HANS 8

1408 Words
INSTEAD that Reema's little brother will take care of her, parang nagboluntaryo na si Hans na alagaan siya. Aarte pa ba siya kung pati puso niya ay umaayon? "Don't stand," mabilis na pigil nito nang tumayo siya at hihilahin sana ang nakakabit na dextrose na konektado sa kanyang kamay. "Why not? Naiihi na kaya ako. Alangang dito ako umihi." "Bubuhatin kita." Nanlaki ang mga mata niya sa lantarang sinasabi nito. Hindi ba ito nahihiya? "Buang ka, alam mo 'yon? Pa'no kung may makakita sa 'yo lalo na ang mga nurses?" "Let them be. Ano naman ang pakialam ko sa sasabihin nila? Remember that you're my employee." "Ayaw ko." Pero bago pa siya makatutol ay mabilis ng kumilos si Hans at nakaikot na ang mga braso nito sa ilalim ng hita niya. At hayon, akay-akay na siya ng Bayawak. Bayawak man ang bansag niya, gwapong-gwapo naman sa paningin niya. Pinatahimik niya ang sarili sa ka-weirdu-hang nagaganap sa buhay niya. "s**t ka, Reema, mental na yata ang hantungan mo," pabulong na dagdag pa niya. Tapos na siya umihi pero nasa loob pa rin siya ng cubicle. Hinihintay pa niyang huminto ang bilis ng t***k ng puso niyang sumisirko at nagta-tumbling na may kasama pa yatang split. "Lintik kang puso ka, kundatan ka!" "Reema, okay ka lang ba?" sigaw ni Hans mula sa labas na marahil ay natagalan sa paglabas niya. "Ah, oo. La-lalabas na." Pagdating sa labas ay hindi na pumayag si Reema na magpabuhat na naman kay Hans dahil baka hindi na magsirko at mag-split ang puso niya, baka magwala na rin at sa Ospital na siya mamatay dahil sa sobrang kilig. 's**t! Kinikilig ba talaga ako?' tanong ng kabilang panig ng isipan niya. Kung kailan tumanda, doon pa siya dinapuan ng kilig. Bumalik na siya sa higaan nang dumating naman ang nurse. "Ma'am Reems, hindi mo naman sinabing may personal gwapings kang doctor ha," kumekerengkeng pang sabi nito. Sarap kurutin.. ng nail cutter sa singit. Pinandilatan niya ng mata ang nurse para manahimik. Feeling siguro nito close sila. Eh parang, kanina lang siya sinugod sa Ospital. Kung makaasta naman ito. "Hi Kuyang gwapings? Kayo ba ni Ma'am. Reems, alam mo na?" malanding tanong pa nito na hindi siya pinansin. 'Yong totoo, nurse ba ito o flirt? "Oo KAMI," pagdidiinan pa ni Reema. "Kaya tigil-tigilan mo ako sa kakulitan mo." Napamasid lang si Hans habang nakasandal sa pader at may ka-text na kung sino. "Ito naman sungit agad. Nga pala Ma'am, pinaabot ni Doktora itong reseta n'yo at gusto niya kayong kausapin." Lumabas na rin ang malanding nurse na kung puwede lang ay ayaw na niyang makita dahil masakit sa tainga. Parang gusto tuloy niyang kumanta ng 'Buhos ng ulan, malalandi'y lunuring tuluyan...' Ilang minutong nawala na ang nurse nang magsalita si Hans. "Now that you're okay. I have to go." Napansin niya ang biglang pagbabago sa mukha ni Hans na parang may nangyaring hindi maganda. Sa film production kaya o sa kompanya, under Negal films? Tumango na lang siya na hindi na rin nakatutol pa. Isa pa, wala rin naman silang relasyon para tumutol siya, kahit pa sa pagkakaalam niya at ayon din sa mga impormasyon, ay wala itong kasintahan o nililigawan man lang. Nang lumabas na si Hans ay siya namang pagdating ni Doktora Alcaraz, ang doktor na sumusuri sa kanya. "It was really good na dito ako nagpa-admit. Dito ka na pala naka-base Doktora." Hindi akalain ni Reema na doon pa niya matatagpuan ang classmate 'nong College. "Yup. Pero narinig mo naman siguro sa kapatid mo ang napag-usapan namin." Napabuga ng hangin si Reema. "To be honest, I don't feel that I have problem regarding my health conditions." Napapalo ng noo ang Babaeng Doktor. "Goodness, Reemina, you already in your thirty right. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na mahihirapan kang magbuntis lalo pa at nagma-matured na ang matris mo." Napahigpit ang hawak ni Reema sa ibinigay na resibo kanina. "To tell you the truth, limited na lang ang stocks ng egg cells mo. Hindi na normal ang counting, kumukunti na ito habang tumatagal ang panahon. It's better to have a baby as early as thirty." "Puwede bang tumawad? Mga thirty two naman." Ito naman ang napabuga ng hangin mula sa sinabi niya. "I just want to remind you about that. Here." Iniabot nito ang resulta ng pelvic ultra sound niya. "You're virgin, kaya lalo kang mahihirapan." "You know that I don't have a boy now." "You don't need a boy in your side, because you already have your man. Hindi mo lang siya napapansin dahil maaaring nauuna ang galit at inis mo sa kanya." "Teka nga lang, ano ba ang ibig mong sabihin at anong tinutukoy mo?" "Babae rin ako, alam ko kung may gusto sa 'yo ang isang lalaki." Napailing siya. "If you're talking about Mister Montano. Hindi kami talo." "You mean.. bakla siya?" hindi makapaniwalang tanong nito na nandidilat ang mata. "It's not what I mean. H-Hindi lang kami compatible." "Look at yourself. You're stammering, seems like there is something you're hidden. Believe me, may something sa lalaking iyon." Bago umalis ang Doktora ay naipaliwanag na sa kanya ang lahat. Pero hindi na mawala sa isipan niya ang mga sinabi nito. Na kailangan lang daw niya ay makiramdam at humingi ng sign. Pero sa katulad niyang hindi naniniwala sa Forever o true love imposibleng ma-in love pa siya. Matanda na nga siya para kiligin at kahit pa yata ang makipag-date. SINUBUKAN ni Reema na obserbahan si Hans pero parang wala naman siyang napapansing kakaiba sa lalaking ito. Natutuwa lang siya dahil parang lumalabas na ang pagiging totoo nito. He was strong in the outside pero napaka-vulnerable sa inside. Ewan nga lang kung bakit tuwing magkakadikit sila ni Hans ay siya yata anf may kakaiba ng nararamdaman. Pakiramdam niya, nahihirapan siyang huminga, parang masyadong masikip ang paligid kapag nagkakalapit sila o lumalapit ito sa kanya. Hindi pa rin alam ng kapatid niya na magkasama sila hanggang dumating ang birthday nito. Sinuot na niya ang baluti ng pangtanggal ng hiya para lang magpatulong kay Hans sa pagluluto lalo pa at kaarawan na ng kapatid niya. Unti-unti na niyang napapansin ang sinasabi ni Doktora Alcaraz dahil wala siyang narinig na pagtututol mula sa binata. Kahit pa minsan ay nanadya siyang magpasaway at inisin ito para lang malaman niya kung maiinis ba ito sa kanya o magagalit. Ngunit wala siyang narinig na kahit ano man dito. Nang puntahan ni Reema ang bahay na tinutuluyan ng kapatid ay lalo niyang inilihim ang tungkol kay Hans. Ayaw pa rin niyang magpabuking sa kapatid. Matulin ring lumipas ang araw na habang tumatagal ay parang kakaiba na ang nararamdaman niya sa sariling puso at sa singsing na parang unti-unting lumuluwang mula sa daliri niya sa hindi niya maintihang dahilan. It was her first time na bumisita si Reema sa set, hindi na kasi siya nakialam sa mga desisyon ni Hans lalo na nang makita niyang maayos namang nagagawa at nahahawakan ni Hans ang lahat. "Ms. Reema? Naku Ma'am, fan na fan n'yo ako. Pwede bang papirma?" Hindi pa siya nakakaupo ay may humarang na agad sa kanya. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya si Hans na madilim ang anyo na parang handa na siyang hilahin at pagalitan. Hanggang mag-ring ang phone niya at si Hans ang nasa linya. "H-Hello." "What are you doing?" mabilis na tanong nito na wala man lang paunang pagbati. Kita niyang parang lalong madilim ang mukha nito sa malayo habang hawak ang aparato at lalong dumarami ang mga lumalapit sa kanya. Patapos na rin kasi ang taping ng published story niya at tila sikat na sikat na siya. Salamat talaga sa mahika ng singsing na suot niya. Dinumog na siya ng mga nagpapapirma at hindi na siya nakagalaw dahil marami ng humarang na mga papel o libro para magpapirma. Tila nagkaroon siya ng maagang book signing. Pero nahirapan na siya nang lalo na siyang dumugin. Napapayuko na lang siya dahil tila hirap na siyang huminga. Pakiramdam niya ay masu-suffocate na siya at doon na yata matatapos ang buhay niyang walang kasing sikat. Until she felt something soft in her arms. Someone grab and pulled her arm. Napaangat siya ng tingin nang makita niya ang gwapong mukha ni Hans. "Let's go," sabi lang nito na mabilis na hinawi ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD