ROMER 14

1538 Words
NADALA na sa Ospital si Marjie ngunit hindi pa rin nagkakamalay. Ligtas namang nailabas ang baby boy nilang mag-asawa, iyon nga lang ay nasa kritikal na kondisyon ang inang si Marjie. Napagalitan ni Romervan ang binayarang driver/bodyguard dahil wala itong nagawa nang mahimatay si Marjie sa loob ng Cafe. Nagising na lang itong naghihiyawan na ang mga tao sa Cafe. Nagpasya siyang sesantehin na lang ito. Binalikan ni Romervan ang Cafe. Nalaman niyang may kinatagpo na isang babae ang asawa. Kung hindi siya nagkakamali ay si Nepthalie ang posibleng tinutukoy ng mga servers doon. Hindi na nag-aksaya ng oras si Romervan, hinanap niya si Nepthalie at kinompronta. Inamin naman nitong naroon ito nang magkaharap sila ni Alfer at nalaman nito ang tunay na nangyari. Kung hindi lang ito babae ay baka nasaktan na niya ito dahil sa ginawa nito kay Marjie. "You have to understand, hindi ikaw ang mahal ko. Si Marjie lang ang mamahalin ko, wala ng iba." Umiyak ito ng umiyak at napatakip ang mga kamay sa pisngi. Lumapit si Romervan at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Ramdam niya ang lungkot nito pero hindi naman niya magagawang baguhin ang sarili niyang damdamin. "I'm sorry, Nepthalie. I know I hurt you. A lot. Pero mas makabubuti na ang ganito. Ipagdarasal ko na lang na mahahanap mo pa ang lalaking nakalaan sa iyo. You deserve someone at hindi ako iyon." Niyakap na siya ni Nepthalie at hinayaan niyang umiyak ito sa kanyang dibdib. Makalipas ang ilang sandali ay humiwalay na rin ito ng yakap sa kanya. "H-How is she?" "Nasa Ospital na siya. Our baby is safe pero nasa kritikal pa siyang kalagayan at hindi pa rin nagkakamalay." Muling nagtubig ang mga mata nito. "I-I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat. Sorry, Romervan. I'm so sorry." "Let's hope and pray she'll be safe." "H-Hindi na ako pupunta ng Ospital. Pagkatapos ng ginawa ko, I already plan to go back in Europe. I have cause a big trouble. Alam kong wala iyong kapatawaran. But can you please ask my forgiveness to her. Naniniwala akong hindi mo kasalanan. I'm sorry for doubting you, I'm sorry for blaming you in sake of myself. Umaasa pa rin kasi ako na magkakabalikan tayo. I did not consider your feelings. I'm sorry." "Too much sorry for this day. Ihahatid na lang kita sa Airport, kailangan ko pa kasing bumalik sa Ospital. Kailangan ko pang harapin ang galit ng kanyang ama at ng pamilya ko." Tumango ang dalaga saka nagpaalalay sa kanya. He bid goodbye then Nepthalie kiss on his cheeks. Pinatawad na rin ito ni Romervan. She still a woman who just loves him. Katulad niya, nagmahal lang din ito kaya hiindi na niya ito masisisi. Maging siya ay ganoon din naman ang alam na pagmamahal. Na kaya niyang gawin ang kahit na ano lalo na kay Marjie, kahit pa ang hingin nito ay ang buhay niya ay kayang-kaya niyang ibigay. Bumalik na rin siya sa Ospital. Galit ng ama ni Marjie ang sumalubong sa kanya na maluwang niyang tinanggap. Hindi na niya nagawang ipagtanggol ang sarili sa mga binitiwang salita ng ama nito. Hanggang dumating ang pamilya niya at ang mga ito na ang pumigil sa galit na galit na ama ni Marjie. Nag-usap ang magkabilang panig kaya siya naman ay naiwan lang na nakasandal sa pinto ng kwarto ni Marjie. Hanggang pinayagan na siya ng mga doktor na pumasok sa kwarto ng asawa. Napuno ng luha ang kanyang mga mata nang makita ang nakalagay na face mask at nakakabit na dextrose sa braso nito. Kinuha niya ang silya at idinikit sa tabi ng kama ng asawang si Marjie. "Mahal ko, gumising ka na. Kung nais mong makipaghiwalay sa akin, sige lang. Pagbibigyan kita, I let you do whatever you want. But please, gumising ka lang, imulat mo lang ang mga mata mo." Dinampot ni Romervan ang kamay nito at ikinulong sa sariling palad. Nakita niyang pumatak ang luha sa pisngi ng dalaga. "Marjie, na-frame up lang ako. It was really my birthday party. Hindi ko alam na kinidnap ka ng g*gong si Alfer at ikaw ang ibinigay na regalo sa 'kin. I thought it was my imagination dahil nakainom ako. Naaninag ko ang mukha mo, pero inimagine ko lang na ikaw iyon, hindi ko naman akalaing ikaw pala talaga iyon." Iniangat niya ang palad ng asawa saka hinagkan. Nabasa na rin ito ng sarili niyang luha. "I'm sorry, Mahal ko. Sorry sa mga atraso ko sa 'yo." Napasinghot siya. "Alam kong mahirap ng ibalik ang nakaraan, but let me show you the shape of my heart. Let me show you how good I am. "Let me treat you like you're the only one in my life. I swear, hinding-hindi na ako gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo at ito na ang huling bagay na iiyak ka. Kung paiiyakin man kita, it was tears of joy at hindi sa lungkot o galit." Napayuko si Romervan habang hindi na napigilan ang pag-alpas ng mga luha at pagtutubig na rin ng sariling ilong. Nanatili si Romervan doon at mahigpit na hinawakan pa rin ang kamay ng asawa. Praying that her wife will survive. Matapos ang lahat ng nais sabihin ni Romervan ay nagdesisyon na rin siyang tumayo at lumabas. Baka nga tama ang lahat, mas makasasama pa na manatili siya roon at makita siya ng asawa. PUMILANTIK ang mga daliri ni Marjie hanggang unti-unti siyang nagmulat ng mata. Ibinaba niya ang face mask saka hinabol ng tingin ang nakatalikod ng si Romervan. "R-Rome.." tawag niya sa nanghihinang boses. Iniabot pa niya ang kamay na tila ay kaya niya itong abutin. Narinig naman nito ang pagtawag niya, agad ay tumalilis ito at pinuntahan siya. "M-Marjie.. Okay ka na ba? May masakit pa ba sa iyo?" Umiling si Marjie bilang sagot. "Naaalala ko na ang lahat. Naalala ko habang natutulog ako. It was also my fault how I responded to your kisses and how I love to touch by you. Wala ako sa sarili kong senses nang sandaling iyon because of what Alfer put on my drink. Pero I'm thankful. I really am. Hindi ako galit na ikaw ang gumawa sa akin n'on. Galit ako na hindi mo ipinagtapat sa akin ang totoo. Maiintindihan ko naman eh. Patatawarin pa rin naman kita kung sinabi mo sa akin ang totoo." Napaupo na ang asawa niya sa tabi niya. "I'm sorry. I'm really sorry, Mahal ko. Sorry kung itinago ko ang lahat." "Iisipin ko na lang na isang pagkakamali at maling pagkakataon ang nangyaring iyon. Don't worry, hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo. Ikaw na lang ang mamahalin ko kasama ang baby natin." Binawi niya ang kamay na kinuha nito at iniangat upang haplusin ang mukha ng asawa. Punong-puno ang luha at rumaragasa sa pisngi nito gawa ng matinding pagsisisi. Napansin din niya ang latay ng suntok at pasa sa gwapong mukha ng asawa na sigurado siyang kagagawan ng kanyang ama. "Mula nang makita kita noon, Marjie. Gustong-gusto kong mapasaakin ka. Gustong-gusto kong agawin ka kay Rogin. Gustong-gusto kong punasan ang luha mo kapag natatanaw kitang umiiyak. Gusto kong suntukin lahat ng umaaway sa iyo. Pero tiniis ko ang sarili ko dahil hindi pa panahon, dahil iniisip kong malilimutan pa kita, dahil baka pwede pang magbago ang puso ko. Kaya lang hindi na pala mangyayari iyon. There is only woman I love here and then. It was only you, Marjie." "I love you too, Romervan. Sa kabila ng pagdududa ko, sa kabila ng paglilihim mo sa akin ay minamahal pa rin kita." "Pangako, hinding-hindi na ako maglilihim sa iyo. Pangako, wala na akong gagawing ikasasama ng loob mo." Inilapit ni Romervan ang sariling labi at hinagkan sa noo ang asawa. Dumating naman ang Doktor at nurse na tangan ang anak niya. "Mabuti naman, Ma'am at nagkamalay na kayo. Time for breastfeed." Excited na napatingin si Marjie sa sanggol na bahagyang nakapikit pa. Mukhang nakuhang lahat ng anak nila ang physical features ng ama. Walang dudang anak nga ito ni Romervan. Dumating na rin ang kanyang ama na puno ng bahid ng pag-aalala na nilapitan siya. "Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?" "Dad! I'm okay." "Nais kong makasiguro kaya pina-DNA ko ang bata, sa ikalawang linggo ay makukuha ko na ang resul--" "You don't have to, Dad. Rome already claiming it and I know he's really the father." Ngumiti ang kanyang Ama, ngiti na naginhawaan. "Kung gayon, hindi na ako makikialam pa sa inyo. Malalaki na kayo at dapat kaya n'yo nang resolbahin ang kahit anong problemang kahaharapin n'yo." Tumango si Marjie. Kasabay naman na pumasok ang pamilya ni Romervan. Nakangiti ang mga ito at tuwang-tuwa na nalamang nagkabati na silang mag-asawa. Hindi naman talaga siya nagagalit sa kanyang asawa, masaya pa nga siya na pinanagutan siya nito, hindi lang niya matanggap na pinaglihiman siya ng kanyang asawa. Marahil, kahit ano pa nga yata ang nagawa ng isang taong mahal mo ay kayang-kaya mong patawarin. "Oh, picture na. Dok, sama ka na rito! Bilis na! One. Two. Three. Smile.." sabik na sigaw ni Reema habang hawak ang cellphone. "Oh, isa pa. Wacky naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD