulo ko masakit. Alam mo 'yong parang may alaala akong hindi ko matandaan." "Epekto siguro iyon ng drugs na pinainom niya sa iyo. Uminom ka na ba ng gamot?" Tumango si Allurice. "Opo. Tapos na." "Uminom ka ulit mamaya. Hindi man nito maalis ang napagdaanan mo, pero at least mapapawi nito ang sakit." Pinayuko niya ito at hinagkan sa noo. "Huwag ka ng mag-alala. Nakakulong na siya at hindi ka na niya gagambalain pa. I have something to say." "Ano?" Hinawakan nito ang kamay niya saka dinala sa labi nito at hinagkan. "You are the apple of my eye, the music to my ears and the breath that I take. Sorry kung ginugulo ko ang tahimik mong buhay, pero willing ka bang tanggapin ang magulo kong buhay?” "Hindi ko na alam kung paano ka pa pasasalamatan sa lahat ng tulong mo sa akin, Lejan. Sapat na bang tanggapin kita?" "Hmm.. Kiss me and everything ended." Namula ang pisngi nito bago pa ito makakontra ay sinamantala na niya ang pagkakataon. Siya na mismo ang humalik sa dalaga. Inalalayan pa niya ang ulo nito para lalong ipaglapit ang labi nila. Hindi na napigilan ni Lejan ang kapilyuhan, nang bahagya niyang napaawang ang labi nito ay sinadya niyang lasahan ang kabuuhan ng bibig ng dalaga. And it all taste sweet as ever before. Kung hindi pa sila kinapos ng hininga ay wala pa siyang balak tumigil. Hanggang napansin nito ang kamay niyang nakapasok na pala sa loob ng shirt at nakadakma na sa dibdib nito. Mabilis siya nitong pinalo. "So-Sorry, nadala lang." Agad tumayo si Allurice at dumiretso sa banyo. "s**t! Sayang!" mabilis na sabi niya. Pero bakit pa siya manghihinayang? Kung ilang beses na nilang ginawa ang bagay na iyon. Iyon nga lang ay wala itong muwang. Kailangan na niyang ihanda ang sarili kapag dumating ang kinatatakutan niyang rebelasyon. At mangyayari lang iyon kapag kasal na sila. Isang linggo na ang lumipas. Naging masaya naman si Allurice na kasama si Lejan sa loob ng bahay kahit na magkaiba sila ng kwartong tinutulugan. He was gentle as ever. Hindi niya ito nakakitaan ng malisya. Liban na nga lang sa napansin niya sa mga mata nito. Parang puno ng paghanga at pag-iingat tuwing titingin ito sa kanya at halos araw-araw nitong ipinararamdam kung gaano siya nito kamahal. Pero puno pa rin siya ng pag-aalinlangan lalo na nang naramdaman niya ang sakit na iyon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan noong nagdaang araw. Kung ginalaw siya ni Mister Delgado ay dapat may sinabi sa kanya si Lejan pero parang wala itong nababanggit at kung may babanggitin man siya ay mabilis nitong iniiwas ang topic. May alam kaya itong hindi niya dapat malaman? "Allurice," tawag nito sa kanya na hindi niya napansin na kanina pa pala ito nakatayo sa bukana ng pintuan. "Ang lalim yata ng iniisip mo. Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari sa iyo?" Umiling siya bilang tugon. Ayaw niyang mag-alala si Lejan at mas lalong ayaw niyang maisip kung may ginawa ngang kahayupan si Mister Delgado sa kanya dahil tiyak wala na siyang mukhang maihaharap pa kay Lejan at wala na siyang maipagmamalaki pa. KINALIMUTAN na lang ni Allurice ang lahat at hinanda na ang sarili para sa kasal na dadaluhan nila. Invited kasi sila sa kasal nina Chili at Ice. Nang tumagal siya sa Club House ay si Chili ang madalas niyang kausap at kakwentuhan. Kaya napalapit na rin siya rito. Special guest daw sila kaya nakasuot din siya ng puting bestida na inabot ang haba sa ilalim ng kanyang tuhod. Nang lumabas si Lejan ay nakasuot na rin ito ng Tuxedo. Angat na angat ang hitsura nito at pakiramdam niya ay silang dalawa ang ikakasal. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay niya. "Ayaw kong maglihim sa iyo, Allurice. Kaya kahit surprise ito, sasabihin ko na ang totoo. Nasa iyo na kung gusto mong mag-back out. Hindi kita pipigilan." Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Lejan sa kanya. "This is not just Chili and Ice wedding. Isinabay ko ang wedding natin without knowing your decision kung pakakasal ka ba sa akin." "L-Lejan?" Nagtubig ang mga mata niya sa ipinagtapat nito. "Sampalin mo ako kung gusto mo. Tatanggapin ko ang galit mo." "Magpapakasal ako sa iyo," mabilis na sabi niya. Nangningning ang mga mata ni Lejan at agad inilabas ang isang singsing mula sa bulsa ng suot na pantalon. "So, tatanggapin mo na ito?" Dahang-dahang ibinaba ni Allurice ang singsing. "Alam kong may dapat pa akong malaman. Magpapakasal lang ako sa iyo kung sasabihin mo ang totoong nangyari sa akin 'nong araw na iniligtas mo ako sa kamay ni Mister Delgado." Nakita niyang nanlambot ito at dahan-dahang napaupo na parang tama nga ang hinuha niya. "I'm sorry. I'm really sorry." Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ni Lejan. Lumapit siya rito at pinunasan ang mga mata nito. Siya naman ay hindi na rin mapigilan ang pag-alpas ng mga luha sa mga posibleng nangyari sa kanya. "K-Kasalanan ko." Pati ang tinig nito ay garalgal na. "Nahuli ako ng dating." Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. "Please.. Lejan, huwag mong s-sabihin.. sa akin na--" "Ako ang gumalaw sa iyo. Ako ang nakauna," mabilis na kontra nito sa sasabihin niya. Napatakip siya ng bibig at napaupo sa sahig. Para siyang mabubuwal sa sinabi nito. Hindi na niya mapigilan ang umiyak ng umiyak. Nanginig ang katawan niya at para siyang nanghina. "I'm sorry.. I'm sorry," sabi nito na umiiyak na rin. "Wala na akong nagawa. I'm a bit too late. When I saw you.. in that stage. You were full of drugs at.. mamamatay ka kapag hinayaan kita sa sitwasyon mo." Hirap na hirap itong magsalita at parang napuputol ang bikig para paliwanagan siya. Kinuha nito ang magkabilang kamay niya na nakakuyom na. "I did everything. Kinuha ko ang bagay na iniingatan mo. I'm sorry. Wala na akong.. ideya kung paano ka ililigtas ng sandaling iyon. Sabi na lang ng Doktor sa akin I have to take you. And I did it a times until your libido went down. Hit me!" Iniangat nito ang kamay niya at ipinalo sa dibdib nito. "Hit me as long as you want. Kung ito lang ang paraan para maibsan ko ang nararamdaman mo." Binawi niya ang sariling mga kamay at agad pinahid ang mga luha. Hindi siya galit, nakahinga pa nga siya ng maluwang nang malaman niyang si Lejan naman pala ang nakauna sa kanya. Pero sana lang ay sinabi nito ng maaga. "H-Hindi na ako galit. Pero.." Tumingin siya kay Lejan at mabilis itong pinadapuan ng sampal. "It's just a way saving my ego. Sana lang ay sinabi mo ng maaga sa akin para hindi ako mukhang tangang nag-iisip ng kung anu-ano." Napahawak ito sa sariling pisngi. Napalakas nga yata ang sampal niya dahil namula iyon. "Wala akong masasabi kundi sorry." Inilapit ni Allurice ang sarili at niyakap si Lejan. "It was my fault. Dahil hindi agad ako nakapanlaban sa kanya. I don't take charge. Absuwelto ka na." Humiwalay siya ng yakap dito. "Basta ba, pakakasalan mo ako." Hinila nito ang kamay niya at sinuot sa daliri niya ang singsing. "Oo naman. Iyan ang bagay na sinigurado ko after I did that." Ngayon alam na niya kung ano ang kahulugan ng mga tinging iyon ni Lejan sa kanya. She was sure he finds her seductive and wild that day. At sobrang nakakahiya iyon. Ang mahalaga ay iniligtas pa rin siya ni Lejan. Marahil ay may galit sa mapapangasawa niya si Mister Tamayo kaya ibinuking nito ang balak ni Lejan na magpakasal sila sa Huwes. Papasok na sila sa loob para makasal sa Judge nang huminto sa paglalakad si Allurice. Napahinto rin tuloy si Lejan na nakahawak sa kamay niya. Humarap siya rito. "Sabihin mo nga sa akin, may galit ba sa iyo si Mister Tamayo? May ginawa ka ba sa asawa niya?" Tumawa ito bago siya sinagot. "Inagawan ko kasi siya ng slot sa kasal. Sila na ni Miss Fabregas ang ikakasal ngayon. Eh kaso nakisabay ako at napilitan ang judge na pagsabayin ang kasal." Pinong kinurot niya ito sa braso. "Kaya naman pala. Pasaway ka talaga." "Eh ano, aatras ka ba?" "Nandito na tayo. Tara na." Napangiti na rin ito. Nawala na ang alinlangan ni Allurice nang ikasal na sila. Malakas na palakpakan na ang naririnig nila nang lumabas sila ni Lejan. Sinalubong siya ng kababata niyang kapatid na si Arland, hindi niya ini-expect na darating ito sa kasal nila. Mukhang pinaghandaan nga talaga ng asawa na niya ngayon na si Lejan ang lahat. Nilapitan naman niya si Chilien na nakahiwalay na rin sa asawa at nakikipagbeso na sa dumalong mga asawa ng kabaro ni Lejan. “Congrats sa kasal ninyo, Chil." "Congratulation sa kasal natin, Arcee," tuwang-tuwang sabi nito. Lumapit sa kanila si Mister Tamayo. "So, paano ba 'yan, kami muna ang uuna sa kasal sa Simbahan ha?" paalam pa nito sa kanya. "Nagtalo talaga silang dalawa. Muntik na ngang magsuntukan 'tong mga ito. Kundi lang ako umawat eh. Anyway, may laman na ba 'yang tiyan mo?" Napamaang siya sa tanong ni Chili. "Bakit mo natanong?" Saka napahawak sa sariling tiyan. "Sabi kasi ng magaling mong asawa, kaya kayo nagmamadaling makasal dahil baka may laman na iyan." Ininguso pa nito ang tiyan niya. Dumako ang mata ni Allurice sa direksyon ng asawang si Lejan at masamang tingin ang ipinukol. Nakaramdam yata at napatingin din sa gawi niya. Napabalik ang tingin niya kay Chili na hinawakan siya sa braso. "Huwag ka ng magalit kahit pasaway 'yan. Ramdam naman nating mahal nila tayo." Ngiti na lang ang isinagot ni Allurice kay Chili saka na siya iniwan ng mga ito matapos magpaalam. Lumapit siya kay Lejan at umangkla sa braso ng asawa na labis namang pinagtakhan nito. "Teka lang.." pigil nito. "Magha-honeymoon na tayo, mahal kong asawa." Saka sinundan ng sarkastikong ngiti. Pagdating sa sariling sasakyan ay nagulat si Allurice nang isandal siya ni Lejan sa gilid ng kotseng sasakyan nila. "May dapat ka bang sabihin?" seryosong tanong nito na nakatingin sa mga mata niya. "Oo!" lakas-loob na sagot niya. "Ano?" "Bakit mo sinabi sa kanila na buntis na ako?" Ngumisi ito at puno ng malisyang pinakatitigan siya. "Iyon lang ang paraan para mapabilis ang kasal natin. Kita mo naman kasal na tayo." Napigil niya ang sariling hininga nang ilapit nito ang labi sa labi niya. Lejan claimed her lips without hesitant. Kung hindi lang sa busina sa likuran ay wala pang balak tumigil si Lejan. Inilabas ng kung sino ang ulo nito saka nagsalita sa kanila. "Get a room newly weds! May balak din kaming mag-honeymoon!" sigaw nito na si Ice pala. Nakita na lang ni Allurice na tumawa si Chili saka siya kinindatan. Agad ding pinaharurot ni Ice ang sasakyan palayo sa kanila. Pulang-pula ang mukhang tumuon siya kay Lejan pero wala na ito at nakasakay na ng sasakyan. "Sakay na, hahabol tayo sa dalawa." Saka nito binuksan ang pintuan. "Baliw ka talaga!" Nakatikim ito ng palo mula sa kanya. "I love you so much, Allurice." "I love you too." Inilapit niya ang labi at hinagkan ito sa pisngi. Balak naman nilang isunod naman ang church wedding pagkatapos munang maunang makasal nina Ice at Chili sa Simbahan. Kahit pala ilang beses mo ng iwasan ang taong nakatadhana pala sa 'yo ay kusa pa ring ibabalik ng tadhana. Iyon ang nalaman ni Allurice. Hindi pala niya kayang kalabanin si Kupido lalo na kapag sabay ng nagtrabaho pati si Destiny. She'll surely love him with all of her heart, she was glad she was him, the music of her every heart beat. At doon na nagtatapos ang kwento ng dalawang pares na parehong nag-iwasan pero magaling lang umasinta si Kupido and there bulls eye! Abangan kung paano naman makukuha ng isang hopeless romantic ang puso ng long time crush and love one niya lalo pa at may madilim itong nakaraan at siya naman ang isa sa nakaraan nito. ************* WAKAS**********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD