HANS 9

1078 Words
HINDI na alam ni Reema kung saan sila nakarating ni Hans katatakbo. Basta ang alam niya ay masaya siya sa hindi niya malamang dahilan. Napahinto rin sila nang mag-ring ang phone nito. Sinagot muna ni Hans ang nagwawalang cellphone na panira sa moment nilang dalawa. "Hello. Yes. Kasama ko siya. Itinakas ko." Nanlalaki ang matang napatingin siya kay Hans. "Isipin mo na ang dapat mong isipin. Or should I say na itatanan ko na lang siya para maliwanag." Saka nito pinatay ang phone. Hinampas ni Reema ang braso ni Hans na napatingin sa kanya. "Kapatid ko 'yon 'di ba? Anong sinabi niya?" "Wala. 'Wag mo ng itanong." Napatingin na lang siya sa mahigpit na paghawak ng kamay ni Hans sa kamay niya. 'So, this is it, pusit,' malanding sabi ng isipan niya na hinihintay na magtapat na sa kanya si Hans. Isinakay siya ni Hans sa sariling sasakyan. "We're not going to finish that taping." "W-What? Pero bakit?" "Dahil pag sikat ka na, mawawalan ka na ng time." Napaharap siya kay Hans na gulong-gulo. "Time? Saan? Kanino?" "Sa akin." "Teka nga, may gusto ka ba sa akin?" Muntik na siyang mauntog at humalik sa windshield ng sasakyan nang biglang pumreno si Hans. "Papatayin mo ba ako?" "Oo. Gusto kitang patayin, pero hindi sa ganitong paraan." "Sa anong paraan? Puwede bang linaw-linawin mo at hindi ma-sink in sa utak ko at hindi ko ma-digest." "Sa kilig," mahinang sabi nito na saktong narinig niya. At tila hindi na naman nag-sink in sa utak niya. Kilig? Paraan? Patayin. Ah, patayin siya sa kilig. Hanudaw? Pagdating sa tapat ng bahay ay tahimik na silang pareho hanggang bigla siya nitong hinila papasok sa loob at hindi na siya naka-react sa susunod na ginawa nito. He grab her arms and pinned her at the wall then kiss her smoothly but fiery. Ramdam na ramdam ni Reema ang tensyon na hindi lang iyon basta crave, they both want it and they both enjoy until it lasts. Pareho silang hinihingal nang maghiwalay ang mga labi nila. "Naniniwala ka na bang totoong may forever?" He ask her from nowhere. Tumango lang siya habang nakatingin pa rin sa malamlam nitong mga mata. Nang muling mag-ring ang phone ay napilitan na itong magpaalam. Humalik pa ito sa pisngi niya habang siya ay tulala pa rin sa katatapos lang na eksena. Napa-landing na lang ang kamay niya sa sariling pisngi at sa sariling labi na tila wala pa rin sa sarili. "So this is it, talaga? Ow.em.gee! May gusto siya sa akin! May gusto siya sa akin! May gusto siya sa akin.. May gusto siya sa akin.." parang tangang kinakanta-kanta pa niya ang mga salitang iyon. Excited na gusto niyang ibalita iyon sa kaibigang si Myra. Babalik na rin daw ito sa makalawang buwan. Habang tumatagal ay nakukumpirma na ni Reema ang nararamdaman para kay Hans pero hindi pa rin niya makumpirma kung pareho din ba sila ni Hans ng nararamdaman. Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi si Hans sa kanya. Isang Mutual Understanding o isang Magulung Usapan. Nainis na nga lang si Reema nang nakapagtatakang wala ng binabanggit na kahit ano patungkol sa kanya at kay Hans ang kanyang kapatid. Hanggang tila nakapagdududa na ang mga tanong nito kung paano mag-alaga ng Baby at ano ang ginagamit ng mga buntis. Hanggang nabuking na rin siya na hindi na siya sa bahay umuuwi at nais ng mga magulang nila na magsama-sama sila roon sa araw na iyon. Nang malaman ni Reema ang dahilan ng pagpunta at pagkumpleto nila sa bahay ay agad siyang kumuha ng tambo. Balak niyang lumpuhin ang kapatid. "Lintik! Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko. Nakabuntis ka nga kaya ka panay tanong kayla Mama at Papa." "A-Ate.. Teka lang." "Kaya pala pati ako kinukulit mong, linti ka. Dipungal ka gani!" galit na galit na sabi niya habang hinahabol ang kapatid ng tambo. "Ate! Ano ba? Nakakahiya sa mapapangasawa ko," halos mamaluktot na sabi ni Romervan habang pinoprotektahan ang sarili at nakatago na sa likod ng sofa. "Nakakainis ka kasi! Dapat ako muna ang mauna sa iyo. Pero lintik, inunahan mo ako!" "Sabi mo wala kang forever. Kaya bahala kang manigas at tumandang dalaga. And I already found her, Ate" "S-Siya? Siya 'yong babaeng nagnakaw ng hali--anob..ambaho.. ng kamay..mo..Isa," sabi pa niya sa pagitan ng pagsasalita habang nakatakip ang palad ng kapatid na si Romervan Kaya pala nagkakandaugaga ang kapatid niya dahil totoong maganda nga ito at patay na patay pa ang kapatid niya rito. HINDI na natutulan ni Reema ang desisyon ng dalawa at ng mga magulang niya na makasal ang mga ito. Isa pa ay wala pa naman silang maayos na pag-uusap ni Hans. There is no true score between them. Bigla tuloy nainggit siya sa kapatid na malapit ng ikasal. Sana magtapat na rin sa kanya si Hans kung totoo ngang may nararamdaman din ito sa kanya. Or could it be possible na wala itong nararamdaman at singsing lang talaga ang habol nito sa kanya? Ibinalita ni Reema kay Hans na ikakasal na ang kapatid niya pero wala naman siyang nakuhang sagot mula rito. Hanggang ayain siya nito sa isang Restaurant at wala naman itong sinasabi na may date sila. Ang nakakainis lang ay wala itong sinasabing kahit ano. Matapos nilang kumain sa Restaurant ay hinawakan muna ni Reema ang kamay ni Hans bago ito tuluyang tumayo mula sa upuan. "What?" "I need an answer. You know I'm a writer but I can't calculate you. I don't have any idea, why you're doing this? And why you have to do this? Are you thanking me letting you live in my house?" "No. Because I paid for it and you know that." "Then why? Bakit mo nga ito ginagawa?" "You have plenty of questions." Umayos ito ng upo. "Hindi kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin. Ano ba tayo? Is this a friendly date or a real date?" Napahilamos ito ng mukha. "Writer ka 'di ba? Ikaw dapat ang nakaaalam niyan." Mabuti na lang at halos iilan lang ang kumakain sa napili nilang Restaurant, kaya kahit medyo tumataas na ang boses niya ay walang gaanong pumapansin. Tumayo na si Reema. "Kung hindi mo kayang sabihin. Then let's end this. Walang mangyayari sa bagay na ito kung Malabong Usapan rin pala ang patutunguhan nito." Then Reema leaves without saying goodbye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD