HANS 12

1645 Words
NAGISING si Reema na nakayakap na siya sa malaking katawan ni Hans. Oh, how she love this man. Kung puwede nga lang niyang ipagsigawan kung gaano niya ito kamahal, ang kaso no committment and no attachment ang katulad ni Hans. Napakaimposibleng magpatali ito. Pero.. Sa kabila ng lahat ay parang ang saya-saya na niya. Napakagaan ng pakiramdam niya kahit na alam niyang isinuko na ni Reema ang matagal ng pinakaiingat-ingatan. Isinuko niyang walang pagdadalawang isip sa taong nais niyang mahalin habang buhay. Muli siyang pumikit. Nakailang rounds sila kagabi pero parang hindi niya maramdamang nasaktan siya o may masakit sa kanya. She enjoy every inch of it and she loves the way he moves, the way she might think he loves her. Naramdaman ni Reema ang masuyong haplos ng kamay ni Hans sa buhok niya na tila nagpapaantok sa kanya. Hanggang muli na naman siyang nakatulog. Ngunit sa pagtulog niya at muling pagmulat ng mga mata hindi na niya natagpuan sa tabi si Hans. Biglang bumigat ang pakiramdam niya. Oo nga pala, anak lang ang kailangan niya at wala silang magiging commitment. Parang isang linggong pag-ibig lang. Hindi na niya mapigilang mapaiyak. "Gago ka. Isang linggong pag-ibig talaga, Hans? Lunes nang i-reject mo ang gawa ko. Martes nang kumatok ka sa aking bahay. Miyerkules at pinapasok din kita, Huwebes nagtapat ako ng aking pag-ibig. Biyernes tayo'y nagka-ibigan at mainit na sandali. Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan at pagsapit ng Linggo, giliw ako'y iyong iniwan." Kinakanta pa niya habang sinasabay sa tono. Ganoon na nga ba talaga kabilis ang lahat? Na sa isang iglap lang ay nawala ring lahat. Siguro masyado na siyang ambisyosa at desperada kaya kahit nag-crossed the line na siya ay nagawa na niya. Napaupo siya at napaiyak habang nakayakap sa sariling hubad na katawan. "Ang tanga-tanga mo, Reema. Desperadang palaka!" Wala na siyang nagawa kundi ang humagulgol ng iyak. Nang tuyuin niya ang luha makalipas ang ilang oras na pag-iyak ay tumayo na rin siya. Hans is right, she was aching everywhere, specially her private part. Hoping that she might pregnant soon after what they did and what he did to her. Lumipas ang linggo na hindi na siya naka-receive ng kahit anong contacts kay Hans. Pinabayaan na lang ni Reema, otherwise hindi na rin naman big deal ang panahon ng millenials na ma-divirginized at makahanap ng mapapangasawa despite the fact na hindi na birhen ang babae. Sa panahon ngayon, wala ng halaga iyon sa lalaki at ganoon din naman sa mga babae. Kailangan na lang siguro ni Reema ay tigil-tigilan ang ilusyon niya na magpaanak kay Hans dahil nagmumukha lang siyang kawawa. A pathetic and desperate woman ready to do anything in sake of love. Nasa harapan siya ng salamin sa loob ng Restroom ng restaurant na iyon at ilang minuto ng nakatunghay lang sa kabuuhan ng mukha niya. It's almost a month at wala pa rin silang contacts ni Hans. Nalimutan na siguro nito ang napagkasunduan nila. Hanggang biglang nag-ring ang phone niya na ikinagulat niya. She was expecting it was Hans, but expectation really hurt you. A lot. Ang Mama niya ang tumatawag at sinabing nasa critical condition ang sister-in-law niya dahil sa panganganak. Agad siyang nagmadaling lumabas ng Rest room nang naglakad palapit sa kanya si Williard Alejandre ang biglang naging masugid niyang manliligaw. "Where are you going?" "In the hospital. Nasa critical condition ang sister-in-law ko." "Allow me, ihahatid na kita." Hindi na nakatutol pa si Reema lalo na dahil nasa life and death situation. Nakarating siya sa Ospital kung saan ay naabutan pa niyang nakatikim na ng suntok ang kapatid na si Romervan mula sa kanilang ama. "What am I going to do with you? Hindi kita pinalaking maging desperado para gawin iyon!" Ouch! Sapul na sapul siya mula sa sinabi ng kanyang ama sa kanyang kapatid. "Alam kong pinanagutan mo siya pero bakit kailangang humantong pa sa ganito?" Lumapit na si Reema sa ama. "Pa, ano bang nangyayari?" "Bakit hindi mo tanungin iyang hudas mong kapatid?" balik na tanong ng kanyang ama. "Romer, Reem, kayo na lang muna ang mag-usap. Ilalayo ko muna ang Papa ninyo." Napatango na lang si Reema matapos magpaalam sa kanila ang ina. "Ano ba talagang nangyayari Romervan? Bakit galit na galit si Papa? Anong ginawa mong kasalanan?" "Alam kong magagalit ka rin kaya huwag mo na lang itanong." Binatukan niya si Romervan. "Gago! Pa'no ko maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag? Alangang magalit ako na hindi ko man lang pinakinggan ang side mo. Ano ba iyon? Sabihin mo na lang." "Basta." "Isa, sabihin mo na." "'Wag na nga." "Dalawa, habang may pasensiya pa ako." "Wala--" "Pag ako nakatatatlo, makikita mo ang hinahanap mo." "I'm the father of her child," mabilis na sagot ng kapatid ni Reema na si Romervan. "A-Ano?" HALOS literal na sumayad ang panga ni Reema dahil sa rebelasyong sinabi ng kanyang kapatid. Hindi siya makapaniwalang mas malala pa pala ito kaysa sa ginawa niya. She almost hold her breath like Romervan was really r*ped his wife. That unbelievable revelation that has zero chance to forgive him. Imbis na awayin, saktan o pagsabihan ay tila lumambot na lang ang puso niya. Her anger was freeze at the moment until she hugs Romervan tight. "Everything will be fine." "Ano nang gagawin ko Ate? Tiyak ng magagalit sa akin si Marjie. She'll hate me for life and curse me to hell." Humiwalay siya ng yakap sa kapatid habang hindi namamalayang tumutulo na rin pala ang luha sa mga mata niya. "Shh! The least you can do is to ask forgiveness. Malambot ang puso ng babae at mabilis silang magpatawad. Kung mahal ka talaga ni Marjie, she'll forgive you, no matter what." "Paano kung.. kung.. kung hindi na siya.. magkamalay?" nanginginig na tanong ni Romervan. "No. 'Wag mong sabihin 'yan. Magiging ligtas siya, silang mag-ina. Lahat ng bagay may pag-asa, kumapit ka lang. Seek God and he will find you. Ask God and he will answer you." Napaupo ang kapatid niya at napasabunot sa sariling buhok. "Tama ka Ate, ang gago ko. Ang gago-gago ko. Tang*na!" "Just go and pray. I will pray too. Huwag kang mag-alala hindi niya tayo pababayaan." Nakinig naman sa kanya ang kapatid hanggang nawala na ito sa paningin niya. Ilang oras din siyang nanatili sa labas hanggang dumating na ang mga magulang nila at inanunsyong ligtas na ang asawa nitong si Marjie pati ang anak nito ngunit iyon nga lang ay hindi pa ito nagkakamalay. Kinausap na niya si Marjie na sa kabila ng ginawa ng kanyang kapatid ay siya na mismo ang humihingi ng kapatawaran para dito. Hindi tuloy niya mapigilang umiyak. Wala na nga siyang forever, pati pa ang kapatid ay mawawalan din ng forever. Nang dumating si Romervan ay nagpasya na rin siyang lumabas ng kwarto habang nauna na ang mga magulang niya at naroon sa nursery room para pagmasdan ang unang apo ng pamilya. Napaangat ng ulo si Reema nang makita ang pawis na pawis at hinihingal na si Hans. "Are you okay?" Saka pa nito ininspeksyon ang kabuuhan niya. "May nangyari ba sa iyo? Do you involve in an accident?" Bakit ba parang alalang-alala ito? Wala naman silang committment sa isa't-isa kaya bakit ganoon na lang ito kung maka-react? Bahagya siyang napipihan habang diretsong nakatingin sa mata ni Hans. "Reema? Something is wrong?" "Yes. You." "I just need to know if you're hurt." "Of course not. Hula ko, sinabi na naman 'nong Alfer na dinala ako sa Ospital?" "Half false." Kumunot ang noo niya. "I saw your Williard, sabi niya dinala ka raw niya sa Ospital." "Yes, it's true na dinala niya ako sa Ospital pero hindi dahil may sakit ako or naaksidente ako. It was because of my brother. His wife gave birth but she's in critical condition. Everything was fine now. Kung nag-aalala ka about me, then you don't have to. I'm alive and kicking." Bigla siyang niyakap ni Hans na lalong nagpalakas ng t***k ng puso niya. She's now smilling from ear to ear. "Thanks God, it wasn't you. Baka makapatay ako kung may nangyaring masama sa iyo." Humiwalay siya ng yakap kay Hans at nagtatanong ang mga matang tiningnan ito. "Don't ask why, what or how. 'Coz, I don't know either." Napatango na lang siya sa sinabi ni Hans kahit hindi naman niya naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Bakit ba pagdating kay Hans ay humihina ang sensory nerves niya at bumabagal mag-function ang utak niya? Dapat alam niya dahil writer siya, pero bakit pagdating kay Hans ay hirap na hirap siyang manghula? "Since, nakita mo namang okay ako. You can leave." "We need to clarify some things. Get your things pack at susunduin kita mamaya, understand?" Magtatanong pa sana siya nang bigla siyang patahimikin ni Hans ng mabilis na halik. Naiwan tuloy siyang tulala sa katatapos lang na eksena. Hanggang lumabas na si Romervan at sinabing nagkamalay na si Marjie. Ilang minuto rin ay dumating na ang Nurse, dala ang baby at ang doktor na susuri sa vitals ni Marjie. To make the ambiance alive, nag-anunsyo si Reema ng picture taking. "Oh, picture na. Dok, sama ka na rito! Bilis na! One. Two. Three. Smile.." sabik na sigaw ni Reema habang hawak ang cellphone. "Oh, isa pa. Wacky naman!" Everything was going smoothly fine. At sana sa ika-clarify ni Hans ay hindi siya masaktan dahil aasa na naman siya sa wala. Siguro dapat lang niyang ihanda na ang sarili at mag-expect na masasaktan siya, at least hindi masyadong baon ang hiwa kapag nasaktan siya sa anumang sasabihin ni Hans sa kanya. Hans was really a good driver dahil kayang-kaya siya nitong kontrolin. But she can't control her emotions yet, specially when Hans around her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD