HANS 7

1588 Words
NAGSIMULA na ang taping ng napili ni Hans na sikat at best seller niyang published book. Dapat ay naroon nga si Reema pero ngayon pa lang ay pinagdadamutan na siya ng pagkakataong makarating roon. Biglang sumama ang pakiramdam niya, hanggang nalaman niyang inaatake na naman siya ng kanyang dysmenorrhea na buwan-buwan niyang iniinda. Pero minsan naman ay hindi siya pinahihirapan, nakakainis lang at wrong timing ito. Ang masama pa ay inuman na niya iyon ng gamot pero parang hindi naman umeepekto. Halos mamilipit na siya sa sakit niya sa puson at hindi na halos makatayo. Nagkaton pang wala si Myra dahil tuwing sinusumpong siya, si Myra ang palaging nag-aalaga sa kanya. Nakita niyang nagri-ring ang phone. Agad niya iyong inabot saka nakangiwing sinagot ang phone. "H-Hello." "Ate, anong nangyayari sa 'yo?" Boses iyon ng mahal niyang kapatid. Sa wakas may magliligtas na sa kanya mula sa delubyong iyon. Ang walangyang Hans Montano na iyon ay nilayasan siya at hindi man lang nagawang magpaalam sa kanya. Kung sa bagay, hindi naman nito bahay ang bahay na binili niya. Nakikitira lang ito dahil sa singsing na wala siyang balak ibalik lalo pa at pampaswerte sa kanya iyon. Pangtaboy ng malas. Hindi man lang niya nagawang tanungin kung bakit ito tumatawag dahil kailangan agad niya ang tulong nito. "B-Bring me.. to the.. Hospital.." halos hirap na hirap na usal ni Reema sa telepono. Nang dumating ang sasakyan ni Romer sa sinabi niyang address ay halos gapangin na nga niya palabas ng bahay para lang huwag nitong malaman na doon siya nakatira. Inililihim pa kasi niya kay Romer na hindi na siya sa bahay nakatira at humiwalay na siya sa mga magulang. Ayaw rin naman niyang mag-alala sa kanya ang mga magulang. Mabuti na iyong si Romer na lang ang makaalam, tutal ay close naman sila. "So, you're living alone in that house?" tukoy ni Romer habang nasa passenger's seat siya at sinisipat siya ni Romer sa rear mirror. "Puwede bang mamaya na ang tanong? Mag-drive ka na lang." "Mukhang marami kang dapat sabihin sa 'kin, Ate." "Isang salita mo pa, hahampasin kita ng windshield." "'Yan ang problema sa 'yo ang sungit-sungit mo lalo na pag may sakit. Na 'san na 'yong masugid mong manliligaw? Bakit hindi siya ang tinawagan mo?" "Kinain ko ng buhay, masaya ka na?" sarkastikong sagot ni Reema sa makulit na kapatid. Mukhang wala itong balak tumigil para usisain siya hanggang umamin siya, mabuti na nga lang at minsan ay nadadaan niya sa pagbibilang para talagang huminto na ito sa pangungulit.. Ibang klase pa naman itong nag-iisa niyang kapatid, magaling ang instinct, akala mo kumuha ng Psychology course. Halos mangudngod si Reema sa windshield ng sasakyan nang huminto ang sasakyan ni Romervan. Lintik kasing sasakyan iyon at napakabilis magpaharurot, mabuti na lang at magaling magmaneho si Romervan kaya nakaiwas ang kapatid niya. Kung hindi ay baka pareho silang sa Ospital pupulitin ng mga magulang nila. Lumabas naman ang kapatid niya sa pag-aakalang nagasgasan ang sasakyan nito na halatang bagong bili. "Romer, ano na?" silip niya mula sa bintana dahil mukhang nalugi sa negosyo ang hitsura ng mukha nito. "Sorry, Ate." Bumalik na rin si Romer ng sasakyan at nagpumilit na naman sa sinasabi nito. "Sabi ko naman kasi sa 'yo te, magpagamot ka na," mandar na naman nito. "Mag-drive ka na nga lang at bilisan mo," naiiritang singhal niya rito sabay irap para maiwasan ang matalim na mga mata nito. "'Yong hinahanap mong manliligaw, binasted ko na at nag-resign na rin sa publisher namin. Sakit sa ulo at huwag mo ng itanong kung bakit." "Gipamangkot ba kita?" "Dasige na lang, da." "Hold on. Malapit na tayo." "Oo," sagot na lang niya sa hindi maipintang mukha sa labis na sakit na nararamdaman. Dinala siya ng kapatid sa pinakamalapit na Ospital at agad rin naman siyang inasikaso ng mga staff na naroroon. SALAMAT sa pain reliver at napakalma siya, ramdam niyang nawala na ang sakit. Bahagya pa nga siyang nakatulog mula sa epekto ng gamot. Nang magdilat siya ng mata ay tanaw ni Reema na kausap ng kanyang kapatid ang Doktorang sumuri sa kanya. Pumasok na si Romervam sa loob ng kwarto nang makaalis ang Doktor. Magkukunwari pa sana siyang tulog nang marinig niya itong nagsalita. "Tsk. Napakaarte kasi. Masyadong mapili," mahinang bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig niya. "Aray!" napasulyap ito sa kanya, akala siguro nito ay mahimbing na siyang natutulog kaya may karapatan itong siraan siya. "Sinong maarte? Narinig ko 'yon." "Sino pa ba? Alangang ako?" pambabara nito. Napahinto naman ito nang hilahin niya ang dextrose at akmang isusunod na ibabato ulit sa kanya. "Kahit kailan sadista ka talaga." "Nakita mo na ang hinahanap mo?" Umiling naman ito. Hinahanap pa rin nito ang babaeng nagpatibok ng puso ng kanyang kapatid 'nong hayskul. "Alam mo, kung ako sa iyo nagpa-diyaryo o advertise na lang ako." Sinamaan siya ng tingin ni Romer, mukhang alam na niya kung ano ang susunod nitong gagawin. Pinagsalukap pa nito ang dalawang braso at kunot-noong matamang nakatingin sa kanya. "Sabi ng Doktor kailangan mo na raw magkaanak." "Anak lang naman pala eh." "Asawa muna bago, anak g*go!" Siya na naman ang puntirya ng kapatid niya. Mabuti na lang at naisip nitong huminto. Nagkibit na lang siya ng balikat. "Saka ko na iisipin iyan. Teka, sa'n ka pupunta?" biglang tanong niya nang umalis si Romer mula sa pagkakasandal sa pader at akmang lalabas na ng kwartong iyon. "Uuwi. Ikukuha ka ng damit." "Huwag!" mabilis na pigil niya. He frowned and look at her questioningly. "A-ano kasi. Hindi na ako sa bahay nakatira." Napayuko pa siya. Hindi talaga niya ugaling maglihim at magsinungaling lalo na sa kapatid. "Saan ka na nakatira?--" Napahinto sa pagtatanong si Romer nang may dumating. Pati siya ay napatingin sa bagong dating. Pawisan pa ito pero hindi nakabawas sa hitsura nito, infact he was stunningly look more handsome with that sweat hair and sweat polo. Seryoso ang mukha nito na nilapitan siya at parang hindi nito nakita na may kasama siya sa loob ng kwarto. That smells trouble. Lalo pa at hindi niya nasabi sa kapatid na may ka-live in, este may kasama siya sa bahay. "How are you feeling? May masakit pa ba sa iyo?" Halata sa boses ni Hans ang pag-aalala. Paano kaya nito nalaman na nasa ospital siya? At bakit naman mag-aalala ito sa kanya? Nakita niyang kinikilatis ng kapatid si Hans na parang kilala nito si Hans. Napasinghap si Reema nang lapitan ito ni Romer at haltakin ito sa balikat. "Hans?" Tumingin naman si Hans sa kapatid niya. "Van?" Napakunot-noong napatingin siya sa dalawa nang magbanggaan ang mga dibdib ng mga ito saka sila naghampasan ng braso. "Sinasabi ko na nga ba at parang kilala kita," sabi pa ni Romervan na wala talaga siyang ideya sa nangyayari. "Looks like you two, have something to tell me," she interrupted. Umayos ng tayo si Romervan at matalim na nagsalubong pa ang dalawang kilay. "Parang ako dapat ang magsabi niyan, Ate. Bakit mo kilala si Hans?" Napalunok siya at halos hindi alam kung ano ba ang dapat isagot. "Siya kasi iyong--" "Your sister is working on my company. She's a writer." Mabuti na lang at maagap na sumagot si Hans, napabuga tuloy siya ng hangin. Pakiramdam niya maraming paru-paro ang tiyan niya. Huwag lang sanang magkamali ito ng sagot at ibuko siya kung hindi pareho silang sasabunin ng mga magulang niya. "Sigurado bang wala kayong kaugnayan sa isa't-isa?" magkasalukap ang mga brasong tanong na naman nito at wala na namang balak tumigil sa pang-uusisa sa kanilang dalawa. Umiling si Hans at agad sumagot naman siya ng 'Wala'. "Iyang mga sagot n'yo, nakakapagduda. Parang matagal na kayong magkakilala or a frenemy rather." Biglang nabilaukan na naman siya. Galing talaga nitong bumasa ng tao. "Kung may gusto kayo sa isa't-isa, bilisan n'yo na. Dahil kapag ako ang nauna, maghihintay pa kayo ng isang taon bago makasal." "Romervan!" Nilisikan niya ng mata ang kapatid at napaupo siyang bigla sa kama. Paano na lang kung anong isipin ng bayawak na ito. Bigla rin siyang namula kung sakali ngang may posibilidad na magkagusto sa kanya ang isang Hans Montano. "I have to go. See you later, Ate," mariing sabi pa ng lintik na ito na nais ipakahulugan ang paliwanag kung paano talaga sila nagkakilala saka tuluyan na silang nilayasan. Nang tuluyan nang hindi niya nakita ang anino ng kapatid ay napatuon siya kay Hans. "Paano mo nalamang narito ako?" "Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Halos sabay silang nagsalita pero malinaw sa kanya ang salita nitong nagsabi. "T-Teka, ano ngang sabi mo, nagsabi? Tama ba ako ng rinig?" "Why you didn't inform me at all?" "Paano mo nalaman? Saka bakit ka nandito?" "God Reema! Paano kung walang dumating na tulong, it might put you in danger. Mabuti na lang at nasabihan ako ni Alfer na may lalaki raw na biglang nagsakay sa 'yo. So I thought na-kidnap ka na or something." "Alfer? Who's Alfer?" Napakuyom ito ng kamao. "Damn! Akala ko talaga na-kidnap ka. Lagot sa akin ang manipulative na iyon." Siya naman ang nag-cross arms. "Dahil alam mo ng okay na ako at hindi kung sino lang ang kumuha sa akin. You can go." "No. I'd rather stay here and postponed the taping than seeing you alone with your misery," pagmamatigas nito na lalong nagpakunot na nga ng noo niya, nagpatalon pa sa kanyang pusong nagsisirko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD