HANS 10

1627 Words
HALOS isang buwan na rin simula nang umiwas na ng tuluyan si Reema kay Hans. Nawala na rin ito simula nang bumalik si Myra. Pero sa bawat galaw niya sa sulok ng bahay na iyon ay naroon si Hans, nararamdaman pa rin niya ang presensiya nito. "Anong gagawin mo sa itlog, ba't mo binabad sa tubig na may asin?" "'Yan kasi ang sabi ni Hans." "Eh 'yang straw, anong gagawin mo naman diyan?" "Ginagamit kasi ni Hans 'yan, panali. Teka at ibibigay ko muna." Bago siya nakaalis ay narinig muna niyang bumuntong hininga ang kaibigang si Myra. "Bakla, wala na rito si Hans, mag-iisang buwan na. Hindi ka pa rin nakaka-move on? Daig mo pa ang nasaktan at iniwan ng jowa ah," mandar nito. Dumiretsong pasok na lang siya sa kwarto at hindi namalayang nag-uunahan na palang pumatak ang mga luha niya. She miss him, she miss him so much than the usual. Kasunod ng pagkawala ni Hans sa bahay ay ang pagtatapos na rin ng kontrata nila sa kompanya nito. Na-sold out ang ticket, it was all thanks to the idea and the ring that brings her the good luck. Ang tagumpay na tinatamasa niya ay nakukuha na niya, ngunit ang magiging kapalit ba niyon ay ang pighating iniwan ni Hans sa kanya? She must admit it was more than a like dahil mahal na niya si Hans. Pumasok rin si Myra na nakita siyang nakaupo sa sahig at umiiyak. "Bakla, why are you crying?" Muli siyang ngumawa. Ang kapatid niyang si Romervan, ikakasal na dahil may anak na, samantalang siya, trenta na pero wala pa ring makabuluhang bagay na nangyayari sa kanya. Siguro nga malas lang talaga siya pagdating sa love life. Umupo na rin ang kaibigang si Myra. "Huwag ka ng umiyak. I'll pray for you. Makaka-move on ka rin sa lalaking iyon." Hinubad ni Reema ang singsing na matagal ng lumuwang sa kanya. Siguro, tapos na rin ang mahika ng singsing, kasunod na natapos ang ilusyon niya. Tumayo si Reema saka nagpunas ng sandamukal na luha. "Ibabalik ko na ito sa kanya na wala ng kapalit, tutal sobra-sobra naman na ang nakuha ko." Ilang beses ng binalak ni Reema na ibalik na ang singsing kay Hans, ngunit tuwing nakikita niya ang binata ay nawawalan siya ng lakas ng loob. Kailangan yata niyang mamakyaw ng lakas ng loob. Saan kaya siya posibleng makabili niyon? Hanggang dumating na ang kasal ng kanyang kapatid na si Romervan at ang mukhang barbie doll nitong mapapangasawang si Marjie. Aba'y, magpapatalbog ba siya? Nag-ayos din siya ng sarili at pinabago niya ang ayos ng kanyang buhok na lalong nagpabata sa kanya. Nagpaganda siya ng todo lalo na nang malamang inimbitahan din pala ng hayup niyang kapatid ang bayawak na iyon. Buo na ang loob niya, sa mismong kasal ng kanyang kapatid ay ibabalik na niya ang singsing na hindi naman talaga sa kanya kaya siya minamalas sa love life. Iyon yata ang kapalit ng karangyaan. O baka sinumpa siya ng bayawak na si Hans na hindi na magkaka-love life? Pagdating sa reception ay pinuntahan niya si Hans na abala sa pakikipag-usap sa phone. Dahil busy nga sa phone, hindi siya makahanap ng tiyempo para kausapin ito. Naupo na lang siya sa bakanteng silya hanggang may umupo sa harapan niya. Napaangat siya ng ulo para tanawin ang umupo. "Fancy seeing you again, Reems." Pambihira, kung kailan gusto na niya ng katahimikan, saka naman sumulpot ang isang panggulo ng buhay niya. "Okay naman. Humihinga pa," mataray na sabi niya saka umiwas ng tingin. "I'm not okay. I still miss you. At kung hahayaan mo, manliligaw akong muli." "Anyway, sino ba ang naglagay ng pangalang Williard Alejandre sa invitation? Hindi ko alam na invited ka pala." "I'm not included in the list. Kaibigan ko lang ang isa sa chef dito sa reception ng kasal ng kapatid mo." Tumayo na siya at hindi na pinansin ang paliwanag nito. Kinuha niya ang champagne at binalak na sa garden na lang iinom. "Good," mahinang usal niya. Naglakad ito papunta sa kanya at may tangan ding alak. "Alam mo namang sinisiraan lang nila ako. Hindi totoo ang lahat." "Talaga? Eh ba't ka umalis sa kompanya?" "Please.. give me a chance. I promise, hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikagagalit at ikasasama ng loob mo." "Oh, talaga ba?" Bumalik sa mesa si Reema at hinatak ang isang brandy saka tinungga. "M-May problema ka ba? I can be a listener and a good friend." "J.M.Y.O.B." Na ang ibig sabihin ay Just Mind Your Own Business. "Anong JMYOB?" "Kapag nalaman mo ang sagot, saka kita hahayaang manligaw uli." "Okay. Call." Shit na malagkit 'yan! Mali pa yata siya ng pinahulaan, masyadong madali. Baka mahulaan nito. Muli niyang tinungga ang bote ng alak na hindi na gumagamit ng baso. NAHIHILO na nga talaga siya sa nainom dahil nakikita na niya ang mukha ni Hans sa kausap na si Williard, her ex manliligaw na muling bumabalik. Marahil ay nabasted ito sa iba nitong nililigawan kaya sa kanya naman bumabalik. "Alam mo Williard, okay ka sana kung pasado ka lang sa 'kin eh. Kaso, may iba na akong napupusuan. Bilib ako sa 'yo kasi ang tapang-tapang mo. May kapal ka ng mukha at lakas ng loob na sabihin sa akin na gusto ako, samantalang siya. Hindi ko pa rin alam kung anong trip niya sa buhay," daing niya sa kaharap habang nakaupo na sila sa bench. "Gusto mo ba siya?" "Hindi ko na rin alam. Dahil gulong-gulo na ako sa kanya. Paasa kasi siya. Ang mga katulad niyang lalaki ay paasa. Tapos kaming girls ang sasabihing paasa. Walang aasang babae kung walang paasang lalaki, tandaan mo 'yan." "Lasing ka na nga, napakadaldal mo na." "Dati na akong madaldal, depende lang sa mood ko." Tumayo na si Reema at kamuntik pang mawalan ng balanse, salamat sa kausap niyang si Williard na kamukha ni Hans at naalalayan ang baywang niya para saluhin. Pero hindi lang pala katawan niya ang sinalo nito kundi pati na rin ang labi niya nang ilapit nito ang sariling mukha at halikan siya. Bakit pareho silang humalik ni Hans? Bakit ramdam niyang si Hans ang kasama niya ngayon at hindi si Williard? Lasing na ba talaga siya at kung anu-ano na ang nakikita niya? Pinaglalaruan yata siya ng alak, isama pa ang puso't-isip niya na gustong-gusto ang nangyayari at hindi man lang tumututol sa nangyayari. Hindi na alam ni Reema kung saan na siya nakarating dahil sa labis na hilong inabot niya. Nahihilo na nga siya sa alak, nahihilo pa siya sa halik na dala nito. Lintik na 'yan! Nagising na lang si Reema na wala na siyang damit, nakasuot na lang siya ng mga panloob, habang nakabalot ng kumot. Nang ipalibot ang sariling mga mata, natiyak niyang naroon siya sa sarili niyang kwarto. Napabalikwas siya ng bangon. "s**t! Lintik, na-r**e yata ako ng Williard na 'yon." Agad siyang tumayo at inayos ang pagkabalot ng kumot sa sarili. Lumabas siya ng kwarto at hinagilap si Williard. Natagpuan niya si Williard na nagluluto ng kung ano at nakatalikod sa kanya. "Hoy, Williard! May ginawa ka ba sa akin kagabi?" Tila huminto ang paligid niya nang lingunin siya ng tinawag niyang Williard. Nalaglag ang panga niya, kasunod na nalaglag ang kumot na nakabalot sa katawan niya. "Are you expecting him in your house?" simpleng tanong nito na hindi yata pinansin ang nakaharang sa mata nito na kahubaran niya. "Anyway, you have a nice body." Doon lang siya natauhan at agad dinampot ang kumot. "Hayop kang Hans ka! Anong ginawa mo sa akin kagabi? Bakit masakit ang katawan ko?" Binuhat nito ang niluto at nilapag sa mesa saka siya tiningnan. "Bakit sa akin mo tinatanong? Why ask your Williard?" "My what? Sinong Williard?" "Your boyfriend." "Ano?" naguguluhang tanong niya na litong-lito na sa nangyari. "Pwede ba! Sigurado akong hindi ako gaanong lasing kagabi. Nang makita mo kaming nag-uusap ni Williard, sumingit ka. Sigurado akong tinakot mo pa siya dahil akala mo boyfriend ko siya. At ikaw na ang kausap ko, sa pagkakatanda ko pa, hinalikan mo ako at dinala rito sa sarili kong bahay para nga naman magawa mo na ang gusto mo dahil hindi ako tututol dahil lasing ako." "Writer ka nga," sabi lang nito na nakapangalumbaba pa sa kanya. "So, tama ako?" "Sigurado akong gutom lang 'yan. Tara. Let's eat bago lumamig." "Ano? Pakakainin mo ako na ganito ang ayos ko?" "Maaliwalas naman sa paningin ko, basta sa paningin ko lang kaya okay lang. Nabusog na nga-Ouch! What's that for?" biglang tanong nito nang ibato niya ang nahagip na picture frame at tumama sa balikat nito. "p*****t ka talaga! Aminin mo na lang na may ginawa ka nga sa akin kagabi!" "Kahit naman sabihin ko sa 'yo. I'm sure pagpipilitan mo pa rin na may ginawa ako sa' yo." "Just tell me the truth then let's end this." Inayos niya ang ang kumot at itinali sa leeg at sa bewang nang hindi na malaglag pa sa mga susunod na sasabihin nito. Lumapit siya kay Hans at kinuha ang kamay nito. "Iyan na ang singsing mo para wala na akong utang sa 'yo." Tinanggap naman ni Hans ang singsing at ibinulsa saka siya hinarap. "Makakain na ba tayo? I'm hungry." Patay-malisya pa rin ito na parang wala lang ang mga sinabi niya at ginawa. "Sabihin mo muna sa akin kung may nangyari sa atin o wala." "Hindi ko rin maalala." Sinagad yata nito ang naiwan niyang pasensiya. Mukhang pasensiya na ang kailangan niyang pakyawin sa tindahan ngayon. Sinasagad na ng gwapong bayawak na ito ang pasensiyang mayroon siya o pinaglalaruan siya nito at talagang malakas ang saltik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD