HANS 13

1689 Words
MAG-DADALAWANG oras na sa banyo si Reema para mag-ayos ng sarili, excited siya para sa nais ni Hans. Gustong-gusto na kasi niyang matuldukan ang lahat ng mga katanungan niya. Nais niyang magkaroon ng malinaw na relasyon sa kanilang dalawa ni Hans. Alasais pa naman ng gabi siya dadaanan ni Hans, pero alas tres pa lang ng hapon ay nakahanda na lahat ng bagahe niya gaya ng napag-usapan nila. Halos ipaligo na rin niya ang pabango sa buo niyang katawan. Nakabihis na siya nang mag-ring ang cellphone niya. Si Doktora Navaretez ang schoolmate ni Reema ang nasa linya. Ito ang kasalukuyan niyang Doktor tungkol sa kanyang matris. "Wrong timing ka naman eh. Ano ba iyon? Ga'non? Hindi talaga pwedeng sa phone? O siya, sige, sige. Papunta na ako." Dahil ayaw ipasabi nito ang result ng kanyang PT o pregnancy test ay wala siyang nagawa kundi ang puntahan ang Clinic nito. "What's with my result, Olga?" excited na tanong niya sa Doktora. Napansin niyang malungkot ito kaya napalitan na rin ng lungkot ang ngiti sa kanyang labi. "It's been months when you change your Doctor and submitted to me all your test. Sinasabi mong ako na ang ikaapat mong opinion." "Olga, kahit pa ikaw ang ginawa kong pang-apat. I'm sure, I definitely trust you." "It's one percent chance to get you pregnant." Biglang nagtubig ang mga mata niya na bigla niyang kinahina at kinatamlay. "W-Wala na ba talagang pag-asa? G-Gamutan! Hindi na ba madadaan sa medication?" Umiling ang Doktora. "I'm just sticking on one percent, pero it's useless. Hindi ka na magkaaanak." Ipinakita nito ang video ng last check up niya. "Kaunti na lang ang survival rates ng egg cells." Napailing si Reema at sunod-sunod na luha na ang lumabas sa kanyang mata. "No! This is not real! Magkakaanak pa ako!" "You can do that by using an artificial insemination or surgical inplantation through another woman." "Y-You mean su-surrogate mother?" nanginginig ang labing tanong niya. "Unfortunately, yes. That is the only way having your own child and by adopting. It's either of the two." Napahagulgol na ng iyak si Reema. Kahit pala isangla na niya ang dignidad niya kay Hans, kahit tapakan na niya ang sariling pride at magmukhang tanga sa harapan nito ay balewala na rin palang lahat. Hindi na siya magkakaanak. Wala ng pag-asang may matawag siyang sarili niyang anak. Hindi na siya kumpleto bilang isang babae. Tumayo na si Dra. Olga Navaretez at umikot sa tabi niya para yakapin siya. "I'm sorry. You can hold the chance by praying. Malay mo magkaroon ng milagro." Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Paano pa magkakaroon ng milagro kung lahat ng pinuntahan niya ay iisa lang ang resultang tinutumbok? Hindi na siya magkakaroon ng chance na maging ina. Hindi niya magagawang maparamdam sa magiging anak niya kung paano siya magmahal. "Bakit? Bakit ako pa? Dahil ba over work at stress ako. Dahil ba napakasipag kong magtrabaho kaya ako pinarurusahan? Dahil ba ganito ako?" tanong niya habang nakatakip ang dalawang palad sa pisnging basang-basa sa luha. "Reema. Reema. enough. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. It's not your fault." "Olga.. Wala na. Wala ng kahit sinong lalaking tatanggap sa akin lalo na pag nalaman nilang wala akong kakayahang magbuntis. Hindi lang anak ang isyu rito, kundi ang p********e ko." "Shh.. just stay calm. Don't do anything, it might add you some stress." Nanghihinang tumayo si Reema habang akay siya ni Olga. Isinara muna nito ang clinic at walang nagawa kundi ang ihatid siya sa sarili niyang tinutuluyan. Pagdating sa bahay ay naabutan nito si Myra. "O, anong nangyari?" Napatakbo ito mula sa kusina. Narinig pa niyang may hinahabilin ang Doktora kay Myra. "Bakla, nakaalis na si Doktora. Okay ka lang ba?" Hindi na siya sumasagot. Hinang-hina siya at parang ayaw na niyang huminga sa nangyayari sa kanya. Kung kailan ipinaubaya na niya ang kanyang puri, kung kailan pumayag na siya sa set-up ni Hans. Ngayon pa? Ngayon pa talaga? Nang tanawin niya ang orasan ay pasado alas siete na. Dinukot niya ang phone, naka-silent iyon at maraming miss calls at text messages galing kay Hans. "Bakla, galing dito si Hans. Hindi ko alam kung saan ka nagpunta kaya sabi ko bumalik na lang siya." Kasalukuyang naghihiwa ng mga gulay si Myra nang lumapit siya at abutin ang matalim na kutsilyo. "Ay! Bakla, huwag 'yan. Shuta! Don't. Magagalit sa iyo si God." Wala ng nagawa si Myra kundi ang itali ang kaibigan. Dinala niya ito sa kwarto at balak sanang ikulong nang naisipan nitong si Hans ang abalahin para sa problema ng kaibigang si Reema. AGAD namang dumating si Hans nang banggitin lang nito ang pangalan ni Reema. "Where is she?" salubong na tanong ni Hans na bakas sa mukha ang pag-aalala. Sinamahan ni Myra si Hans patungo sa kwarto ni Reema. "Reema? Damn! What happened?" "M-May suicidal tendencies kasi siya kaya itinali ko muna. Natatakot akong baka maglaslas siya or saksakin ang sarili." "But why?" naguguluhan pang tanong nito na awang-awa sa hitsura niya. "Myra, kalagan mo ako iwanan mo muna kami ni Hans." Tumalima si Myra at sinunod ang sinabi niya. "Bakla, sorry ha," pagkasabi ay umalis na rin ito. "What is happening? Can you explain to me, nang maintindihan ko?" "We're done." "W-What?" "We f*ck and that's all. We're not committed and it's just a one night stand. Hindi na kita kailangan sa buhay ko." "How about the baby?" "There's no baby. I don't need to have pregnant. I'm fine with my life. You're free and I don't want to see your face anymore," matigas na sabi niya saka ito tinalikuran. Iniharap ni Hans si Reema. "I don't get it. Puwede bang ipaintindi mo sa akin?" "It's just a one sided love and I'm through. We're through. Okay na ako at masaya na ako sa buhay ko kahit walang anak o kahit walang lalaki sa buhay ko dahil hindi naman kita minahal. Hindi na kita.. gusto." Bigla siyang niyakap ni Hans. "Don't say that. Please like me again. Because I'm starting to like you and love you at the same time." Naitulak niya si Hans. "No! You're late. Nakalimutan na kita at nalusaw na ang feelings ko para sa 'yo." "I can wait. Ako naman ang maghihintay." "Lumabas ka na dahil wala ka ng hihintayin. Patay na ang Reema na nakilala mong nagmahal sa iyo." "Reema, please. Tell me. Anong nangyari? Bakit ka ba nagkakaganyan? Why sudden change of--" "Umalis ka na!" Pinilit niyang lalo pang patigasin ang kalooban. "Huwag ka ng magpapakita pa sa akin and don't dare waiting. 'Coz you might wait 'till death." "I will. Kahit ikamatay ko o kahit hanggang kabilang buhay. Hihintayin kita. I know I was wrong and I'm late. Because I was calculating my feelings. A new beginning is scarry. Pero handa na ako ngayon. Handa na akong magustuhan o kahit mahalin ka." Umiling si Reema at hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng pinipigilang mga luha sa kanyang mata. "You will no longer love me because of what I am. You deserved.. someone. Some who's more than capable of your so called like and love." Muli siyang niyakap ni Hans, nagpumiglas man siya ay hindi siya pinakawalan nito. "I'm not going to end this. If you're really afraid to tell me. I will do everything to know what's bothering you and why you ended like this. Hindi kita pakakawalan. You can kill me if you want to get rid of me. You can run but you can't hide. I'll make sure you'll ended in my hands." Tuluyan na niyang inilabas ang mga luhang wala na yatang balak tumigil. Kung kailan may pinagdadaanan siya, saka naman ito magiging romantic. Kung kailan nagda-drama siya saka naman ito nagsabi ng sariling ka-dramahan. Kung kailan napuno ang pag-asa niya saka naman ninakaw ang pag-asa niyang maging ina. Gusto niyang isigaw rito kung gaano rin niya ito kamahal. Pero tuwing maiisip niyang wala siyang kakayahang mag-buntis ay gumuguho ang lahat sa kanya. Wala siyang lakas ng loob na ipagtapat na kay Hans ang problema niya dahil alam niyang wala siyang mapapala. Walang lalaki ang tatanggap sa katulad niyang babae na hindi kayang magkaanak. Hindi siya tatanggapin ni Hans. Alam na niyang itatakwil lang siya ng binata. Unti-unti siyang nakaramdam ng antok hanggang nakatulog siya habang hindi nito binibitiwan ang kamay niya. Maga ang mga mata ni Reema nang magkamalay siya. Wala na roon si Hans, si Myra ang nabungaran niya. "Pumayag akong mag-stay ka na lang kay Hans. Baka hindi kita mabantayan at kung anu-ano na namang kalokohan ang magawa mo." "Myra.. sumusuko na ako. Ayaw ko ng mabuhay." "Ano ka ba naman? Huwag mo ngang sabihin iyan, hindi ka lang magkaka-baby, hindi sa may taning ang buhay mo. Iyong may taning nga umaasa pa rin at nagpapatuloy sa buhay kahit iyong may malubhang karamdaman." "I'm not one of them." "Huwag kang mag-alala, wala akong sinabi kay Hans. Tumutol ka man, si Hans na ang bahala sa iyo. May milagro pa. Try to tell it to Hans, I'm sure maiintindihan ka niya. I'm sure mamahalin at tatanggapin ka pa rin niya. Takot ka ngayon dahil masyado kang nega. Paano kung tanggapin ka naman niya? Paano kung mahalin ka pa rin niya? Don't stick to one sided, Reems. Habang may buhay may pag-asa. Seek God and He will find you, call him and he will listen. Sa iyo galing iyan." Muli na naman siyang napaiyak, hanggang lumapit na si Myra at niyakap na siya. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat, hindi na siya maghihirap. Malaman man ni Hans ang totoo, wala pa ring mababago na hindi na niya kayang magbuntis. It was all her fault, kung bakit kasi sobrang pinakaingatan pa niya ang Bataan at ini-stress ang sarili. Sana pala 'nong college siya o bagong graduate ay isinuko na agad niya nang sa ganoon ay may anak na siya ngayon at hindi na siya problemado sa anak. Kung sana.. kung sana talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD